BOC STRIKE TEAM BINUO VS. HAZARDOUS WASTES

HAZARDOUS WASTES

(Ni JOEL O. AMONGO)

Binuo ng Bureau of Customs (BOC) ang Environmental Protection and Compliance Division (EPCD) na siyang magmo-monitor at magkokontrol sa pagpasok  sa bansa ng mga hazardous substance.

Ito’y bilang tugon sa direktiba ni Finance Secretary Carlos Dominguez III  kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na bumuo ng special strike team para bantayan ng 24/7 ang pagpasok sa bansa ng  waste materials gayundin ang mga magtatangkang magtapon ng kanilang ba­sura sa Pilipinas.

“This strike team should work in tandem with other concerned government agencies in mounting a 24/7 watch over, and prevent, the entry of hazardous or toxic wastes into our country, in keeping with our environmental laws,” ayon kay Dominguez.

Inisyu ni  Dominguez  ang direktiba noong nakaraang Hulyo sa  isinagawang  miting ng Department of Finance (DOF) Executive Committee (Execom) matapos iulat ni Guerrero na tinawagan siya ng kanyang counterparts sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para palakasin ang  law enforcement capabilities ng organization’s member-states.

Ang pagpapalakas ay hindi lamang laban sa  drug trafficking, kundi labanan ang rehiyon mula sa mga gumagawa ng pagtatapon ng hazardous materials at wastes ng ibang bansa.

Ang pagbuo ng EPCD ay nakapaloob sa Customs Memorandum Order (CMO) No. 38-2019, na kung saan ito’y magiging permanente at gawing specialized unit sa loob ng ahensya

Sa mandato ng EPCD, nasasakop nito ang monitoring  ng pagproseso ng shipments ng hazardous substances, waste products, nuclear wastes, recyclable products o substances  na nasa ilalim ng  regulatory control ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang bagong division, na kung saan nasa ilalim ng  BOC’s Enforcement and Security Service (ESS) of the Enforcement Group (EG) ay naatasan din  na magrekomenda sa  pag-isyu ng alert orders and pre-lodgment control orders laban sa shipments ng pinaghihinalaang naglalaman ng goods na may paglabag ng  Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at environmental laws.

Bukod dito, naatasan din ito na mag-imbestiga sa mga kaso at gumawa ng rekomendasyon para sa prosekusyon  sa mga lumabag sa CMTA   at iba pang paglabag na may kaugna­yan sa kapaligiran.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 6969 o ang Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1999, ang BOC bilang isa sa mga  regulatory agencies ay tutulong sa DENR sa pag-monitor at pipigil  sa pagpasok ng hazardous and nuclear wastes sa bansa.

Sa nabanggit pa ring miting, iniulat ni Guerrero na ang ibang ASEAN member-states tulad ng Malaysia ay nagpasalamat sa Pilipinas sa 28th meeting ng ASEAN Directors-General of Customs na ginawa sa Lao Republic sa  ginawang desisyon ni Pangulong Duterte na agad ipabalik sa Canada ang 69 containers ng basura na  itinapon sa bansa.

“Malaysia was thanking the Philippines for setting the example, this problem about the wastes, because now it has come to the consciousness of the international community, this garbage problem,” ayon pa kay Guerrero.

Please follow and like us:
Read More

BOC TUTOK VS. HAZARDOUS WASTES

HAZARDOUS WASTES

(ni BOY ANACTA)

BUMUO  ang Bureau of Customs (BOC) ng isang unit na tututok  sa mga magtatangkang magpasok ng mga nakalalasong ba­sura sa bansa.

Ang nasabing unit ay tinawag na Environmental Protection and Compliance Division (EPCD). Bagay na rin  ito sa  inisyung  Customs Memorandum Order (CMO) No. 38-2019 ni  Customs Commissioner Rey Leo­nardo B. Guerrero para sa pagtatag ng  EPCD.

Ang  EPCD, ang permanente at  specialized unit na naatasan na magmo-monitor at magkokontrol ng pagpasok ng mga nakalalasong sangkap (hazardous substances) at iba pang basura sa bansa gayundin ng pag-monitor sa pagproseso ng shipments ng hazardous subs­tances, waste products, nuclear wastes, recyclable products o substances sa ilalim ng regulatory control ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang EPCD, na  nasa ilalim ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Enforcement Group (EG) ang siyang  nagrekomenda sa paglalabas ng alert orders at prelodgment control orders laban sa shipments ng pinaghihinalaang may dalang basura o nakalalasong sangkap na labag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Environmental Laws.

Ito rin ang naatasan na mag-imbestiga ng mga kaso at gagawa ng rekomendas­yon para sa mga kakasuhan na lumabag sa CMTA, na may kaugnayan sa environmental at iba pang batas, rules at regulations.

Ang BOC, bilang isa sa mga regulatory agencies, ay naatasan na tumulong sa DENR sa pagbabantay at pagprotekta laban sa pagpasok ng hazardous at nuclear wastes sa bansa.

Ito ay pagsunod na rin sa  Republic Act 6969 o ang Toxic Substances and Ha­zardous at Nuclear Wastes Control Act of 1999.

Please follow and like us:
Read More