GABRIELA SA ‘RAPE VICTIM’ NI QUIBOLOY: ITULOY MO ANG KASO

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINIKAYAT ng grupo ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang biktima na ginahasa umano ng pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa kinatawan ng Gabriela Women’s Party sa Kamara na si Rep. Arlene Brosas, hindi pa umano kumpleto ang detalyeng natanggap nito hinggil sa rape case na isinampa ng isang 22-anyos na babae laban kay Quiboloy.

“Nevertheless the victim should pursue the case for justice. It’s only right to speak out lalo pa sa mga cases of rape and human trafficking,” pahayag ng lider ng mga kababaihan sa Kamara.

Base sa mga report, taong 2014 kung saan 17 anyos pa lamang ang biktima ay ginahasa umano siya ni Quiboloy habang nagtatrabaho bilang miracle worker sa nasabing religious group.

Sinabi ni Brosas na karapatan ng biktima na maghanap ng katarungan na mangyayari lamang kung hindi nito iaatras ang kaso na isinampa nito sa Davao region.

Bukod kay Quiboloy ay 5 pang lider ng KJC ang kinasuhan ng biktima ng sexual abuse at forced labor na kinabibilangan nina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Pauline Canada, Ingrid Ca­nada at Sylvia Cemañes.

Dumistansya ang Palasyo sa rape case na isinampa kay Quiboloy na kilalang malapit na kaibigan at supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Read More

GABRIELA: LARO NI CHINESE PRES XI TUTULAN NA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

KAILANGAN umanong tumindig na ang mga Filipino, at tutulan ang laro ni Chinese President Xi Jinping na kontrolin ang mga pangunahing serbisyo publiko sa Pilipinas.

Panagawan ito ni Gabriela party-list Rep. Arlenes Brosas at gayahin umano ang ginawa ni Gat. Andres Bonifacio  na tumindig laban sa mga Kastila upang ipaglaban ang bansa.

“We are currently under Xi’s games aimed at capturing our power, water and telecom sectors,” ani Brosas lalo na’t mistulang ipinamimigay din umano ng gobyerno ang teritoryo ng bansa sa China lalo na sa West Philippine Sea.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil hawak ng China ang 40% sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at kaya umano ng mga ito na kontrolin ang kuryente sa Pilipinas anumang oras na gustuhin nila.

Maliban dito,  ang pagpayag ng gobyerno na makapasok sa communication industry sa Pilipinas sa pamamagitan Mislatel o Ditto Telecommunity  na nakatakdang mag-operate umano sa susunod na taon at sektor ng tubig  dahil sa itatayong Kaliwa Dam na poponondohan ng China.

“In short, hawak na tayong mga Pilipino sa leeg ng Tsina. It has the power to deny us of power and water supply if it wants to. This is a serious bastardization and outright reversal of what Bonifacio, Gabriela Silang and other freedom  fighters fought for,” ayon pa kay Brosas.

“The greatest way to honor and remember Bonifacio  is to reaffirm our commitment to fight foreign plunder of our resources and the complete erosion of our sovereignty by China and the US,” dagdag pa nito.

Ginunita ng bansa ang ika-156 kaarawan ni Bonifacio Day nitong Sabado , Nobyembre 30.

 

Read More

ATENEO ‘DI TATANTANAN NG GABRIELA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI tatantanan ng Gabriela ang Ateneo de Manila University (AdMU) hangga’t hindi nila makakamit ang mga biktima ng sexual harassment na kagagawan umano ng ilan nilang opisyal.

Ito ang pahayag ng Gabriela Youth na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa mga kaso ng sexual harassment sa nasabing unibersidad na naging dahilan ng kilos protesta ng mga estudyante at faculty members.

“Gabriela Youth stands with the community of Ateneo De Manila University in its calls to end the culture of impunity and to demand action from its administration,” ayon sa nasabing grupo.

Magugunita na idinaan ng mga biktima sa social media ang kanilang naranasang pang-abusong sexual sa  ilang opisyales ng unibersidad subalit malambot ang pagtugon umano ng AdMU.

Dahil dito, nagsagawa ng kilos protesta ang mga estudyante at faculty members ng AdMU na sinuportahan ng Gabriela Womens Party at hindi umano nila hahayaan na makalimutan na lamang ito.

“When institutions coddle and protect sexual abusers, it leaves its members vulnerable to a cycle of abuse kept in place by institutional impunity. This must end – not through slaps on the wrist or corrective actions that do nothing to address the root of the problem – but through direct, preventive actions from the administration that will put protective measures in place,” ayon pa sa Gabriela Youth.

Nagbabala naman si Brosas sa mga opisyales, hindi lamang ng AdMU, kundi lahat ng unibersidad sa bansa  na masasangkot sa sexual harassment na mahaharap ang mga ito sa mabigat na parusa dahil sa Republic Act (RA) 11313 o “Safe Streets and Public Spaces Act”  na mas kilala sa tawag na anti-bastos law at  Bawal Bastos Law.

Ipinaalala ni Brosas na bukod sa mga kulong ay pagmumultahin din ang mga sangkot sa sexual harassment sa mga educational institution ng mula P100,000 hanggang P500,000.

Napirmahan na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas at inaasahang iimplementa na ito matapos ang 15 araw.

 

Read More

MOCHA WALANG DELICADEZA – GABRIELA

0

(NI ABBY MENDOZA)

“WALANG delikadeza si Mocha!”

Ito ang inihayag ni Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas matapos umanong tanggapin ni Mocha Uson ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong posisyon gayong nasa batas ang isang taon na pag-ban sa mga talunang politiko na umupo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Kasabay nito, suportado ni Brosas ang pagbabawal sa pagtatalaga sa gobyerno ng mga talunang partylist nominees isang taon matapos ang eleksyon.

Ayon kay Brosas dapat sakop ng ban hindi lamang ang mga political candidates kundi maging mga partylist nominees.

Tinuran nito ang kaso ni dating PCOO Asst Secretary Mocha Uson na itinalaga agad bilang Deputy Executive Director Overseas Workers Welfare Administration gayong first nominee ito ng  AA-Kasosyo Partylist na hindi nakalusot noong 2017 midterm election.

Aniya sa kaso ni Uson ay malinaw na ginamit ang kapangyarihan ng ehekutibo para sa pamumulitika at naging daan pa ito para makapasok sa pamahalaan ang mga indibidwal na sumisipsip at tumatalima sa kagustuhan ng presidente.

Ani Brosas wala ding delicadeza si Uson nang agad na humingi at tinangap ang posisyon sa OWWA kahit wala pang 1 taon.

Una nang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na kanyang ipanunukala na isama sa 1 year ban ang mga natalong nominees sa partylist groups at hindi lamang sakop ang mga political candidates.

“Unsuccessful party list nominees should be treated like other losing candidates who are covered by a yearlong ban on being appointed to political office. They should not be a favored class because they are not a protected class,” nauna nang pahayag ni Guanzon.

 

Read More

P1.79-B ‘HANGING PORK’ NG DPWH NASILIP SA KAMARA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG dati ay pina-park (parking) ang pork barrel, ngayon ay mayroon nang tinatawag na ‘hanging pork’ na nagkakahalaga umano ng P1.79 Billion  sa budget ng Department of Public Works and Highway (DPWH).

Natuklasan ito ng Mabakayan bloc sa Kamara nang busisiin ang  P533, 496,624,000 budget ng DPWH sa susunod na taon kasabay ng pagsisimula ng debate sa plenaryo sa Kamara sa P4.1 Trillion pondo ng gobyerno.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, idineklara ng DPWH na P183,859,666,000 ang regional allocation para sa mga proyektong gagawin sa susunod na taon sa mga lahat ng rehiyon sa bansa.

Gayunman, nang sumahin ang halagang inilaan sa bawat rehiyon, lumalabas na umaabot ito sa P185, 653, 922,000 o may discrepancy na P1.79 Billion.

“This P1.79 billion ‘hanging pork’ could’ve been enough to build public hospitals, schools, and decent housing for the poor. But the DBM left it without any item under DPWH at the pleasure of the agency,” ani Brosas.

Dahil dito, humihingi ng paliwanag si Brosas sa DPWH kung saan gagamitin ang sobrang P1.79 Billion at kung sino ang makikinabang sa halagang ito dahil pera ito ng taumbayan kaya karapatan nilang malaman kung saan gagamitin ang kanilang buwis.

Naniniwala rin ang mambabatas na posibleng ito rin ang dahilan kung bakit winithdraw ang House Bill (HB) 4228 o General Appropriations Bill (GAB) noong nakaraang linggo subalit matapos ang pag-uusap ng liderato ng Kamara ay binawi ang iniatras na panukala.

“As the House of Representatives moves forward to the budget plenary debates, we call on the public to be more vigilant in keepin an eye on the persistence of pork barrel funds in various forms in the national budget,” ayon pa sa mambabatas.

 

Read More

FARMERS UUNLAD SA RICE TARIFF LAW? ILUSYON! — SOLON

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAUWI sa ‘ilusyon’ ang layon ng Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law na mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka dahil ito ang naging dahilan kung bakit lalong nabaon sa kahirapan ang mga magsasaka.

Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa kanyang privilege speech kaugnay ng naging bagong  kalagayan ng mga magsasaka sa bansa dahil sa nasabing batas.

“Unang-una sa lahat, nais ng kinatawang ito na basagin ang pag-iilusyon ng gobyerno na ang Rice Tariffication Law ay nakakatulong at para sa mga magsasaka. Sa mga barangay pa nga lamang ng Nueva Ecija na Brgy. Sta. Maria at Brgy. San Juan, pinakamahal na palay na ang P8 kada kilo,” ani Brosas.

Sa Tarlac naman aniya ay normal na umano ang P7 kada kilo na presyo ng palay habang sa Pampanga ay naglalaro naman sa P9 hanggang P11.

Napakalayo aniya ito sa P22 hanggang P23 kada kilo na presyo ng palay bago ipatupad ang nasabing batas noong Marso 2019 kaya luging-lugi na umano ang mga magsasaka.

Dahil dito, imbes na matulungan aniya ang mga magsasaka na makaahon sa kahirapan ay lalong nalugmok ang mga ito sa kahirapan at nabaon pa ang mga ito sa utang.

“Nitong Agosto, nakaraang buwan nga lamang, may nagpakamatay nang magsasaka sa San Jose, Nueva Ecija dahil nalugi, nabaon sa utang buhat ng sobrang babang bentahan ng palay! Tapos ang solusyon ng DA ay pautangin pa silang muli?!,” ani Brosas.

Nangangamba din ang mambabatas na tuluyang abandonahin ng mga magsasaka ang kanilang pagtatanim ng palay dahil sa batas na ito na kapag nangyari anya ay mas malaking problema dahil hindi na mangyayari ang pangarap ng Pilipinas na maging self-suficient sa pagkain.

Dahil dito, inilarawan ng mambabatas na ilusyon lang ang pangako ng nasabing batas na iaangat ang buhay ng mga magsasaka dahil lalong nawalan umano ang mga ito ng laban sa mga imported na bigas na inaangkat ng mga rice traders sa Vietnam at Thailand.

 

Read More

2.2-M METRIC TONS NG IMPORTED RICE, NAGLAHO

rice66
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINAHANAP na ng mga militanteng grupo ang may 2.2 milyong metric tons na bigas na iniangkat simula noong Marso hanggang Hulyo 2019 dahil hindi umano naibaba ito sa mga karaning consumers.

Sa forum na inorganisa ng Gabriela party-list group, ngayong Miyerkoles sa Kamara, sinabi ni dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na simula nang ipatupad ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law ay umaabot na sa 2.2 Million metric tons ang iniangkat ng mga local rice importers.

Gayunpaman, sinabi ng mambabatas na tila nawawala ito  base aniya ng presyo ng bigas ngayon sa merkado kung saan naglalaro sa P35 kada kilo gayung dapat P30 na lamang ito.

“Dapat P30 per kilo na lang ang presyuhan ng bigas pero P35 pataas pa rin ang presyo,” ani Casilao sa Saksi Ngayon.

Indikasyon aniya ito na hindi napakiakinabangan ng mga consumers ang nasabing batas at hindi natupad ang pangako na bababa ang presyo ng pangunahing pagkain ng mga Filipino.

“Kaya hinahanap namin kung saan dinala ang mga bigas na yan. Dapat napunta yan sa mga mahihirap na consumers dahil yan ang ipinangako nila sa batas na ‘yan,” ayon pa sa dating mambabatas.

Magugunita na sinimulang iimplementa ang batas noong Marso 2019 kung saan maaaring mag-angkat ng bigas ang mga importers ng bigas sa ibang bansa nang walang limitasyon.

Dahil sa nasabing batas aniya, maraming magsasaka ang nalugi dahil ibinebenta ng mga ito sa P10 pababa ang kanilang palay dahil sa pagbaha ng imported rice sa bansa.

“Lugi na ang magsasaka natin, lugi pa ang mga consumers,” ayon pa kay Casilao sa nasabing forum na pinamumunuan ni Rep. Arlene Brosas.

 

Read More

HAMON NG CONSUMERS: KAYO ANG UMINOM NG TUBIG SA GRIPO

maynilad33
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

UPANG patunayan na ligtas inumin ang malabong tubig na mahinang tumutulo sa gripo, hinamon ng Gabriela ang mga opisyales ng Maynilad at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na sila muna ang uminom dito.

Ginawa ni Gabriela party-list group na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas ang hamon sa Maynilad at MWSS matapos sabihin umano ng mga ito na ligtas inumin ang tubig sa gitna ng reklamo ng mga consumers na malabo ang tumutulo sa kanilang gripo.

“Perhaps Maynilad and MWSS should demonstrate their claim. Inumin nila ang tubig sa gripo kung talagang safe ito, kahit sa unang tingin ay mukhang malabnaw na iced tea ito,” ani Jang Monte-Hernandez, secretary general ng Gabriela.

Unang sinabi ni dating Rep. Emmi de Jesus na maraming consumers sa Quezon City ang nagkakasakit na sa tiyan dahil sa umano sa maruming tubig na tumutulo sa kanilang grupo.

Patuloy umano na nakakatanggap ang grupo ng report mula sa mga consumers na nagka-diarrhea dahil sa pag-inom ng tubig sa gripo subalit pinapalabas umano ng MWSS na safe o ligtas itong inumin.

“Pineperwisyo na nga ang libu-libong mga nanay, niloloko pa tayo,” ani Monte-Hernandez kaya hindi umano dapat maningil ang Maynilad ng bayad sa mga apektadong consumers.

Hindi aniya kaya ng mga mahihirap na pamilya na bumili ng commercial drinking water kaya sinasala na lamang ng mga ito ang tubig sa kanilang gripo upang mainom.

“Ang problema, delikado pa rin ito at nagiging sanhi pa ng pananakit ng tiyan ng ilang mga customer ng Maynilad. Ito mismo ang manipestasyon ng kapalpakan ng pribatisasyon ng sebisyo sa tubig,” ayon kay Monte-Hernandez.

 

Read More

CONSUMERS NAGKAKASAKIT SA WATER CRISIS; ZERO BILLING IGINIIT 

gab12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGKAKASAKIT na umano ang ilang consumers sa Quezon City dahil sa maruming tubig na mahinang tumutulo sa kanilang gripo sa gitna umano ang artipisyal na krisis sa tubig.

Ito ang nabatid kay dating Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus na kabilang sa mga sumugod  sa Metropolitan Waterworks and Sewarage System (MWSS) office sa Balara, Quezon City nitong Lunes para igiit na huwag munang maningil ng bayad ang mga water concessionaires.

“This artificial water crisis is also affecting people’s health aside from causing huge inconvenience to households and small businesses. May ilang pamilya sa Quezon City ang nakaranas ng pananakit ng tiyan dahil sa maruming tubig,” ani De Jesus.

Hindi na idinetalye ng dating mambabatas kung saan sa Quezon City at alin sa concessionaires ang nagsusupply ng tubig sa mga nanakit ang tiyan dahil sa maruming tubig.

Naniniwala ang dating mambabatas na mistulang sinasadya ang krisis sa tubig upang magkaroon ng dahilan ang gobyerno na ituloy ang konstruksyon ng Kaliwa Dam sa Quezon na mapaminsala umano bukod sa kasama ito sa magbabaon sa utang sa Pilipinas sa China.

Unang nagkaroon ng krisis sa tubig noong Marso nang mawalan o  kaya humina  isinusupply ng Manila Water sa kanilang mga consumers at nang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay nagkaroon na rin ng problema ang mga consumers ng Maynilad.

“Hanggang ngayon ay marami pa ring mga pamilya ang nakakaranas ng kawalan ng tubig. Kung mayroon man silang supply, mahina naman ang pressure o di kaya’y marumi at mabaho ang tubig,” ani De Jesus.

Dahil dito, sinabi ni De Jesus na dapat huwag munang maningil ng bayad ang mga water concessionaires hangga’t hindi maibalik ng mga ito ang 24/7 na supply ng tubig.

“Kaya naman nararapat lang na ipatupad sa mga konsyumer ang ‘Zero Billing’ dahil sa ganitong palpak na serbisyo mula sa private concessionaires,” ayon pa sa dating mambabatas.

 

Read More