ROBIN PADILLA HINAMON ANG STARS NG ABS-CBN AT GMA-7

0

EARLY this year, nagtataka ako bakit tila kampante ang kampo ng ABS-CBN, considering na sa March 31, 2020 na mag-e-expire ang franchise nila o ang paggamit nila ng frequency na gamit nila ngayon para mag-broadcast.

Just this week, nag-file sa Supreme Court si Solicitor General Jose Calida ng quo warrato petition para ipawalang-bisa ang franchise ng ABS-CBN bago ito mag-lapse sa March 31. Kung wala nga namang franchise, walang ire-renew na contract!

Itong move na ito ang hindi inaasahan ng Dos. Kaya ngayon lang sila nag-panic. Without this quo warranto case kasi, hindi naman titigil ang operation ng Dos hangga’t hindi inaaksyunan ng Congress ang renewal ng franchise. At sigurado namang papasa ito – both sa Lower House at sa Senado. At kung i-veto man ito ni Pangulong  Duterte, babalik lang ito sa Kongreso at pwede nilang baligtarin ang veto ng pangulo.

But this quo warranto case is a different animal, ‘ika nga.

ABS-CBN STARS AND POLITICIANS

At ito rin ang dahilan kung bakit ngayon lang – sa home stretch kumbaga – naglabasan ang apela ng Kapamilya stars para sa mabilis na pagdinig ng franchise renewal ng damuhalang network.

Ang iba ay apela, ang iba naman ay patutsada ang pinost sa socmed accounts nila. Kasama na rito sina Maja Salvador, Joshua Garcia, Kaye Abad, Karla Estrada, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.

Marami ring politiko ang suportado ang renewal ng franchise ng Dos, kasama na sina Rep. Lito Atienza na ang anak na si Kim ay talent ng Dos, at si Rep. Sol Aragones na dati ring Kapamilya talent.

KAPUSO AND OTHER NETWORKS

Pero hindi lang Kapamilya stars ang nag-iingay ngayon. Pati ang mga Kapuso o taga-GMA 7, ang “mortal enemy” ng Dos pagdating sa ratings war, sumusuporta rin sa renewal ng franchise ng Dos.

Pinaka-vocal dito ay si Kapuso Dingdong Dantes. Sabi niya sa isang post: “Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry. We have one love for the many talents and crafts under this Network, the products and output of which, directly or indirectly, benefit the lives of millions of Filipinos.” Sinabi rin niya na dapat isantabi ng mga politiko ang politika at pairalin ang batas. “In the end, I pray that the true interests of the people, under the rule of law, will prevail over any other political agenda conveniently veiled as a counter-measure against alleged abuses,” sabi niya.

ROBIN TO THE GOVERNMENT’S RESCUE

Sa kanyang socmed post noong February 11, sinabi ni Robin Padilla – na maituturing na Kapamilya dahil ang huling proyekto niya ay sa Dos – ang batas ay dapat patas para sa lahat.

“Mayaman o Mahirap may kapangyarihan o wala sikat man o hindi ang lahat dapat ay pantay-pantay sa harap ng Batas dahil ang hustisya ay walang tinitingnan o tinititigan, ANG MALI ay MALI at ang TAMA ay TAMA, walang maybe o exempted, ang lahat ay mananagot kapag lumabag sa batas.

“Panay na nga ang labag natin sa batas ng Diyos napakapambihira naman kung pati batas ng tao lalabag pa rin tayo. Anong klase na tayong tao at lahi…”

FEBRUARY 12 POST

Ito ang post ni Robin noong Miyerkoles, February 12 (as is). Reaction ito sa kanyang naunang deleted post kung saan binanatan siya ng haters.

“God is great!!! Sabi daw ng netizens Nilaglag ko daw ang network ko, Wow! Mga kababayan, kahit na sino, kahit kaibigan ko, kapatid ko, kapamilya ko at kamag anak ko kapag lumabag ka sa batas dapat kang magbayad sa batas dahil ako nagbayad ako ng tatlong taon sa loob ng Kulungan/Piitan/Bilibid dahil nagbayad ako sa kasalanan ko. Ano bang kinakatakot natin para sa ABSCBN?”

Sinabi pa niyang may tiwala siya batas at “no one is above the law”. Wala raw dapat ikatakot ang walang kasalanan.

FEBRUARY 13 POST: ANG HAMON

Ang post ni Robin noong February 13 (as is): “God is great!! para sa mga superstar ng ABS-CBN at GMA, hinahamon ko kayo, humarap nang live at ipagtanggol nyo ang mga network niyo ilabas natin ang mga contract natin at ikumpara natin sa mga kasama natin sa trabaho sa taping at shooting, ipakita natin sa taongbayan ang tinatamasa natin sa mga network natin at ang tinatamasa ng sinasabi ninyong ipinaglalaban niyo na ‘wag mawalan ng trabaho.

“Gusto niyo pala itama ang mali, abay umpisahan natin sa una pag usapan muna natin ang tamang suweldo benepisyo at tamang oras ng trabaho ng mga kasama natin sa taping at shooting bago niyo ipaglaban ang karapatan ng kumpanya unahin niyo yun tao ng kumpanya na kasama niyo sa bawat araw sa location at wag niyo proteksyonan lang ang regular employees paano yun mga hindi regular?”

Nilinaw rin niya na: “I am for ABS-CBN renewal pero include the agreement of Chairwoman Liza DIño and Secretary Silvestre Bello in there mission and vision una muna tayong magserbisyo sa mga tao natin sa loob natin! sa bakuran natin! bago tayo mangapitbahay.”

Ang tinutukoy niya ay ang napagkasunduan ng FDCP at DOLE na mga patakaran para mapabuti ang kondisyon ng pagtatrabaho sa showbiz industry.

Sa pagtatapos, sinabi ni Robin na: “Hindi lahat sa mundo ay Showbiz at Politics one way or the other the revolution of the people has to be realized!”

O, di ba?

Saan hahantong ito? Kung ako ang tatanungin, mahaba man ang prosesyon, sa simbahan din ng renewal ang patutunguhan ng paradang ito. Pustahan?

 

 

Read More

MAY CHEMISTRY ANG DONGJEN

Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes from Descendants of the Sun Trailer. Screenshot from Youtube/GMA Network
0
Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes from Descendants of the Sun Trailer. Screenshot from Youtube/GMA Network

Pinagkagastusan ng GMA 7 ang Philippine adaptation ng 2016 South Korean drama series na Descendants of the Sun. First episode pa lang na napanood sa mediacon, chopper kung chopper na!

Bonggacious ang foods sa mediacon. Fabulous ang set-up sa studio ng GMA Annex. At andiyan pa ang mga panauhin mula sa AFP (Armed Forces of the Philippines).

Andaming cast members, pero syempre, ang pinagkaguluhan lang ng media people ay ang apat na bida ng palabas — sina Dingdong Dantes (bilang Captain Lucas Manalo aka Big Boss), Jennylyn Mercado (bilang Dr. Maxine de la Cruz aka Doc Beauty), Rocco Nacino (bilang Technical Sergeant Diego Ramos aka Wolf), at Jasmine Curtis-Smith (bilang Capt. Moira Defensor).

Oh, yes! May chemistry ang DongJen! Kilig-kiligan agad ang kanilang mga eksena sa first episode, kahit alam nating malabo silang matulad sa mga orig na bida na Song-Song (Song Joong-ki at Song Hye-kyo) na nagkagustuhan, nagpakasal, and eventually nagdiborsyo.

Pamilyado na si Dingdong, at si Jennylyn ay may ka-CoLove na. May Valentine concert sina Jennylyn at Dennis Trillo, at abang-abang tayo kung magpo-propose doon si Dennis kay Jennylyn.

Bago pa nag-taping sina Dingdong at Rocco ay nag-bonding na sila. Inimbitahan ni Dingdong si Rocco sa bahay niya, at nagkakuwentuhan sila ng mga bagay-bagay sa buhay.

Kahawig ni Rocco si Jin Goo, na gumanap bilang Sergeant Major Seo Dae-young aka Wolf sa Korean drama. Kaya pasok na agad siya sa casting ng Pinoy version ng DOTS.

Apat o limang Kapuso actress ang nag-audition para maka-love interest ni Wolf.

Kuwento ni Rocco, “The whole day, paulit-ulit ako sa eksena ko. Noong nakita namin si Jasmine at may mga ginawa kami…. lahat kami…. hmmmnnn… hmmn… she deserves it.”

Kasali rin sa DOTS sina Antonio Aquitania, Ricardo Cepeda, Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala, Prince Clemente, Neil Ryan Sese, Ian Ignacio, Rich Asuncion, Carlo Gonzalez, Roi Vinzon, Hailey Mendes, Marina Benipayo, Pancho Magno, Renz Fernandez, Chariz Solomon, Andre Paras, Nicole Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles at Bobby Andrews.

May cameo role dito sina Tonton Gutierrez, Sophie Albert Kim Rodriguez, Addy Raj, Ronnie Henares, Mark Herras at Gabby Eigenmann. Ang direktor ay si Dominic Zapata.

Syanga pala, ang bagong Music Ambassador ng NCCA na si Julie Anne San Jose ang kumanta ng theme song ng serye na You Are My Song.

Magsisimulang umere ang Descendants of the Sun sa Pebrero 10, after Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

NCR OPENING NG NATIONAL ARTS MONTH

NCR Opening ng National Arts Month 2020 ngayong Pebrero 1, Sabado sa Luneta Grounds and Rizal Park Open Air Auditorium.

3:00 PM ang workshops on the seven Arts — Architecture, Cinema, Dance, Literary Arts, Music, Dramatic Arts, at Visual Arts.

6:00 PM ang Opening Program.

Punong-abala sa National Arts Month ang NCCA (National Commission for Culture and the Arts), na pinangungunahan ni Chairman Arsenio “Nick” Lizaso.

TULONG TAAL NGAYON SA ASTRODOME

Ngayong Sabado, 6:00 PM na po ang concert na Tulong Taal: A Musical Collaboration for Taal Rehabilitation sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Kabilang sa magtatanghal dito sina Alakim, Angeline Quinto, Bayang Barrios, Beverly Salviejo, Carla Guevarra-Laforteza, El Gamma Penumbra, Frenchie Dy, Gerphil Flores, Isay Alvarez-Seña, Janice Javier, Jamie Rivera, Jenine Desiderio, Jose Rizal Institute Singers, Kiel Alo, Lawrence Mossman, Mandaluyong Children’s Choir, Poppert Bernadas, Richard Reynoso, Robert Seña, The Company, The Fortenors, Tricia Canilao, Vehnee Saturno at Zephanie.

Ang prime movers sa fund-raising show na ito ay sina Vehnee Saturno, Dr. Carl Balita at Isay Alvarez.

Ang halaga ng tiket sa Tulong Taal concert ay P1000, P500 at P300.

Para sa tiket, makipag-alam sa mobile number 0938-830-0350.

 

Read More

FORTHCOMING: ANIKKA CAMAYA

0

Isa si Annika Camaya sa mga ipinagmamalaki ng Tyronne Escalante Artist Management.

Paka-abang-abangan natin itong aktres, singer at host.

Dahil multi-talented na, saksak pa ng kangandahan at alindog. Sigurado kami, gagawa siya ng malaking marka sa showbiz.

Produkto siya ng Reality TV Show na “Anak Ko ‘Yan” ng GMA-7.

Unti-unti ring gumagawa ng pangalan si Anikka dahil sa mga labas niya sa mga TV shows katulad ng  ‘Paraiso Ko’y Ikaw’, ‘Nino’, ‘Half Sisters’, at ‘Florente at Laura’ kung saan kasama niya ang Binibining Universe na si Venus Raj.

Ang ibang klaseng pagganap niya sa pelikula at TV show ay nagbigay sa kanya noong 2015 ng Most Promising Female Artist sa Golden Globe Annual Awards for Filipino Achievers at ang Most Outstanding Student in GMA Workshop’s acting category.

Malapit ng maging bida si Anikka sa Disney show na “Super Zeroes,” na produced ng Globe Studios.

Read More

SUNOG SUMIKLAB SA KAPUSO NETWORK

SUNOG
0

NASUNOG ang bahagi ng compound sa loob ng GMA 7 Network sa Kamuning sa lungsod ng Quezon nitong Martes.

Sa report ng Quezon City Fire Bureau, unang sumiklab ang sunog sa loob ng isang canteen sa Kapuso compound.

Alas-11:31 ng umaga nang magsimula ang apoy na agad itinaas sa unang alarma.

Ngunit agad namang itong naapula alas-11:45 ng umaga.

Inaalam pa kung ano ang naging dahilan nang pagsiklab ng apoy sa canteen.

Pinalabas ang mga empleyado ng GMA network habang inaapula ng sunog. (JG TUMBADO)

Read More

DENNIS TRILLO NAPABABAYAAN NG KAPUSO NETWORK?

dennis trillo12
0

(NI RK VILLACORTA)

ISA si Dennis Trillo sa mga artista ng GMA Kapuso Network na tila pinababayaan ng kompanya. Hindi hamak na mas magaling naman siyang umarte kumpara sa ilan na kaliga niya na maingay lang ang dating or presence pero hindi naman nakaka-impress.

Dennis is a great actor na sa ilang pagkakataon ay pinatunayan na niya. Kahit anong role ang ibigay sa kanya ay walang mintis na naitatawid niya with flying colors.

In cinemas sa August ay ang pelikula ng aktor na Mina-Anud kung saan kabilang sa mga co-stars niya ay sina Anthony Falcon, Mara Lopez at Jerald Napoles.

A little background on the film: It won as Basecamp Colour Prize at the 2017 Southeast Asia Film Financing held in Singapore in 2017.

Description ni Ms. Roselle Monteverde sa Mina-Anud: “The characters are charming. The story is based on true events and many times will give you a good laugh.”

Kung tama kami, first time ni Dennis na mapasama sa isang laugh trip movie. Kilala kasi siya as a serious actor.

Goodluck Dennis!

Read More

APELA NG GMA-7 VS TALENT EMPLOYEES IBINASURA

court22
0

(NI TERESA TAVARES)

IBINASURA ng Court of Appeals (CA)  ang apela ng GMA-7 network laban sa desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC) na nagdi-deklarang mga regular employee ang mga tinaguriang “talent” employees ng Kapuso network.

Sa 19-pahinang desisyon ng CA Special 14 division, iginiit ng appellate court na tama ang pasya ng NLRC dahil maliwanag na mayroong employee-employer relationship.

Batay sa desisyon, kapag ang trabaho ay mahalagang bahagi sa negosyo ng kumpanya at ang mga manggagawa nito ay wala ng ibang pang kumpnayang pinagtatrabahuan, sila ay maituturing na mga regular na empleyado ng pinagsisilbihang kumpanya.

Sa desisyon ng CA, binigyang bigat din nito ang pahayag ng mga talent ng GMA-7 na bahagi ng kanilang kontrata sa kumpanya ay ang exclusivity clause na nagbabawal sa kanila na magserbisyo sa ibang kompanya.

Dagdag pa ng CA, ang employer-employee relationship ay masusukat sa apat na batayan kabilang ang pagpili at pakikipag-ugnayan ng empleyado, ang pagpapa-sweldo, ang kapangyarihan sa pagsibak ng empleyado at ang kapangyarihan ng employer na kontrolin ang empleyado sa paraan kung paano maisasakatuparan ang trabaho nito.

Read More