DISTRIBUTORS NG ‘ALCOPOPS’  IPATATAWAG SA SENADO

alcopo

(NI NOEL ABUEL)

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Pia S. Cayetano sa ibinebentang flavored alcoholic drinks na tinatawag na “alcopops” na maaaring mabili ng mga kabataan.

Ayon sa senador, pagpapaliwanagin nito ang distributors at sellers ng nasabing flavored alcoholic dahil sa unethical at illegal marketing schemes na ginagamit nito para maengganyo ang mga kabataang bumili ng kanilang produkto.

“I was very bothered when I found out about it. It’s packaged in a very colorful packaging that is very attractive to kids,” ani Cayetano.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Ways and Means Committee, ipinakita ng Department of Finance (DOF) ang natitirang tax packages sa ilalim ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) kung saan daragdagan ang singil sa excise tax sa lahat ng alcohol products.

Partikular na ikinabahala ng senador ang patuloy na pagdami umano ng bilang ng mga tao na bumibili ng ‘alcopops’.

Sa datos umano ng DOF, aabot sa P69 milyon ang ginastos ng mga Filipino sa ‘alcopops’ noong 2018, na halos doble sa P30 milyon nakonsumo noong 2017.

Inihalimbawa pa ni Cayetano ang isang brand ng alcopops na ibinebenta sa halagang P25 kada 200 ml pack na naglalaman ng alcohol content na 7 percent.

Nababahala ang senador na maging ang mga kabataan ay maaaring makabili nito dahil sa nakikita ito sa mga groceries at nabebenta rin sa online.

Kinalampag ng senador ang Food and Drug Administration (FDA) para alisin sa merkado ang nasabing inumin.

“We’re trying to sell a product that has 7 percent alcohol and is packaged to make it very attractive to children. It is unethical and unlawful,” giit nito.

 

Please follow and like us:
Read More

GLUTA NA HINDI APRUB SA FDA IKINABAHALA NG SOLON

fda45

(NI BERNARD TAGUINOD)

NABABAHALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos mapaulat na may mga gluta o pampapaputi ang hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

“Many gluta products not approved by FDA?,” manghang pahayag ni Quezon City Rep. Alfred Vargas matapos kumpirmahin ng FDA na may mga nag-aalok umano ng injectable glutathione at Vitamin C product na hindi nila aprubado.

Dahil dito, hiniling ni Vargas sa FDA, kasama na ang ibang ahensya ng gobyerno na magtulungan upang masupil ang mga ganitong uri ng mga produkto na hindi pa pinapayagang gamitin subalit inaalok na sa mga tao.

Kailangang aniya itong madaliin lalo na’t parami nang parami umano ang mga taong gumagamit ng glutathione para pumuti ang kanilang balat.

“A continuous demand for whitening products among Filipinos should equate to FDA issuing an immediate approval that they are safe and effective for consumption. Public health must be given utmost importance,” ani Vargas.

Base sa mga report, ang mga nagtuturok ng glutathione na hindi aprubado ng FDA ay mapanganib sa kalusugan ng mga tao dahil may negatibong epekto umano ito sa atay, kidney at nervous system at maaaring magkaroon din umano ng seryosong skin disorder.

Maging ang vitamin C na itinuturok umano sa katawan ay maaaring maging dahilan para magkaroon ng kidney stone lalo na kung ang gagamit nito ay acidic.

 

Please follow and like us:
Read More

FDA, DTI PABOR SA UKAY-UKAY

UKAY UKAY 12

(NI ROSE PULGAR)

KINOKONSIDERA ng Food and Drug Administration (FDA)  na walang panganib sa kalusugan ang mga ibinebentang ukay–ukay sa bansa sa kabila ng batas na ipinagbabawal ang importasyon at pagbebenta nito.

Ito rin ang pananaw ni Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez .

Ayon kay Lopez marahil ay panahon na para amyendahan ang batas ukol dito dahil bukod sa walang banta ng panganib sa kalusugan  ay tinatangkilik pa ito ng karamihan ng  mga mahihirap na kababayan.

Magugunitang noong 1966 pa ay may batas na nagbabawal sa importasyon ng mga segunda manong damit at kagamitan para ibenta.

Nakasaad sa Republic Act (RA) 4653 na delikado umano sa kalusugan ang mga segunda manong damit o ukay ukay.

Karamihan umano sa mga ibinebentang ukay- ukay ay mula sa Korea, Hongkong ,Thailand ,Japan at China na ipinapuslit papasok ng bansa.

Ayon naman kay DoH Usec Eric Domingo, hindi mapanganib sa kalusugan  ang segunda manong damit basta’t lalabhan lamang nang mabuti.

Samantala may nakabimbin nang panukalang batas para gawing legal ang pag-aangkat ng segunda manong mga damit na ibinebenta sa mga ukay-ukay.

 

Please follow and like us:
Read More

REKLAMO VS EX-FDA CHIEF IBINUNYAG NG PALASYO

puno12

(NI BETH JULIAN)

IBINUNYAG na ng Malacanang ang iba’t ibang reklamong tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay dating Food And Drug Administration director general Nela Charade Puno.

Sa pahayag ni Presidential Secretary Salvador Panelo, tinanggap na ng Pangulo ang isang liham mula  sa Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) kung saan nakasaad na pinapurihan ang pagsibak kay Puno.

“We fully support your resolute actions at the FDA, including the replacement of its director general, for us to effectively and efficiently conduct commerce that is consistent with your agenda of increasing competitiveness and ease of doing business to fuel human capital and economic development,” nakasaad sa liham ni PHAP executive director Teodoro Padilla kay Duterte na may petsang May 17.

“The President also wants to share to the public that he has received numerous, as in numerous complaints from doctors, including his own doctor about the former director general (Puno), and many complaints from other sectors,” pahayag ni Panelo.

Una nang pinabulaanan ni Puno na korapsyon ang dahilan ng kanyang pagkakatanggal at sinabing ito ay “clear attack” laban sa kanya.

Ayon kay Panelo, ang lahat ng dokumento ng Commission on Audit (CoA) ay ipapasa sa Department of Justice (DoJ) para ma-review at makapagsampa ng kaso laban kay Puno.

 

 

Please follow and like us:
Read More

FDA CHIEF PUNO SIBAK  SA ‘CORRUPTION’

puno12

(NI BETH JULIAN)

SIMULA na ng pagtupad sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na iisa-isahin nitong linisin ang mga sangay ng pamahalaan na ang mga nanunungkulan ay mga sangkot sa kurapsyon.

Ito ay matapos i-anunsyo Huwebes ng hapon ng Malacanang na anumang oras ngayon ay epektibo nang sibak sa serbisyo si Nela Charade Puno, ang Director General ng Food and Drugs Administration (FDA).

Personal na binasa ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang isang liham mula sa Office of the President na may lagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa media kung saan nakasaad na effective immediately  at tine-terminate na sa serbisyo si Puno.

Bagaman hindi detalyado, sinabi ni Panelo na may kaugnayan ito sa mandato ng Pangulo na burahin ang mga insidente ng graft and corruption sa gobyerno.

Gayunman, wala pa rin tinukoy si Panelo kung anong kaugnayan ng graft and corruption sa pagsibak kay Puno.

Ayon kay Panelo, ang aksyon ng Pangulo ay upang masiguro na aakto nang naaayon sa kanilang mga mandato ang mga opisyal. Hindi din tinukoy ni Panelo kung sino ang ipapalit kay Puno.

Inaatasan din si Puno na ibalik ang lahat ng mga dokumento at mga properties na isyu sa kanya sa Office of the Undersecretary for Health Regulation sa ilalim ng Department of Health (DoH).

Una nang nagpalabas ng anunsyo kamakailan ang Pangulo na marami itong sisibaking opisyal ng gobyerno na pawang sangkot sa kurapsyon.

 

Please follow and like us:
Read More

PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PLASTIC BALLOON

fda12

(NI ROSE PULGAR)

INABISUHAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko lalo na ang mga magulang na mag-ingat sa pagbili ng unnotified Toy and Child Care Article products, para sa kanilang mga anak.

Ayon sa FDA, kabilang dito ang mga sumusunod na pawang plastic balloons  J.H. Toy Lasting Friend Space Balloon, Magic Balloon, Zestar Plastic Balloon size 11 at  Zestar Plastic Balloon size 7.

Base sa isinagawang post-marketing surveillance activity ng FDA, lumabas na ang mga nabanggit na plastic balloons ay hindi dumaan sa tinatawag na notification process at hindi rin napagkalooban ng proper marketing authorization.

Alinsunod sa Republic Act No. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009,” mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya ang paggawa, importasyon, eksportasyon, pagtitinda o kahit promosyon ng mga nabanggit na unnotified Toy and Child Care Article products.

Binigyang-diin ng FDA na dahil ang mga ito ay walang certification at hindi nabigyan ng permit, hindi matitiyak ang kaligtasan nang sinumang gagamit nito, lalo na ang mga bata.

Kaya’t pinayuhan ng FDA ang publiko at mga magulang na iwasan makabili nang mga ganitong produkto para makaiwas sa disgrasya.

 

 

Please follow and like us:
Read More

TINABLA NG FDA; DENGVAXIA BANNED NA

deng19

(NI DAVE MEDINA)

TINULUYAN ng Food and Drug Administration (FDA)  na pawalang bisa ang certificate of product registration (CPR) ng  anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa Dengvaxia isinisisi ang mabilis na pagkawala ng tiwala ng publiko sa imunisasyon sa mga bata bunsod ng maraming insidente ng kamatayan sa libu-libong kabataang nainiksyunan noong panahon ng Aquino administrasyon

Sa naturang pagbawi ng rehistro ng Dengvaxia,, bawal na  ang importasyon, pagbebenta at pamamahagi kahit libre ang  naturang bakuna.

“Their failure to comply leaves us no other recourse but to impose the maximum penalty of revocation of the CPRs covering the Dengvaxia products ,” sabi ni  FDA Director General Nela Charade Puno.

Magugunitang lumikha ng maraming reaksyon, karamihan ay galit at takot sa masamang epekto umano ng Dengvaxia sa mga tinuturukang kabataan, ang nasabing bakuna.

Sa tala ng Department of Health (DoH) , bumagsak sa 40 porsyento mula sa dating 70 porsyento ng mga lugar ng mga nababakunahan sa buong kapuluan simula nang sumabog ang isyu ng kamatayang  may kinalaman sa Dengvaxia vaccine.

Kamakailan ay ipinagsampa na ng kaso sa hukuman ang ilang dating matataas na opisyal ng DoH kabilang ang kasalukuyang DoH Secretary Francisco Duque III.

Please follow and like us:
Read More

PEKENG ANTI-RABIES VACCINE KINUMPISKA NA NG FDA

fakedrug

TINIYAK ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DoH) na kukumpiskahin at ipatitigil ang distribusyon ng mga pekeng anti-rabies vaccine na Verorab vaccine.

“Ititigil naming ang distribusyon ng mga pekeng bakuna,” paniniyak ni Atty. Michelle Lapuz, director ng legal support service center ng FDA.

Sinabi ni Lapuz na nakatanggap sila ng reklamo mula sa Medical City sa Pasig City kung saan peke ang mga anti-rabies.

Inimbestigahan umano nila ang sample at napatunayang peke ang mga ito.

“Ang pinagmulan ng complaint from The Medical City. Inihain nila sa amin yung third party complaints. Nag-submit po sila ng samples ng produkto nito na pinaghihinalaan nila counterfeit,” sabi ni Lapuz.

Kinumpirma rin ng Market Authorization Holder na ang mga bakuna ay hindi rehistrado sa ilalim ng kanilang product line.

“Nakipagsangguni rin kami sa market authorization holder para i-verify kung counterfeit ang mga products na ito.

Nabatid din na ang vaccine samples ay peke at galing sa Pilipinas.

“Dito sa aming operation, ang source po talagang dito sa Philippines,” sabi pa nito.

Idinagdag ni Lapuz na hindi sila makapagbibigay ng kritikal na impormasyon hinggil sa imbestigasyon.

Tinanggal na rin ang mga stock ng anti-rabies vaccine sa Medical City.

Please follow and like us:
Read More

PEKENG INSECTICIDE KINUMPISKA

bfad

(NI DAVE MEDINA)

DAHIL walang permit mula sa Food and  Drugs Administration (FDA), sinakote ng inspection team ng  Bureau of Customs (BOC) ang bodega/pabrika ng isang fake insecticide  manufacturer sa Block 12, Lots 1-A at 1-B sa Global Aseana Business Park, San Simon, Pampanga.
Ayon sa BOC, nabigo ang mga manggagawa na magprisinta ng Certificate of Payment (CP) para sa mga imported na makina at mga raw materials, business permit at permit to operate, para gumawa ng mga pesticides na may pangalang BAOLLIAI.
Ang “BAOLILAI”, na isang household insecticide ay ipinagbawal na ng Food and Drug Administration (FDA) dahil naglalaman ng cypermethrin, isang uri ng bawal na  kemikal.
Ang may-ari na kinilalang si Andy Go ay wala sa lugar nang isagawa ang pagsalakay.
Nakakumpiska rin ng tinatayang 50 drum na puno ng kemikal na cypermethrin at polyaluminum chloride, packaging materials at 2,000 kahon na naglalaman ng mga finished product.

Please follow and like us:
Read More