P.7-M LIQUID MARIJUANA NAKUMPISKA NG BOC

LIQUID MARIJUANA-3

Muling naka-iskor versus ilegal na droga

(Joel amongo)

MULING naka-iskor ang Bureau of Customs-Port of NAIA nang makumpiska ang  halos P700,000 halaga ng liquid marijuana na idinaan sa air cargo parcel na nalagay sa iba’t ibang warehouses sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay noong Lunes.

Umabot sa 11 packages ang na may 330 cartridges ang nadiskubre ng customs personnel sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF)..

Nasa pangangalaga na ng PDEA ang cartridges ng liquid marijuana para sa kaukulang imbestigasyon kaugnay sa importer at consignee ng kontrabando.

Ayon sa BOC, ang importasyon ng ‘Hemspeed’ at ‘Cannibidoil’ ay ilegal kaya kinumpiska ang packages na isang paglabag sa probisyon ng RA 9165 o ‘The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’ at RA 10853 o ‘The Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Noong Enero 5, 2020, nasabat ng BOC-NAIA ang P200,000 halaga ng kush weeds at liquid marijuana sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Nakadeklarang isang pares ng sapatos at tsokolate ang laman ng parcel subalit nang isailalim sa eksaminasyon ay natuklasang apat na pakete ng hinihinalang kush weeds at 10 cartridge ng liquid marijuana.

Nabatid na ang parcel na ilegal na droga ang nakalagay ay naka-consigned sa isang indibidwal na mula sa Sampaloc, Manila.

Siniyasat ng BOC ang parcel matapos may maamoy na kakaiba sa nasabing padala. Iyon ang kauna-unahang huli sa taong 2020.

Read More

LIQUID MARIJUANA NASABAT NG CUSTOMS-NAIA

LIQUID MARIJUANA

(Ni JOEL O. AMONGO)

NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA ang anim  na  kahon ng liquid marijuana na idineklara  bilang “ULEI CBD full plant extract” na galing sa bansang Romania noong Setyembre 20, 2019.

Lumitaw na matapos ang isinagawang masu­sing physical examination sa package  ng Customs examiner sa presensya na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Post Office (Philpost), Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), X-Ray Inspection Project (XIP), Enforcement Security Service (ESS), at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ay tu­mambad ang nasabing ilegal na droga.

Mula sa test na isinagawa ng PDEA lumitaw na ang nasabat na  liquid substance ay nagpositibo  sa presensya ng   tetrahydrocannabinol, isang substance ng  marijuana.

Ang mga box ay pawang may  labeled na  “Lady Mary Farm Cannabidiol CBD Oil Bio” at co­vered ng Philpost Tracking No. CO979705967RO, na naka-consign kay Jeffrey Ciabal Perez ng 0690 Purok 6 San Lucas 2, San Pablo City, Laguna, at ipinadala ng  Bayer Jasilica ng Gr. Miko Imre, Sf. Gheorghe, Romania.

Kaugnay nito, sinampahan ng kaso si  Perez ng  paglabag sa  Section 4 (Importation of Dangerous Drugs) of Article II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act); at Section 1401 (Unlawful Importation) of R.A. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Ang Customs-NAIA ay aktibo sa pagsabat ng mga ilegal na droga sa mga passenger terminals at air parcels.

Read More

P45-K LIQUID MARIJUANA NASABAT NG BOC-PDEA; FILIPINO-AMERICAN ARESTADO

LIQUID MARIJUANA

(Ni JOEL AMONGO)

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 30  vape cartridges mula sa isang Filipino-American na pinaniniwalaang naglalaman ng liquid marijuana  na nagkakahalaga ng P45,000 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa  Pasay City nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni NAIA-Customs District Collector Carmelita Talusan ang naares¬tong dayuhan na si  Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng  Winconsin, United States, at residente ng  Merville Subdivision, Parañaque City.

Idineklara umano ang mga cartridges bilang tsokolate na pinadala umano ng isang Michael Arash Abedzadeh ng  Shanghai, China.

Dumating umano ang nasabing parcel sa CMEC noong nakaraang Marso 31, 2019.

Ayon kay CMEC Customs Collector Nora Cawili, una na nilang ipinaalam  sa consignee ang ukol sa parcels nito mula China at  nitong Lunes ay dumating ang naarestong dayuhan upang kunin ito.

Dito na umano agad na inaresto ito ng mga tauhan ng Customs at PDEA.

Ayon kay Talusan,  ang  parcels ng liquid marijuana ay sinuri na ng PDEA.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA ang suspek habang inihahanda ang kaso laban dito.

Sa ilalim ng Philippine Dangerous Drugs Act (PDDA) , mahigpit na ipinagbabawal ang pag-angkat ng  cannabis oil o liquid marijuana sa bansa dahil kinokonsidera itong illegal drugs.

Read More