LIZA, NAMI-MISS ANG PAGSASAYAW NI QUEN

Liza Soberano-Enrique Gil-2
0

Katulad ng ibang magkasintahan ay normal na kina Liza Soberano at Enrique Gil na magkaroon ng tampuhan. Minsan ay sobrang babaw lamang umano ang dahilan nang hindi pagkakaunawaan ng dalawa ayon sa aktres. “I think the pettiest fight we had was me forcing him to do ASAP (Natin ‘To). Because of course Enrique is so busy and he’s tired, he doesn’t have time to rehearse. But sometimes nami-miss ko siyang makitang sumasayaw,” nakangiting kwento ni Liza.

Para sa aktres ay na kay Enrique na ang lahat ng mga katangian na kanyang hinahanap sa isang lalaki. Limang taon nang magkasintahan ngayon sina Liza at Enrique at napag-uusapan na rin paminsan-minsan ang tungkol sa kasal. “I’m proud that he’s very family-oriented. He’s a very good son to his mother, and a good brother to his siblings. And I’m proud that he works hard no matter how tired he gets,” pagbabahagi ng dalaga.

Samantala, napapanood tuwing gabi sa ABS-CBN ang teleseryeng Make It With You na pinagbibidahan nina Liza at Enrique. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin daw ng aktres na makagawa ng isang international film na posibleng maipalabas sa ibang bansa at maging sa buong mundo. “Now siguro if I would be given an opportunity to do a film, anything basta foreign. It could be in Korea, it could be in Japan, it could be in America, anything foreign to the Philippines. Just because I want to see how people work. I want to see the difference between filming in the Philippines with Filipino production, and filming with foreign production,” paliwanag ng aktres.

With reports from J.C.C.    (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Read More

LIZQUEN HINDI HALATANG MAGKAAWAY SA MGA EKSENA NG BAGONG SERYE

0

(NI BOY ABUNDA)

NGAYON pa lamang ay mainit nang pinag-uusapan ang teaser ng teleseryeng Make It With You na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Kapansin-pansin ang bagong look at pagiging daring ng magkasintahan sa mga eksenang tiyak na kakikiligan ng mga tagahanga. “Hindi lang kiss, joke lang! It’s more mature and daring pero not to the point na it’s out of our brand. Yes, meron namang intimate pero not as much as we think. Kayo na lang po bahala intindihin kung ano nangyayari sa scenes,” nakangiting pahayag ni Liza.

May ilang pagkakataon na mayroong tampuhan o pinagtatalunan ang magkasintahan sa totoong buhay habang nagte-taping pero hindi naman daw ito nahahalata sa mga eksenang ginagawa. “I noticed about us when we fight before taking a scene, when we fight we don’t yell. Parang may konting away lang pero when we exit the tent, we’re not Enrique and Liza anymore. Kilig-kilig scene and then later, we were fighting pala. Diyan niya ako parati nakukuha eh,” kwento ng aktres.

Ayon naman kay Enrique ay mahalaga ang timing sa isang lalaki lalo na kapag gumagawa sila ni Liza ng kissing scenes. Aminado ang aktor na talagang may mga pagkakaton na kabado siya sa tuwing hahalikan ang kasintahan. “Kasi nga may timing ang lalake tapos ayun na. Kasi dapat maganda ang timing. Hindi naman basta-basta,” giit ni Enrique.

Sa Croatia pa kinunan ang ilan sa mahahalagang eksena para sa Make It With You na mapapanood na sa pagpasok ng 2020. With reports from J.C.C.     

 

Read More

LIZA LUMIPAD PA-CALIFORNIA PARA SA BLACKPINK

0

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

LIZA SOBERANO flew all the way to California para makita ang hinahangaan o mas tamang sabihing kinababaliwan niyang popular Korean girl group na Blackpink, who performed on the first day of the three-day event sa Coachella Valley Music and Arts Festival held for over two weekends in Indio, California.

Liza said, “I only went to coachella for @blackpinkofficial period” sa post niya sa Instagram. Ang nasabing festival is known for its guests dressing fashionably for three straight days as they dance and sing to the artists set to perform at the event.

Kasama ni Liza ang kanyang brother na si Justin, boyfriend na si Enrique Gil, the latter’s sister Andi, and their friend EJ Nacion. Aside from  Liza, another Filipina who also attended the music and arts festival was Kelsey Merritt na kagagaling lang ng Pinas where she and her boyfriend Conor Dwyer visited popular beaches.

But unlike other celebrities na talaga namang nag-i-effort to dress fashionably para sa nasabing event, Liza chose to wear loose pants, simple blouse layering with jewelries and a pair of stylish sneakers. Simple yet Liza looks stunningly beautiful even with very light make-up. Love talaga siya ng boyfriend na si Enrique dahil lagi itong nakasuporta sa mga trip niyang gawin at makakapagpasaya sa kanya.

ILONG NI LT NAMAGA DAHIL SA ‘PROBINSYANO’ PROSTHETICS

BALIK-primetime si Lorna Tolentino via “FPJ’s Ang Probinsyano.” Mahalaga ang papel na ginagampanan ni LT bilang Lily Ann Cortez sa toprating teleserye ni Coco Martin kaya ang dating one-month taping ay mukhang tatagal pa. Kaya marami ang nagulat na muntik na raw siyang maospital dahil sa prosthetics na inilagay sa kanyang mukha sa taping.

Kailangan niya kasing magpanggap ng iba’t ibang karakter para hindi siya makilalang si Lily. May eksenang kailangang takpan ang nunal niya, kaya pinakapalan daw ang labi niya at tinakpan ang nunal.

Walang ideya si Lorna kung ano ang chemicals na ginamit at natural daw na masisinghot niya ‘yung gamot o chemical na ginamit. Habang patuloy ang taping nila ay  may nararamdaman na siyang sakit at nagka-nose drip siya.

Kinabukasan, namaga na raw ang ilong niya kaya pinadoktor niya agad. Sabi ng doktor, mabuti at naagapan dahil kung pinatagal niya pa ay posibleng magka-infection iyun at umakyat daw sa brain niya.

Hindi na ipinayo ng doktor na magpa-confine siya although tuloy pa rin ang pag-inom niya ng mga niresetang gamot dahil hindi raw siya puwedeng um-absent sa taping at marami pa siyang mga eksenang kailangang kunan bago magbakasyon para sa Semana Santa.

Tiyak na makakasagupa niya sa mga susunod na episodes sina Rey Malonzo, Raymart Santiago at Cogie Domingo na gumaganap na mga high-ranking police officials.

 

 

Read More

ENRIQUE MAMAMANHIKAN NA BA SA PAMILYA NI LIZA?

enrique gil-liza soberano
0

(By LOURDES C. FABIAN)

TRENDING topic sa social media ang “immersion” na ginawa ni Liza Soberano sa UP Diliman recently.

Paghahanda ito sa romantic mature movie na gagawin nila ni Enrique Gil na ididirek ng hugot director na si Antoinette Jadaone.

Kinailangang mag-disguise si Liza habang nasa UP, pero eventually ay pinagkaguluhan din nang may makakilala sa kanya.

Isang art student ang gagampanang role ni Liza sa movie, samantalang si Enrique ay sa ibang school pumapasok.

Ang upcoming LizQuen movie ay produced ng Black Sheep,  isang subsidiary ng ABS-CBN Films.

Si Enrique naman, aminadong nagkaroon ng konting takot, subalit masaya ang naging experience niya sa isang public hospital nang mag-immersion siya.

May nadinig kaming chika na hindi raw pinayagan si Enrique na sa UP mag-immerse dahil sa look nitong richy-richy at sosyal na aura.

Parang hindi raw convincing na matawag na UP student ang guwapong aktor. Kaya, sa ibang university siya nag-immerse.

Balita ko, pang-Valentine 2019 film offering na ito ng Star Cinema.

Pagkatapos nito, magkasamang magbabakasyon ang dalawa sa U.S. ngayong darating na kapaskuhan.

Ito ang dahilan, kaya may mga nang-iintrigang baka mamamanhikan na si Enrique sa pamilya ni Liza since kasama rin nila ang mommy niya.

Sa side ng family ni Liza pupunta ang dalawa.

Ngunit, kaagad namang itinanggi ni Enrique ang ganitong haka-haka dahil ang totoong tason ay mamamasyal  lang daw sila ni Liza.

Pupunta sila sa L.A., Tahoe at Reno, Nevada. Kasama rin sa papasyalan nila ang Hawaii.

Read More