BOC APEKTADO NG BULKANG TAAL

FLIGHTS CANCEL

Flights kanselado, kalakal naantala

(Ni JO CALIM)

MATAPOS magbuga ang nag-alburutong Bulkang Taal ng napakaraming abo na mapanganib sa mga eroplanong aalis at darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nagpalabas ng “Flight Advisory No. 2” ang Manila International Airport Authority (MIAA) noong Lunes, Enero 13, 2020.

Laman ng flight advisory No. 2 na ipinalabas bandang alas-2:30 ng hapon ang pagkansela ng mga biyahe ng iba’t ibang airlines na nakikisilong sa NAIA at sumasailalim ang ilang transaksiyon sa MIAA.

Ang mga nagkansela ng kanilang biyahe sa local flights ay ang Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia.

Habang nagkansela rin ng International Flights ang nasabing mga airlines kasama ang Cathay Pacific, Delta Airlines, Malaysian Airlines, Oman Air, China Southern Airlines, Nippon Airways, China Airlines at China Eastern Airlines.

Umabot sa 252 ang kabuang flights ng iba’t ibang airlines ang kinansela dahil sa mga abong ibinuga ng Bulkang Taal na nag-alburuto noong Linggo ng hapon.

Bunga ng kanselasyon ng mga flights, maraming pasahero ang naapektuhan.

Maging ang mga kalakal  na katulad ng  mga pasahero ay naantala rin kung kaya’t magiging malaking epekto ito sa ay naapektuhan lalo nainaasahan na magkakaroon ito ng mala­king epekto sa Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport.

Gayunman, positibo pa rin ang tingin ng Port of NAIA sa pangayayari at sinabi ng opisyales at tauhan ng nasabing port na dodoblehin nila ang sipag sa trabaho upang makabawi.

Read More