BIFF ‘ENDANGERED SPECIES’ NA – MILITAR

biff12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ITINUTURING nang “endangered species” ng militar ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), kaya wala itong kinalaman sa mga nangyaring pagpapasabog sa Cotabato City at sa Maguindanao sa katatapos na eleksyon.

Ito ang sinabi ni Philippine Army 6th Infantry Division Commander  MGen. Cirilito Sobejana at idinagdag na binalak ng mga BIFF na manggulo bago pa man ang eleksyon subalit agad itong nahadlangan ng militar kung kaya hindi na ito nakapangulo pa sa mismong araw ng halalan.

Gayunman, minaliit lamang ni Sobejana ang mga naganap na pagsabog sa Cotabato City at Maguindano na ayon sa heneral ay isang uri lamang ng pambubulabog.

Politically motivated aniya ang mga pagsabog sa layuning takutin ang mga botante at mga kandidato na huwag nang magtungo sa mga voting centers para bumoto at ang mga bantay ng election paraphernalia.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI ARESTADO SA NASABAT NA 757 LIVE TARANTULA

TARA12

(NI FROILAN MORELLOS)

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Central Mail Exchange Center (CMEC) ang P310,900 halaga ng 757 piraso ng live tarantula mula sa Poland  na kinokonsiderang endangered species.

Ayon sa report na nakarating sa pamunuan ng Customs, ang 757 piraso ng live tarantulas ay idineklara bilang mga ‘collector items’, at nadiskubre ng mga taga Customs ang maliliit o smaller tarantulas ay itinago sa loob ng plastic tubes, habang ang malalaki ay nakalagay sa loob ng  plastic film.

Sinabi sa report na ang mga tinagurian endangered species ay itinago sa loob ng siyam  na karton ng  oatmeal at cookies, at naka- consign sa isang Jesse Camaro ng Caloocan City  at mula sa nagngangalang Wojciech Pakasz ng Poland.

Ayon kay NAIA Customs district collector Mimel Talusan agad na naaresto si Camaro, at sinampahan ng kaso sa Pasay City Prosecutors Office dahil sa paglabag ng RA 10863 o tinatawag na Customs Modernization and Tariff Act at RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Dagdag pa ni Talusan kakaharapin ni Camaro ang anim na buwan at isang araw na pagkakulong  hanggang isang taon , at pagmumultahin ng  P1,000 hanggang  P100,000 kapag kinatigan ng korte ang kanilang reklamo.

Ayon naman sa panig ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa NAIA, ang pagbenta, pangongolekta, hunting at possession ng wildlife ng walang permit ay ipinagbabawal ng batas.

 

Please follow and like us:
Read More