‘FAIR PLAY ATHLETE’ AWARD KAY CASUGAY

(NI VT ROMANO) BAGO tuluyang isinara ang tabing ng 30th Southeast Asian Games, iginawad kay national surfer Roger Casugay ang ‘Fair Play Athlete’ award. Sa closing ceremonies sa New Clark City Athletic Stadium sa Capas, Tarlac, si Casugay ay pinagkalooban ng pagkilala bunga ng kanyang ‘heroic sportsmanlike act’ habang ginaganap ang surfing event ng biennial meet sa La Union. Kasalukuyan pang bumabawi ang La Union mula sa epekto ng bagyong Tisoy noong nakaraang linggo habang isinasagawa ang longboard event, binalewala ni Casugay ang pangunguna sa karera nang magpasyang balikan ang…

Read More

INDONESIAN HULI SA P54-M SHABU

INDONESIAN DRUG MULE-2

Naaresto ng pinagsa­nib na puwersa ng Bureau of Customs-Anti-Ile­gal Drugs Task Force, X-ray Unit, Office of the Collector at CIIS ang isang Indonesian nang tangkain nitong ipuslit ang  mahigit kumulang sa walong kilong shabu na may street value na P54 milyon ka­makalawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Kinilala ni NAIA-Customs district collector Carmelita Talusan ang  dayuhan na si  Agnes  Alexandra, mula sa Seam Reap, Cambodia sakay ng Cebu Pacific Flight 5K 528, dakong alas 2:00 ng madaling araw. Nalaman na ang luggage ni Alexandra ay minarkahan na…

Read More