PINOY BINALAAN SA PAGPASOK NG MEAT PRODUCTS SA KOREA

DAF12

MAHIGPIT ang paalala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na nagnanais pumunta sa South Korea na sumunod sa batas doon na nagbabawal sa pagdadala ng animal at livestock products.

Ayon sa DFA, mayroong malaking multa at pagbabawalan na muling makapasok sa South Korea ang sinumang mahuhuling lalabag sa nasabing batas.

Ipinag-uutos din ng Embahada ng Pilipinas na agad dalhin upang ideklara ang mga dalang animal at livestock products sa quarantine office sa port of entry para hindi maharap sa multang 10 million Korean Won o mahigit P430,000.

Magugunitang nitong Oktubre ng nakaraang taon ay  isang biyahero ang hindi nagdeklara ng dalang pork sausage sa port of entry ang pinagbayad ng KRW 5 milyon at pinatawan ng limang taong ban sa pagbiyahe sa South Korea.

Ginawa ng South Korea ang paghihigpit sa pagsisikap na maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit ng mga hayop galing sa ibang bansa sa kanilang industriya. DAVE MEDINA

Read More

MAJA, BEST ACTRESS SA BUSAN, SOUTH KOREA

PANALO ang Kapamilya actress na si Maja Salvador bilang best actress sa katatapos lang na Asian Contents Awards 2019 na ginawa sa Busan, South Korea.

Nanalo siya sa kanyang pagganap bilang Lily Cruz at Ivy Aguas sa teleseryeng “Wildflower.”

“It was an honor to be trusted with this role by our network, ABS-CBN, and the whole team of Wildflower. I share this recognition to all of my brilliant colleagues in the show, most especially to the veteran genius, Mr. Tirso Cruz III,” sabi ng aktres sa kanyang acceptance speech.

Nakalaban ni Maja ang mga aktres mula sa iba’t ibang panig ng Asia.

Read More

KOREAN FUGITIVE PINAUWI SA $6-M ILLEGAL ONLINE GAMBLING

immigration 12

(NI FROILAN MORALLOS)

AGARANG pinabalik  ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang bansa ang isang Korean fugitive na wanted ng mga otoridad sa Korea dahil sa pago-operate ng illegal gambling sa website.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Jung Hyeongwook, 35.

Umalis ito noong Sept. 3 sakay ng Philippine Airlines flight patungong Busan.

Si Jung ay ipina- deport ilang araw matapos ito sumuko sa Korean Embassy sa Manila makaraang ipa-kansela ng Korean Embassy ang kanyang pasaporte.

Napag-alaman na wanted si Jung sa kanyang lugar dahil sa paglabag ng Korean national sports promotion act, kung kayat nailagay ang kanyang pangalan sa red notice ng Interpol noong July 16.

Batay sa rekord ng Korean police, sa pagitan ng October 2015 at March 2016, si Jung ay nag-operate ng illegal gambling sa website na kung tawagin ay  “pony–ber1.com” para rito tumaya ang kanyang mga kliyente .

Nakakolekta si Jung at ang kanyang kasama mula sa mga tumataya ng aabot sa $6 milyon sa pamamagitan ng kanilang online gambling racket.

Sa ilalim ng Korean laws, maaring makulong si Jung ng hindi bababa sa pitong taon.

 

Read More

ALDEN CHARMS SOUTH KOREAN PRESS, NETIZENS

alden66

NANG  magpunta si Alden Richards sa South Korea noong Miyerkoles, Agosto 28, para tanggapin ang Asian Star Prize, nabighani niya ang South Korean press at mga netizens kaya’t nag-trending agad ang Pambansang Bae sa bansang iyon.

Makisig at elegant ang suit na designed by Rob Ortega, maraming Koreans ang humanga sa binata.

Matapos ang awards night, na-feature siya sa headlines tulad ng: “Alden Richards, Philippines’ National Actor Hand Wave,” “Alden Richards, Sweet Visuals,” “Alden Richards, Classy Pose,” atbp.

Pinuri rin nila ang kanyang kaguwapuhan, ngiti, pati ang kanyang pagkaway.

Read More

CHINESE FRIGATE NA UMALIGID SA BRP CONRADO YAP ITINABOY

(NI AMIHAN SABILLO)

NAMATAAN ang isang Chinese frigate na umaali-aligid sa unang corvette ng Philippine Navy habang patungo ng Pilipinas mula sa South Korea.

Ito ang inihayag ni Phil Navy Flag-Officer-in-Command Vice Admiral Robert Empedrad, nag-“shadow” anya ang naturang barkong pandigma ng China na BRP Conrado Yap, ngunit umalis din nang sabihan sila ng Philippine Navy na papasok na ito sa teritoryo ng bansa.

Sinabi ni Empedrad, hindi umano mag-aatubili ang Philippine Navy na bigyan ng babala ang anumang Chinese vessel na mamataan nila sa loob ng territoryo ng bansa.

Lalo na umano ngayong na nasa serbisyo na ang BRP Conrado Yap na itinuturing na pinakamalakas na barko sa ngayon sa buong Philippine Navy fleet.

Ang BRP Conrado Yap, ay isang refurbished pohang-class corvette ng South Korea, ay may dalawang 76-millimeter oto melara cannon, dalawang 40-mm otobreda guns, anti-aircraft guns, anti-surface, anti-submarine, at anti-air warfare capabilities.

Mayroon din itong dalawang gas turbines para sa bilis at may kakayahang tumagal ng 20 araw sa karagatan para sa mas epektibong pagpapatrulya.

Ayon Kay Empedrad, ang pagdating ng BRP Conrado Yap ay isang makasaysayang okasyon at “morale booster” para sa kanila, dahil sa malaking “impact” ng barko sa kakayahan ng Philippine Navy.

 

Read More

ALEX GONZAGA, INALOK NG BREAST IMPLANT SA KOREA

alex44

HINDI  naman napikon ang YouTube star na si Alex Gonzaga sa alok na pagpaparetoke sa kanyang dibdib ng isang cosmetic company sa South Korea. Idinaan na lang niya ito sa biro.

Sabi kasi ng alok: “Collaboration Enquiry: Breast Implant. Dear Alex, I am a medical plastic surgery agent from Korea. We’re really loving your personality and enjoy following your journey on Instagram, Facebook, and YouTube. We are interested to collaborate with you for a new project we are working on.”

Pabirong reaction ni Alex: “Nakaka-hurt!!? Why would you think I need one!! Hanggang sa Korea nakarating ‘to!?” Kilala ang South Korea sa mura at reliable na plastic surgery.

Read More