STROKE NI DEFENSE CHIEF LORENZANA ITINANGGI NG PALASYO

lorenzana12

(NI BETH JULIAN)

PINAWI ng Malacanang ang pag-aalala ng publiko kaugnay sa kondisyon ng kalusugan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na unang napaulat na na-stroke.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nagtungo lamang si Lorenzana sa  Veterans Medical Memorial Center (VMMC) para sumailalimsa executive check-up.

“Walang dapat ipag-alala sa kanya (Lorenzana), eto ang bahagi ng text message nya, “Hi this is SND. I am here at the veterans undergoing executive check up. I will be out in a day or two. Thanks for your concern,” ayon kay Panelo.

Una nang may sumingaw na balitang isinugod si Lorenzana sa ospital matapos umanong ma-stroke kaya agad naman itong inalam ng Malacanang.

Tiniyak din ni Panelo na nang nagkausap sila ni Lorenzana ay nakitaan niya ito ng kasiglahan sa boses.

Si Lorenzana ay nakatakdang bumiyahe sa ibang bansa kaya kinailangan nitong masiguro ang kondisyon ng katawan.

Mananatili ng isa o dalawang araw sa ospital si Lorenzana upang tapusin ang  pagsasailalim nito sa executive checkup.

 

 

Please follow and like us:
Read More