LENI INUPAKAN SA MAS MAHAL NA MEDIA COVERAGE

0

Ipinamahaging relief goods sa Taal victims binarat -netizens

BINANATAN ng netizens si Vice President Leni Robredo dahil mas pinagkagastusan pa umano nito ang media coverage kaysa sa ipinamahaging relief goods nang bumisita ito sa ilang nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas noong isang linggo.

Isang post sa Twitter ng isang Artanacia Oallop, nagpakilalang ‘evacuee’, ang nagsabing limang pirasong pandesal at isang boteng tubig lang ang laman ng natanggap niyang supot ng relief goods mula sa grupo ng bise presidente.

Agad itong pinag-usapan na ikinagalit ng maraming netizens.

Pinabulaanan naman ito ng kampo ng bise presidente sabay post ng video kung saan makikita itong nagre-repack ng mga ipamamahaging relief goods.

Subalit hindi nito napakalma ang mga dismayadong netizen at sinakyan na rin ito ni Overseas Workers Welfare Administration deputy administrator Mocha Uson.

Sa kanyang Facebook post sa pamamagitan ng Mocha Uson Blog, ganito ang binanggit ni Uson:

“Ito ang isang bagay na hindi maintindihan ni FVP LENI ROBREDO.

Hindi nagagalit ang tao dahil sa pagbigay mo di umano ng pandesal (hindi sa akin galing yan, akusasyon yan ng taga Batangas mismo) nagagalit ang tao dahil sa tuwing tumutulong ka DALA MO ANG ISANG BATALYON MONG MEDIA FRIENDS na tila mas madami ka pa daw gastos sa

entourage mo kesa sa pinamimigay mo. Yan sana ang sinagot mo hindi yung gagamit ka lang ng salitang hindi mo naman alam ang totoong kahulugan. Tapos ngayon maglalabas ka na naman ng video ng kesyo madami kang idodonate. Wag po masyadong defensive

#napapaghalataan madam.”

Agad humamig ng 20,000 likes, 2.8K replies at 2.7K shares ang naturang post ni Uson noong Huwebes.

Dagdag pa ni Uson, tinablan o apektado si Robredo sa mga alegasyong binarat niya ang relief goods habang todo-todo kung gumastos para sa kanyang media coverage.

“Affected na affected si Madam. Napilitan magpaphoto op sa pagpapack ng donasyon.

Guilty po ba?” Tweet ni Uson.

Giit pa ng opisyal, sa halip na daanin sa mga picture o video ni Robredo, makakabuting sagutin niya ang mga alegasyon upang mapakalma ang netizens. SAKSI NGAYON NEWS TEAM

Read More

LENI PANG-FAKE NEWS

FOR THE FLAG
0

Para kay Leni Robredo ay 1% lamang umano ang epekto ng war on drugs ng pamahalaan. Ngayon sino naman ang maniniwala sa kanya?

Anong nangyari sa milyon-milyong sumuko  sa pamahalaan? Ano na ang libo-libong naka-graduate sa mga rehabilitation center? Ano na ang bilyon-bilyong pisong nakumpiskang ilegal na droga? Ano na ang mga druglord, drug pusher at drug user na napaghuhuli ng awtoridad? Ano na ang bumukas na kooperasyon ng iba’t ibang bansa ukol sa mga international syndicate ng droga?

Mukhang naging bulag at bingi na ang bise presidente. Sa katunayan, dahil sa seryosong pagpapatupad ng administrasyon sa drug war nito ay unti-unting nalalagas na ang mga masamang elemento sa bansa, kasama na ang mga criminal, pu¬shers at mga drug lord.

Sumikat din ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa buong mundo dahil sa kanyang mahigpit na pagpapatupad ng digmaan kontra droga.

Kaya naman maaalalang na-intercept ng mga awtoridad ang may P6.4 bilyong halaga ng shabu shipment noon na kinasangkutan ng mga ismagler sa Bureau of Customs (BOC). Ito ay dahil na rin sa tip na mula sa mga awtoridad ng Tsina. Dahil sa kredibilidad ng administrasyon sa pagpuksa sa  droga sa bansa ay hindi nangingimi ang mga taga-ibang bansa na makipagtulungan sa ating bansa.

Isang shabu laboratory na nagpo-produce ng may 25 kilo o P125 milyong ha¬laga ng ilegal na droga kada araw ang nabuwag at ilang mga bodega na pinaggagawaan ng shabu ay sinalakay din.

Mayroon ding listahan ng mga barangay chairmen na sangkot sa droga ang nabigyang pansin  ng pamahalaan kaya naman ilang mga barangay sa bansa ay certified drug-free na.

Dahil na din sa matagumpay na kampanya ng pamahalaan kontra sa droga ay bumagsak na ang crime rate sa bansa. Hindi rin pinatawad ng kampanya ang mismong mga pulis na sangkot sa droga, ang iba’y heneral pa nga.

Kaya naman hindi kataka-taka na bumubulusok ang kredibilidad ni Leni dahil sa mga news spin na nagmumula sa kanyang mismong bibig.

Mukhang nagkakalinaw na siya at ang mga kabaro niyang dilaw ang tunay na mga source ng fake news sa bansa na sinusuportahan naman ng mga bayarang media outfit at practitioner sa bansa.

Malinaw naman na kasi ang koneksyon ng ilang mga kritiko ng pangulo na nasa media ay sa dilaw kaya  hindi din masisi ang ating mga kababayan na imbes na sa mainstream media kumuha ng balita ay umaaasa na lamang sa Facebook at YouTube para sa mga latest na balita. (FOR THE FLAG / Ed Cordevilla)

Read More

HIRIT NI MARCOS SA PET: BOTO SA MINDANAO IPAWALANG BISA

BONGBONG MARCOS-3
0

(Ni: NELSON S. BADILLA)

DAPAT ipawalang bisa ng Korte Suprema ang mga boto sa tatlong lalawigan sa Mindanao noong 2016, sapagkat dinaya ng kampo ni dating Rep. Ma. Leonora “Leni” Robredo ang halalan sa maraming presinto sa tatlong lalawigan sa nabanggit na isla upang manalong pangalawang pangulo ng bansa.

Ito ang layunin ng inihaing memorandum ni Marcos nitong Lunes na humihiling sa mataas na korte na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal (PET) na magkaroon ng “teknikal na pag-aaral” sa mga lagda ng mga botante ng Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan na pinaniniwalaan ni Marcos na dinaya ng kampo ni Robredo.

Ang kahilingan ni Marcos ay legal at pinahihintulutan ng alituntunin ng protestang elektoral sa ilalim ng prinsipyong “third cause of action.”

Peke ang mga lagda

IDINIIN ni Marcos na peke ang mga lagda ng maraming boto sa 2,756 prinotestang clustered precincts sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan.

Batay sa prinsiyo ng third cause of action, maaaring maglunsad ng panibagong “preliminary investigation” ang PET upang pahintulutan nito ang presentasyon ng mga ebidensya sa pandaraya ng kampo ni Robredo.

Iginiit ni Marcos na ang PET ay mayroong solong kapangyarihang paboran ang kanyang ikatlong hakbang sa protestang elektoral, sapagkat hiwalay at malaya ito sa iba pang aksyon.

Ilang buwan na ang nakalilipas, lumabas sa media ang resulta ng imbestigasyon ng Commission on Elections (Comelec) na dinaya ang resulta ng eleksyon sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan noong 2016.

Nang tanungin ng media ang Comelec hinggil dito, hindi nagsalita ang Comelec at hindi rin nito itinanggi ang malawak na dayaang naganap sa tatlong lalawigan sa Mindanao.

Panalo si Marcos

MAYROON ding hiwalay na impormasyon ang Comelec at ABS – CBN Research Team na nagsasabing lamang ng 45,000 si Marcos laban kay Robredo kung pagsasama-samahin ang lahat ng boto mula sa Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan, Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Inaalam ng Saksi Ngayon kung gaano ito katoto.

Ang anim na lalawigan ang kasama sa ikalawa at ikatlong batayan ng protestang elektoral ni Marcos para sa halalan sa pangalawang pangulo ng bansa noong 2016.

Ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental ay ang mga lalawigang tinukoy at ipinasama ni Marcos sa kanyang Second Cause of Action hinggil sa protestang elektoral hinggil sa lahatang-panig ng pandaraya ng kampo ni Robredo.

Mayroon nang resulta ang SC/PET dito kung saan sinasabing nadagdagan pa ng 15,000 boto si Robredo, dahilan upang tumaas ang lamang niya kay Marcos.

Ang puntong ito ang ginamit at iginiit ng kampo ni Robredo, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Romulo Macalintal, sa PET kaugnay sa kahilingan ni Robredo na tuluyan nang ibasura ang protesta ni Marcos alinsunod sa itinakda at ipinag-utos ng Rule 65 ng gabay sa protestang elektoral.

Ayon sa alituntuning 65, maaaring ibasura ang protesta ng kandidato kapag lumitaw na natalo sa tatlong lalawigang ginamit bilang pilot areas ng protesta.

Bilang ponente ng desisyon ng PET, ito ang pangunahing ginamit ni Associate Justice Alfredo Caguioa bilang batayang legal upang ibasura ang protesta ni Marcos.

Sa opisyal na pahayag naman ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, inihayag nito na: “The recent Memorandum filed by Mrs. Leni Robredo is a clear recognition of the validity of our third cause of action. She now echoes our assertion through her Memorandum, for the Presidential Electoral Tribunal (PET) to now proceed with the conduct of the technical examination and reception of evidence for the provinces of Lanao Del Sur, Basilan and Maguindanao. With her express affirmation a great obstacle has been removed and we look forward to an expeditious resolution of the question, “Who won the Vice Presidential election of 2016?” (May karugtong)

Read More

LENI PAPANSIN LANG! — PANELO

0

(NI CHRISTIAN  DALE)

WALANG  nakikitang koneksiyon ang Malakanyang sa ginawang pagpapaliban ni Vice President Leni Robredo ng kanya umanong gagawing ‘expose’  sa drug war ng administrasyon at sa pokus na dapat gawin ng gobyerno para sa mga naging biktima na paglindol sa Southern Mindanao.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo,  wala sa lugar ang pakikisimpatiya ng Bise Presidente gayung hindi naman aniya titigil ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan kahit magsalita o ibunyag nito ang umano’y kanyang nadiksubre sa drug war ng pamahalaan.

Inihayag ni Panelo na halatang nais lang na makakuha ng atensiyon ni Robredo nang inanunsiyo nitong ipagpaliban na lang muna ang kanyang press briefing habang ipinangangalandakan naman ang 40 page report patungkol sa sinasabi niyang ‘discovery’ sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.

Ang hinahanap aniya ni Leni, ani Panelo, ay magandang “timing”  sa gitna ng inaasam -asam nitong mabigyan siya ng atensiyon habang pinipilit aniya ang kanyang sarili na maging relevant.

Buwelta pa ni Panelo kay Robredo, ni wala nga itong narinig sa Malakanyang na anumang paratang o akusasyon sa mga panahong nawawala ito noong Pasko ng 2016 na dito ay binabayo ng malakas na bagyo ang kanyang sariling bayan sa Naga.

 

Read More

PAGSIBAK KAY LENI ‘DI KAILANGAN NG OFFICIAL ORDER — PANELO

0

(NI CHRISTIAN DALE)

HINDI na kinakailangan pang maglabas ng opisyal na komunikasyon ang Office of the President kaugnay ng naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Leni Robredo sa ICAD.

Sa pulong balitaan sa Busan, South Korea, binigyang diin ni Chief Presidential Spokesperson Salvador Panelo na saklaw si Robredo ng polisiyang “serving at the pleasure of the President” lalo at nasa Pangulo ang appointing authority.

Nasa kapangyarihan din, ani Panelo, ang pagpapaalis sa kaninumang itinalaga ng Punong Ehekutibo sa isang puwesto, anumang oras na naisin nito nang hindi na kailangan pang mag- isyu ng official order na manggagaling sa Office of the President.

Oktubre 31 nang lagdaan ng Presidente ang appointment papers ni Leni sa ICAD bilang co- chair.

Tinanggap naman nito ang posisyon pero hindi na tumagal pa ng isang buwan ang pagiging bahagi nito sa ICAD kasunod ng termination sa tungkulin nito sa Inter- Agency Committee on Illegal Drugs.

Read More

LENI SINIBAK NI DUTERTE

0

SINIBAK na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea, Linggo ng gabi, ang balita.

Nagdaos din si Palace Spokesperson Salvador Panelo ng press conference na nagsabing tinanggal na si Robredo base na rin sa suhestiyon ni Liberal Party President, Senator Francis Pangilinan, na tanggalin na lamang si Robredo sa posisyon.

Sinabi ni Panelo na ang pagkakatalaga kay Robredo sa ICAD ay upang bumuti ang kampanya kontra droga.

“Unfortunately, she wasted such opportunity and used the same as a platform to attack the methods undertaken by this Administration,” ayon pa kay Panelo.

Ang pagkakasibak kay Robredo ay matapos ang dalawang linggong pagkakatalaga sa kanya sa anti-drug body.

Read More

SOTTO KAY LENI: TIGILAN MUNA ANG PAGPAPA-MEDIA 

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

PINAYUHAN ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III si Vice President Leni Robredo na tigilan ang paghahayag sa media ng kanyang mga plano at ginagawa sa anti-drug campaign.

Ipinaliwanag ni Sotto na dahil sa pagsasapubliko ng mga plano ay posibleng makapaghanda ang mga sindikato ng droga.

“Hindi ko naman masasabi yun, pero ang pinakamaganda tigilan mo muna ang media-media kasi nate-telegraph ang strategy eh. Dapat dyan submarine approach kailangan na under the radar ang tira, mga kilos. Yan ang magandang kilos and then later on lilitaw ang accomplishment. Hindi yung lilitaw agad ang mga plano at strategy baka walang marating,” diin ni Sotto sa panayam ng DWIZ.

Wala rin naman anyang masama sa pakikipagpulong ni Robredo sa iba’t ibang bansa o organisasyon tulad ng United Nations at Estados Unidos subalit dapat ay tahimik na lamang ito.

“Wag mo sasabihin sa media. (Kung) intelligence (information) bakit ka nagmemedia? Bakit mo pinamemedia ang meeting? Hindi dapat,” diin pa ni Sotto.

Kasabay nito, iginiit ni Sotto kay Robredo na pag-aralan din ang tunay na mandato bilang co-chairperson ng Interagency Committee on Anti-Drugs.

“Siguro mas maganda ang ginawa ni Vice President Robredo pag-aralang mabuti at i-research mabuti ang iba’t ibang kilos ng agencies. Anu-ano ang mga policy nila. I-research munang mabuti, pag-aralang mabuti ang trabaho,” giit pa ng senador.

Read More

DAGDAG NA BUDGET KAY LENI APRUB KAY GO 

bong go55
0

(NI NOEL ABUEL)

NANINDIGAN si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na suportado nito ang hiling ni Leni Robredo na dagdag pondo para magamit sa kampanya laban sa illegal na droga.

“Ako, as a legislator, sabi ko full support ako kung ano ang makatutulong. Basta ang hangarin ay masugpo ang droga,” giit ni Go.

Paliwanag pa nito na kung sa kasalukuyan ay nasa 82 porsiyento ang sang-ayon sa war on drugs ng administrasyong Duterte ay hindi imposible na tumaas pa ito sa panunungkulan ni Robredo bilang co-chair ng Inter–Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

“Ngayon 82% ang sang-ayon sa War on Drugs. Malay mo maging 90%, 100%. Tutulong po kami. Basta interes ng Pilipino at wala nang daragdag pa sa mga biktima ng droga,” aniya pa.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na wala pa itong nakukumpirma kung iimbitahan si Robredo sa darating na mga Cabinet meetings.

“Hindi pa sila nag-usap ng Pangulo at sa Gabinete, wala pa akong naririnig. I’m not authorized to speak on behalf of the Executive pero sa pagkakaalam ko, wala pang plano (na imbitahan siya). Maybe kapag pag-uusapan na ang droga,” sabi pa nito.

Samantala, tiniyak ni Go na maipapasa ang 2020 budget at malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang taon upang maiwasan na magkaroon muli ng budget reenactment.

“Bago matapos ang taon, signing na dapat with the President. Ayaw na namin mangyari katulad last year. Mahirap ang reenacted budget. Laki ng losses sa gobyerno. Billions ang nawawala kapag reenacted. Isa rin cause ito ng inflation during the first semester dahil walang government spending,” paliwanag ng senador.

 

 

Read More

LENI PURO DAKDAK, WALANG GAWA – CAYETANO

0

(NI ABBY MENDOZA)

HIND umano Oplan Tokhang ang nangyayari ngayon sa drug war kundi Oplan Talkhang, kung saan panay salita at media exposure si Leni Robredo at wala pang gawa sa kanyang bagong posisyon bilang  co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Puna ni Cayetano mas madalas pang magpa-interview sa media si Cayetano imbes na magtrabaho bilang drug czar.

“Just get things done so sinabi niya i-abolish yung oplan tokhang eh ako i-abolish muna yung oplan all talkhang kasi all talk na eh!,”pahayag ni Cayetano.

Mula nang tanggapin ang ICAD position sinabi ni Cayetano na mas  marami pang oras sa harap ng camera at mas marami pang statement kaysa sa trabaho si Robredo.

Pinayuhan pa ni Cayetano si Robredo na huwag ipa-media agad ang kanyang mga gagawin gaya ng pag-abolish sa Oplan Tokhang, ang pagsasabi na papayagan ang United Nations at United States na pumunta sa bansa at paghingi ng tips kay Sen. Panfilo Lacson lalo at nababasa ng drug lords ang mga hakbang nito.

“Yung mga druglord  nakatutok sa mga radio sa tv kaya nakikita ang mga galaw. Mabuti yung mga ganitong operations ay tahimik na naaacomplished. Leni will not only get the support but all the credit kapag nagsuccess ang drug war,” dagdag pa nito.

Nilinaw naman ni Cayetano na suportado niya si Robredo dahil ang tagumpay ng drug war ay tagumpay ng bawat Filipino kaya hangad nya na magtagumpay ito sa kanyang bagong trabaho subalit mangyayari lamang ito kung tututok sa trabaho.

 

Read More