MAY CHEMISTRY ANG DONGJEN

Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes from Descendants of the Sun Trailer. Screenshot from Youtube/GMA Network
0
Jennylyn Mercado and Dingdong Dantes from Descendants of the Sun Trailer. Screenshot from Youtube/GMA Network

Pinagkagastusan ng GMA 7 ang Philippine adaptation ng 2016 South Korean drama series na Descendants of the Sun. First episode pa lang na napanood sa mediacon, chopper kung chopper na!

Bonggacious ang foods sa mediacon. Fabulous ang set-up sa studio ng GMA Annex. At andiyan pa ang mga panauhin mula sa AFP (Armed Forces of the Philippines).

Andaming cast members, pero syempre, ang pinagkaguluhan lang ng media people ay ang apat na bida ng palabas — sina Dingdong Dantes (bilang Captain Lucas Manalo aka Big Boss), Jennylyn Mercado (bilang Dr. Maxine de la Cruz aka Doc Beauty), Rocco Nacino (bilang Technical Sergeant Diego Ramos aka Wolf), at Jasmine Curtis-Smith (bilang Capt. Moira Defensor).

Oh, yes! May chemistry ang DongJen! Kilig-kiligan agad ang kanilang mga eksena sa first episode, kahit alam nating malabo silang matulad sa mga orig na bida na Song-Song (Song Joong-ki at Song Hye-kyo) na nagkagustuhan, nagpakasal, and eventually nagdiborsyo.

Pamilyado na si Dingdong, at si Jennylyn ay may ka-CoLove na. May Valentine concert sina Jennylyn at Dennis Trillo, at abang-abang tayo kung magpo-propose doon si Dennis kay Jennylyn.

Bago pa nag-taping sina Dingdong at Rocco ay nag-bonding na sila. Inimbitahan ni Dingdong si Rocco sa bahay niya, at nagkakuwentuhan sila ng mga bagay-bagay sa buhay.

Kahawig ni Rocco si Jin Goo, na gumanap bilang Sergeant Major Seo Dae-young aka Wolf sa Korean drama. Kaya pasok na agad siya sa casting ng Pinoy version ng DOTS.

Apat o limang Kapuso actress ang nag-audition para maka-love interest ni Wolf.

Kuwento ni Rocco, “The whole day, paulit-ulit ako sa eksena ko. Noong nakita namin si Jasmine at may mga ginawa kami…. lahat kami…. hmmmnnn… hmmn… she deserves it.”

Kasali rin sa DOTS sina Antonio Aquitania, Ricardo Cepeda, Paul Salas, Jon Lucas, Lucho Ayala, Prince Clemente, Neil Ryan Sese, Ian Ignacio, Rich Asuncion, Carlo Gonzalez, Roi Vinzon, Hailey Mendes, Marina Benipayo, Pancho Magno, Renz Fernandez, Chariz Solomon, Andre Paras, Nicole Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles at Bobby Andrews.

May cameo role dito sina Tonton Gutierrez, Sophie Albert Kim Rodriguez, Addy Raj, Ronnie Henares, Mark Herras at Gabby Eigenmann. Ang direktor ay si Dominic Zapata.

Syanga pala, ang bagong Music Ambassador ng NCCA na si Julie Anne San Jose ang kumanta ng theme song ng serye na You Are My Song.

Magsisimulang umere ang Descendants of the Sun sa Pebrero 10, after Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

NCR OPENING NG NATIONAL ARTS MONTH

NCR Opening ng National Arts Month 2020 ngayong Pebrero 1, Sabado sa Luneta Grounds and Rizal Park Open Air Auditorium.

3:00 PM ang workshops on the seven Arts — Architecture, Cinema, Dance, Literary Arts, Music, Dramatic Arts, at Visual Arts.

6:00 PM ang Opening Program.

Punong-abala sa National Arts Month ang NCCA (National Commission for Culture and the Arts), na pinangungunahan ni Chairman Arsenio “Nick” Lizaso.

TULONG TAAL NGAYON SA ASTRODOME

Ngayong Sabado, 6:00 PM na po ang concert na Tulong Taal: A Musical Collaboration for Taal Rehabilitation sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Kabilang sa magtatanghal dito sina Alakim, Angeline Quinto, Bayang Barrios, Beverly Salviejo, Carla Guevarra-Laforteza, El Gamma Penumbra, Frenchie Dy, Gerphil Flores, Isay Alvarez-Seña, Janice Javier, Jamie Rivera, Jenine Desiderio, Jose Rizal Institute Singers, Kiel Alo, Lawrence Mossman, Mandaluyong Children’s Choir, Poppert Bernadas, Richard Reynoso, Robert Seña, The Company, The Fortenors, Tricia Canilao, Vehnee Saturno at Zephanie.

Ang prime movers sa fund-raising show na ito ay sina Vehnee Saturno, Dr. Carl Balita at Isay Alvarez.

Ang halaga ng tiket sa Tulong Taal concert ay P1000, P500 at P300.

Para sa tiket, makipag-alam sa mobile number 0938-830-0350.

 

Read More

FORTHCOMING: ANIKKA CAMAYA

0

Isa si Annika Camaya sa mga ipinagmamalaki ng Tyronne Escalante Artist Management.

Paka-abang-abangan natin itong aktres, singer at host.

Dahil multi-talented na, saksak pa ng kangandahan at alindog. Sigurado kami, gagawa siya ng malaking marka sa showbiz.

Produkto siya ng Reality TV Show na “Anak Ko ‘Yan” ng GMA-7.

Unti-unti ring gumagawa ng pangalan si Anikka dahil sa mga labas niya sa mga TV shows katulad ng  ‘Paraiso Ko’y Ikaw’, ‘Nino’, ‘Half Sisters’, at ‘Florente at Laura’ kung saan kasama niya ang Binibining Universe na si Venus Raj.

Ang ibang klaseng pagganap niya sa pelikula at TV show ay nagbigay sa kanya noong 2015 ng Most Promising Female Artist sa Golden Globe Annual Awards for Filipino Achievers at ang Most Outstanding Student in GMA Workshop’s acting category.

Malapit ng maging bida si Anikka sa Disney show na “Super Zeroes,” na produced ng Globe Studios.

Read More

DEPT OF WATER PRAYORIDAD SA 18TH CONGRESS

gma12
0

(NI BERNARD TAGUINOD    )

PRAYORIDAD sa susunod na Kongreso ang pagtatayo ng Department of Water matapos ang nararanasang krisis sa tubig dahil sa pagkakatuyo ng Angat dam na pangunahing pinanggagalingan ng supply ng Metro Manila.

Ito ang paniniwala ni out-going House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaya inaasahan na muling ihahain ang House Bill (HB) 8723 na iniakda ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, para itayo ang Department of Water, Irrigation, Sewage, Flood Control, and Sanitation Resource Management”.

“Well that’s the advocacy already of the next (Congress),” ani Arroyo at ito rin umano ang adbokasiya ni  Local Water Utility Administration (LWUA) Administrator Jeci Lapuz kaya magpapatawag umano ito ng oversight hearing para rito.

Sa ngayon ay may kanya-kanyang papel ang iba’t ibang ahensya sa gobyerno sa usapin ng tubig kaya nais ni Cua na pag-isahin na lamang ang mga ito para isang ahensya na lang ang magtatrabaho.

Kung maging batas ang nasabing panukala, lahat ng mga water related functions ng Department of Public Works and Highway (DPWH), National Irrigation Administration (NIA), National Water Resources Board (NWRB), Local Water Utilities Administration (LWUA), Metro Manila Development Authoritu (MMDA) at Department of Interior and Local Government (DILG) ay ililipat na sa Department of Water.

Layon ng nasabing panukala na masiguro na magkaroon ng sapat na supply ng tubig, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa lahat ng lalawigan sa bansa lalo na’t mahalaga ito sa mga tao araw-araw.

“We have some catching up to do when it comes to investment in water-related facilities. We need continuous investments until our capacity can sufficiently handle present and forthcoming requirements,” ani Cua sa kanyang panukala.

Sa ngayon ay tuluyang nanganib ang supply ng tubig sa Metro Manila matapos bumaba na sa critical level ang tubig sa Angat dam kaya nag-anunsyo na ang mga water concessionaires ng mga water interruption sa maraming lugar sa kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan.

 

Read More

MASTERPLAN SA SAPAT NA TUBIG KINATIGAN SA KAMARA

water supply12
0

(NI ABBY MENDOZA)

KINATIGAN ng House of Representatives ang resolusyong inihain ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para magtatag ang  Metropolitan Waterworks and Sewerage System at iba pang ahensya ng masterplan para mapanatili ang sapat na suplay ng tubig.

Sa adopted House Resolution 2593, ipatutupad ang masterplan para sa mga tahanan, commercial establishments at industrial use sa Metro Manila na maaaring gayahin sa ibang bahagi ng bansa.

Layon ng nasabing hakbang na masiguro na agad matutugunan ang kakulangan ng suplay ng tubig at paraan din para labanan ang negatibong epekto ng climate change at urbanization at natural disasters.

Tutukuyin rin ang mga polisiya at programang tutugon sa mga banta at hihimukin ang publiko na magtipid sa resources.

Ang kakulangan ng suplay ng tubig ay itinuturing na malaking problema sa buong mundo kung saan sa taya ng United Nations Department of Economic and Social Affairs ay pitongdaan at limampung milyong tao ang mamumuhay nang walang malinis at ligtas na inuming tubig.

Nabuo  ang water security plan sa nangyaring kakulangan sa suplay ng tubig ng Manila Water sa East Service Zone, layon ng hinawang hakbang ng Kamara na hindi na maulit ang insidente na ilang araw nawalan ng suplay ng tubig ang ilang residente.

 

 

Read More

730 RESO TINABLA NI GMA

gma12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

TINABLA ni out-going House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang may 730 resolution na inihain ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang iba’t ibang isyu ng lipunan.

Ito ang nabatid kay Albay Rep. Joey Salceda, subalit epektibo umano ang ginawa ni Arroyo dahil naharap ng mga ito ang mga priority bills ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Salceda, umaabot sa 744 ang resolution na inihain sa Kamara noong 17th Congress para mag-imbestiga sa iba’t ibang isyung panlipunan ang mga kaukulang Committee.

Umaabot  lamang sa 14 aniya ang binigyan ni Arroyo ng go signal na magkaroon ng imbestigasyon kaya 730 ang tinabla ng dating Pangulo habang siya ang namumuno sa Kapulungan.

“We had 744 resolutions for inquiry in aid of legislation, ilan lang pinatulan doon, 14. So we virtually had a suspension, a moratorium on inquiries so we can focus on legislation rather than investigation,” ani Salceda.

Dahil dito, nagkaroon aniya ng sapat na panahon ang mga committee sa Kamara na maipasa ang mga panukalang batas na pawang nasa priority list ng Malacanang.

“Legislation during her time was very efficient. She removed all obstacles in the process of legislation which is a lot of inquiries. 744 inquiries, e di naubos oras namin. She removed that,” dagdag ng kongresista.

Dahil dito, sa loob lamang ng halos isang taon, naipasa ang panukalang batas na kinabibilangan ng  Organic law for the Bangsamoro Autonomous Region, Coconut Farmers & Industry Development Act, Rice Tariffication Act, Enhanced Universal Healthcare Act, Tax Amnesty Program, Revision of Constitution, National Land Use Act, Creation of Department of Disaster Resilience, End of Endo/Contractualization Act, TRAIN 2 – Trabaho Bill, Fiscal Regime for the Mining Industry, Excise Tax on Tobacco Products, Real Property Valuation and Assessment, Traffic Crisis Act, Reform in Capital Income and Financial Taxes;  Excise Tax Rates on Alcohol, Lowering of Age of Criminal Liability, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), Foreign Investments Act, Retail Trade Liberalization Amendments at  Public Service Act.

 

Read More

17TH CONGRESS NAGWAKAS NA; 74 SOLONS GRADUATE NA

gma congress12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGWAKAS na Martes ng gabi, Hunyo 4,2019 ang  17th Congress.

Bilang tradisyon ng Kongreso tuwing sine-die ng Kongreso ang House Minority Leader sa katauhan ni Quezon Rep. Danilo Suarez ang tumayong presiding Speaker at nagsara ng session ng 17th Congress.

Nagsimula ang 17th Congress noong Hulyo 2016  kung saan si dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang namuno sa Kapulungan subalit tinanggal ito noong Hulyo 2018 at pinalitan ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo.

Gayunman, tanging si Alvarez at mga top officials nito ang pinalitan sa kani-kanilang puwesto habang nanatili naman si Suarez bilang lider ng Minority bloc ng Kapulungan.

Bago nagsara ang 17th Congress, ipinaalam muna ng liderato ng Kapulungan sa pamamagitan ni Arroyo sa Office of the President na magsi-sine-die na ang 17th Congress, Martes ng gabi.

Sa kanyang farewell  speech, ipinagmalaki ni Arroyo ang mga batas na naipasa sa kanyang pamuno tulad ng Bangsamoro Organic Law, Bangsamoro Organic Law , Sin tax Bill, Rice Tariffication Law, Endo-bill, at iba pa.

“We are all on a journey together. As our nation moves forward, let us all join hands in unity and walk confidently towards a better tomorrow. From the bottom of my heart, I thank you for giving me the honor and privilege of serving you.This session of the 17th Congress is adjourned sine die,” ani Arroyo na hudyat ng pagtatapos ng session ng 17th Congress.

Matapos ito, isang seremonya para sa mga graduating members ng Kamara sa pangunguna ni Arroyo na nakatatlong tuluy-tuloy na termino bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Umaabot sa 74 congressmen/women ang grumadweyt na kinabibilangan ng 67 District congressmen at 7 party-list congressmen mula sa iba’t ibang party-lists organization.

Kabilang sa mga grumaduweyt si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, dating House majority leader Rodolfo Farinas, ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus.

 

Read More

GLORIA, 73 IBA PA, GRADUATE NA SA KAMARA

gma
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

GA-GRADUWEYT na bilang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongeso ang may 73 congressmen/woman sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Sa huling araw ng session ng 17th Congress ngayong Martes, Hunyo 04, pangungunahan ni Arroyo ang mga kapwa niya third termer congresswoman, congressmen na nakatapos ng tatlong termino.

Magkakaroon ng seremonya sa plenaryo ng Kamara para pagkilala sa mga graduating member ng Kapulungan na nakatapos ng tuluy-tuloy na tatlong termino.

Ang mga kongresista ay binigyan lamang ng tatlong termino o maaaring tumakbo ng tatlong beses sa kanilang distrito na may 3 taon kada termino kaya umaabot ng 9 taong manatili ang mga ito sa Kongreso.

Tulad ng 66 iba pang graduating solons, hindi na muling nakatakbo si Arroyo sa kanyang distrito sa Pampanga dahil sa umiiral na term limit.

Unang tumakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga noong 2010 election nang matapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa subalit agad na nakulong dahil sa kasong election sabotage at plunder case na isinampa ng gobyerno ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Habang nasa kulungan ay muling tumakbo si Arroyo para sa ikalawang termino noong 2013 election at maging noong 2016 para sa ikatlo at huling termino bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga at nanalo.

Kalaunan ay ibinasura ang kasong election sabotage na isinampa laban kay Arroyo at maging ang plunder case kaugnay ng umano’y ilegal na paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay pinawalang sala siya ng Korte Suprema.

Noong Hulyo 2018, pinalitan ni Arroyo bilang speaker si dating House Speaker Pantaleon Alvarez at naging kauna-unahang babaing mambabatas na namuno sa Kamara.

Kabilang sa mga kilalang mambabatas na gagraduate ay sina Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas, Marikina Rep. Miro Quimbo, CIBAC party-list Sherwin Tugna, Navotas Rep. Toby Tiangco, ACT party-list Rep. Antonio Tinio, Gabriela party-list Rep Emmi de Jesus at iba pa.

Read More

MASTER PLAN SA WATER SECURITY, BINUBUO NA

water12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

BINUBUO na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang master plan para sa water security upang hindi na maulit sa hinaharap ang krisis sa tubig lalo na sa panahon ng El Nino.

Ito ang napag-alaman sa tanggapan ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo matapos itatag ang Technical Working Group (TWG) na bubuo ng isang “water security master plan”.

Mismong si Arroyo ang nag-akda sa House Resolution 2547 para magkaroon ng master plan ang gobyerno katuwang ang pribadong sektor para masiguro na hindi na mangyayari ang kakulangan ng tubig sa panahon ng tag-init.

“The recent water crisis that was faced by the Manileños serves as an eye-opener that urges the government regulators to be more proactive in immediately addressing water service problems, especially in the dry season,” ani Arroyo.

Maliban sa taga-Manila na naaapektuhan kapag bumababa ang level ng tubig sa Angat Dam, ay nanganganib din ang sektor ng agrikultura sa Central Luzon na nakakakonsumo, aniya, ng 80% ng tubig sa mga dam.

Sa ngayon ay nasa critical level na ang Angat Dam kaya maoobliga ang mga water regulators na bawasan ang supply ng tubig sa mga irrigation upang hindi maubusan ng tubig ang mga residente sa Metro Manila.

Kailangan na kailangan na aniya ang master plan sa para sa water security lalo na at parami nang parami ang mga tao kaya lumalaki din ang konsumo sa tubig na kung hindi maagapan ay posibleng magdulot umano ng mas malaking problema sa hinaharap.

Kabilang sa iminungkahing solusyon sa  problema sa tubig sa hinaharap ay regular na cloud seeding, cross-border sharing, recycling ng mga used water, ayusin ang mga tagas ng tubo, at  maghanap ng mga bagong pagkukunan ng tubig maliban sa mga kasalukuyang dam at pag-iipon ng tubig ulan.

Read More

POOR RATING NI GMA APEKTADO NG BLACK PROPAGANDA

gma12
0

(NI ABBY MENDOZA)

NANINIWALA si San Juan Rep Ronaldo Zamora na ang poor ratings ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo  sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan nakatanggap ito ng -17 points ay bunsod ng mga black propaganda.

Ayon kay Zamora, sa kabila ng paninira kay Arroyo lalo na sa isyu kamakailan sa 2019 budget ay hindi pa rin naman ito natinag dahil tumaas pa rin ang kanyang satisfaction rating na mula -21 ay naging -17 o tumaas ng apat na puntos.

“Her approval ratings still rose despite the virulent black propaganda that was hurled against her during the intramurals on the budget,”pahayag ni Zamora.

Aniya, hindi alintana ni Arroyo ang paninira sa kanya lalo at hindi naman approval rating ang habol ng dating pangulo.

“The style of Speaker GMA has always focused on getting results and work done rather than on the approval ratings,”dagdag pa nito.
Inihalimbawa pa ni Zamora ang uri ng pamumuno ni Arroyo na nakita sa gitna ng lindol kung saan napuruhan ang Porac, Pampanga.

“The recent earthquake showed us the kind of leadership SGMA has as she is more focused on helping the victims, cutting short her participation in scheduled events to see for herself the  rescue and rehab efforts following the earthquake,” giit nito.

 

Read More