TONI PINATANGGAL SA COMMERCIAL

0

PETERLEDESMA(PETER LEDESMA)

Kahit na may asawa’t anak na si Toni Gonzaga ay protektado pa rin ni Mommy Pinty ang career ng TV host-actress bilang manager nito. At sa lahat ng ayaw ni Mommy Pinty ay ‘yung inaapi ang kanyang mga anak na sina Toni at Alex Gonzaga.

Kaya kung mapapansin na wala na si Toni sa TVC ng kilalang brand ng conditioner ay dahil pinatanggal ‘yung part niya ni Mommy Pinty. Lumalabas kasi na sina Heart Evangelista at Nadine Lustre ang ginawang mga bida samantalang matagal na kay Toni ang commercial na ito.

Kinausap raw talaga ni Mommy Pinty ang kumuha kay Toni at agad sinabing i-pull out na lang si Toni kaysa sa magmukhang starlet kina Heart at Nadine.

Well, tama naman si Mommy Pinty dahil mas big star naman si Toni compared sa dalawang aktres. Kumita na ba ang movies ng dalawa nang P800 million na tulad ng Starting Over Again nina Toni at Piolo Pascual?

Maging sa TV, walang binatbat ang dalawa kay Toni na hanggang ngayon ay humahataw pa rin sa taas ng ratings ang weekly sitcom nitong “Home Sweetie Home.”

LOVI AT JOEM, ITINODO ANG INTIMATE SCENES

Wala pang flop na sexy movies si Lovi Poe, at dahil malakas ang dating ng bagong pelikula ni niya with Joem Bascon na The Annulment ay malamang pumatok rin ang team-up ng dalawa lalo’t napapanahon ang tema ng film.

Nagbabaga ang kanilang intimate scenes bilang mag-asawang sina Gari (Poe) at Sherwin (Bascon). Kailangan daw na bold na bold ang dating ni Lovi sa mga eksena niya rito.

Mula sa pagiging sweet honeymooners until nagkaroon ng problema ang mag-asawa at umabot na ito sa marital rape na umabot pa sa pang-iinsulto ng wife sa kanyang husband.

Sabi ni Direk Mac Alejandre ay suwerte siya dahil ang mga ito ang napili ng Regal para magbida sa The Annulment ng Regal Entertainment, Inc.

Walang kiyeme sa love scenes sina Joem at Lovi. Basta kung ano ang sabihin ni Direk Mac, go lang silang dalawa lalo’t mahusay daw ang kanilang director sa pagkuha ng ganitong mga eksena.

Palabas na ito sa mga sinehan simula November 13.

Read More

EXECUTIVES NG HERMES, PINAGKAMAY NI HEART

0

rey pumaloy(REY PUMALOY)

HANGGANG sa Paris at sa mga sosyalan hindi pa rin nakakalimutan ni Heart Evangelista na i-promote ang Filipino culture sa ibang lahi.

Suot man ng Kapuso star at “StarStruck” judge ang iba’t ibang mamahaling brand, nananatili pa ring Pinay ang puso nito.

Kamakailan lang habang nasa Paris Fashion Week ang actress-fashionista, ipinakilala nito sa mga kaibigang celebrities ang isa sa tradition ng mga Filipino, ang “boodle fight” kung saan sabay-sabay na kakain ang lahat ng nakalatag na iba’t ibang putahe.

Hindi simpleng kainan ang ipinagawa ni Heart sa kanyang mga kaibigan, kundi binigyan niya ng instruction ang mga itong kumain nang gamit ang kanilang mga kamay.

Nasa larawan ang executive ng Hermes na si Michael Coste, ang isang kilalang singer sa Paris na si Nico, at isang kapwa Filipino na tinuruan niyang magluto ng boodle fight foods at mag-set up nito.

Hindi talaga pumayag si Heart na hindi gamitin ng mga Parisian friends nito ang kanilang mga kamay sa pagkain.

Nagtagumpay naman si Heart sa kanyang “project” at na-enjoy nilang lahat ang masarap na pagkain, kwentuhan at halakhakan.

Nakakaloka lang isipin na habang nagkakamay sina Heart at ang mga Parisian friends nito, suot-suot nila ang mamahaling brands.

DEREK RAMSAY, NAPAMURA SA DUBAI

Napamura si Derek Ramsay sa thrill na naramdaman sa “paglipad” nito sa ere ng Dubai habang nakatali lang siya sa isang kable.

Hindi napigilan ni Derek ang makapagsalita ng “Putahhh!” nang magsimula na siyang “lumipad.”

Sinubukan ni Derek na maranasan ang tinaguriang pinakamataas na zipline sa buong mundo sa Dubai na higit sa 170 meters above ground at tumatakbo ng 80 kms/hour.

Nakaposte sa Instagram wall ni Derek ang naturang video. Sandali lang ang kaba na naramdaman ni Derek, at napalitan na agad ito nang kasiyahan habang “lumilipad” siya na mala-Superhero.

Mahilig si Derek sa mga extreme sports, kaya bale wala lang sa kanya ang ganitong adventure.

Nasa Dubai si Derek para sa isang celebrity basketball game na pinamumunuan ni Sen. Manny Pacquiao.

GWEN, MAKAKAHATI SI SAM SA SEMERAD CABIN

Hindi nagkamali si Gwen Zamora na ibigay ang sarili niya sa basketbolistang si David Semerad at bigyan ito ng anak, dahil pinatutunayan naman ng athlete na mahal nito ang aktres at ang kanilang baby.

Sa katunayan, iniaalay ni David ang ipinapagawa nitong bahay para kay Gwen at sa baby nila.

Nakaposte sa Instagram wall ni Gwen ang pagbisita nila nina David at ng baby nila sa ipinapagawang bahay.

Nagpasalamat si Gwen at nag-comment ng “I Love You”, sa importansyang ipinaparamdam sa kanila ni David.

Pero hindi solo ni David ang property dahil katuwang niya rito ang kambal na si Anthony.

May hashtag itong “The Semerad Cabin,” nagpapahiwatig na joint property ito ng twins. Present din sa pagbisita si Anthony at ang syota niyang si Sam Pinto.

Kung mauuwi sa kasalan ang relasyon nina Sam at Anthony, makakahati ni Gwen sa cabin si Sam.

 

Read More

HEART KINUKULIT NI SHARON CUNETA SA PAINTING!

0

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

TINATAPOS  pa lang ni Heart Evangelista ang latest painting niya ay pinutakti na ng positive comments ang Kapuso star. Makikita sa posting ni Heart ang painting niya na pawang imahe ng mga mukha ng babae.

Sabi ni Heart sa kanyang bagong masterpiece, inabot din nang matagal ang pagtatapos niya sa painting kaya excited na siyang tapusin at ipa-frame ito.

Sa mga comments, hindi lang daw maganda si Heart kundi napaka-talented nito. Sey nga ng kaibigan niyang si Lovi Poe, tigilan na raw ang pagiging “perfect” ng kanyang best friend.

Sumawsaw rin si Sharon Cuneta sa comments, na nagpapaalala kay Heart tungkol sa inorder niyang painting na babayaran niya at hindi ito libre. Sa lahat ng mga painter-celebrities, si Heart ang pinakasikat at pinupuri sa ganda ng kanyang mga paintings.

 

Read More