SA MAANOMALYANG PAG-TAKE OVER SA LOCAL WATER DISTRICTS; PRIME WATER BABALATAN SA KAMARA

0

TINIYAK ng Makabayan bloc na mayroon silang matitibay na ebidensiya at mga testigong handang humarap sa House of Representatives sa oras na gumulong ang imbestigasyon nito sa umano’y maanomalyang pag-take over ng Villar owned-Prime Water Corp. sa ilang local water districts sa bansa.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, ang mga resource person at mga testigong kanilang ihaharap ay kinabibilangan ng mga empleyado na nawalan ng trabaho, mga consumer na nagrereklamo sa palpak na serbisyo ng Prime Water at mga opisyal ng mga water district na magpapatunay na ni-railroad at may iregularidad sa pinasok na Joint Venture Agreement (JVA) ng Prime Water sa Local Water Utilities Administration (LWUA) kaya nagawa nitong mai-take over ang mga Local water district (LWD).

“Kapag gumulong na ang imbestigasyon ay isa-isang malalantad sa mata ng publiko ang sweetheart deals ng Prime Water,” pahayag ni Gaite. Kasabay nito, pinakikilos ng Makabayan bloc ang liderato ng Kamara na aksiyunan ang kanilang inihaing resolusyon na nakabimbin ngayon sa House Committee on Government Enterprises and Privatization na humihiling na magsagawa ng House inquiry laban sa

Prime Water na pagmamay-ari ng bilyonaryong mag-asawang sina Sen. Cynthia at Manny Villar.

Sa inihaing House Resolution No. 10 ng Makabayan Bloc na kinabibilangan nina Bayan Muna Rep. Gaite, Rep. Carlos Isagani Zarate at Eufemia Caramat; Act Teacher party list Rep. France Castro; Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Kabataan party list Rep. Sarah Elago ay pinasisilip ang mga JVA na pinasok ng Prime Water dahil may mga pagtutol umano sa 25 taong kasunduan subalit natuloy pa rin ang public-private partnership sa mga LWD. Isa sa inihalimbawa ng Makabayan bloc ang JVA ng Prime Water sa San Jose del Monte City Water District na mahigpit na tinututulan umano ng consumer group na Alliance for Consumers Protection at mga residente dahil tataas ng hanggang P500 ang singil sa tubig sa pag-take over ng Prime Water gayong ang dati lamang binabayaran ay P280 kada buwan bukod pa rito ang reklamo sa mababang kalidad ng tubig at kakulangan ng supply.

Gayundin ang kawalang konsultasyon umano sa pag-take over ng Prime Water sa Bacolod City Water District na nagresulta sa pagkawala ng trabaho ng may 300 empleyado nito.

Sinabi ni Gaite na hindi dapat magkibit-balikat ang mga mambabatas sa reklamo ng mga consumer laban sa Prime Water dahil karapatan ng bawat isa na magkaroon ng mura, malinis at sapat na tubig at sanitation alinsunod na rin sa itinatakda ng United Nations Committee on Economic, Social and Cultural Rights.

Ang interes umano ng mga consumer ang dapat na mangibabaw at hindi ang interes ng mga negosyante gaya sa kaso ng Prime Water na nagawang mai-take over ang operasyon ng may 70 water districts sa maikling panahon.

Sa kasalukuyan, ang Prime Water ay nag-o-operate na sa may 16 rehiyon, 36 probinsya at 125 munisipalidad at siyudad gayong dati ay ang mga real estate project ng mga Villar lang ang sineserbisyuhan nito.

Sa Senado ay may kahalintulad ding panawagan si Sen. Richard Gordon na imbestigahan ang LWUA sa naging aksyon  nito na isapribado ang mga water district na ang mga kontrata ay nakopo ng Prime Water. SAKSI NGAYON NEWS TEAM

 

Read More

AHENSYA NG MGA ADIK ITINUTULAK SA KAMARA

Rep Manuel Cabochan III
0

ISINUSULONG ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na magtayo ng isang ahensya para matutukan nang husto ang rehabilitasyon ng mga drug addict.

Sa House Bill (HB) 5932 na inakda ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III, nais nitong magkaroon ng “Bureau on Drug Abuse Prevention and Control” para sa mga drug adik na gustong magbagong buhay.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health (DOH) ang mga rehabilitation center sa bansa subalit dahil sa dami umano ng trabaho ng mga ahensya ay hindi masyadong natututukan ang pagbabagong buhay ng mga drug addict.

“The Bureau will oversee and implement the function of the Department of Health on drug abuse, treatment and rehabilitation,” pahayag ng mambabatas sa kanyang panukala.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing panukala sa gitna ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga kung saan mahigit isang milyong adik ang sumuko at nangakong magbago.

Gayunpaman, maliit na porsyento lamang umano sa mga sumukong drug addict ang sumailalim sa rehabilitasyon.

Naniniwala si Cabochan na kung magkakaroon ng bagong sistema sa rehabilitasyon sa mga adik ay magtatagumpay ang gobyerno na maiiwas ang mga ito sa ilegal na droga.

“Drug addiction is considered an illness that heavily damages both the physical and mental wellness of a person. This means that drug addiction can be treated with proper intervention. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

113 EKTARYANG KAGUBATAN MASISIRA SA KALIWA DAM

kaliwa dam33
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

TINATAYANG aabot sa 113 ektaryang kagubatan ang masisira sa sandaling ituloy ng gobyerno ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam na popondohan ng China sa halagang P12.5 Billion.

Ito ang napag-alaman sa Bayan Muna party-list group sa Kamara na mahalaga sa kalikasan lalo ngayong lumalala ang climate change, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

“The construction of the Kaliwa Low Dam will destroy 113 hectares of forest reserves within the already critical Kaliwa Watershed,” ayon kina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Rep. Eufemia Cullamat.

Hindi pa kasama dito ang may 192,985 ektaryang  ancestral domain ng mga katutubong  Dumagat at Remontados sa  General Nakar, Quezon province, Dingalan, Aurora province, Tanay, Rizal province at bahagi  ng  Santiago sa Laguna province.

Dahil dito, inaasahang mapapalayas aniya ang may  9,497 Dumagat at Remontados sa kanilang ninuno at tiyak din na maaapektuhan umano ang mga may 56,665 mamamayan sa General Nakar at Infanta sa  Quezon province at Rizal partikular na sa  Tanay at Teresa.

“We are also concerned about possible flooding of low-lying areas should the dams need to release excess water in times of heavy rains especially with the impact of climate change wreaking havoc in our weather system,” ayon pa kay Colmenares.

Dahil dito, ilalaban umano ng mga ito na huwag matuloy ang nasabing proyekto kahit nagbabala na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Korte na huwag pakiaalaman ang Kaliwa Dam.

Nangangahulugan na kukuwestiyunin pa rin ng nasabing grupo ang nasabing proyekto sa Korte dahil sa paniniwalang hindi ito kailangan para matiyak na magkaroon ng sapat na supply ng tubig sa Metro Manila dahil marami aniyang pagkukunan ng tubig kung gugustuhin lamang ng mga ito.

“Marami pa namang ibang paraan para madagdagan ng tubig ang Metro Manila tulad ng Wawa dam at Laguna Lake pero ang Kaliwa dam ang pinagpipilitan. Mukhang may mga kikita kasi sa deal na ito pero mamamayan na naman ang tatamaan,” ayon kay Cullamat.

Read More

GIIT SA KAMARA: DH SA ABROAD HANGGANG 2025 NA LANG

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGANGARAP ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi na magpapadala ang Pilipinas ng mga unskilled workers sa ibang bansa dahil naabuso ang mga ito lalo na ang mga House Service Workers (HSW) o Kasambahay.

Sa isang panayam kay House labor committee chairman Eric Pineda, isiniwalat nito na may plano ang gobyerno na sa loob ng 5 taon ay ititigil na ang pagpapadala ng HSWs.

“I think we have a plan that after 5 years (na hindi na magpapadala ng HSWs),” ani Pineda subalit hindi nito nagbigay ng karagdagang impormasyon ukol planong ito ng gobyerno.

Ginawa ni Pineda ang nasabing pahayag kasuno ng pagkamatay ni Jeanelyn Villavende sa kamay ng kanyang employer sa Kuwait kahit may kasunduan na ang Pilipinas at ng nasabing bansa na protektahan ang kapakanan ng mga OFW.

Hindi aniya malayong mangyari ang pangarap na ito ng bansa lalo na’t gumaganda aniya ang takbo ng ekonomiya kaya tiyak na dadami ang mga trabaho sa Pilipinas sa mga susunod na mga panahon.

Sinabi ng mambabatas kaya napipilitan ang mga OFWs na umalis ng bansa at makipagsapalaran sa ibayong dagat ay dahil wala silang makitang trabaho at maayos na suweldo sa Pilipinas.

“Kung marami tayong trabaho dito sa atin, talagang hindi aalis ang mga iyan,” ayon pa sa kongresista.

Samantala, hihilingin umano ni Pineda sa liderato ng Kamara para payagan ang mga ito na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Villavende upang alamin kung ano ang nangyari sa kasunduan ng Pilipinas at Kuwait.

Magugunita na nagkaroon ng kasunduan ng dalawang bansa para sa proteksyon ng mga OFWs sa Kuwait matapos patayin at ilagay sa freezer ng kanyang amo ang OFW na si Joanna Demafelis.

 

Read More

KASO NI VILLAVENDE TUTUTUKAN NG KAMARA

congress
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

TUTUTUKAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kaso ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jeanelyn Villavende na pinatay sa bugbog ng kanyang Kuwaiti employer hangga’t hindi makamit ng kanyang pamilya ang katarungan.

Ito ang tiniyak ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap kung saan nais nito na tuluyan ipagbawal na ang deployment  ng OFWs sa Kuwait kung hindi mabigyan ng karatungan ang pagkamatay ni Villavende.

“I will be closely monitoring this case and I will do everything in my power to push for a permanent deployment ban if this case goes nowhere,” pahayag ni Yap.

Ayon sa mambabatas, ang mga Pinoy worker ang pinakapaboritong kinukuha ng mga dayuhang employer dahil sa maayos nilang pagtatrabaho kaya hindi kawalan ng Kuwait kung sakali.

Gayunpaman, lumalabas na hindi iginagalang at tinatrato nang maayos ng Kuwaiti employers ang Pinoy workers na nagtatrabaho sa kanilang bahay kaya nararapat lamang ikonsidera ang total ban sa deployment sa nasabing bansa.

“Maraming ibang bansa dyan na igagalang ang dignidad ng ating mga kababayan at igagalang ang kanilang karapatan,” ayon pa kay Yap.

Sinabi naman ng ACT-OFW party-list na muling suriin ang labor agreement na nilagdaan ng dalawang bansa dalawang taon na ang nakararaan at kundi umano ito nasunod ay dapat nang magdesisyon ang gobyerno kung magpapadala pa o hindi na ng OFWs sa Kuwait.

“It is easy to jump into a paroxysm of inquiries following death of OFWs but we cannot be amiss with our duties in according enough security and safety guarantees they deserve,” ayon sa nasabing grupo.

Magugunita na nagkaroon ng labor agreement ang dalawang bansa kasunod ng kaso ni Joanna Demafelis na isinilid sa freezer ang kanyang bangkay ng mag-asawang employer nito sa Kuwait.

 

Read More

KAMARA NAGBUNYI SA GUILTY VERDICT 

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

IPINAGBUNYI ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang guilty verdict na ipinataw sa mga Ampatuan at mga tauhan ng mga ito sa Maguindanao massacre.

“After 3,678 days, justice is served to victim of Maguindanao massacre,” ani Cavite Rep. Pidi Barzaga matapos sentensyahan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes Quezon City Regional Trial Court Branch 211 ang guilty verdict kina Datu  Zaldy “Puti” Ampatuan, Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr., Datu Anwar Zajid “Ulo” Ampatuan at iba pa.

Magugunita na noong Nobyembre 23, 2009  ay 58 katao na kinabibilangan ng 32 kagawad ng media ang pinatay  sa Shariff Aguak, Maguindanao sa pangunguna ni Andal Jr.

“The guilty verdict against the principal accused in the Maguindanao Massacre trial is a triumph of justice and the rule of law, and a clear reminder that no one is above the law, no matter how powerful, influential, or wealthy. Indeed, we are a society governed by laws, not by men,” ayon naman Kabayan party-list Rep. Ron Salo.

Sampung taon nilitis ni Judge Solis-Reyes ang 57 counts of murder na isinampa sa mga Ampatuan at kanilang mga tauhan habang marami naman ang pinalaya dahil wala umanong kinalaman ang mga ito sa karumaldumal na krimen.

“At long last after 10 years, justice is finally catching up with the culprits behind the most barbaric attack against journalists in world history,” pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

“Today, impunity has ended. The victims’ cry for justice has been answered. As we celebrate the bravery and wisdom of Judge Jocelyn Solis – Reyes, we must also continue to pray for her safety and the witnesses’ and families of the victims’ well being,” ayon naman kay ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran.

Read More

KAMARA NASAKTAN SA ‘PORK ISSUE’ SA 2020 BUDGET

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG nasaktan ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa alegasyon na mayroon pa ring pork barrel sa niratipikahang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion.

“Attempts to label the 2020 budget pork-ridden by constantly redefining ‘pork’ is unfair and misleading,” pahayag ni House appropriation committee chair Isidro Ungab.

May hinala si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang  P83 Billion ang halaga flood control funds sa 2020 national ay pork barrel dahil hindi nakadetalye kung saan ito gagamitin.

“In compliance with the express instructions of the President, the 2020 GAB contains no pork, no last-minute insertions and no parked funds. The budget process was undertaken with utmost transparency,” ani Ungab.

Inamin ng mambabatas na nagkaroon ng pagbabago sa orihinal na General Appropriations Bill (GAB) subalit nakalinya ito sa prayoridad ng Pangulo at base na rin sa rekomendasyon ng mga Cabinet departments at government agencies.

“Both houses ratified the budget bill. The representatives of both the Senate and House agreed on the amendments to, and  final version of, the 2020 GAB at  the bicameral conference committee,” banggit pa ni Ungab.

“The Supreme Court has already declared pork barrel funds as unconstitutional and clearly deflned what constitutes pork. The 2020 budget is pork-free,” dagdag pa nito.

 

Read More

PAG-VETO SA 2020 BUDGET HINILING KAY PDU30

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINILING ng Makabayan bloc kay Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan muna ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion matapos ibunyag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na umaabot sa mahigit P90 Billion na  ‘pork barrel’  ang nailusot dito at kung kinakailangan ay dapat aniya itong i-veto.

Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang nasabing hamon matapos ratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang 2020 national budget at nakatakdang dalhin na ito sa Office of the President para lagdaan ng Pangulo.

“Ang hamon namin sa Malacanang mismo ito, kung totoo man ito (alegasyon ni Lacson) ay iveto ito,” ani Zarate dahil posibleng may mga serbisyo publiko ang naapektuhan o nabawasan ang pondo para pondohan ang mga pet project umano ng ilang mambabatas.

Sa alegasyon ni Lacson, kabilang sa mahigit P90 Billion ang P83 Billion na inilaan sa flood control projects na hindi umano nakadetalye sa inaprubahang national budget kaya itinuturing ito ng senador na “pork barrel”.

Magugunita na nai-veto ni Duterte ang 2019 national budget matapos mabunyag na umaabot sa P95 Billion ang isiningit na pork barrel ng mga Kongreso noong panahon ni dating House speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Inamin ng mambabatas na wala silang panahon na mabusisi ang bicameral conference committee report sa national budget bago ito niratipikahan noong Miyerkoles ng hapon dahil ibinigay umano sa kanila ang kopya 10 minuto bago ito isinalang sa ratipikasyon.

“Naku, siguro 10 minutes lang bago naratipikahan,” ani Zarate nang tanungin kung ilang oras nilang pinag-aralan ang kopya ng bicameral conference committee report sa pambansang pondo.

 

Read More

CHINESE SEX RING NAMUMURO NA SA KAMARA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAG-IIMBESTIGA na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sex rings o prostitution syndicate na pinatatakbo ng mga sindikato ng mga Chinese national sa bansa.

Sa resolusyong ihinain ng mga militanteng mambabatas, inatasan ng mga ito ang House committee on women and gender equality na mag-imbestiga sa paglaganap ng prostitution ring sa bansa kasabay ng pagdami ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Base sa resolusyon ng mga militanteng solon, mga POGO wokers ang kliyente ng mga Chinese sex rings kung saan, ang mga biktima ng mga ito ay hindi lamang mga Filipino, kundi Malaysian, Vietnamese at Chinese nationals.

“WHEREAS, such proliferation of Chinese prostitution rings demonstrates the social implications of the expanding POGO sector in the country on top of the economic losses incurred by the national government due to non-payment of taxes by illegal Chinese POGO workers,” ayon sa resolusyon.

Sa report ng National Bureau of Investigation (NBI), 91 na umano ang Chinese nationals na biktima ng Chinese sex rings ang na-rescue at apat na Filipino, hindi pa kasama rito ang mga babaing mula sa Malaysia at Vietnam.

Nabatid na P15,000 ang sinisingil ng mga Chinese sex dens sa mga POGO workers para sa mga Filipina at P20,000 hanggang P30,000 kapag mga Chinese na babae.

Mas kailangang sugpuin umano ang Chinese sex rings na ito lalo na’t ang Pilipinas na ang top 1 sa gender equality sa Asia at upang matigil na ang pambibibiktima sa mga Asian women ng sindikato mula sa China.

 

Read More