JULIA: ‘STOP MAKING JOSHUA AND I FIGHT!’

julia12

     Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa kontrobersyal na video nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Makikitang hindi nagpansinan ang dating magkasintahan sa naturang video sa isang event. Ayon kay Julia ay maayos naman ang turingan nila ngayon ng aktor at nanatili ang pagiging magkaibigan nila. “That night okay kami, as in okay kami. Ang pangit lang na parang lahat na lang ng galaw naming dalawa may issue, may meaning, ginagawan nila ng meaning. Pero okay kami, ako, personally okay kami,” paglilinaw ni Julia.

     Para sa aktres ay wala siyang dapat ipaliwanag tungkol sa naging viral video nila ni Joshua at ang mahalaga ay nagkakaintindihan silang dalawa ng aktor. “I don’t need to explain that video because I think that I’ve accepted that, of being who I am. Every single day I do, someone has always something to say. I do something good, they’ll twist and turn it into bad intention. Whatever choice I make, I will be crucified for it. So I might as well just live my life according to the things that makes me happy,” makahulugang pahayag ng dalaga.

   Aminado si  Julia na talagang ikinalungkot niya ang pagdududa ng netizens sa pagiging magkaibigan nila ni Joshua. “Ang nakakalungkot talaga is ‘yung hindi naman binababoy. Naging maganda ‘yung samahan namin ni Josh. When we ended, it was smooth, it was nice. We remain friends. For many things happened last year, nadamay lang ang friendship namin but hindi kasi gano’n eh. We’ve always been okay. He’s always been there for me even last year during all those things. We remain the same until this day. So stop making a fuss out of so many things and once and for all, stop making Joshua and I fight. We’re not fighting, we’re okay. We are both in a good place in our lives. There’s no reason to fight. We ended nicely, our friendship is nice so just respect that. Hindi namin alam kung saan kami lulugar. Okay kami, galit sila. Hindi kami okay, galit din sila,” paglalahad ng aktres.

Read More

JULIA: ‘PINAG-WORKOUT TALAGA AKO NI DIREK MIK!’

Sa January 29 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikulang Block Z na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ang aktres ng isang action-horror film na talagang maipagmamalaki raw ni Julia. “Ang daming best part sa film but one of them siguro is being able to work with direk Mikhail (Red). It’s actually Joshua who introduced me to direk Mik and he always said good things about him and told me good things about his work. When they called us for pitching for the zombie film. I couldn’t be more excited kasi first off, it’s an action film. Second, because it’s the first large scale zombie movie in the Philippines and third, because I get to work with all these amazing actors that have become my really good friends. There’s so many good things about doing this movie,” pagbabahagi ni Julia.

Para sa aktres ay talagang magandang karanasan ang paggawa ng isang action-horror movie lalo na sa mga babaeng katulad niya. Para kay Julia ay kakaiba rin ang proseso ni direk Mikhail Red sa paggawa ng isang pelikula. “There was a lot of running, a lot of screaming, a lot of fighting, a lot of stunts so everybody was challenged. It’s an action film. Matagal ko nang pinangarap ‘yung gano’ng klaseng eksena. We shot that whole scene from morning until midnight. I think I can speak for all the girls when I say we all have that Angelina Jolie moment na pinapangarap na magawang eksena. So it was fulfilling and I had the support of everybody in the film, so nakaka-encourage siya. Pinag-workout talaga ako ni direk Mik,” nakangiting pahayag ng dalaga.

With reports from J.C.C.

Read More

TONY ON JULIA: ‘WHEN SHE GETS MARRIED, THE MAN WILL BE A LUCKY MAN!’

(NI BOY ABUNDA)

SA kauna-uanahang pagkakataon ay nagkatambal sina Julia Barretto at Tony Labrusca para sa iWant digital series na ‘I Am U.’ Wala pang kasintahan ang aktor kaya may ilang mga nagtatanong kung posible kayang may mamuong espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa. “Let’s not get ahead of ourselves, Tito Boy. I’m just gonna say this, you know what, one day, when she gets married, the man that she marries will be a very lucky man,” makahulugang pahayag ni Tony.

Ayon sa aktor ay naging malapit sila ni Julia sa isa’t isa dahil na rin sa mga kontrobersiyang kanya-kanya nilang hinarap ngayong taon. Napag-uusapan daw ng dalawa ang tungkol dito habang ginagawa ang naturang digital series.

“I feel for Julia. I think people forget that I and she are just people just like everybody else. I mean, mayroon din kaming feelings. Minsan umiiyak din, minsan masaya. I mean, we’re just normal human beings. Noong nakita ko po siya. I kinda took time and I wanted to be in the most respectful way. Tinatanong ko siya Tito Boy on how she is, how is she coping up with everything. She always goes back to God. I can honestly say that I’m so inspired by her stories about her family,” kwento ng binata.

Samantala, masayang-masaya si Tony sa takbo ng kanyang career ngayon. Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil kabi-kabila ang kanyang mga ginagawang proyekto ngayon. “What I really believe in something Tito Boy na kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga. And not a single thing, person, no energy on this earth can take away what’s meant to be yours. So no matter what controversy happens to you, if you know that in your heart, you had no ill will, no ill intentions, whatever God’s plans for you will still go to you,” paglalahad ng aktor. With reports from J.C.C. 

 

Read More

JOSHUA UMAARIBA WITHOUT JULIA

olea(NI JERRY OLEA)

DAWIT sa ghosting ish nina Gerald Anderson at Bea Alonzo ang JoshLia tandem. Ewan kung kailan maipapalabas ang zombie movie ng JoshLia na Block Z.

Andaming solo commercials ni Joshua Garcia. Rumaratsada pa rin ang teleserye nila ni Janella Salvador na The Killer Bride.

Iyong MMK episode ni Julia last Saturday, mahina sa national ratings. Sa Kantar Media, konti lang ang lamang ng MMK ni Julia sa Magpakailanman episode ng Hipon Girl na si Herlene Budol.

Sa NUTAM o AGB Nielsen, kinabog ni Hipon Girl si Julia. Dito nakabawi ang MELlenials ni Mel Tiangco.

This Sabado night, interesting muli ang tapatan ng dalawang drama anthology.

Mapapanood ang first part ng anniversary presentation ng Magpakailanman, kung saan bida ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo bilang premyadong visual artist na si Rens Tuzon.

Bida naman sa World AIDS Day presentation ng MMK si Kit Thompson.

 

Read More

PAANO NA ANG CAREER NI JULIA?

olea(NI JERRY OLEA)

MAY pag-asa bang magkabati-bati ang mga Barretto ngayong Kapaskuhan, o bago sumapit ang bagong taon?

Panay-panay ang pakikipag-bonding ni Mommy Inday Barretto kina Gretchen at Claudine. Nakaka-good vibes!

Paano na ang career ni Julia Barretto kung hindi pa rin makikipag-ayos sila ng kanyang inang si Marjorie sa kanilang mga kapamilya?

30K PER HADA SI POGILICIOUS YOUNG ACTOR

Desperado na ba ang yummylicious pogilicious na young actor? Isa siya sa mga lalaking starlet na matagal-tagal na sa showbiz pero nananatiling one of those.

Nag-over da bakod siya, asado at hopia na mabigyan ng pagkakataong sumikat. Talap-talap naman kasi ang kanyang abs, at kahit paano ay talentado siya sa iba’t ibang larangan.

Pero mailap ang suwerte sa kanya. Maging ang ex-GF niyang young actress, aandap-andap pa rin ang career. Naghihilahan ba sila pababa dahil sa negatrons?

Ang tsika, pahada na ang young actor sa mayayamang bading sa halagang P30,000 pataas.

Presyong kaibigan pa minsan, pwedeng tawaran hanggang P20,000.

PAANDAR SA 45TH MFFF: ION AT VICE NAG-CHUGUG, RPCCP-MILES MAY PA-KILIG

Nagpapaandar na ang official entries ng 45th Metro Manila Film Festival.

Nag-chugug sa Bohol last Sunday night ang mag-sweethearts na sina Vice Ganda alang-alang sa M&M: The Mall, The Merrier.

Hindi na ka-join sa promo tour doon ang buntis na si Anne Curtis. Doon na muna sa Bisaya nag-mall tour sina Vice & Ion para hindi maagawan ng eksena ang last stretch sa pasiklab ng Unbreakable na showing na sa mga sinehan.

Sa Monday night ay red carpet premiere na ng Write About Love sa SM Megamall. Ito lang ang romcom sa MMFF 2019.

Magpapakilig dito ang mga tambalang Rocco Nacino-Miles Ocampo at Joem Bascon-Yeng Constantino.

Ang Mindanao na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon, sa direksyon ni Brillante Mendoza, ay umarangkada sa mga international filmfest.

Nag-world premiere ang Mindanao last month sa 24th Busan International Film Festival. This November, lumahok ito sa Taipei Golden Horse Film Festival (TGHFF), Kolkata International Film Festival (KIFF), Tallinn Black Nights Film Festival (TBNFF), at Cairo International Film Festival (CIFF).

FROZEN 2 MAS MALAKAS ANG WORLDWIDE OPENING

Ramdam na ramdam natin ang lakas ng Frozen 2. Ang opening weekend gross (Nobyembre 22-24) nito sa North America ay $130.3M.

Sa international market ay humamig agad ito ng $228.2M.

#1 ang Frozen 2 sa lahat ng bansa na nag-open ito, kabilang ang China, Korea, Japan, UK, Germany, France, Mexico, Indonesia, Philippines at Spain.

Oo, Tito KC! Ang Frozen sequel ang may pinakamalakas na worldwide opening para sa isang animated film — $358.5M.

No wonder, luray-luray ang Adan at Damaso na nangahas makipagpingkian dito… Kikiam ng ina mo! Tara, mag-kiksilog na lang tayo!

ASWANG KASAMA SA CANNES NG DOCUMENTARY FILMMAKING

Kasama ang Aswang ni Alyx Ayn Arumpac sa 12 entries sa 32nd International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA) Competition for First Appearance 2019 sa Netherlands.

Ang Aswang ay tungkol sa war on drugs sa Pilipinas. Co-production ito ng Pilipinas, France, Norway, Qatar, at Germany.

Makakalaban nito ang mga produksyon galing Spain, Russia, Qatar, Denmark, Brazil, Poland, China, UK, Serbia, Croatia, Colombia, at Georgia.

Ang IDFA ay itinuturing na Cannes sa mundo ng documentary filmmaking. Nagpapalabas ito ng mahigit 300 na pelikula taun-taon kaya kasama ito sa mga nangungunang international documentary film fest.

Nag-world premiere ang dokumentaryong “Aswang” sa Amsterdam noong Nobyembre 21.

Ayon sa direktor na si Arumpac, “We’re very proud and grateful to premiere at IDFA, and happy that we were selected for the competition lineup.

“IDFA is one of the film’s biggest supporters, through its Bertha Fund, IDFAcademy Summer School, and the IDFA Forum. Despite this, all films still have to undergo a selection process to be able to screen or compete in the festival.”

Sold out ang dalawang screening ng “Aswang” sa Amsterdam!

 

Read More

JULIA: MASAYA KAMI NI MOMMY, KAMING MAGKAKAPATID!

(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay mainit na pinag-usapan ang tungkol sa away ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto sa mismong burol ng amang si Miguel Barretto. Naging malaking palaisipan sa publiko kung ano talaga ang tunay na dahilan ng pagkakagalit-galit ng pamilyang Barretto.

Hanggang maaari ay hindi na umano sumasali o nakikisawsaw si Julia Barretto na anak ni Marjorie sa gulo o away ng kanilang pamilya. “I’m happy, masaya kami eh, kami ni mommy, kaming magkakapatid, masaya kami eh. Strong ang bond namin,” nakangiting bungad ni Julia.

Para sa dalaga ay mas naging matatag ngayon ang relasyon nilang mag-iina dahil sa mga nangyaring gulo. “I think in general kahit anong pagdaanan ng mga tao, ng mga pamilya, ng mga magkakaibigan, ng magkarelasyon, in general kahit anong pagdaanan, feeling ko nakakapagpatibay talaga ng loob, nakakapagpatibay ng relationship, ng love, ng connection,” makahulugang pahayag ng aktres.

Ayon kay Julia ay palagi rin siyang pinapayuhan ng ina kung ano ang dapat gawin upang mas maging mabuting tao para sa pamilya at sa kapwa. “Maraming payo si Mommy. Pero siguro ang favorite ko na payo niya is, ‘Don’t be late for work. Always be on time.’ No, I think it’s, ‘Always be the better person. Always be the better and kinder person, the bigger person always. And always leave it up to the Lord,’” pagbabahagi niya. Report from JCC

 

Read More

GERALD HINDI DINAMAYAN SI JULIA; JOSHUA NAGBABAD SA LAMAY

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

NASENTRO sa away nina Gretchen at Marjorie Barretto ang issue nang magkagulo ang magkapatid sa wake ng kanilang Daddy Mike (Miguel).

Kaya hindi naisulat o napansin ‘yung pagpunta ni Joshua Garcia sa lamay para damayan ang kanyang former girlfriend na si Julia Barretto. Sobrang nagdadalamhati ang dalaga sa pagkawala ng kanyang Lolo Pikey (tawag ng young actress sa lolo). In fairness, nagtagal daw talaga si Joshua na inalalayan pa si Julia kaya marami ang natuwa sa gesture nito.

Pero ang talagang hinanap daw sa burol ay ang rumored boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson na bago mamatay si Mr. Miguel ay namataan pa ang dalawa sa isang birthday party na magkasama. Siguro naging mautak lang si Gerald dahil kapag nagpakita siya sa wake ay kumpirmasyon na iyon na sila na nga ni Julia. Eh, di lalo silang masisira ng aktres sa mata ng publiko.

Komento ng ilang netizens, parang walang balls itong si Gerald na hindi maipaglaban ang pagmamahal niya kay Julia.

How true, ‘yung teleserye ng actor sa ABS-CBN ay stop raw muna ang taping at baka next year na raw ito maipalabas? Oo nga naman sa susunod na taon ay siguradong makakalimutan na ng tao ang sumabog na issue sa love triangle nina Gerald, Julia at Bea Alonzo na ang simpatiya ng tao ay na kay Bea lahat.

###

Malakas ang “Target On Air” ng radio commentator na si Ka Rex Cayanong at matagal na ito sa ere.

‘Yung Facebook Live ng show ni Pareng Rex ay napapanood din sa YouTube. Dito, inuupakan niya ang mga tiwaling opisyal gayundin ang kabastusan ni Vice Ganda kaya umani ito minsan ng 500K views.

Patas ang kanyang programa. Kapag may dapat purihin na government official na maayos ang serbisyo sa kanyang kinasasakupan ay sumasaludo siya rito. In fairness, sa lakas ng show ay lumi-level na si Cayanong sa mga sikat nating broadcasters at pinagkakatiwalaan siya ng mga bigating politiko at nagpapa-interview sa kanya.

Tuwing Sabado. 1pm-2pm ay mapapakinggan niyo siya sa Radyo Pilipinas Dos DZSR, 918 sa inyong AM radio dial.

 

Read More

GRETCHEN BINANATAN SI JULIA

PINAGTAWANAN  at binanatan ni Gretchen Barretto ang post ng pamangking si Julia na dumepensa sa ina nitong si Marjorie. Kamakalawa ng gabi, sunud-sunod ang post ni Gretchen sa IG Stories ng screenshots ng post ni Julia at ang mga kontra-banat niya rito.

“Hilarious” ang description niya sa post. Sinabi kasi ni Julia na marami ang naiinggit sa inang si Marjorie “because you live a good life with 5 strong successful well raised children.” Sabi ni Gretchen, “Your version of truth (crying laughing emoji).”

Pinaalala rin niya kay Julia na Baldivia ang apelyido niya (tatay ni Julia si Dennis Padilla na Baldivia ang tunay na apelyido). “First know you are a Baldivia. Love your father. Respect those who gave you a good life. Only then can you say you are successful. Not only when you need him for publicity.” Ni-repost din ni Gretchen ang comments ng netizens na bumabanat sa pagiging “well raised children” umano ng mga anak ni Marjorie.

Read More

JULIA’S NEW VLOG, TUNGKOL SA BASHERS NIYA

SA kanyang second vlog, in-address ni Julia Barretto ang bashing na natamo niya nang kampihan ng mga ito si Bea Alonzo nang maghiwalay ito at ang nobyong si Gerald Anderson.

Sabi ni Julia, “You’re like public property. They forget that you’re human with real feelings and real emotions and real problems and real issues. It’s hard because people feel like they have the right to dictate or to control your life or they feel like they can decide for you and make your choices for you.”

Naka-relate daw siya sa character niya sa Between Maybes: “She was so misunderstood, she was also very lost.”

 

Read More