PASYENTE DAPAT PAYAGANG BUMILI NG GAMOT SA LABAS NG OSPITAL

(NI BERNARD TAGUINOD)

OOBLIGAHIN ang lahat ng mga hospital at mga clinic lalo na ang mga pribado, na payagan ang kanilang mga pasyente na bumili ng gamot na kanilang kailangan upang makatipid ang mga ito.

“Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 1933  o “Requiring hospitals and medical clinics their patients right to buy drugs and medicines from outside the hospital and medical clinic pharmacy” na inakda ni 1Pacman party-list Rep. Michael Romero.

Ginawa ng mambabatas ang panukala dahil sa kasalukuyan ay hindi inaabisuhan ng  mga hospital at clinics ang kanilang mga pasyente na maaari nilang bilhin sa labas ng pagamutan ang gamot na kailangan ng mga ito.

Ayon sa mambabatas, maraming pasyente ang nahihirapan sa pagbabayad ng kanilang pagpapagamot dahil hindi nila ipinapaalam ng kanilang mga doktor na ang mga gamot na kailangan nila ay maaari nilang bilhin sa labas ng pagamutan.

“The option will keep the patient on guard against exorbitant price of drugs and medicines in hospital and medical clinics pharmacy and which are readily available in other pharmacist at much lower price,” ani Romero sa kaniyang panukala.

Kapag naging batas ang nasabing panukala, aabisuhan muna ng mga doktor ang kanilang mga pasyente kung anong gamot ang kanilang kailangan bago isagawa ang paggagamot at bibigyan ang mga ito ng opsyon na puwede nila itong bilhin sa labas ng ospital o clinic.

Nagtakda si Romero ng multang P50,000 na unang paglabag sakaling maging batas ang panukalang ito at tataas sa P100,000 hanggang P150,000 sa ikalawa at ikatlong paglabag.

Gayunpaman, hindi inerekomenda ng mambabatas ang pagpapasara sa mga hospital na lalabag dito maliban sa nasabing multa.

 

Please follow and like us:
Read More

AIKO MELENDEZ ISINUGOD ANG SARILI SA OSPITAL

NAKATAKDA sanang maging judge ang aktres na si Aiko Melendez sa grand coronation ng Miss World Philippines 2019 kahapon, September 15.

Pero dahil sa isang emergency, hindi na ito nakadalo sa nasabing beauty pageant. Sumugod sa ospital si Aiko kamakalawa, September 14, nang makaranas ito ng pamamanhid ng kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Sabi ni Aiko sa kanyang Facebook account: “I would like to send my apologies to the organizers of Ms. World Pageant. For i will not be able to make it later to judge. Last night i rushed myself to the hospital not being able to watch the show that i was supposed to see, Doctors put me on monitoring status as I experienced a numbness on my left body.” Sasailalim siya sa series of medical tests para malaman kung nagkaroon siya ng mild stroke o hindi.

Please follow and like us:
Read More

SPECIAL HOSPITAL SA SENIORS IPATATAYO

pinoy senior1

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG mayroong ospital para sa mga bata o ang National Children’s Hospital, kailangang magkaroon din ng pagamutan para lang sa mga matatanda upang mabigyan ang mga ito ng ibayong atensyon.

Ito ang nakasaad sa House Bill 3939 na inakda ni House minority leader Benny Abante dahil wala umanong special hospital sa mga matatandang tulad ng pagamutan para mga bata.

“Filipinos are most vulnerable to health issues when they are very young and when they are very old, but while the the country has the National Children’s Hospital to address the needs of the young, it does not have a counterpart for the nation’s close to nine million senior citizens,” ani Abante.

Ayon sa mambabatas, 8.2% sa 104.9 million Filipino ay edad 60 anyos pataas subalit pagdating ng taong 2030 hanggang 2035 ay aabot magiging 14% a ang kanilang populasyon.

Dapat aniyang paghandaan ito ng gobyerno kaya kailangang magtayo ng National Hospital for Elderly upang matiyak na mapangalagaan ng maayos ang mga ito kapag  sila ay nagkakasakit.

“Given how much our senior citizens have contributed to our country, they deserve our care. Benefits like senior citizen discounts and the like are helpful, but we should not stop there,” ayon sa kongresista.

Sa ngayon  ay mayroong National Center for Geriatric Health (NCGH) na binuksan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2010 kung saan nakapokus ito sa geriatric health ng mga dumaraming bilang ng mga matatanda.

Nasa ilalim ito ng Jose Reyes Memorial Medical Center at nakatayo sa San Miguel Manila subalit hindi umano maituturing na hospital for elderly dahil pawang mga outpatient lamang ang kanilang nabibigyan ng serbisyo.

“Unfortunately, this hospital is not operational because of the absence of a law that allows for its operations,” ayon pa kay Abante.

Please follow and like us:
Read More

DU30 MANHID NA SA BALITANG ISINUSUGOD SA OSPITAL

duterte12

(NI BETH JULIAN)

SANAY na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga balitang naospital siya kapag hindi siya nakikita ng publiko.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, natatawa na lamang ang Duterte sa mga naglitawang balita na naospital siya ng ilang araw dahil sa cardiac arrest.

Ayon kay Panelo, nagkausap sila ni Duterte Linggo ng umaga at napag-usapan na walang planong balikan o kasuhan ang mga nagpapakalat ng mga maling balita hinggil sa kanyang kalusugan.

“Hayaan na lamang daw sabi niya, sanay na raw siya,” wika ni Panelo na tumutukoy sa Pangulo.

Dito ay iginiit ni Panelo na maayos ang kondisyon ng pangangatawan ng Pangulo at nasa kanya lamang itong kuwarto na nagpapahinga habang nagbabasa at lumalagda ng mga papeles.

Iginiit ni Panelo na tuloy ang trabaho ng Pangulo kahit na hindi ito nakikita ng publiko o lumalabas.

Tiniyak din ni Panelo na regular ang check-up ng Pangulo sa kanyang doktor kaya walang dapat na ipag-alala ang taumbayan.

Muling nanindigan si Panelo na hindi naospital ang Pangulo ng mga nakaraang araw pero hindi naman makumpirma ng tagapagsalita kung nagpa-check up ang Pangulo o hindi o kung pinuntahan ito ng mga doktor sa Bahay Pagbabago.

Ikinatwiran pa ng Pangulo na hindi nagpakita sa publiko ang Pangulo ng ilang araw  dahil may mga aktibidad ito na hindi na naman kailangan pang isapubliko o ipakita sa media.

Gayunman, tiniyak ni Panelo na kung mayroon mang seryosong karamdaman ang Pangulo, ito mismo ang magsasabi sa taumbayan tulad ng mga nauna na nitong pangako.

Please follow and like us:
Read More

ABC PREXY KILLER HULI SA OSPITAL

cavite

MATAPOS barilin at mapatay si Barangay Captain Marlon Luancing sa loob ng Lipa City Games and Amusement Complex sa Lipa City Batangas, ay nakasalubong ni PO3 Ronald Villagas ang isa sa mga gunman ng biktima.

Nakipagpalitan ng putok ang suspect sa pulis at gayong tinamaan ang suspect ay nakatakas pa rin ito kasama ang tatlong iba pa.

Dahil dito, agad nagpalabas ng alarma ang Batangas Police Provincial Office sa mga karatig lalawigan para impormahan sa pasyenteng isinugod sa mga ospital sa gunshot wounds.

Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag mula sa Silang Specialists Medical Center sa Silang, Cavite sa lalaking may tama ng bala sa katawan. Doon ay inabutan nina PC/Insp. Resty Soriano ang lalaking nagpakilalang tatay ng pasyente na si Vengie Cortez.

Sinabi nito na biktima ng mga holdaper ang kanyang anak ni Venrose Cortez ngunit ilang minuto lang ay dumating ang ilang witness sa krimen at positibo siyang itinuro na isa sa mga gunman ni Luancing.

Mahigpit na ngayong binabantayan ng pulisya ang suspect sa ospital habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente na ikinasugat rin ng tatlong iba pa na sina Keempee De Leon, Carmelo Malabanan at Edmundo Benero na mga tinamaan ng stray bullet
Sa ulo naman napuruhan ang ABC President kaya agad itong nasawi/

Please follow and like us:
Read More