9 EURO GENERALS LUSOT SA GRAFT

sandigan

(NI ABBY MENDOZA)

PINAWALANG sala ng Sandiganbayan ang siyam na general ng Philippine National Police(PNP) na una nang kinasuhan ng graft at technical malversation dahil sa paggamit ng P10 milyon confidential fund bilang kanilang travel at contingency fund nang dumalo sa isang Interpol Assembly sa Russia noong 2008.

Sa 55-pahinang desisyon ng Sandiganbayan Second Division sinabi nito na nabigo ang prosekusyon na patunayan beyond reasonable doubt ang kasong isinampa laban kina dating PNP Comprotller Police Major General Eliseo Decena Dela Paz, at mga generals na sina Tomas Rentoy III,  Ismael Rafanan, Orlando Pestaño, Samuel Rodriguez, Emmanuel Carta, Romeo Ricardo,  German Doria at Jaime Garcia Caringal.

Kasabay ng pagbasura sa kaso ay iniutos din ng Sandiganbayan na ibalik ang kanilang bail bonds at alisin ang kanilang pangalan sa Hold Departure Order.

“The prosecution bears the burden to establish the guilt of the accused beyond reasonable doubt. It is the prosecution’s duty to prove each and every element of the sense charge in order to warrant a finding of guilt for the same. The prosecution failed to sufficiently establish the essential elements of the crimes charge and to overcome the presumption of innocence in favor of the accused. Accordingly, the case against the accused are hereby dismissed,” nakasaad sa desisyon.

Nag-ugat ang kaso noong 2008 nang makumpiska kay Dela Paz at asawa nito ang may 105,000 euros (P6.9M) at P2.9M na pawang hindi nila idineklara nang magtungo sila Russia kasama ang iba pang akusado para dumalo sa Interpol General Assembly.

Depensa ni dela Paz na travel at contingency fund ng kanilang delagasyon ang bitbit nilang pera subalit iginiit ng prosekusyon na ito ay confidential funds ng PNP.

Sa desisyon ng graft court sinabi nito na hindi  napatunayan ng prosekusyon na nagkaroon ng undue injury sa gobyerno ang  kaso dahil naibalik ang pera at walang ipinalabas na  Notice of Disallowance gayundin ay napatunayan na isang official activity ang dinaluhang Interpol Assembly. Hindi  rin umano napatunayan ng prosekusyon na ang ginastos ng mga heneral sa interpol assembly ay hindi covered expenses.

 

Please follow and like us:
Read More

ALBAYALDE POSIBLENG KASUHAN VS DROGA 

albayalde

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

BUKOD sa negligence at graft, maaari ring ipagharap si resigned PNP chief Oscar Albayalde ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ito, ayon kay Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon, sa pagpapaliwanag na maaaring may paglabag si Albayalde sa Section 27 ng batas.

“Criminal Liability of a Public Officer or Employee for Misappropriation, Misapplication or Failure to Account for the Confiscated, Seized and/or Surrendered Dangerous Drugs, Plant Sources of Dangerous Drugs, Controlled Precursors and Essential Chemicals, Instruments/Paraphernalia and/or Laboratory Equipment Including the Proceeds or Properties Obtained from the Unlawful Act Committed,” nakasaad sa section 27 ng batas.

Alinsunod sa probisyon, posibleng maharap sa life imprisonment hanggang kamatayan at multang mula P500,000 hanggang P10,000,000 bukod pa sa absolute perpetual disqualification sa public office ang sinumang public officer o employee na masasangkot sa misappropriation, misapplication o mabigong  i-account ang mga nakumpiskang droga sa operasyon.

Nangako naman si Gordon na posibleng ilabas na nila ang committee report na may kinalaman sa ninja cops sa Miyerkules o Huwebes.

Tiniyak ng senador na bibigyan nila ng kopya ng report si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaukulang aksyon nito.

Kasabay nito, hinamon ni Gordon ang Ombudsman, Department of Justice at Department of the Interior and Local Government na huwag balewalain ang resulta ng kanilang imbestigasyon at papanagutin ang mga dapat managot.

Sinabi ni Gordon na hindi lamang ang Pangulo ang madidismaya kundi maging ang buong sambayanan kung mawawalan lamang ng saysay ang imbestigasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

GRAFT NAKAAMBA KAY ALBAYALDE

albayalde

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KUMBINSIDO ang ilang senador na malinaw ang pananagutan ni PNP chief Oscar Albayalde sa pagtatangka na pagtakpan ang pananagutan ng kanyang mga dating tauhan hinggil sa drug raid sa Pampanga.

Ito ay kasunod ng pagharap ni dating Police Regional Office 3 Director, Retired General Rudy Lacadin sa pagdinig ng Senado at sinabing tinawagan siya ni Albayalde upang harangin ang imbestigasyon laban sa grupo nina Major Rodney Raymundo Louie Baloyo IV.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, malinaw na ang mga circumstantial evidence laban kay Albayalde.

“To me it is clear that there is every effort to cover up this episode and I think it can’t be denied…The testimony is not good for him (Albayalde),” saad ni Drilon.

Aminado naman si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na posibleng maharap si Albayalde sa kasong negligence hanggang graft.

“At the very least neglect of duty and at the very least graft,” sagot ni Gordon nang tanungin anong posibleng kasong kaharapin ni Albayalde.

“Yes, circumstantial evidence is a series of evidence that comes out into logical conclusion that something has happen and it is acceptable as evidence especially when you have this guy (Lacadin). Lumapit pa si aAbayalde kay (PDEA Director Aaron) Aquino tapos the seemingly attempt to cover up. Very very sad chain of events for Albayalde,” diin pa ni Gordon.

Maging si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na una nang nagsasabi na intact pa rin ang kredibilidad ni Albayalde ay nagdududa na rin sa posibleng pananagutan ng heneral.

“Medyo unless it’s properly explain… After today, I’ll probably have to make assessment

medyo mabuting pakinggan muna lahat,” saad ni Sotto nang tanungin kung naapektuhan ang kredibilidad ni Albayalde sa testimonya ni Lacadin.

Please follow and like us:
Read More

EX-MRT GENERAL MANAGER, LUSOT SA KASONG GRAFT

Al Vitangcol

(Ni JEDI PIA REYES)

INABSWELTO ng Sandiganbayan 6th Division si dating MRT-3 General Manager Al Vitangcol sa kasong graft kaugnay sa maanomalyang kontrata noong 2012.

Ang graft case ay may kaugnayan sa maanomalyang $1.5 million na kontrata sa MRT-3 at pangingikil umano ng $30 million sa Czech Company na Inekon Group.

Kinatigan ng anti-graft court ang demurrer to evidence na inihain ng kampo ni Vitangcol laban sa prosekusyon.

Bigo ang prosekusyon na maidiin sa kaso ang dating General Manager ng MRT-3 dahil sa kakulangan sa ebidensya.

Gayunman, nahaharap sa hiwalay na kaso ng paglabag sa Government Procurement Reform Act si Vitangcol bunsod ng pag-award nito sa PH Trams at CB and T joint venture ng maintenence contract ng MRT3 kung saan isa sa mga opisyal ng PH Trams ay tiyuhin ng kanyang asawa.

Please follow and like us:
Read More

EX-MAYOR KULONG NG 104 TAON SA GRAFT

sandigan

(NI ANNIE PINEDA)

HINATULAN ng Sandiganbayan ng higit sa 104 na taon pagkakakulong ang dating alkalde dahil sa mga kasong graft at malversation.

Sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division, guilty si dating Ilocos Sur Sta. Catalina mayor Carlos Asuncion sa 8-bilang ng kasong graft at 4 na bilang ng kasong malversation of public funds.

Nag-ugat ang nasabing kaso nang magdonate umano ng P400,000 si Asuncion sa isang non-government organization na kinuha nito sa tobacco excise tax collection ng nasabing bayan.

Dahil dito, pinatawan ng 6 hanggang 10 taon na pagkakabilanggo si Asuncion sa bawat bilang ng kaso nitong graft samantalang anim na taon na pagkakabilanggo ang parusa nito sa bawat bilang ng kasong malversation.

Sinabi pa ng korte, bigo si Asuncion na idepensa ang sarili at naipakitang sapat na ebidensiya para pasinungalingan ang akusayon laban sa kanya.

Pinagbawal na rin humawak ng kahit na anong posisyon sa gobyerno ang dating alkalde.

Kasama rin sa mga pinatawan ay sina Mamelfa Amongol, Rosita Ragunjan, Virginia Rafanan at Genoveva Ragasa ng Bayanihan ng Kababaihan na kaparehong parusa at pinagbabayad ng P400, 000 na katumbas ng kanilang ginastos na pondo na galing sa municipal share sa tobacco excise tax collections ng bayan noong 2012 kahit hindi inaprubahan ng konseho o ng kahit anong budget ordinance.

Napatunayan din na ang Bayanihan ng Kababaihan ay hindi kasama sa mga magsasakang nagtatanim ng tabako.

 

Please follow and like us:
Read More

ILOILO MAYOR KULONG SA GRAFT

ombudsman1

(NI ANNIE PINEDA)

HINATULAN ng pagkakakulong ng Sandiganbayan ang isang alkalde matapos mapatunayang guilty sa dalawang bilang ng kasong graft sa Iloilo City.

Si Dingle, Iloilo Mayor Rufino Palabrica, ay nakitaan ng sapat na basehan nang sampahan ng graft ng Office of the Ombudsman.

Batay sa desisyong ipinalabas ng Sandiganbayan Special Sixth Division, napatunayan na guilty si Palabrica sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 3 (h) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nahatulan si Palabrica ng anim hanggang walong taon sa bawat bilang ng kaso at pinagbawalan na rin itong humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno.

Nag-ugat ang kaso ni Palabrica nang magpalabas ito ng permit at lease contract sa drug store na kanyang pagmamay-ari.

Please follow and like us:
Read More

BRIONES KAKASUHAN SA ISINARANG LUMAD SCHOOLS

deped65

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGPAPLANO ang mga militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kasuhan si Education (DepEd) Secretary Leonor Briones dahil sa ipinasarang 55 Lumad schools sa Davao region.

Sa press conference sa Kamara kasabay ng paghahain ng resolusyon na imbestigahan ang usapin, sinabi ni ACT Teacher party-list Rep. France Castro na plano nilang ipagharap ng kasong katiwalian si Briones.

“Kasong graft and corruption ang plano naming isampa laban kay Secretary Briones dahil sa pagbibigay pabor sa military,” ani Castro .

Ang military umano ang nasa likod ng pagpapasara sa 55 Lumad schools na pag-aari at pinatatakbo ng Salugpungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Centers sa Davao Region dahil pinagdududahan umano na nagtuturo ang mga ito ng idelohiyang pang-komunista.

Ayon sa mambabatas, walang katotohanan ang alegasyon ng military sa mga eskuwelahan na pinapasukan ng mga katutubo subalit nakadidismaya umano na pinaboran ito ni Briones nang suspendihin nito ang lisensya ng mga nabanggit na eskuwelahan.

Dapat pa aniyang magpasalamat ang DepEd dahil mayroong mga ganitong eskuwelahan dahil natututo ang mga katutubo.

Nabatid na mahigit 11,000 estudyanteng Lumad o Katotohan ang apektado sa pagpapasara sa kanilang eskuwelahan mula sa mga guro  kaya hinamon ng mga militanteng mambabatas si Briones na bawiin ang desisyon nito dahil kung hindi ay ipaghaharap nila ito ng kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

KATIWALIAN SA PIA INIIMBESTIGAHAN

corruption12

(NI BETH JULIAN)

NAGSASAGAWA na ng hiwalay na imbestigasyon ang Presidential Anti Crime Commission sa isyu ng umano’y katiwalian sa Philippine Information Agency (PIA).

Ito ang kinumpirma ni PACC Commissioner Greco Belgica, bagama’t tumaggi pa muna itong magbigay ng detalye hinggil dito.

Sinabi naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hinihintay lamang ng PACC ang report na manggagaling sa una nang imbestigasyong isinasagawa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ang sentro ay laban kay PIA Director General Harold Clavite.

Kaugnay ng isyu, naka-post sa Facebook account ni Clavite, sinabi nito na siya mismo ang nagkusang magpa-imbestiga sa PACC sa ngalan ng transparency.

Sa ngayon ay mayroon na ring ginagawang special audit ang Commission on Audit sa special office.

Sinabi pa ni Clavite na nagsumite na rin siya ng komento sa alegasyon ng korupsyon na inihain ng isang anonymous individual at naging basehan ng PCOO ngayon sa pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa kanya.

Nlinaw din ni Clavte na kinikilala niya ang kapangyarihan ni PCOO Secretary Martin Andanar bilang kanyang immediate superior at welcome sa kanya ang anumang imbestigasyon.

Isa pa sa nilinaw ni Clavite na ang kanyang inirereklamo ay ang paraan ng PCOO sa kanyang kaso at ang pagsasapubliko nito nang hindi man lamang siya kinausap.

Si Clavite ay isinasangkot sa umano’y spliting of contract, misused of funds for hotel accommodation at ang katiwalian sa umano’y produksyon ng information materials.

 

Please follow and like us:
Read More

ALVAREZ HINAMON SA ‘VOTE BUYING’ SA SPEAKERSHIP

alvarez12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINAMON ng Makabayan bloc sa Kamara si dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na maglabas ng ebidensya hinggil sa alegasyon nito na P500,000 hanggang P1 milyon ang ipinangako sa bawat kongresista para makuha ang boto ng mga ito sa speakership.

“Para sa amin, this is highly unethical, immoral and illegal,” ani ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio sa press conference sa Kamara nitong Miyerkoles, kaya dapat aniyang pangalanan ni Alvarez ang bumibili ng boto dahil masa-swak ito sa kasong “graft and corruption” kung sakali.

Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Alvarez kung sino ang namimili ng boto para makuha ang speakership sa 18th Congress.

Sa kasalukuyan, tatlo ang matunog na tumatakbo bilang Speaker sa katauhan nina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, Leyte Rep. Martin Romualdez at Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano.

“Usapin ito ng graft and corruption dahil isa sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno ay bibilhin so ang may problema dito ay both yung bumibili at saka yung tumatanggap lalo na kung members ng Kongreso ito,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, dapat aniyang i-detalye ni Alvarez ang kanyang alegasyon at pangalanan ang bumibili ng boto para maging Speaker upang masampahan ang mga ito ng kasong katiwalian.

Napakaseryoso aniya ng alegasyon ni Alvarez at ang imahe ng Kapulungan ang nakataya rito at sakaling mayroong ilantad na ebidensya si Alvarez ay naniniwala ang grupo na mayroong magsasampa ng kaso.

“Sa publiko sirang-sira na ang imahe ng Kongreso, eh lalong mako-confirm ang kabulukan ng institusyon ito (kung totoo na binibili ang posisyon ng Speaker),” ayon pa kay Tinio.

Sinabi naman ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na kung totoo ang alegasyon ni Alvarez ay nagpapakita lamang umano ito na lalong binubulok umano ang Kapulungan ng iilang tao.

“Ang ganyang alegasyon ay nagpapakita kung gaano kabulok ang Kongresong ito at binubulok pa,” ayon pa kay Casilao.

Please follow and like us:
Read More