MANUEL, TRATTER PASOK SA GILAS

0

SINA Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska Aces ang ipapalit sa mga umatras na sina Christian Standhardinger at Mac Belo sa Gilas Pilipinas para sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Naging bahagi si Manuel ng national men’s basketball team sa 30th Southeast Asian Games na nanalo ng gintong medalya sa ilalim ni coach Tim Cone.

Si Tratter naman ay nakabilang sa Gilas sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers noong 2018.

Nauna nang kinuha ng Gilas si Justin Chua ng Phoenix Pulse, na ipinalit naman kay Japeth Aguilar na kasalukuyang nasa honeymoon pa.

Magsisimula ang first window ng qualifiers sa Pebrero 20 kung saan makakaharap ng Gilas ang Thailand, at Indonesia sa Pebrero 23.

Kabilang sa 24-man Gilas pool sina team captain Kiefer Ravena, at mainstays Roger Pogoy, CJ Perez at Troy Rosario. Makakasama rin nila ang mga dati at kasalukuyang collegiate standouts na sina Thirdy Ravena, Juan at Javi Gomez de Liaño, Dave Ildefonso, Dwight Ramos, Jaydee Tungcab, Isaac Go, Matt at Mike Nieto, Rey Suerte, at Allyn Bulanadi.

Read More

SPECIAL AWARD KINA RAVENA, ANIMAM AT AQUINO

0

TATANGGAP sina Jack Danielle Animam, ang kanyang kahanga-hangang coach sa National University na si Patrick Aquino at si Ateneo stalwart Thirdy Ravena ng special awards sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Manila Hotel Centennial Hall.

Si Ravena ang Mr. Basketball, habang sina Animam at Aquino ang unang awardees bilang Ms. Baskeball at Coach of the Year ng oldest media organization.

Silang tatlo ay bahagi ng mahabang listahan ng honor roll. Una sa listahan ang 2019 Athlete of the Year Team Philippines sa parangal na gaganapin sa Marso 6 at ipiprisinta ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, Rain or Shine, at AirAsia.

Sina Animam at Aquino ay bahagi ng undeafeated National U Lady Bulldogs, kung saan naibulsa nito ang ikaanim na sunod na UAAP title bunga ng 16-0 record, bukod pa sa pagtala ng ika-96 sunod nitong panalo sa loob ng anim na taon.

Bahagi rin si Aquino ng Gilas Pilipinas women’s 5-on-5 at 3×3 teams na sumikwat ng gold medals sa nakaraang 30th SEA Games.

Instrumento naman si Ravena sa 16-0 campaign ng Ateneo Blue Eagles nang angkinin ang UAAP Season 82 men’s basketball crown, kung saan tinanghal siyang Finals MVP.

Ikatlong sunod na korona iyon ng Ateneo.

Si Ravena ay kasama rin sa 12-man roster ng Gilas Pilipinas na lumaro sa final window ng 2019 FIBA World Cup qualifiers bilang nag-iisang collegiate player sa line-up. (VT ROMANO)

Read More

MARK DICKEL, BAGONG GILAS COACH

0

PINANGALANAN na rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magiging interim coach ng Gilas Pilipinas para sa first window ng Fiba Asia Cup qualifiers at siya ay walang iba kundi si TNT Katropa consultant Mark Dickel.

“In his short stint in the Philippines,  Coach Mark has performed creditably well,” sabi ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan sa isang press release.

Nauna nang isinawalat sa Fiba website na si Dickel ang mamumuno sa coaching staff Gilas, kasama sina Sandy Arespacochaga at Nenad Trunic.

Pangungunahan ng Australian-Kiwi coach ang 24-man pool Gilas na binubuo ng mga beterano at bagitong players, kabilang na rito ang limang rookies na pinili sa Gilas special draft.

Ang Pilipinas ay kasama sa Group A, na kinabibilanganb din ng Indonesia, Thailand, at Korea.

Makakaharap ng Gilas ang Thailand sa Pebrero 20,  at Indonesia sa Peb. 23.

Iginiit ng SBP na wala pa silang nahahanap ng full-time head coach para sa national team, at kung sakaling may mapili na ay iaanunsiyo nila ito bago ang second window ng Fiba Asia Cup qualifiers sa Nobyembre.

Inakay ni Dickel ang TNT sa tatlong playoff appearances sa PBA noong nakaraang taon, kasama na rito ang finals stint sa Commissioner’s Cup. (EBG)

PH 3X3 TEAM BUBUUIN NG 2 PBA AT TOP 2 PLAYERS

NAGKASUNDO na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at namamahala sa ligang Pilipinas 3×3 na dalawang top 2 players sa bansa at dalawa mula sa Philippine Basketball Association (PBA) ang bubuo sa national team na sasalang sa Olympic Qualifying Tournament para sa Fiba 3×3 event sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ito ay upang mapalakas ang Philippine 3×3 Team at lumaki ang tsansa ng bansa na masungkit ang isa sa tatlong silya na nakataya sa Bangalore, India sa darating na Marso 18-22.

Nabatid na nagkaisa na rin sa wakas ang SBP at Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na magsanib-pwersa upang magkuwalipika ang national team sa kauna-unahang pagsasagawa ng 3×3 competition sa kada apat na taong multi-sports tournament.

Una nang inihayag ng Pilipinas 3×3 ang pagkuwalipika ng bansa sa Fiba 3×3 OQT matapos makasama sa 20 seeded teams ng naturang international association.

Tampok sa 10 manlalaro na nakatipon ng mataas na puntos sa international rankings sa Fiba 3×3 World Tour ang itinuturing ngayon na Top 2 players sa bansa na sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol.

Sina Munzon at Pasaol ay inaasahang sasamahan ng dalawang two-way players mula sa PBA na hindi muna pinangalanan hanggang wala pang basbas ng kanilang mother team.

Ang tanging tiniyak ng source, ang isa sa mga PBA player ay malaki at ang isa pa ay power forward, na kapwa mahusay lumaro sa ilalim.
Nasa Group C ang Pilipinas 3×3 team kasama ang Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic.  (ANN ENCARNACION)

EALA, NUGROHO UMABANTE SA FINALS NG AUSTRALIAN OPEN JUNIOR GIRLS’ DOUBLES

UMUSAD sa final round ng Australian Open’s junior girls’ doubles tournament ang Filipina junior tennis star na si Alex Eala at partner nitong si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia makaraang talunin ang top-seeded tandem nina Kamilla Bartone ng Latvia at Linda Fruhvirtova ng Czech Republic sa tatlong sets kahapon.

Makakaharap nina Eala at Nugroho sina Slovenia’s Ziva Falkner at United Kingdom’s Matilda Mutavdzic sa finals ngayong araw, January 31.

Naging mabagal ang simula nina Eala at Nugroho na tinambakan sa opening set, 1-6, nina Bartone at Fruhvirtova. Naging dikit naman ang laban sa second set, bago nakuha nina Eala at Nugroho ang 7-5 win. Sa tiebreaking third set, agad kumamada sina Bartone at Fruhvirtova para sa 7-1 advantage bago unti-unting humabol sina Eala at Nugroho upang maging 8-4 ang iskor. Sa huling mga sandali ay anim na magkakasunod na puntos ang pinalo nina Eala at Nugroho para sa ibulsa ang 8-10 panalo at umabante sa championship round.  (VT ROMANO)

Read More

FAJARDO PASOK PA RIN SA GILAS

June Mar Fajardo
0

NILINAW ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na kasama pa rin sa Gilas Pilipinas si June Mar Fajardo.

Ayon sa SBP, hindi totoong tanggal na bilang miyembro ng Gilas ang five-time PBA Most Valuable Player.

Matatandaan na maraming fans ang nadismaya at nagalit sa hindi pagkakasama ng pangalan ng San Miguel big man sa 24-man players na sasabak sa FIBA Asia Cup qualifiers.

Ngunit katwiran ni SBP president Al S. Panlilio, sa Asia Cup qualifiers lang hindi kasama si Fajardo.

Dagdag pa ni Panlilio, nais lamang nilang magpahinga ng matagal ang beteranong Gilas player.

Gayunpaman, si Fajardo ang una umano sa kanilang listahan para sa World Cup 2023 lalo’t may sapat itong international experience.

Read More

GILAS NAGHAHANAP NG BAGONG COACH

0

(NI ANN ENCARNACION)

KAHIT naipanalo pa ang Gilas Pilipinas ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games, walang balak si Barangay Ginebra coach Tim Cone na mag-extend sa kanyang national duty.

Iginiit ni Cone na “one and done” ang pagiging Gilas coach niya.

“I was told at the start that I will be some sort of a caretaker for the national team that will be playing for the Southeast Asian Games,” paliwanag ni Cone.

Idinagdag niya na may inihahanda nang programa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa susunod na taon kaya’t hindi niya inaasahan na muli na magtatagal bilang coach ng  pambansang koponan.

“All I know is that they will be implementing a new Gilas program under project director coach Tab Baldwin. Other than that, I have nothing more about the insides,” sabi ni Cone.

Huling sumabak ang Gilas team sa 2019 Fiba World Cup sa China kung saan wala ito kahit isang naipanalo.

Matapos ang nakadidismayang performance ng national team sa China, tuluyang nagbitiw bilang coach ng Gilas si NLEX coach Yeng Guiao, kaya’t kinukunsiderang “disbanded” na ang team.

Matapos tanggapin ang hamon na maging coach ng national team para sa 30th SEAG, bumuo ng sariling all-pro team si Cone na pinadapa ang lahat ng mga nakalaban sa katatapos lang na biennial regional meet.

Sa ngayon ay wala pang inihahayag ang SBP kaugnay sa bagong head coach ng Gilas, maliban sa limang piling players na pawang kinuha sa PBA draft nitong buwan.

Ang limang isinama sa Gilas pool ay sina Isaac Go, magkapatid na Matt at Mike Nieto, Rey Suerte at si Allyn Bulanadi.

Sila ang magsisilbing pundasyon ng bagong national team na personal na pinili ni Ateneo Blue Eagles coachTab Baldwin.

Gayunpaman, hindi pa malinaw kung tinanggap na ni Baldwin ang trabaho bilang project director ng national team, o kung siya na ang bagong coach ng Gilas Pilipinas.

Read More

IKA-18 SEAG GOLD TARGET NG GILAS

0

(NI VT ROMANO/PHOTO MJ ROMERO)

UMULAN man o umaraw, tiyak na dudumugin ng fans ang Mall of Asia Arena upang saksihan ang pagsisimula ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa men’s basketball event ng 30th SEA Games.

Ang Nationals na pangungunahan ni head coach Tim Cone ay kinakatawan nina Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Stanley Pringle, Kiefer Ravena, Chris Ross, Troy Rosario, Christian Standhardinger, Greg Slaughter, LA Tenorio at Matthew Wright.

Si Slaughter, sentro ng Brgy. Ginebra, ang ipinalit ni Cone kay RR Pogoy, matapos itong ma-injure sa huling laro ng TNT sa PBA Governors’ Cup.

Unang haharapin ng Gilas ang koponan ng Singapore sa alas-8:00 ngayong gabi.

Ang Pilipinas ay magtatangkang mahablot ang ika-18 gold medal sa men’s basketball competition sa loob ng 20 beses na paglahok nito.

Maliban noong 1979 SEA Games sa Jakarta, Indonesia at Malaysia ang naka-gold medal, 2005 edition kung saan suspendido ng FIBA ang Pilipinas at 2009 na walang basketball event sa Vietnam, ang Philippine men’s team ay hindi pa tinatalo ng alinmang koponan sa rehiyon.

Nauna nang nakakuha ng ginto ang men’s at women’s 3×3 team kamakalawa.

Gaya sa 2017 edition sa Kuala Lumpur, inaasahang Indonesia ang magiging karibal ng Pilipinas sa gold medal.

Kabilang sa bumuo sa 2017 Gilas team sina Bobby Ray Parks Jr.,  K. Ravena, Kobe Paras, Mike Tolomia, Baser Amer, Almond Vosotros, Von Pessumal, Kevin Ferrer, Carl Bryan Cruz, Raymar Jose, Troy Rosario at Standhardinger.

Read More

SEAG OPENING CEREMONIES IINDYANIN NG GILAS

0

(NI VT ROMANO)

SA halip na makilahok sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games, minabuti ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na mag-ensayo na lamang ang koponan.

Ang kakulangan sa ensayo ang dahilan ni Cone sa paghingi ng permiso na huwag nang dumalo sa opening ceremonies sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Binubuo ng PBA players ang Philippine men’s basketball team, na nabawasan pa ng isang miyembro matapos magtamo ng back injury si Roger Pogoy.

“All the athletes in the games have had a year or more to prepare for this tournament, for the SEA Games, and we basically have a week,” lahad ni Cone. “And we cannot afford to have less time off our practice.”

“We made a request not to join the opening so we could do a two-a-day practice. I believe it’s been granted,” dagdag niya.

Ayon kay Cone, babawi na lang aniya ang Gilas Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay-suporta sa laban ng ibang atletang Pinoy, partikular sa Disyembre 5 at 8 kung saan walang iskedyul ang basketball team.

“We wanna be part of the games. We don’t wanna be in our own tournament. We wanna be part of the games,” wika ni Cone, na siya ring head coach ng Brgy. Ginebra sa PBA.

“We wanna go out and find some athletes to support. We have to find out all the logistics for it, but the fifth and the eighth are the days in which we can go out and support the other athletes,” aniya pa. “Be a presence, and cheer for them.”

Kaugnay nito, nilinaw ni Cone na ang mga laban na nasa malapit lamang sa Mall of Asia ang kanilang mapupuntahan, dahil masyado na ring malayo ang New Clark City (Subic).

Lalaruin ang men’s basketball games sa Mall of Asia Arena, habang sa PICC Forum ang boxing, sa Rizal Memorial Coliseum ang gymnastics at ang billiards naman ay gaganapin sa Manila Hotel Tent.

“We can go check out Rizal or whatever’s happening around (Mall of Asia). I think that’s important for these guys to show their support for the other athletes,” pahayag pa ni Cone. “We don’t wanna sit up on our perch and pretend we’re different from everybody else.”

Read More

GILAS COACHING JOB, OK NA KAY CONE

0

(NI JJ TORRES)

PORMAL nang tinanggap ni Tim Cone ang alok bilang head coach ng Gilas Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio ang naging decision ng Barangay Ginebra San Miguel coach matapos nilang magpulong kahapon upang i-finalize ang ilang detalye ng offer na binigay noong nakaraang linggo.

“I spoke to Tim Cone last Saturday and he expressed interest but wanted to finish his game last night and talk to his family first. Now I’m very happy to announce that coach Tim has officially accepted the role as head coach for Gilas Pilipinas Men in the upcoming SEA Games,” pahayag ni Panlilio.

“The resolution of our head coach situation should signify the start of our SEA Games preparations because the other countries like Indonesia are already putting in the work. We also want to reiterate that we’re taking it one step at a time and this arrangement is for the SEA Games only, for now. We’re still putting together a plan on how to move forward with our preparations for 2023 and beyond,” dagdag niya.

Nakatulong din para kay Cone na makuha ang basbas ng mga matataas na opisyal ng San Miguel Corporation sa pamumuno nila Ramon Ang at sports director Alfrancis Chua.

Magbabalik si Cone bilang coach mahigit dalawang dekada matapos hawakan ang pambansang koponan sa 1998 Bangkok Asian Games kung saan nag-uwi sila ng bronze medal.

Read More

 YENG GUIAO, QUITS!

0

NAGBITIW kahapon bilang coach ng Gilas Pilipinas si Yeng Guiao, matapos ang masalimuot na kampanya sa FIBA World Cup na ginanap sa China, kung saan walang naipanalo ang koponan.

Ang resignation ni Guiao ay nangyari isang araw matapos siyang makipagpulong sa mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamumuno ni Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan.

“In the light of all these developments, I am stepping down, as of today, as the Head Coach of the Gilas Men’s Basketball Team, in order to give the SBP a free hand in building and developing a program towards achieving our objective of competing with the best of the best,” wika ni Guiao sa isang mahabang statement.

Inatasan si Guiao na pamunuan ang team matapos ang insidente kung saan nagrambulan ang players ng Gilas at Australia sa World Cup Qualifiers noong Hulyo 2018.

Sinimulan ni Guiao ang kanyang pamumuno sa Indonesia Asian Games kung saan nagtapos ang Pilipinas sa panlimang pwesto, habang kabilang sa roster ang Fil-American NBA guard na si Jordan Clarkson.

“I have no regrets in having taken the path I have taken in the past year; the only regret is that I would have wanted the team to have performed better on the world stage,” dagdag niya.

Read More