MAYORYA SA SENADO IDINIIN SI ALBAYALDE SA NINJA COPS

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

MAYORYA na ng mga senador ang lumagda sa report ng Senate Blue Ribbon at Justice Committees hinggil sa isyu ng ninja cops na may kinalaman sa anti-drug operation ng mga awtoridad sa Pampanga noong November 2013.

Ayon kay Senador Richard Gordon, 14 sa 17 miyembro ng komite ang lumagda sa report.

“Right now, there are 14 of the 17 members of the blue ribbon committee who have signed. Si (Senator Lito) Lapid hindi pumirma, si (Senator (Leila) de Lima hindi pumirma, si (Senator Francis) Pangilinan pipirma pero nasa Amerika,” saad ni Gordon.

“So that’s very, very solid. Ang nag-imbestiga niyan sina (Minority Leader Franklin) Drilon, (Senate President Vicente III) Sotto, ako, Senator (Panfilo) Lacson,” dagdag nito.

Sa committee report, binigyang-diin na maituturing na ‘very liable’ si resigned PNP chief Oscar Albayalde sa kasong graft na may kinalaman sa mga iregularidad sa drug raid.

Posible aniyang kasuhan si Albayalde ng paglabag sa Section 3 (a) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang tangkain nitong impluwensyahan sina Philippine Drug Enforcement Agency director general Aaron Aquino at dating CIDG deputy chief Rudy Lacadin hinggil sa kapalaran ng mga pulis na sangkot sa operasyon.

Iginiit ni Gordon na ang naging aksyon ni Albayalde ay paglabag sa mga regulasyon.

Maaari aniya itong sampahan ng paglabag sa Section 27 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 dahil sa naging iregularidad ng kanyang mga tauhan bagama’t wala pang direktang ebidensya laban sa kanya.

Binigyang-diin din ng senador ang pagbibigay proteksyon ni Albayalde sa mga pulis na sangkot sa buy-bust.

Kasabay nito, nagtataka naman si Gordon sa pahayag ni DILG Secretary Eduardo Ano na walang nakitang ebidensya laban kay Albayalde.

“Hindi nila makita ang ebidensiya. Pambihira naman, kitang-kita naman na command responsibility. Hindi lang command responsibility. Idi-dismiss na nga ‘yung mga pulis, e dinemote na lang,” diin nito.

Binigyang diin pa ni Gordon na hindi naman abogado si Año at hindi rin ito ang batas.

 

Read More

RED CROSS, AAYUDA SA BIKTIMA NG LINDOL

redcross12
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

INATASAN ni Senador Richard Gordon, chair ng Philippine Red Cross (PRC), ang lahat ng chapter nito na mag-mobilize at tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Kabilang sa mga inatasang tumulong ang PRC chapters sa South Cotabato, Cotabato City/Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, Davao Del Sur, General Santos, at Davao City.

Agad na nagpadala ang mga ito ng ambulansiya, rescue teams at emergency personnel sa mga apektadong lugar.

Nag-deploy na rin ng assessment teams sa mga lugar na tinamaan ng lindol upang i-monitor ang sitwasyon.

Ayon pa kay Gordon, umayuda rin ang mga tauhan ng PRC sa paglilikas ng mga pamilya sa Cotabato City habang inilatag na ang mobile first aid at welfare desks sa North Cotabato at Sultan Kudarat.

Sa mga lugar naman anya na walang suplay ng tubig at kuryente, nag-deploy ang PRC ng medical tents na may generators para sa mga nasaktan at water bladders at filtration units para sa komunidad na nangangailangan.

“The Red Cross is preparing to support local Health facilities that do not have power or running water in places such as South Cotabato, Sultan Kudarat, General Santos and Notth Cotabato. Payloaders and equipment for clearing of collapsed buildings, include search and rescue teams from other parts of the country are also on standby for requests for assistance,” pagtitiyak ni Gordon.

 

Read More

GORDON SA GOBYERNO: IANGAT ANG KALIDAD NG NURSES

gordon12
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

IGINIIT ni Senador Richard Gordon na dapat tiyakin ng gobyerno na maiaangat ang kalidad ng mga Filipino nurse, nasa gobyerno man o pribadong institusyon.

Mangyayari anya ito kung mabibigyan ng nararapat na kompensasyon ang mga nurse.

“We are not producing nurses just to send them abroad. We want them to stay and take care of our people and so, we need to give them the salary that they deserve and what has been authorized by the law,” saad ni Gordon.

Dahil dito, suportado ni Gordon ang desisyon ng Korte Suprema na nag-eendorso sa Section 32 ng Republic Act 9173 o The Philippine Nursing Act of 2002 na nagsasaad na ang minimum base pay ng nurses sa government hospitals at health institutions ay dapat magsimula sa salary grade 15 o P31,545 kada buwan.

“Our nurses are overworked but underpaid. I hope our government will directly act on this  by  immediately implementing the Supreme Court’s ruling pertaining to their salary,” diin ni Gordon.

Una nang naghain si Gordon ng panukala na nag-aamyenda sa Republic Act No. 9173 o The Philippine Nursing Act of 2002 para sa bagong comprehensive policy sa Filipino nurses na magbibigay ng oportunidad sa kanila upang palakasin nag kanilang mga kakayahan sa nursing field.

“Once nurses graduate and become licensed, they should have the option to be hired by the government at a just pay and dispatched to places in the country where they are needed the most,” diin nito.

Mahalaga anya ang papel ng healthcare workers sa bansa lalo pa’t lumalabas na anim sa bawat 10 Pinoy ang namamatay nang hindi nakikita ng health care professional.

“We need to keep our nurses because they are so important to public health. They are at the forefront. Let us not make them second class citizens,” diin ni Gordon.

 

Read More

RESHUFFLE SA PNP SUPORTADO SA SENADO

gordon12
0

(NI NOEL ABUEL)

PINURI ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginawa nitong pagbalasa sa Philippine National Police (PNP).

Aniya,  tama lang na magkaroon ng pagpapalit sa hanay ng PNP matapos na rin ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon, at ang mga pagsisiyasat sa Justice and Human Rights Committee na nakalantad ang ‘agaw-bato’ scheme na kinasasangkutan ng 13 mga opisyal ng pulisya na tinaguriang mga ‘ninja cops’.

“I would like to commend the President, nagalit siya, nagkaroon ngayon ng overhaul, naglilipatan lahat,” ani Gordon.

Una nito, kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ikinagalit ni Duterte ang kontrobersyal na  ‘ninja cops’ sa illegal drug activities at sinabing nagdadalamhati ang Pangulo na ilang  miyembro ng PNP ay nakagawa pa rin ng iligal na gawain sa kabila ng nadagdagan na at nadoble ang kanilang mga suweldo.

Inihayag ni Lieutenant General Archie Francisco Gamboa na ang lahat ng mga opisyal ng PNP ay inilalagay sa isang tatlong buwang probisyon simula Lunes, Oktubre 21, kasama na ang mga regional directors at chief of directorates.

Siniguro ni Gordon na kasabay ng balasahan ay pagpapatuloy rin ng Senado ang pagbabantay sa PNP.

“I can assure you, the Senate is going to watch with eagle eyes and see whether this thing will stop,” ani Gordon.

 

Read More

PROTEKSYON SA MGA TESTIGO VS NINJA COPS, TITIYAKIN 

gordon12
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS makatiyak ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na mapakikinabangan sa korte ang lahat ng mga testimonya ng mga resource person na humarap sa pagdinig ng Senado hinggil sa isyu ng ninja cops.

Ayon kay Gordon, kinausap na niya si Justice Secretary Menardo Guevarra upang irekomenda na ‘i-perpetuate’ ang testimonya ng mga tauhan ng Mexico, Pampanga Police at ilang barangay officials na tumestigo hinggil sa pagkakaaresto ng grupo ni Police Major Rodney Baloyo sa isang Korean national na si Johnson Lee na kinalaunan ay pinalitan ng ibang dayuhan.

Sa paliwanag ng senador, ang perpetuation of testimonies ay nangangahulugan na magagamit sa korte ang testimonya kahit may mangyari sa testigo.

Nais din ng senador na bigyang proteksyon o isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang mga pulis na sina Police Staff Sgt. Jerome Bugarin, Police Staff Sgt. Marlon dela Cruz at Police Staff Sgt. Jackson Mariano kasama ang iba pang opisyal ng barangay.

Sa pagharap sa pagdinig, kinumpirma ng tatlong pulis na ibang tao ang iniharap ng grupo ni Baloyo na kanilang naaresto sa raid sa Pampanga kumpara sa aktuwal nilang nasakote sa operasyon.

“Mas kailangan ng protection ang mga witnesses. And I want their testimonies perpetuated,” saad ni Gordon sa phonepatch interview sa Senate Media.

Una nang inamin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na sa gitna ng mga kaganapan sa isyu, nanganganib hindi lamang ang mga tumestigong pulis kundi maging ang mga tinukoy na ninja cops.

“Anything can happen. They can easily hire guns for hire. They have the money and the contacts,” saad ni Magalong.

Gayunman, sinabi ni Gordon na mas dapat protektahan ang mga testigo kaysa mga ninja cops na kaya namang pangalagaan ang kanilang mga sarili.

 

Read More

BI, BoC, PNP PINAIIKOT NG CHINESE DRUG LORDS – GORDON

gordon12
0

(NI NOEL ABUEL)

NAKIKIPAGSABWATAN sa ilang tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BoC) at Philippine National Police (PNP) ang mga Chinese drug lord kung kaya’t bumaha ang illegal na droga sa bansa.

Ito ang sinabi ni Senador Richard Gordon, pinuno ng Senate Committee on Justice and Human Rights at Blue Ribbon Committee, sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ng mga ninja cop at sa pagre-recycle ng illegal drugs sa bansa.

‘’We are besieged from the outside,’’ ani Gordon.

Sinabi ng senador na ang mga Chinese drug lord ay sangkot sa multibillion-peso smuggling operations sa bansa na nakikipagsabwatan sa ilang tiwaling tauhan ng BI, BoC, at PNP officials.

Patunay umano nito na karamihan sa mga big time drug lord na naaresto at nakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) ay pawang mga Chinese national.

Hanggang sa NBP ay nagmimistulang hari ang mga Chinese drug lord kung saan habang nakadetine ay ginawa nitong air-conditioned hotels na kumpleto ang gamit at may cellular phone na ginagamit para matuloy ang illegal drugs ng mga  ito.

‘’The NBP has become the stock exchange of drugs,’’ ayon pa kay Gordon.

Read More

PULIS NA ‘NINJA COP’ IBUBUNYAG SA OCT 1; ALBAYALDE GIGISAHIN — GORDON

albayalde12
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

IPATATAWAG na rin ng Senado si Philippine National Police Chief, Police General Oscar Albayalde sa pagdinig kaugnay sa isyu ng ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang droga.

Kasabay ito ng umano’y pagbubunyag kung sinu-sino ang mga pulis na nasa listahan ng ninja cop.

Nilinaw naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na iimbitahan si Albayalde bilang siya ang pinuno ng Pambansang Pulisya.

“As PNP Chief, we will invite him,” saad ni Gordon.

Sa gitna ito ng umuugong na impormasyon na isa si Albayalde sa 22 opisyal ng PNP na pinangalanang sangkot sa Agaw Bato Scheme.

Kinumpirma rin ni Gordon na naipadala na nila ang kopya ng transcript ng executive session hinggil sa mga iregularidad sa Bureau of Corrections subalit sa kanilang pagdinig sa October 1 ay kanila na rin itong isasapubliko.

“Basta October 1 pinangalanan o hindi ang usapan sa Senado kahapon, nagmeeting kami. We will report to the public kung sino ang mga sinabi,” pahayag pa ni Gordon.

Sinabi naman ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na isa sa magandang dulot ng desisyon nila na ilabas na ang nilalaman ng executive session ay  ang mabigyan ang mga isinasangkot ng pagkakataon upang maipaliwanag ang kanilang panig.

“Para rin kung mai-confront siya (Albayalde) at talagang nariyan ang pangalan niya, maipaliwanag niya ano naging role niya sa nangyari sa Pampanga when he was still the provincial director way back in early 2014. Matter of public record naman, he was administratively relieved, apparently for command responsibility. Beyond that wala naman nakitang criminal liability si CPNP Albayalde,” saad ni Lacson.

Aminado si Lacson na kung mapatunayang sangkot ang pinuno ng PNP sa kontrobersiya, magkakaroon ito ng malaking negatibong epekto.

“Malaki yan. Kung ikaw leader ng ahensya at medyo umaabot sa iyo ang controversy, maliwanag na may maling nangyari roon kasi meron talagang itinabi at binenta. At meron din doon nahuli na pinatubos at pinalitan ang huli. Talagang grabe yan,” diin ni Lacson.

Pero sa ngayon anya hindi kinakailangang mag-alala si Albayalde.

“If I were him, I would not worry kung even in hindsight talagang wala akong alam. There’s no substitute to a clear conscience even sa usapang pork. Pag malinis konsensya mo matibay tinatayuan mo. Pero pag ikaw pork here, there and everywhere tapos makikipagbakbakan ka tungkol sa pork, I don’t know ano ang laban niya,” diin pa nito.

Read More

PERJURY VS BUCOR OFFICIALS

SEN RICHARD GORDON
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAGBABALA si Senador Richard Gordon na posibleng maharap sa kasong perjury ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na isinasangkot sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale.

Partikular na tinukoy ni Gordon si Correctional Officer III Veronica Buño na batay sa salaysay ng testigong si Yolanda Camilon ay nakausap nito para sa ibabayad niyang P50,000 kapalit ng maagang kalayaan ng kanyang asawang si Godfrey Gamboa.

Sa pagdinig noong Lunes, ipinarinig pa ni Camilon ang audio recording ng usapan nila ni Buño subalit itinanggi pa rin ito ng BuCor official.

Sinabi ni Gordon na sa sandaling makumpirmang boses ni Buño ang nasa audio recording, maaari itong maharap sa perjury.

Sa pahayag ni Camilon, itinuro rin nito sina Correctional Senior Inspector Maribel Bansil at Staff Sergeant Ramoncito Roque na sangkot sa transaksyon subalit paulit-ulit naman itong itinanggi ng mga opisyal.

Kaugnay nito, inatasan ni Gordon ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang cellular phones nina Bansila at Buño.

“We want the NBI to check if the phones were tampered, with messages and call logs deleted. Upon checking, we saw that one phone has only five messages while the other has two. Obvious sila dahil yung telepono binura lahat. Talagang nagtatago sila. Bakit ka naman magbubura kung wala kang tinatago? That shows that it is happening, na talagang nanghihingi sila ng pera tapos binura nila para walang makuhang ebidensya. That could be obstruction of justice” saad ni Gordon.

Hindi kumbinsido si Gordon sa palusot ng dalawang opisyal na nakaugalian nilang magbura ng mga mensahe sa kanilang telepono.

“Dalawa silang may habit? Dalawa silang partner? Imposible! Sabi ko nga sa kanila, magsabi na kayo ng totoo because your answers speak of the fact that you’re lying,” diin ni Gordon.

 

Read More

LIFESTYLE CHECK SA BUCOR OFFICIALS , IKAKASA

bucor55
0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senador Risa Hontiveros na sumailalim sa lifestyle check ang lahat ng opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na isinangkot sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale.

Bukod dito, pinagsusumite ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon ng kopya ng kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) sina Atty. Fredecir Anthony Santos, chief, Legal Division ng BuCor; Ramoncito Roque, chief ng Documents and Record Section at Major Mabel Bansil.

Tiniyak naman ng mga opisyal na handa silang sumalang sa lifestyle check.

Kasabay nito, inatasan ni Hontiveros ang Department of Justice na isumite rin sa kanila ang talaan ng mga presong sobra-sobra na ang isinilbing taon sa kulungan.

Read More