THE SECOND COMING OF JULIAN ESTRADA

0

PAGKATAPOS  mag-workshop sa Star Magic ang kanilang batch noong 2013 ay isinabak kaagad ang tambalang Julian Estrada at Julia Barretto sa aktingan.

Sobrang kilig kami noong April 27, 2013 Sabado nang mapanood namin sa  Wansapanataym ang episode na “Si Bokbok Ang Batang Mapanubok.”  Sina Julian at Julia ay gumanap bilang Ian and Lily.

Pagkatapos magpakilig, nag-lie-low si Julian sa showbiz. Nag-aral. Nag-pursue ng career sa music. Ang  deejay na Julian  ang sinundan namin nang nawala siya sa pag-arte noong edad seventeen.

Ano kaya ang nangyari kung nagtuloy-tuloy ang relasyon nila ni Julia?

Pagkatapos ng pitong taon, heto balik-akting si Julian.  Nakapag-first day shooting na siya sa pelikulang “Coming Home” na entry sa unang Metro Manila Summer Film Festival 2020.

Kasama niya sa pelikula ay dad niya sa tunay na buhay na si Ex-Senator Jinggoy Estrada, ang multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez, Edgar Allan Guzman, Martin del Rosario, ang uncle niyang si Jake Ejercito at ang beauty queen na si Ariella Arida.

Sa ikalawang pagkakataon na susubukan ni Julian ang acting, sana ay maging tuloy-tuloy na ito.

Baka nga siya ang forever ni Julia Barretto? O siya ang lucky charm o magbibigay ng direksiyon sa career na tinatahak ng una niyang ka-loveteam. Nakitaan naming ng lalim sap ag-arte si Julian kaya bet naming siya for stardom. Sa pangalawang pagkakataon, sana maibigay niya ang hilig ng mga tagahanga. Sana mas talbugan niya ang grandpa Erap niya at Dad Jinggoy na parehong very profound kung  aktingan ang pag-uusapan.

Read More