MANUEL, TRATTER PASOK SA GILAS

0

SINA Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska Aces ang ipapalit sa mga umatras na sina Christian Standhardinger at Mac Belo sa Gilas Pilipinas para sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Naging bahagi si Manuel ng national men’s basketball team sa 30th Southeast Asian Games na nanalo ng gintong medalya sa ilalim ni coach Tim Cone.

Si Tratter naman ay nakabilang sa Gilas sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers noong 2018.

Nauna nang kinuha ng Gilas si Justin Chua ng Phoenix Pulse, na ipinalit naman kay Japeth Aguilar na kasalukuyang nasa honeymoon pa.

Magsisimula ang first window ng qualifiers sa Pebrero 20 kung saan makakaharap ng Gilas ang Thailand, at Indonesia sa Pebrero 23.

Kabilang sa 24-man Gilas pool sina team captain Kiefer Ravena, at mainstays Roger Pogoy, CJ Perez at Troy Rosario. Makakasama rin nila ang mga dati at kasalukuyang collegiate standouts na sina Thirdy Ravena, Juan at Javi Gomez de Liaño, Dave Ildefonso, Dwight Ramos, Jaydee Tungcab, Isaac Go, Matt at Mike Nieto, Rey Suerte, at Allyn Bulanadi.

Read More

MARK DICKEL, BAGONG GILAS COACH

0

PINANGALANAN na rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magiging interim coach ng Gilas Pilipinas para sa first window ng Fiba Asia Cup qualifiers at siya ay walang iba kundi si TNT Katropa consultant Mark Dickel.

“In his short stint in the Philippines,  Coach Mark has performed creditably well,” sabi ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan sa isang press release.

Nauna nang isinawalat sa Fiba website na si Dickel ang mamumuno sa coaching staff Gilas, kasama sina Sandy Arespacochaga at Nenad Trunic.

Pangungunahan ng Australian-Kiwi coach ang 24-man pool Gilas na binubuo ng mga beterano at bagitong players, kabilang na rito ang limang rookies na pinili sa Gilas special draft.

Ang Pilipinas ay kasama sa Group A, na kinabibilanganb din ng Indonesia, Thailand, at Korea.

Makakaharap ng Gilas ang Thailand sa Pebrero 20,  at Indonesia sa Peb. 23.

Iginiit ng SBP na wala pa silang nahahanap ng full-time head coach para sa national team, at kung sakaling may mapili na ay iaanunsiyo nila ito bago ang second window ng Fiba Asia Cup qualifiers sa Nobyembre.

Inakay ni Dickel ang TNT sa tatlong playoff appearances sa PBA noong nakaraang taon, kasama na rito ang finals stint sa Commissioner’s Cup. (EBG)

PH 3X3 TEAM BUBUUIN NG 2 PBA AT TOP 2 PLAYERS

NAGKASUNDO na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at namamahala sa ligang Pilipinas 3×3 na dalawang top 2 players sa bansa at dalawa mula sa Philippine Basketball Association (PBA) ang bubuo sa national team na sasalang sa Olympic Qualifying Tournament para sa Fiba 3×3 event sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ito ay upang mapalakas ang Philippine 3×3 Team at lumaki ang tsansa ng bansa na masungkit ang isa sa tatlong silya na nakataya sa Bangalore, India sa darating na Marso 18-22.

Nabatid na nagkaisa na rin sa wakas ang SBP at Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na magsanib-pwersa upang magkuwalipika ang national team sa kauna-unahang pagsasagawa ng 3×3 competition sa kada apat na taong multi-sports tournament.

Una nang inihayag ng Pilipinas 3×3 ang pagkuwalipika ng bansa sa Fiba 3×3 OQT matapos makasama sa 20 seeded teams ng naturang international association.

Tampok sa 10 manlalaro na nakatipon ng mataas na puntos sa international rankings sa Fiba 3×3 World Tour ang itinuturing ngayon na Top 2 players sa bansa na sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol.

Sina Munzon at Pasaol ay inaasahang sasamahan ng dalawang two-way players mula sa PBA na hindi muna pinangalanan hanggang wala pang basbas ng kanilang mother team.

Ang tanging tiniyak ng source, ang isa sa mga PBA player ay malaki at ang isa pa ay power forward, na kapwa mahusay lumaro sa ilalim.
Nasa Group C ang Pilipinas 3×3 team kasama ang Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic.  (ANN ENCARNACION)

EALA, NUGROHO UMABANTE SA FINALS NG AUSTRALIAN OPEN JUNIOR GIRLS’ DOUBLES

UMUSAD sa final round ng Australian Open’s junior girls’ doubles tournament ang Filipina junior tennis star na si Alex Eala at partner nitong si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia makaraang talunin ang top-seeded tandem nina Kamilla Bartone ng Latvia at Linda Fruhvirtova ng Czech Republic sa tatlong sets kahapon.

Makakaharap nina Eala at Nugroho sina Slovenia’s Ziva Falkner at United Kingdom’s Matilda Mutavdzic sa finals ngayong araw, January 31.

Naging mabagal ang simula nina Eala at Nugroho na tinambakan sa opening set, 1-6, nina Bartone at Fruhvirtova. Naging dikit naman ang laban sa second set, bago nakuha nina Eala at Nugroho ang 7-5 win. Sa tiebreaking third set, agad kumamada sina Bartone at Fruhvirtova para sa 7-1 advantage bago unti-unting humabol sina Eala at Nugroho upang maging 8-4 ang iskor. Sa huling mga sandali ay anim na magkakasunod na puntos ang pinalo nina Eala at Nugroho para sa ibulsa ang 8-10 panalo at umabante sa championship round.  (VT ROMANO)

Read More

GILAS POOL BINATIKOS

GILAS PILIPINAS-2020
0

MAYROONG 11 PBA players ang kasama sa 24-man Gilas Pilipinas pool na maghahanda para sa first window ng qualifiers para sa 2021 FIBA Asia Cup.

Sa pulong noong Biyernes sa pagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at Philippine Basketball Association (PBA), nagkasundo ang magkabilang panig na ang komposisyon ng pool ay bubuuin ng collegiate players, PBA stars at incoming (PBA) rookies. Mula sa mga ito ay pipili ng Final 12 na kakatawan sa Pilipinas sa pagsabak sa Indonesia at Thailand sa Pebrero.

Kabilang sa PBA stars sina Japeth Aguilar, Kiefer Ravena, CJ Perez, Fil-German Chirstian Standhardinger, Ray Parks, Poy Erram, Roger Pogoy,  Mac Belo, Matthew Wright, Troy Rosario at Marc Pingris.

Kasama rin sa pool sina Isaac Go, Rey Suerte, Matt at Mike Nieto at Allyn Bulanadi na hinugot mula sa special Gilas draft noong Disyembre.

Bukod sa mga nabanggit, nasa listahan din sina Thirdy Ravena, Kobe Paras, Fil-American Dwight Ramos, Jaydee Tungcab, Javi Gomez de Liano at Justine Baltazar.

Sa unang pagkakataon ay magkakasama sa isang koponan ang magkapatid na Thirdy at Kiefer, gayundin ang kambal na sina Mike at Matt.

Sa nasabing pulong na dinaluhan nina PBA commissioner Willie Marcial at SBP president Al Panlilio, hindi pa rin napag-usapan ang uupong interim coach ng koponan sa pagsabak kontra Thailand sa Pebrero 20 at Indonesia sa Pebrero 23.

Kaliwa’ kanang batikos naman mula sa netizens ang inabot ng SBP sa hindi pagsama sa pool kina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo at two-time Asia’s Best Guard Jayson Castro.

Nagpahayag din sila ng pagkadismaya sa pagkakasama kay Marc Pingris, na matagal na hindi nakapaglaro at kababalik pa lamang mula sa isang matinding injury.

“Junemar, Kai sotto, Edu?? Ang liliit ng nasa line up,” komento ni marvin montealegre@benthought12.

“Marc Pingris????   Could’ve just gotten him to be an assistant coach,” ayon kay McBlur @GilasTNT.

“Would love@JAlapag3 to coach this group..and @MPingris15 shud be there to be honored!!! nasabi naman ni Dan Decena@maciel333.  (VT TOMANO, ANN ENCARNACION)

Read More

GILAS BABAWI SA BANGUNGOT NG WORLD CUP

0

PIPILITING bumangon ng Gilas Pilipinas mula sa nakahihiyang winless performance sa World Cup sa China noong Setyembre sa pamamagitan ng pagdedepensa sa kanilang gold medal sa darating ng 30th Southeast Asian Games.

At upang maisakatuparan ito, muling isinama sa national team roster sina Kiefer Ravena at Christian Standhardinger, dalawa sa key players sa gold finish ng bansa sa men’s basketball sa 2017 Southeast Asian Games.

Kabilang din sa bubuo sa Gilas Pilipinas na sasabak sa SEA Games ang mga kapwa 2019 FIBA World Cup veteran ni Ravena na sina Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Roger Pogoy at Troy Rosario.

Makakasama rin nila sina Marcio Lassiter, Vic Manuel, Stanley Pringle, Chris Ross, LA Tenorio at Matthew Wright, habang si Alfrancis Chua ang tatayong team adviser at head coach si Tim Cone.

“Although the decision was surely not easy, the SBP have complete trust in the team and we’re excited to defend our crown as the best basketball team in the region,” ani Samahan ng Basketbol sa Pilipinas president Al Panlilio sa isang press statement.

Target ni Ravena, ipinalit sa na-injured na si Jayson Castro, na kolektahin ang ikalimang gintong medalya sa kasing daming sinalihang SEA Games.

Agad sasalang ang Gilas kontra Singapore sa pagsisimula ng men’s basketball competitions sa Disyebre  4, sunod na makakalaban nila ang Vietnam sa Dis. 6, at Myanmar sa Dis. 7.

Read More

BROWNLEE SA GILAS PILIPINAS?

brownlee212
0

(NI JJ TORRES)

BOTONG-BOTO si Brgy. Ginebra San Miguel head coach Tim Cone na gawing naturalized player si Justin Brownlee para makalaro sa Gilas Pilipinas.

Muling nagpakitang-gilas si Brownlee nang akayin ang Gin Kings sa 110-95 come-from-behind win kontra Meralco noong Linggo.

At dahil dito, kumbinsido si Cone na malaki ang maitutulong ng kanilang reinforcement sakaling makasama ito sa national basketball team.

Si former NBA player Andray Blatche ang kasalukuyang naturalized player ng Pilipinas at kasamang saabak sa FIBA World Cup sa Agosto.

“Isn’t Justin amazing? I tell you. I know that Andray is a great player and I know all those guys, I really don’t have any say in that. But I tell you, my vote goes for Justin for the national team,” pahayag ni Cone matapos ang panalo ng Gin Kings.

“He can change a team, not just by his play, but by his personality. He’s an amazing player and human being. He really is. But that’s not my call.”

Si Brownlee ay inakay ang Gin Kingssa tatlong PBA championships at nakakuha pa ng Best Import of the Conference award. At mula nang gawin niya ito ay nagsimula na ang panawagang gawin siyang naturalized player.

Katunayan, mayroon nang House Bill na isinulong para maging naturalized Filipino player ang Ginebra import.

At nananatili namang umaasa si Brownlee sa posibilidad na iyon.

“Hopefully the process is still going forward and it’s not standing still or going backwards. I’m still excited for it. I’m just being patient and whatever happens, happens,” lahad ni Brownlee.

Read More

JOKIC HIGANTENG SAKIT NG ULO NI GUIAO

denver1
0

(NI JOSEPH BONIFACIO)

TIYAK na madaragdagan ang puting buhok ni coach Yeng Guaio sa papalapit na kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup sa China.

Dahil kinumpirma ni Denver Nuggets star center Nikola Jokic na lalaro siya para sa mother country niyang Serbia sa nasabing prestihiyosong quadrennial world basketball championship sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

“I am very pleased with everything I did in the NBA this season, I had a great year in which I performed at the All-Star Game and was selected in the NBA All-Star Five. For me, the cherry on top of this whole season would be a medal with the national team,” lahad ng 7-footer na si Jokic sa Serbian State News Agency.

Kagagaling lang ni Jokic sa malakas na kampanya sa 2018-2019 NBA Season kung saan napasali siya sa All-Star sa unang pagkakataon at nadala ang Nuggets sa second seed ng Western Conference.

Ang Serbia ay rated No. 4 base sa pinakabagong FIBA World Rankings, ay makakasagupa ng Pilipinas (ranked 31),  Italy (No. 13) at Angola (39) sa Group D.

Kaya’t inaasahang magsisilbing higanteng sakit ng ulo ni coach Guiao at ng Gilas Pilipinas ang presensya ni Jokic.

Wala pang pinal na komposisyong nabubuo si coach Guiao para sa magiging miyembro ng Gilas Pilipinas.

Bagamat plantsado na ang training schedule ng Pinoy dribblers, na kakatawanin ng mga pinakamagagaling na manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA).

Hinihintay din kung magagawan ng paraan para makapaglaro para sa koponan si NBA star Jordan Clarkson ng Cavaliers.

Si Jokic ay kasama sa All-NBA First Team bunsod ng regular season average na 20.1 puntos, 10.8 rebounds at 7.3 assists.

Read More

PILIPINAS AT SPAIN MAY TUNE-UP GAME

gilas123
0

(NI JOSEPH BONIFACIO)

IKINUKUNSIDERA ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio ang friendly game ng Gilas Pilipinas laban sa koponan ng Spain, bilang paghahanda sa 2019 FIBA World Cup sa Agosto.

“We actually have many invites from other teams but we’re looking at Spain for potential friendlies,” ani Panlilio matapos pasinayaan ang bagong logo ng SBP at ng Gilas Pilipinas na gagamitin sa international tournaments simula ngayong taon.

Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Agosto 30 hanggang Setyembre 15 sa China.

“We’re organizing that now. I hope we can finalize that in the next few days,”dagdag pa niya.

Bukod dito, nauna nang inanunsyo ng SBP na kasado na ang training camp ng pambansang koponan sa Russia na magsisilbing final build-up nila para sa World Cup.

Dagdag ni Panlilio, kasalukuyang niyang isinasapinal ang naturang Russian stint kay dating NBA player Andre Kirilenko na ngayon ay siyang pinuno ng Russian Basketball Federation.

Sa kalagitnaan ng Agosto, nakatakda ang Russian camp ng Gilas kung saan maaari nang makapaglaro ang Gilas players na manggagaling sa iba’t ibang PBA teams.

Sa kabilang banda, inamin naman ni Panlilio na hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa kaso ni Filipino-American NBA player Jordan Clarkson na makapaglaro bilang local player sa koponan ng Pilipinas.

“No update yet but we’re working on it,” pagtatapos niya.

Read More

BLATCHE-CLARKSON TANDEM SA GILAS PILIPINAS SA WORLD CUP?

gilas22
0

(NI VIRGI T. ROMANO/ Saksi Ngayon Sports Editor)

SINUSUBUKAN na ng Samahang Basketbol sa Pilipinas na kumbinsihin ang pamunuan ng FIBA na tanggapin si NBA star Jordan Clarkson bilang Filipino citizen.

Ito ay para mai-partner siya kay Andray Blatche sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa buwan ng Agosto sa China.

“We have been trying to convince or discuss the matter with FIBA,” pahayag ni SBP president Al Panlilio sa panayam ng AFP. “Everyone is working on the matter and we will do everything we can to make it happen.”

Ang Gilas Pilipinas ay nakapasok sa World Cup sa pangunguna ni Blatche, na isang naturalized Filipino, nang talunin noong Linggo ng gabi ang Kazakhstan, 93-75 sa Astana.

Nakamit ng Pilipinas ang ikalawang sunod na World Cup stint sa kabila ng nangyaring brawl sa laban nito kontra Australia noong nakaraang taon, kung saan 10 manlalaro ang sinuspinde ng FIBA, kasama na rito si Blatche.

Nang sumabak ang Nationals sa Asian Games sa Indonesia, nakapaglaro si Clarkson, na isang Filipino-American.

Subalit, pagdating sa mga torneong pinatatakbo ng FIBA, gaya ng World Cup, si Clarkson ay nasa classification ng ‘naturalized’ dahil nakakuha siya ng Philippine passport matapos siyang umedad ng 16.

“Based on our constitution, he is Filipino. He has a passport. But he got it after he was 16 years old,” lahad ni Panlilio.

Kung hindi kikilalanin ng FIBA si Clarkson bilang Pinoy, walang ibang magagawa ang Pilipinas kundi ang mamili kung sino sa kanila ni Blatche ang palalaruin bilang naturalized player.

Base pa rin sa FIBA rule, pinapayagan lamang ang bawat bansa na magsama sa line-up ng isang naturalized player

Read More