BUTI NA LANG KFC ANG INI-ENDORSO NG KATHNIEL

KATHNIEL-5

oleaLove is in the air! Konting kembot, kendeng at kandirit na lang, Valentine’s Day. Araw ng mga Puso, pinakahihintay ng mga magsing-irog!

Syempre pa, inaabangan natin ang mga patalastas na humahaplos at kumukurot sa puso sa pagsapit ng V-day. May forever na pampakilig, Tito KC?!

Aba! Sa Team Jollibee, andiyan ang patalastas ng JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto, na bida sa zombie movie na Block Z na showing sa Enero 29) at JaDine (James Reid at Nadine Samonte, este, Lustre).

Sa Team McDo, andiyan ang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion at AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza), McLisse (McCoy de Leon at Elisse Joson), at BiGuel (Bianca Umali at Miguel Tanfelix).

Hiwalay kung hiwalay?!

Buti na lang, KFC ang inendorso ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla)!!!

APAT NA PROBINSIYANA ANG BAGONG KALABAN NI CARDO

COCO-4Apat na probinsyana ang bagong kalaban ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa ratings. Umpisa sa Lunes, makikipagsalpukan sa FPJ’s Ang Probinsyano ang Kapuso teleserye na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, kung saan tampok bilang mag-inang Waray at mag-inang Ilocana sina Snooky Serna, Barbie Forteza, Dina Bonnevie at Kate Valdez.

Inspired ito ng 1984 Regal movie na tinampukan nina Nida Blanca, Maricel Soriano, Gloria Romero at Snooky Serna, plus Nestor de Villa, Luis Gonzales, William Martinez and Gabby Concepcion, directed by Maryo J. de los Reyes (na 2nd death anniversary sa Lunes, ang pilot telecast ng TV version ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday).

Nagbida sina Nida at Nestor sa 1954 movie na Waray-waray, samantalang bida sina Gloria, Ric Rodrigo, Rudy Francisco at Dolphy sa 1954 movie na Dalagang Ilocana.

Sina Amalia Fuentes at Luis Gonzales ang bida sa 1966 movie na Manang Biday.

Oh, yes! Sa pelikula ay anak ni Biday si Snooky, pero sa TV ay siya ang ina ni Waray. Mas bet ni Dina na gumanap bilang Ilocana dahil ang asawa niya ay kasalukuyang Congressman ng Ilocos Sur. Nakapag-campaign nga si Dina sa Ilocano dialect.

Chance din iyon ni Dina para ma-promote ang Ilocos Region. Kaya lang, sa Ilocos Norte ang karamihan ng Ilocos scenes ng bagong Kapuso primetime show.

Whereas comedy ang mga pelikulang Waray-waray, Dalagang Ilocana, Manang Biday at Anak ni Waray vs Anak ni Biday, itong TV version ng ANWvANB ay madrama.

Ang mga ina ay dating matalik na magkaibigan, na naging mortal na magkaaway. Iisang lalaki ang minahal nila at nakabuntis sa kanila. Sabay silang nanganak sa isang ospital, at nagkaroon ng switching ng babies.

Ang dalawang daughter, nang lumaki at nagkakilala, ay naging best friends din. At iisa ring lalaki ang nagpakilig sa kani-kanyang puso.

Biruin mo, tinaray-tarayan ni Biday ang anak ni Waray, samantalang ito pala ang tunay niyang anak?!

Ito na kayang Anak ni Waray vs Anak ni Biday ang magpapatumba sa FPJ’s Ang Probinsyano? Abangan ang susunod na kabanata!

JAY MANALO NAGPAPABATA?

JAY MANALONakalagay sa Google na 43 years old pa lang si Jay Manalo, pero ang aktor na mismo ang nagsabi sa amin na mali iyon.

“Hindi ako nagpapabata, 47 na ako,” sabi ni Jay.

Si Jay ang gaganap bilang ama nina Barbie Forteza at Kate Valdez sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday. Walang kamalay-malay ang mag-best friends na half-sisters pala sila.

Sa tunay na buhay, sandosena ang mga anak ni Jay sa iba-ibang babae. Magkakakilala ang mga anak niya. Nakakasama niya ang mga ito kung b-day niya at Kapaskuhan.

Kaya malabong mangyari sa mga anak niya ang sitwasyon ng TV series kaugnay sa daughter ni Waray at daughter ni Biday.

At any rate, tatlo na ang mga apo ni Jay. (PROOOF / Jerry Olea)

Read More

DANIEL AT KATHRYN, PINAGHAHANDAAN NA ANG BEACH WEDDING

(NI BOY ABUNDA)

ANIM na taon nang magkarelasyon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Natural lamang daw na napag-uusapan na ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya. “’Yon ang pinaghahandaan na namin ngayon, pinagtatrabahuhan namin. Kasi siyempre ‘pag dumating ang panahon na ‘yun ayoko ng pukpukan pa rin (ang mga ginagawang trabaho). Siyempre after marriage, you have to have a family. Gusto namin sa dagat eh. It’s celebration of love and friendship,” pagtatapat ni Daniel.

Ngayon ay dalawampu’t apat na taong gulang na ang aktor. Nangangarap umano si Daniel na magkaroon na ng sariling pamilya pagsapit ng kanyang ika-tatlumpong kaarawan. “Ayaw ko maging late pagdating sa family, ayoko na maging old tapos magkakaanak,” giit ng binata.

Si Daniel ang panganay sa apat na anak ni Karla Estrada. Ngayon pa lamang ay iniisip na ng aktor ang magiging kinabukasan ng mga kapatid kapag lumagay na siya sa tahimik. “Pinag-uusapan na namin ‘yon, you have to save up.

Oo ngayon may bahay tayo pero darating kasi ‘yung punto na gusto ko nang mag-asawa, bumukod, ibang usapan na naman ‘yon. So you have to save now, kasi once na dumating na ‘yung time na, ‘Okay, ready na ako, ready na ‘yung partner ko,’ at least mayroon kaming mailalabas na. Once na bumukod ka, gusto mo steady rin sila. Hindi naman pwede na si Mama, I mean nagtatrabaho siya ngayon, pero hindi ko naman gusto. Gusto ko rin na i-provide na sa kanila ‘yon. Pero siyempre mayroong manipis na kailangan rin nila matuto,” makahulugang pagbabahagi ng aktor. With reports from J.C.C.   

 

Read More

OVERWHELMING ANG REACTION SA PAGBUBUNTIS NI ANNE

(NI ASTER AMOYO)

HINDI napigilan ni Anne Curtis ang maging emotional nang i-share nito ang kanyang pagbubuntis sa programang “It’s Showtime” at sa madlang people nung nakaraang Lunes, November 11.  Naging malaking bahagi kasi ang programa sa kanyang journey sa loob ng sampung taon (going 11) kung saan siya nagsimula bilang single pa noon, nagka-boyfriend, ikinasal at ngayon ay malapit na siyang maging isang ina.

Masayang-masaya para kay Anne ang kanyang mga kasamahal sa “It’s Showtime” na pinangungunahan mismo ni Vice Ganda.

Si Anne ang second preggy sa programa.  Nauna sa kanya si Mariel Rodriguez na nasa Amerika ngayon at hinihintay ang paglabas ng kanilang second daughter ng husband niyang si Robin Padilla.

Hinihintay namang mag-buntis ang isa pang host ng “It’s Showtime” na si Karylle sa husband nitong si Yael Yuzon.  Nung 2014 pa nag-asawa si Karylle pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkaka-anak.

Excited naman ang nakababatang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith na magkaroon ng kanyang kauna-unahang pamangkin sa kanyang ate maging ang kanilang parents na sina Ernest Curtis-Smith at Carmen Ojales.

Ang isa pang tuwang-tuwa para kay Anne ay ang kanyang ex-boyfriend-turned best friend na si Luis Manzano.

Tulad ng engagement nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, napaka-overwhelming din ang naging reaction  ng publiko sa pagbubuntis ni Anne kasunod ng kanyang sister-in-law na si Solenn Heussaff sa mister nitong si Nico Bolzico.

Anne is due to give birth in March next year.

RIA, DOMINIQUE, MARCO, KHALIL, PATRICK… MAY IMPORTANT

ROLE SA KASALANG KATHNIEL

Pitong taon nang magkasintahan sina Kathryn Bernardo (23)at Daniel Padilla (24) pero wala pa umano sa kanilang immediate plans ang pag-settle down dahil bukod sa bata pa sila pareho, ini-enjoy umano nila ang kanilang relasyon bilang magkasintahan at ngayon as business partners.  Naging magkasintahan ang dalawa nang kanilang gawin ang kanilang unang teleserye, ang “Princess and I” in 2012 when Kathryn was only 16 at 17 naman si Daniel.

Kina Kathryn at Daniel, mas naunang pumasok sa negosyo ang una sa tulong ng kanyang pamilya, ang Kathnails by KCMB na meron nang walong branches in Robinsons Place, SM Southmall, Robinsons Galleria, SM Fairview, SM Rosario, SM North EDSA, SM Mall of Asia and Ayala Malls Cloverleaf.

Dahil sa matagumpay na negosyo ni Kathryn at ng kanyang pamilya, naenganyo rin si Daniel na pumasok na rin sa business sa pamamagitan ng sarili nilang  franchise ng Blues Barbershop na may dalawang branches – The Block ng SM North EDSA at sa SM Fairview.  Kasosyo ng dalawa ang kanilang respective moms na sina Karla Estrada at Luzviminda  `Min’ Bernardo.  May sarili namang parlor ang ina ni Daniel na si Karla, ang Queen Mother Salon na may pitong branches na – Dahlia Rolex Place Fairview, Ali Mall, Zamboanga, Fisher Mall – Malabon, Robinsons North Tacloban, Tomas Morato at SM Fairview.

Dumating man ang panahon na hindi na sila kasing init at in-demand as they are now, meron na silang mga negosyo na masasandalan.

Samantala, natutuwa ang mga fans ng KathNiel (Kathryn and Daniel) na meron silang aabangang bagong teleserye ng dalawa at malamang na gumawa rin ng pelikula ang dalawa na huling napanood sa kanilang mega hit movie na “The Hows of Us” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema in 2018.  The said movie broke all existing box office records pero ito’y nalagpasan ng “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn at Alden Richards na dinirek din ni Direk Cathy under Star Cinema this year.

Samantala, kapag ikinasal sina Kathryn at Daniel balang araw, tiyak na may papel sa kanilang wedding entourage ang kanilang mga close friends na sina Ria Atayde, Dominique Roque, Marco Gumabao, Khalil Ramos, Patrick Sugui at iba pa.

KEN OBVIOUS NA NAGMAMAHAL KAY RITA

Hindi na itinatago ng Kapuso actor at bida ng TV series na “One of the Baes” na si Ken Chan ang kanyang pagmamahal sa kanyang co-star sa serye at kasamahan sa “The Clash” na si Rita Daniela.

Sa aming personal na panayam sa dalawa, parehong inamin nina Ken at Daniela ang kanilang mutual na pagmamahal para sa isa’t isa na unti-unti umanong na-develop.  Pero ang aming ipinagtataka ay hindi pa umano sila magkasintahan pero nagsasabihan na sila ng “I love you”.

Inamin din ni Ken na nakakaramdam umano siya ng selos kapag may ibang guy na katrabaho si Rita.

Hindi rin nagpabaya si Ken nang magkasakit recently ang singer-actress.

Ayon kay Rita, gustong-gusto umano niya ang pagiging totoong tao ni Ken at pagmamahal nito sa kanyang pamilya.

Matagal-tagal na ring walang bagong karelasyon si Ken at ngayon lamang daw muli tumibok ang kanyang puso nang magkalapit sila ni Rita.

Bukod sa “One of the Baes” at “The Clash,” magkasama rin ang dalawa bilang brand ambassadors ng Beautederm at madalas silang magkakasama sa mga provincial sorties along with 40 others  celebrity product endorsers ng nasabing beauty brand.

 

Read More

BAGONG SERYE NG KATHNIEL, PINAGAGANDA PA

(NI BOY ABUNDA)

TIYAK na matutuwa ang mga tagahanga ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa isang bagong teleserye na pinaghahandaan ng dalawa. Mapapanood sa susunod na taon ang bagong proyekto ng KathNiel.

“May project na parating, siyempre very excited sa ihahandog naming next. Kami rin ay very excited, it’s been a long time. Excited din kami sa istorya nang gagawin namin. Ngayon pa lang siyempe happy rin kami para sa kanila (mga tagahanga ng KathNiel),” nakangiting pahayag ni Daniel.

Siniguro naman ni Kathryn na dapat pakaabangan ang kanilang bagong programa na magpapakilig at kapupulutan ng aral ng mga manonood. “Medyo matagal kasi naghintay din sila. Sabi nga namin hintay pa nang konti. ‘Yung hinahanda namin as in pinapaganda pa ng Dreamscape din para maganda nating simulan ‘yung 2020. We are very excited. So konting hintay na lang, babalik na kami sa TV,” pagbabahagi ni Kathryn.

Samantala, kamakailan ay nagbukas na ang negosyong barber shop ng magkasintahan sa isang mall. Para kina Daniel at Kathryn ay kailangang makapagpundar habang mga bata pa para sa kanilang kinabukasan. “Dream naman naming dalawa ‘yon ever since na magka-business kaming dalawa, kailangan eh for future investments,” giit ni Daniel.

May ilang branches na ang KathNails na pagmamay-ari ni Kathryn. Marami na ring branches sa bansa ang Queen Mother Salon na pagmamay-ari naman ng ina ni Daniel na si Karla Estrada. Para kay Kathryn ay personal na gusto talaga ni Daniel ang pagkakaroon ng sariling barber shop kaya naipundar ng magkasintahan ang Barbero Blues. “Si DJ expertise niya ang buhok. I think ‘yun ‘yung perfect business na si DJ din ang face ng Barbero Blues kasi very particular siya sa hair. Parang after ng KathNails, make-cater mo rin ‘yung mga lalaki this time,” pagtatapos ng dalaga. -Reports from JCC-

 

 

Read More

KATHNIEL NAPAG-UUSAPAN NA ANG KASAL

kathniel22

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES FABIAN)

KINILIG ang KathNiel fans nang kumpirmahin ni Daniel Padilla na pinag-uusapan na nila ng girlfriend na si Kathryn Bernardo ang tungkol sa wedding plans when they recently celebrated their seventh-year anniversary.

Diretsahang inamin ni Daniel that he and Kathryn have discussed wedding plans pero it will not happen any time soon.

“Planning lang, pero not soon!” isiniwalat ng panganay na anak ni Karla Estrada.

Kinilig ang kanilang mga tagahanga sa napaka-cheesy anniversary message na ipinost niya para kay Daniel: “Happy happy 7th anniv to us, mahal! Thank you for being my dream guy and reality guy at the same time. Falling and staying in love with you is the best decision I’ve ever made.”

Siyempre pa, sob­rang na-touch si Daniel sa mensahe sa kanya ni Kathryn.

Kung si Kathryn ay busy sa promo ng movie nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye, si Daniel naman ay hindi lang sa concert sumabak dahil kinuha siya ng Cinema One para siya ang kumanta ng theme song para sa ika-25th anniversary nila

Read More

KATHNIEL FANS, BUO ANG SUPORTA SA KATHRYN-ALDEN MOVIE

kathniel12

(NI JERRY OLEA)

MAYO  20, Lunes lumipad pa-Morocco sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama ang ilang close friends.

Hinayaan sila ni Tita Min, ang butihing ina ni Kathryn.

Enjoy ang KathNiel sa kanilang maikling bakasyon, bago sumabak na naman sa sandamukal na showbiz commitments.

Natuto si Kathryn na gumawa ng argan oil, at ipinasalubong niya iyon sa mga nagbilin sa kanya.

Nagdiwang ang magsing-irog ng 7th anniversary nila noong Mayo 26. Noong araw na iyon ipinost ni Kathryn sa socmed ang marubdob na hanash para sa kanyang dream guy na reality guy.

Binanggit ni Kath ang mga karakter ni DJ sa ilang proyektong pinagsamahan nila: sina Patrick, Gino, Joaquin, Dos at Primo.

Mayo 29, Miyerkoles, ay umuwi na sila sa bansa. Sinalubong sila ni Tita Min at avid supporters.

Haharapin na ni Kathryn ang promo ng movie nila ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye (HLG).

Full support ang KathNiel fan groups sa HLG. Nag-aayos na sila ng block screenings.

Marami ring block screenings ang solid Alden fans.

   ###

Napangiti ako sa 2 pictures ni Marlou Arizala (dating Xander Ford) katabi si “Marga” (karakter ni Andrea Brillantes sa Kapamilya afternoon series na Kadenang Ginto) na ipinost ng Star Image Artist Management sa Facebook.

MarMar!

May pa-caption pa si Marlou, “Hi Marga, take me to your heart charot! Intayin ko talaga ito sa tamang panahon…”

Sa tamang panahon? Parang AlDub na nag-202th weeksary pa rin noong Huwebes, kahit lumalalim na ang ArMaine (Arjo Atayde-Maine Mendoza)?

Hihintayin?

Parang sina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa Hihintayin Kita sa Langit (1991), o sina Eddie Garcia at Gina Pareño sa Hintayan ng Langit (2018)?

Pwede rin sa Basahang Ginto (1952) nina Pancho Magalona at Alicia Vergel?

Read More

MARAMING KINILIG SA 7TH ANNIV MESSAGE NI KATH KAY DANIEL

kathniel12

KINILIG ang fans ng KathNiel nang mag-message si Kathryn kay Daniel kahapon, May 26, ang kanilang seventh anniversary.

Nag-share din ang aktres ng video na kinunan sa Amanpulo na may kalakip na letter, part of which reads: “You have to appreciate what you have every single day. More than anything in the world, I’m thankful that you are you, you are DJ, my tangi, my bal. I love how you are scared of small planes so you can never let go of my hand during flights, I love your sweaty hands, the scent of your shirt, your OC tendencies and how you are so much taller when you hug me because it makes me feel so safe.

But I love even the things I hate about you because you are real, because what we have is real and because these ordinary things make our relationship extraordinary. Happy, happy 7th anniversary to us, mahal (Love)! Thank you for being my dream guy and my reality guy at the same time.”

 

Read More

DANIEL SINORPRESA SI KATHRYN SA HONG KONG

kathniel12

HINDI agad nakakibo si Kathryn Bernardo nang biglang magpakita sa kanya ang boyfriend niyang si Daniel Padilla sa kanyang tinitirahan sa Hong Kong.

Nasa naturang lugar ang aktres para sa shooting ng Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan niya at ni Alden Richards. Base sa Instagram updates nina Director Peewee Gonzales at Vince San Juan, nang makita ni Kathryn si Daniel, pinupog niya ito ng halik, niyakap nang mahigpit, at tila hindi na bibitiw.

Bukod sa sorpresang ito, nag-share din si Daniel sa kanyang social media account ng excerpt ng music video ng “Ikaw ang Aking Mundo” nina Tiny Corpuz at Kim Trinidad. Pinapakita sa clip ang sweetness ng magsyota, at ang huling shot ay makikitang naghahalikan sila. Dahil dito, nag-trend kaagad ang naturang post.

Read More