LP UMALMA SA BIKOY VIDEO: WALA KAMING ALAM DYAN! 

kikopangilinan21

(NI NOEL ABUEL)

NANINDIGAN ang Liberal Party (LP) na walang kinalaman ang mga ito sa lumabas na Bikoy video kasabay ng pagsabing gawa-gawa lamang ito ng ilang tao.

Giit ni Senador Francis Pangilinan, presidente ng LP, gawa-gawa ng administrasyon ang mga paratang sa LP tulad ng pagdamay ng kasalukuyang pamahalaan sa usapin ng ouster plot para mapagtakpan ang mga kapalpakan at pangungurakot ng ilang opisyales ng pamahalaan.

“Gawa-gawa lang ng administrasyon. Laging dinadamay ang LP sa mga ouster plot na gawa-gawa lang para pagtakpan ang mga palpak at kurakot sa administrasyon,” giit nito.

“Kahit ano sasabihin ng testigo laban sa mga nakaupo sa takot na masaktan. Wala kaming ugnayan sa video at kay Bikoy. Kasinungalingan lahat ang mga paratang na ‘yan,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Pangilinan na hanggang ngayon wala pa ring mga drug lords at sindikato na nahuhuli o nakukulong sa pagpuslit ng toneladang shabu sa Bureau of Customs (BoC) at posibleng pinagtatakpan lang.

“Ano na naman kaya ang baho na tinatago ng administrasyon kaya inilabas ang mga kasinungalingang ito?” tanong nito

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon na ang alegasyon ni Peter Joemel Advincula ay dapat imbestigahan ng Philippine National Police (PNP) upang mahukay ang tunay na usapin ng Bikoy video at sampahan ng kaso ang nasa likod nito.

Nanindigan din ito na walang kinalaman ang LP sa akusasyon ni Advincula laban sa kanilang partido.

“The Liberal Party had nothing to do with the so-called Bikoy video. We deny the accusations. That the Liberal Party connived with an obviously professional con artist to topple the government is most absurd. It is ridiculous on so many levels. It’s excruciating to have listened to all his lies,” aniya pa.

Ayon naman kay Senador Risa Hontiveros produkto lamang ng masamang imahinasyon ng pamahalaan na pakana ng LP ang nasabing kontrobersyal na video.

“I find it odd that when ‘Bikoy’ came out with his videos accusing President Rodrigo Duterte, his family and close political friends of links to illegal drugs, this administration was quick to shoot down his credibility, even going so far as to threaten him with arrest. And now, when he sings a different song and accuses the opposition of outlandish things, all of a sudden his credibility is restored? How absurd,” ani Hontiveros.

 

Please follow and like us:
Read More

‘BIKOY’ KAILANGANG IMBESTIGAHAN – REP. DUTERTE

dutert12

(NI BETH JULIAN)

NANINIWALA  si Congressman-elect Paolo Duterte na kailangan nang magkaroon ng proper investigation kaugnay sa panibagong rebelasyon ni Peter Joemel Advincula, alyas Bikoy.

Ito, ayon kay Paolo, ay bunsod na rin ng mas maraming pangalan na lumalabas ngayon kung saan isinasangkot na rin si Senator Risa Hontiveros at ilan pang mga abogado.

Sa isang statement, sinabi ni Duterte na sa simula pa lamang ay wala siyang pag aalinlangan sa paniniwala na si Senator Antonio Trillanes IV ang may gawa ng lahat ng ito.

Sinabi ng kongresista na lahat ng kasinungalingan na inilantad ay naglalayong sirain ang tiwala ng mga Filipino sa mga awtoridad, maging ng mismong Pangulong ng bansa.

Giit pa ng kongresista na isa itong malinaw na alegasyon lang ng mga personalidad na gustong wasakin ang administrasyong Duterte.

Dagdag pa ng kongresista na makikita na sa mga una pa lamang na mga Bikoy video ay fabricated na o peke na kinuha sa tinatawag na ‘playbook’ ng mga tao na ang tanging layunin lamang ay siraan ang kanilang pangalan at reputasyon.

SI LORD NA ANG BAHALA – HONEYLET

“Si Lord na ang bahala sa kanya.”

Ito ang pahayag ng common law wife ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avancena kaugnay ng apela ni Advincula na sana ay patawarin siya ng Pangulo at pamilya nito sa nagawa niyang pagkakamali.

Tugon ni Avancena na ipinasasa-Diyos na lamang niya ang paghingi ng tawad ni Bikoy.

Nauna nang hiningi ni Bikoy sa kanyang paglutang na mabigyan siya ng kahit kaunting sandali ni Duterte at pamilya nito para makahingi siya ng sorry dahil sa pagdawit niya sa mga ito sa ilegal na droga lalo na ang bunsong anak ng Pangulo na si Veronica ‘Kitty’ Duterte.

DRAMA NI BIKOY UMIINIT – PCOO

Sinabi naman ni PCOO Martin Andanar na lalo pang umiinit at nagiging interesting ang mga development sa dramang nangyayari ngayon.

Giit ni Andanar na labanan na ngayon ng mga salita ni Bikoy at ni Senator Antonio Trillanes IV at ng mga Liberal Party.

Pabiro pang sinabi ni Andanar na pupunta muna siya sa grocery para bumili ng popcorn.

REBELASYON NI BIKOY, SCAM –MAYOR SARA

Sa panig naman ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, sinabi nito na si Bikoy ay isang malinaw na ‘scam’ na nilikha ng mga taong tutol sa administrasyong Duterte para i-discredit ang Pangulo at ilang miyembro ng kanyang pamilya.

Ayon pa kay Mayor Duterte, ang grupong ito ay dis-organise dahil sa simula pa lamang ay hindi na maka-first base sa tinatangka nilang direksyon para sa layuning manggulo.

Pahayag pa ni Mayor Sara, kung siya ang lider ng nasabing grupo ay babarilin na lang niya ang sarili partikular sa bahagi ng ulo para mawala na ang utak na hindi naman nakatutulong o walang silbi.

Sa pahayag ni Bikoy na lumalabas na scripted lang o walang laman ang sinabi nang lumutang siya sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) gawa umano ng ilang personalidad na kabilang sa oposisyon at ilang religious group.

Please follow and like us:
Read More

PALASYO TIKOM SA PAG-RESIGN SA LP NI PANGILINAN

kiko23

(NI BETH JULIAN)

ISYU lamang sa pagitan nina Leni Robrero at Senator Kiko Pangilinan ang pagbibitiw nito bilang Liberal Party (LP) president.

Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo nang usisain kaugnay sa nasabing isyu.

“That’s for her and Senator Pangilinan to resolve. Hindi na dapat pang makialam ang Palasyo,” ayon kay Panelo.

Nagbitiw sa tungkulin si Pangilinan nitong Martes. matapos ihayag ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa na maipoproklama na nito ang 12 nanalong senador at mga party-list organizations.

Pero napag-alaman na tinanggihang tanggapin ni Robrero, na tumatayong chairperson ng LP, ang resignation letter ni Pangilinan.

Base sa ulat, hindi tinanggap ni Robrero ang resignation letter ni Pangilinan sa kadahilanang marami pa silang magkatuwang na trabaho sa LP.

“I really don’t know how to read those statements. What I know is he resigned as LP president. There’s an intramural within the party, we never interfere,” wika ni Panelo.

Matatandaan na una nang sinabi ni Pangilinan na bilang campaign manager ng Otso Diretso slate, hindi nito nakamit ang tagumpay sa nagdaang halalan.

” I therefore assume full responsibility for the outcome and hold myself primarily accountable for this defeat and have tendered my resignation as president of the LP effective June 30, 2019,” pahayag ni Pangilinan.

 

Please follow and like us:
Read More

PUWERSA NG LP SA KAMARA NABAWASAN PA

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD)

SA  halip na lumaki ang puwersa, nabawasan pa ang bilang ng mga miyembro ng Liberal Party (LP) sa Mababang Kapulungan g Kongreso sa 18th Congress.

Ito ang nabatid ng Saksi Ngayon dahil umaabot lamang sa 18 LP congressional candidate ang nanalo sa katatapos na halalan sa iba’t ibang distrito sa bansa.

Sa kasalukuyan ay 20 ang miyembro ng LP ngayong 17th Congress na nakatakdang matapos sa tanghali ng Hunyo 30, 2019 kaya kinapos pa ang partido ng kanilang bilang sa 18th Congress.

Kabilang sa mga LP members na nanalo sa katatapos na halalan ay sina Quezon City Rep. Kit Belmonte, Edgar Erice ng Caloocan, Kid Pena ng Makati City, Stella Quimbo ng Marikina City, Blue Abaya ng Cavite, Cheryl Deloso ng Zambales, Josephine Sato ng Occidental Mindoro, Boy Umali  ng Oriental Mindoro

Kasama din dito sina  Edcel Lagman ng  Albay, Gabriel Bordado ng  Camarines Sur, Tawe Billones ng  Capiz, Josy Limkaichong  ng Negros Oriental, Edgardo Chatto ng Bohol, Raul del Mar ng Cebu City, Paul Daza ng  Northern Samar, Edgar Sarmiento ng Samar, Isagani Amatong ng  Zamboanga del Norte at  Mujiv Hataman ng Basilan.

Noong panahon ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III , ang LP ang may pinakamaraming miyembro ng Kongreso subalit 20 lamang ang naiwan nang manalo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential election matapos maglipatan ang mga ito sa administration party na PDP-Laban.

Hindi rin lahat ng LP members ay tumayong minority sa Kamara dahil tanging sina Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Erice at Lagman ang nasa oposisyon habang ang natitira ay sumama sa supermajority na pinamumunuan ng mga lider ng PDP-Laban.

Naging independent na lamang ang mga ito noong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ang nahalal na pinuno ng Kamara matapos makudeta si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

 

Please follow and like us:
Read More