PALASYO SA PAG-ATRAS NI SABIO SA ICC: OPOSISYON MABIBILAD SA KAHIHIYAN

panelo55

MABIBILAD sa kahihiyan dahil unti-unti nang nahuhubaran at ngayo’y umaalingasaw na tila ash fall ang baho ng  mga destabilizer ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na si dating Senador Antonio Trillanes.

Reaksyon ito ng Malakanyang kasunod ng ulat ng pagwi- withdraw ni Atty. Camilo “Jude” Sabio sa inihain nitong reklamong crime against humanity kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, tiyak na namimilipit na ngayon sa kahihiyan si Trillanes kasunod ng pagbaligtad ni Sabio na  aniya’y inuusig na ng konsensiya.

Bukod kay Trillanes, binanatan din ng Malakanyang  ang ICC na dapat na aniyang magising sa pagiging ignorante at mapagtantong nagagamit lamang sila ng mga indibidwal na ang tanging puntirya ay pabagsakin ang Duterte presidency.

Ang aniya’y professional tie sa pagitan nina Trillanes at ni Sabio ay nagwakas matapos na hindi mabayaran ang huli ng kanyang professional fee ng dating senador dahilan para ito’y bumaligtad gamit ang alibi na ayaw na niyang magamit sa political propaganda ng Partido Liberal. (CHRISTIAN DALE)

Read More

KASO SA ICC LABAN KAY DU30 INURONG NA

Atty Jude Sabio

INIATRAS na ng isa sa mga nagreklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kasong crimes against humanity na kanilang isinampa sa International Criminal Court (ICC).

Kinumpirma ni Atty. Jude Sabio, abogado ng confessed hitman na si Edgar Matobato, na sumulat na siya kay ICC prosecutor Fatou Bensouda “regarding my intention to withdraw my earlier ICC communication.”

Kahapon, nag-execute ng affidavit si Sabio kasama ang kapwa abogado na si Larry Gadon kaugnay ng kanyang pag-urong sa kaso laban kay Pangulong Duterte.

“I am set to submit it personally with the ICC anytime soon,” pahayag pa ni Sabio.

Bahagi ng affidavit ni Sabio ay naglalaman ng: “I fervently request that the legal matter pending with your office in relation to the war on drugs in the Philippines should just be set aside and thrashed for being just a part of the political propaganda of Senator Antonio Trillanes, Senator (Leila) De Lima and their Liberal Party-led opposition of which I do not wish to be a part.”

Matatandaang noong taong 2017 ay humirit si Sabio sa ICC prosecutor para imbestigahan si Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan kaugnay ng umano’y mass murder na nagaganap sa bansa dahil sa war on drugs.

Noong buwan ng Pebrero, 2018, nagsimula ang preliminary examination ni Bensouda sa mga alegasyon ngunit noong Marso ng nakaraang taon ay tuluyang bumitaw ang Pilipinas sa ICC. SAKSI REPORTORIAL TEAM

Read More

PDU30 SA ICC: PARUSAHAN N’YO KO KUNG MAY EBIDENSIYA KAYO

duterte12

(NI BETH JULIAN)

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court (ICC) na parusahan siya kung may ebidensiya sila laban sa sinasabi nilang extra-judicial killing sa ilalim ng war on drugs ng gobyerno.

Kasabay ito ng unang inihayag ng Pangulo na handa siyang ipakain sa pating.

“SIGE ipakain nyo ako sa pating kumakain man ako ng pating.

Ito ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na patuloy na bumabanat sa kanyang giyera kontra ilegal na droga.

Partikular na hinamon ng Pangulo ang Hague-based ICC at sinabing parusahan siya kapag makitaan siya ng dapat na ebidensya dahil sa umano’y extra-judicial killing sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.

“Sabi nila, ma-prosecute ako sa International Criminal Court. ‘Di sige. Ano gusto ninyo? You hang me? Good. ‘Yung firing squad? Mas mabuti kay maging Rizal rin ako. You feed me to the sharks? Kumakain man rin ako ng pating so tabla-tabla lang. Payback time,” ayon sa Pangulo.

Una nang nagbanta si Duterte na ipaaaresto si Presecutor Fatou Bensouda kapag pumunta ito sa Pilipinas para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa paratang sa kanyang human rights abuses sa kasagsagan ng war on drugs ng administrasyon.

Giit ng Pangulo, hindi maaaring gumawa ng anumang proceedings si Bensouda sa bansa nang walang basehan.

Read More

GOBYERNO WALANG KINALAMAN SA KASO VS XI

xi12

(NI BETH JULIAN)

WALANG kinalaman ang gobyerno ng Pilipinas sa kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court (ICC) nina dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Chinese President Xi Jinping.

Ito ang pagtiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay His Excellency Song Tao, Minister ng International Department of the Communist Party of China Central Committee nang mag-courtesy call kasama sina Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, Chinese Consul General to Davao Li Lin at iba pang Chinese delegates sa Matina Enclaves sa Davao City.

Paliwanag ng Pangulo sa Chinese delegates, bilang isang demokratikong bansa, hindi niya mapipigilan sina Del Rosario at Morales na maghain ng reklamo laban Xi.

Matatandan na nag-ugat ang kaso ng dalawang dating opisyal laban kay Xi bunsod ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mga Filipino na mangingisda sa West Philippine Sea.

Gayunman, sa kabila nito, nananatiling malakas ang ugnayan ng Pilipinas at China kasabay ng pagpapasalamat sa mga tulong na ibinigay sa bansa lalo na sa ‘Build Build Build’ program.

Sa Abril ay dadalo ang Pangulo sa Belt and Road Forum sa China.

Read More

PANELO NAG-SORRY SA PAMILYA NI EX-SENATOR SANTIAGO

miraim1

(NI BETH JULIAN)

BAGAMA’T humingi na ng paumanhin, nanindigan pa rin si  Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo sa pamilya ni dating senator Miriam Defensor Santiago na walang bisa ang pagkakatalaga sa senadora bilang International Criminal Court (ICC) judge.

Nag-sorry si Panelo matapos pumalag ang kapatid ng yumaong senadora sa naging pahayag ni Panelo na void o maituturing na walang bisa ang appointment nito sa ICC bilang judge dahil hindi naman miyembro rito ang Piliipinas.

Sa pahayag ni Linn Defensor Evangelista, kapatid ng namayapang senadora, iresponsable at puno ng malisya ang pahayag ni Panelo at iginiit na dapat nitong bawiin at mag-apologize sa pamilya.

Ginawa naman ni Panelo ang paghingi ng tawad.

“I will apologize for hurting her feelings but I think she misunderstood what I said yesterday. What I said that if the theory that we were never under the jurisdiction of the ICC, it goes without saying that any appointment to international court will be void,” wika ni Panelo.

Pagkatapos ay iginiit din ni Panelo na posibleng hindi lamang naintindihan ng mabuti ng pamilya ni Santiago ang ipinupunto nito kaugnay usapin sa ICC.

Read More

PALASYO DUDA SA KASO NG PINAS VS CHINA SA ICC

icc12

(NI BETH JULIAN)

DUDA ang Malacanang kung makauusad sa International Criminial Court (ICC) ang kasong isinampa ng ilang dating opisyal ng gobyerno laban sa China.

Kasong crimes against humanity ang inihabla sa ICC laban sa China nina dating Foreign Affairs secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na baka ibasura lamang ito ng ICC dahil environmental damage ang nilalaman ng reklamo bunsod ng reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Panelo, hindi kasama ang environmental damage sa mga pwedeng hablang reklamo sa ICC.

Tanging mga kasong murder, extermination, at ilan pang kasong kriminal ang maaaring isampa sa ICC laban sa mga lider ng bansa na kasapi ng Rome Statute.

Bukod dito ay hindi rin kasapi ng Rome Statute ang China kaya lumalabas na hindi ito saklaw ng hurisdiksyon ng ICC.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na mas pasok ang pamahalaan sa diplomatic negotiation sa pamamagitan ng bilateral consultation mechanism para malutas ang usapin ng teritoryo sa South China Sea.

Read More

‘RELASYONG ‘PINAS-CHINA ‘DI MAGKAKALAMAT DAHIL SA KASO SA ICC’

china rp12

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maapektuhan ang relasyon ng bansa at China sa harap ng kasong isinampa sa International Criminal Court (ICC) nina dating Foreign secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales kay Chinese President Xi Jinping dahil sa umano’y pang-aabuso sa South China Sea at sa teritoryo ng Pilipinas gayundin sa mga krimen na maaaring aksiyunan ng ICC.

Sinabi ng Pangulo na may karapatan silang magsampa ng kaso laban sa China at tiwala pa rin si Duterte na hindi magkakaroon ng lamat ang relasyon ng bansa at China dahil sa kaso.

Nilinaw ni Duterte na isang demokratikong bansa ang Pilipinas at kahit sino ay maaaring magsampa ng kaso kaninuman.  Idinagdag pa na hindi umano miyembro ng ICC ang China.

Read More

MAY SABWATAN PARA DURUGIN ANG PANGULO — PALASYO

panelo12

(NI CHRISTIAN DALE)

MAY international organizations ang  nagsasabwatan para bakbakan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at putikan ang imahe ng Pilipinas gamit ang preliminary investigation sa umano’y extra judicial killing na nangyayari sa bansa.

Naniniwala si Presidential spokesperson Salvador Panelo na kasama si Fatou Bom Bensouda, lawyer at international criminal law prosecutor, sa pilit na sumisira sa Pangulo.

“I don’t know why she is doing it. What I know is that international organizations appear to have conspired against this President. They opt to believe what they have been receiving from this source are  false stories about the situation of this country,” aniya pa rin.

Kapansin-pansin aniya na halos lahat ng mga ito ay pare-pareho ang sinasabi at nagbabanggit ng parehong pigura o bilang ng biktima ng ejk.

Naniniwala si Panelo na ang Law Asia at international group of lawyers ay mga  anay na sumisira sa gobyernong Duterte.

Subalit nilinaw ni Sec. Panelo na nagsasabwatan ang mga ito na hindi kasama ang International Criminal Court (ICC).

“ No, what I am saying is—they appear to be in conspiracy because they are saying the same things. Those who speak against this President and this government relative to human rights, relative to  drug-related killings. They are chorusing the same line,” ani Panelo.

Read More

ICC WALANG AASAHAN SA GOBYERNO NG ‘PINAS

icc12

(NI BETH JULIAN)

WALANG maaasahan ni katiting na kooperasyon mula sa alin mang ahensya ng gobyerno ang International Criminal Court (ICC).

Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng pahayag ni ICC Criminal Prosecutor Fatou Bensounda na nagsabing itutuloy pa rin nila ang inisyal na imbestigasyon laban sa anila’y insidente ng extra judicial killing (EJK) at paglabag sa karapatan-pantao sa Pilipinas.

Ipinunto ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, na hindi naman kailanman napasailalim sa hurisdiksyon ng ICC ang Pilipinas.

Paliwanag ni Panelo, hindi naman naging binding ang pagpirma ng Pilipinas sa Rome Statute dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso ng publication sa bansa.

Sinasabing ang proceeds na ipinadala sa United Nations ay paghahayag na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas at hindi alam ang pagkalas sa kasunduan.

Dito sinabing hindi tama ang terminong ginagamit ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas ang Pilipinas sa ICC.

Iginiit ni Panelo na tama ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kilalanin ang ICC dahil hindi kailanman nagkabisa ang pagpirma ng gobyerno sa Rome Statute.

Read More