THE TAMING OF KRIS AQUINO

0

(NI BEN BAÑARES)

JUST last month, I was wondering: Bakit kaya parang tahimik ngayon si Kris Aquino? Bakit tila wala yatang pasabog lately? Natabunan tuloy siya ng BFF, you know, the Barretto Family Feud. O ayaw niya lang sumabay dito dahil tiyak na malulunod kung ano man ang “pasabog” niya?

Then, before November ended, I got my answer.

Sa isang Instagram post kasi ni Kris, may isa siyang follower na nag-comment ng, “I hope you can still gain your former status as the country’s premiere endorser. It seems like you are slowly fading into the shadow of irrelevance. Don’t get me wrong. Magpasabog ka ulit.”

Sinagot ito ni Kris na siya ay “pretty chill about becoming ‘irrelevant’ because the price to pay fighting to stay relevant wasn’t worth my health or my peace of mind.”

Shocking ba? Parang nag-mellow bigla? Siguro ay dahil na rin ito sa kanyang sakit na sinasabing “form of lupus” at ang kakatapos lang na legal bakbakan nila ng dating business manager niya na si Nicko Falcis

At tila may realization din siya: “So many have told me, ‘You have enough’ (in the material sense), and my sons are in no danger of going hungry. So I was working hard because I was protecting something that now seems much less important: my ego.”

At mukhang napagod na rin talaga siya: “I worked too many days when I should’ve actually been listening to my body all because of the mistaken notion that protecting work commitments meant more than prioritizing my wellness.”

So, wala na kaya talagang pasabog?

“Sorry, walang ‘pasabog’ coming soon — I have outgrown that. It took so much prayer for me to be at peace with who I am and where I am.”

Pero, huwag ka! Hindi pa rin nawawala ang katarayan, pagkapranka – at pagkataklesa – ni Kris! Kinuwestiyon niya ang motibo ng follower at ang “concern” kuno nito sa kanya: “I realized you wanted to upset me but graduate na ako sa ganitong klaseng pailalim na ‘bullying.’ I hope before you ‘worry’ about my professional standing, you’ll ask yourself why there seems to be little of interest in your life that you’re making mine your problem?”

O, di ba? Eh, di hindi na nakasagot pa ang “concerned” follower! Haha!

So, totoo kayang graduate na si Kris sa mga pasabog? Totoo kayang “tamed” na siya? Well, only time can tell. Hindi niya naman sinabing “no pasabog ever,” ‘di ba? Sabi niya lang, walang pasabog coming soon  –  so, knowing Kris, meron pa rin ‘yan. Hindi lang nga soon.

Let’s wait and see.

ANGEL NAMED ‘HERO OF PHILANTHROPY’ BY FORBES

 Wow. Isa na namang karangalan ang ibinigay sa aktres na si Angel Locsin, pero this time ay hindi acting award kundi mas prestigious pa roon. Nakasali ang Pinay aktres sa taunang listahan ng Forbes magazine na Heroes of Philanthropy.

Sa December 2 issue ng naturang magazine, na-feature ang listahan ng “billionaires, entrepreneurs, and celebrities across the region who are committed to solving some of the most pressing issues facing the Asia-Pacific.”

Sinabi sa isang article sa isyu na iyon na nakasama si Angel sa listahan dahil sa pag-donate niya ng P1 million sa mga biktima ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao kamakailan lang, at sa pagtulong din sa mga nag-evacuate dahil sa laban ng gobyerno at mga terorista sa naturang lugar.

Sabi sa article: “Over the past decade, Locsin has donated as much as P15 million to causes such as educational scholarships for students, supporting the economic and political rights of indigenous people, and ending violence against women and children.”

Pati ang mga pagtulong niya sa mga biktima ng mga bagyo ay binanggit sa nasabing article: “Her donations have also helped roughly 500 families hit by some of the country’s largest disasters: Tropical Storm Ondoy in 2009, Typhoon Habagat in 2012 and Typhoon Haiyan in 2013, one of the deadliest storms on record, leaving 6,300 dead.”

Dalawang Pinoy lang ang nakasama sa listahan. Ang isa ay si Hans Sy ng SM Prime, dahil naman ito sa kanyang mga donasyon sa Child Haus na tumutulong sa mga batang may cancer at sa kanilang caregivers.

Kamakalawa lang, December 4, nag-tweet na si Angel ng pasasalamat sa karangalan.

“Filipinos have always been known for ‘bayanihan.’ I’m nowhere near from being a billionaire, but I try my best to do my part in my own little way. I hope this would inspire other people to help as well,” sabi ni Angel sa tweet.

Well, congrats sa prestihiyosong award na ito, Angel! You deserve it.

 

Read More

KRIS AQUINO NAGHAHANAP NG SINGLE MALES, AGED 41-55

0

TILA naghahanap ng prospective date si Kris Aquino sa recent post niya sa kanyang bagong personal Facebook account noong Martes.

Nagpapa-add siya sa mga single men, aged 41 to 55. “I only have eight friends so far,” sabi ni Kris. “Anybody there na gustong i-friend ako privately?” Dinetalye niya rin ang hinahanap niya.

Dapat daw single, kasali na ang nabalo, nag-divorce, legally separated, o annulled. “And if you’re a doctor (especially a rheumatoid, immunology, allergy specialist, neurologist, anesthesiologist, pain management specialist, or cardiologist) promise accept agad ang friend request.”

Taong 2012 nang ma-annul ang kasal niya kay James Yap na tatay ni Bimby.

Read More

KRIS PUMALAG SA ISANG NETIZEN: ‘DUWAG KA!’

kris55
0

PUMALAG si Kris Aquino sa isang netizen na tumawag sa mga anak niyang sina Joshua and Bimby na “The autistics” sa Instagram post niya kamakailan.

Sagot ni Kris: “I am replying in an educated way. Why my sons? Especially kuya josh? Will you also shoot a gun because you want to experiment then tell the world after you have shot an innocent person SORRY, now I know what it’s like to be a killer? You aren’t a fan. You are a despicable coward. And I have every right to call you out because you threw the first uncalled for insult.”

Mahaba pa ang sagot ni Kris at tinawag niya ang netizen na “arrogant fool.”

Read More

KRIS AQUINO TO CO-PRODUCE SHARON-GABBY REUNION MOVIE

kris55
0

(NI LOURDES C. FABIAN)

WALA pang official announcement ang Quantum Films na si Gabby Concepcion na ang kapalit ni Derek Ramsay bilang leading man ni Kris Aquino sa MMFF entry nilang (K)Ampon.

Pero sa IG post ni Kris ay kinumpirma niyang out na si Derek and expressed her gratitude to Gabby.

Kris wrote in the comments section: “hello @concepciongabby, looking forward to working with you soonest and also meeting your family… if your younger daughters are anything at all like @itskcconcepcion i am so sure they will be so LOVELY!”

She added: “P.S. if this project works out, i hope you and my ate S, @reallysharoncuneta will trust me to coproduce your reunion? i shall always be a fan of your loveteam. Since my Boston youth and watching DEAR HEART over & over again.”

Tiyak magugustuhan ng mga Sharonians ang bagong ideya ni Kris to co-produce Sharon and Gabby’s reunion movie.

Sinabi ni Kris na nauunawaan niya na si Derek ay contract artist ng GMA Network pero iginiit niyang parang anak na ang turing sa kanya ng founder ng Quantum Films na si Atty. Joji Alonso kaya malaking katanungan pa rin ang pagtanggi niya sa movie.

“Derek and I have spoken. We go way back, 2004-2005 when we did our San Miguel Beer TVC. Nagkasagutan pero dahil may pinagsamahan, nagkaunawaan. I respect that he has a GMA Network contract that should be his top priority. Chill kami,” pampalubag-loob na tinuran ni Kris.

Hindi na idinetalye pa ni Kris ang dahilan ng pagtanggi ni Derek na gawin ang pelikula nila. Idiniin ni Kris that she is a co-investor in the film, along with Cornerstone, which manages her showbiz career, and Spring Films.

“Kaya po I financially, intellectually, and emotionally invested,” paliwanag ni Kris kaya ganun na lang siya ka-concerned sa movie.

Balitang magaling na si Bimby kaya any day now ay babalik na silang mag-ina sa bansa matapos magbakas­yon sa Japan. Nakabalik na si Josh sa bansa at expected na susunod na rin sina Kris at Bimby kaya mapagsisimula na si Kris ng shooting para sa kanyang 2019 MMFF entry.

###

MARAMI ang nagulat nang malamang ang isa sa mga dating heartthrob at contract star ng Kapa­milya Network na si Diether Ocampo ay isa nang ganap na lieutenant commander sa Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary.

Matagal nang hindi aktibo si Diether sa showbiz. He has lived a private life dahil iba ang pinagtuunan ng pansin ni Diet, tawag sa kanya sa showbiz. Nag-concentrate pala siya sa pagiging Maritime advocate kung saan marami na siyang nasalihang training sa Coast Guard. Natatandaan pa namin na ang pinaka-huling proyektong ginawa ni Diether before he became inactive in showbiz was the ABS-CBN primetime fantasy television series “Bagani.” It was actually his comeback project in 2018 sa telebisyon.

Proud si Diether na natapos niya ang seafarer’s training.

“Masarap na maging bahagi ng isang industriya na naging malaki ang kontribusyon hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Marami tayong kababayan na hindi nabibigyan ng pansin,” saad nito sa 10-minute video bilang Maritime advocate.

Read More

ERICH IPINAGTANGGOL NI KRIS SA ISYU NINA JULIA, GERALD

erich55
0

(NI LOURDES C. FABIAN)

HETO na naman si Kris Aquino na very open sa pagbibigay ng kanyang saloobin patungkol sa usaping Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto kahit pa nga nagpahayag na si Bea na she will move on at nag-post pa siya ng “Enough” sa kanyang Instagram account.

Alam naman natin kung paano magmahal ng kaibigan si Kris kaya naman gets namin kung nakikisawsaw man siya sa isyu para ipagtanggol ang BFF niyang si Erich Gonzalez na nadadawit na rin sa kontrobersya. Alam naman siguro ni Kris na si Erich ang best friend ni Julia kaya natural lang na makaladkad ang pangalan niya sa isyu lalo pa nga’t matunog ang bulong-bulu­ngan na si Erich ang tulay sa pagkakamabutihan nina Julia at Gerald.

May usap-usapan kasing sa bahay umano ni Erich inihahatid ng kanyang driver si Julia, pagkatapos ay iiwan na ang dalaga roon kung saan darating naman si Gerald para sunduin ang dalaga. May ganung chika kaya di maiwasang madawit talaga si Erich.

Isang netizen ang walang takot na nagtanong kay Kris.
“Kris, ask naman Erich about the Julia-Bea feud, she’s BFF with Julia and friends with Gerald.”

Doon na umentra si Kris at ipinagtanggol si Erich na ‘wag idamay sa isyu.

“Pwedeng ‘wag nega? And ang hindi natin buhay ‘wag na natin guluhin especially Erich na hindi directly involved? Obviously alam natin mahal ko si Bea but di ba unfair to judge Julia because why do we always blame the girl?” pagtatanggol ni Kris kay Julia.

Sabi pa ni Kris, “I can already feel the Gerald fans will blast me for this, but I have always told Bimb, ‘Hindi mahirap makipag-break. Respect someone you cared about enough to give them closure. Then move on.’ Ganun lang ka-simple ‘yun.”

She continued, “Masakit ang goodbye pero mas masakit ang hindi worth a goodbye. So please respect women? And don’t pit them against each other. Even those with no issues.”

In fairness, napakaganda ng punto ni Kris at sang-ayon kami sa kanya.

 

Read More

KASO NI KRIS VS NICKO, IBINASURA NG KORTE

krisfalcis33
0

SA labang Kris Aquino vs Nicko Falcis, ang score ngayon ay Nicko 4, Kris 1. October 2018 nang mag-file ng pitong qualified theft cases amounting to P1.2 million si Kris laban kay Nicko sa pitong siyudad sa Metro Manila: Mandaluyong, Makati, Taguig, Quezon City, Manila, Pasig at San Juan.

Ibinasura na ang kaso ni Kris sa Pasig, Makati at Taguig. Pero sa Taguig, kinasuhan si Nicko ng estafa at fraudulent use of access device. Noong Linggo, nakakuha ng kopya ang ANCX ng resolution ng Manila prosecutor na nagdi-dismiss ng kaso ni Kris. Sinasabi rito na wala raw “probable cause” ang kaso.

Read More

KRIS TO ANGEL: ‘NINANG PA RIN BA AKO?’

angel1
0

NANG mag-viral kamakalawa ang posts ng aktres na si Angel Locsin at ng movie producer na si Neil Arce tungkol sa kanilang engagement, maraming taga-showbiz ang nag-comment sa posts nila.

Isa na rito si Kris Aquino. “Ninang pa rin ba ako?” tanong niya kay Angel. Sinagot naman ito ni Angel ng, “Yes please ate!!! Please be our ninang!”

Biniro pa ni Kris si Angel na mukhang pinaghandaan niya ang proposal dahil ang “fabulous” daw ng mga kuko nito. Sinagot ito ni Angel ng, “Ayokong ma-bash mo ninang! Hahaha! Love you ate!” Matatandaang noong sina Angel at Luis Manzano pa, sinabi ni Kris sa isang episode ng “Kris TV” na “future ninang” na ang tawag sa kanya ni Angel.

Read More

KRIS NAGPAPARAMDAM SA 2022; 5 PLATAPORMA IBINIGAY

kris12
0

MAY nakapansing si Lea Salonga at hindi na si Kris Aquino ang endorser ng Ariel. May nagtanong kay Kris tungkol dito sa kanyang socmed account.

Sagot niya noong Huwebes, “Back to work on Friday & a couple of shoots next week.” May mga nag-bash din sa kanya na ginagawa niya raw na isyu ang allergy niya, eh, common naman daw ito. May pagka-sarcastic ang sagot ng actress-host, part of which reads: “Severe allergies can KILL. Maybe before you judge, Google anaphylactic shock.”

At napunta ang sagutan sa politika: “Common sense, ha, the longer I stay unhealthy, the less likely ang 2022. Pero kung papasukin, handang-handa, may 5 platforms personally experienced & survived: healthcare as a patient, taxation from 32 years of honest payments, education from a mother’s perspective, the justice system & the family code (gets n’yo na), and smaller scale entrepreneurship,” sabi ni Kris.

 

Read More

KRIS TOTOONG NAGLAHO SA SOCIAL MEDIA!

kris120
0

shumo-showbiz copy(NI JONATHAN ANG)

BALIK-PILIPINAS na si Kris Aquino matapos ang ilang linggong pamamalagi sa Singapore para magpa-checkup muli sa kanyang doktor.

June 7 nang masilayan ng netizens ang pinakahuli at may kahabaang Facebook at Instagram posts ni Kris hinggil sa ilang series of medical tests and procedures para sa kanyang autoimmune disorder.

Sa naturang socmed posts, nagpaalam si Tetay na maglalaho muna siya sa cyber space upang tutukan ang sakit at palakasin ang kanyang immune system. Makabubuti raw na maging ‘private citizen’ muna siya habang ginagamot ang sarili.

Siyempre pa, hindi mawawala ang mga duda. Tanong ng ilan: Kakayanin ba ni Kris ang hindi mag-post ng mga ganap sa buhay niya?

Surprising answer: Carry pala ng actress/TV host na mag-“Silence of the Lambs!” Nasopla ang bashers sa kanyang nakabibinging katahimikan sa Facebook at Instagram!

Sa aming pagse-search sa pangalang Kris Aquino, ‘no user found’ na ang nakalagay sa Twitter at wala namang lumalabas na pangalan niya sa Facebook at Instagram.

At dahil nga nagpapahinga muna sa social media, hindi rin mababasa ang kahit anong update sa resulta ng kanyang medical tests.

Sabi ng isang malapit kay Kris, “Tuloy ang mga gamot. Affected ng sakit ang sleeping pattern niya, so panay lang ang basa ng books.”

Wala pang kasiguraduhan kung kailan ire-reactivate ni Kris ang kanyang social media accounts.

BOOTS ANSON-ROA AND ATTY. KING RODRIGO NAG-60TH MONTHSARY

Ang lakas maka-millennial ng 60th monthsary nina veteran actress/Mowelfund President Boots Anson-Roa at Atty. King Rodrigo nitong June 14 – the same date ng kanilang pag-iisang-dibdib noong 2014!

Sa mga hindi nakakaalala, ang kasal nina Boots (then 68) at King (then 74) on June 14 five years ago ay talaga namang super-heartwarming at kilig to the bones!

Hirit ni Cardinal Chito Tagle na nag-officiate ng kasal: “This is the first time I am marrying a couple much older than me.”

Naloka ang ilang onlookers dahil inakala nilang golden wedding anniversary mass ang napuntahan nila.

Fast forward to June 14, 2019…

Pagbabahagi ni Boots: “As befits his name, King accords me the royal treatment, fit for a queen.

“His chivalrous gestures have not waned: still opens car doors; serves and spoon feeds at dinner; brings pasalubong from work; showers me with gifts on birthdays and other occasions; takes me travelling from as near as our weekend home in Tagaytay to as far as The Holy Land; ends his text messages and phone calls with ‘I Love you’; and provides for the home and family most dutifully and generously.

“As my husband, he can’t be a ‘Sugar Daddy’ to me so let me just call him my ‘Azucarera de Papa’.”

 

Read More