PRESYO NG LPG TUMAAS

0

(NI ROSE PULGAR)

NAGPATUPAD ng malaking dagdag-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis sa bansa sa unang araw ng 2020.

Sa ipinalabas na advisory ng Petron Corporation, dakong alas- 12:01 ng hatinggabi nitong Enero 1, epektibo ang itinaas na P7.55 sa presyo ng kada kilo ng kanyang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P83.03 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG nito.

Bukod pa sa lpg, nagtaas din ang Petron sa kanilang Auto Xtend LPG sa P4.25,na kada litro na karaniwang ay ginagamit sa taxi.

Hindi naman nagpahuli ang Phoenix LPG Phils. Inc. na nagpatupad din nang kahalintulad na dagdag-presyo sa kanyang produktong Phoenix Super LPG at Auto-LPG.

Bandang alas- 6:00 ng umaga naman kahapon nagpatupad ang Solane ng P6.74 taas-presyo sa kanyang LPG o katumbas ng P74.14 sa bawat regular na tangke nito kasama na rito ang Value Added Tax (VAT).

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Samantala, kinondena naman ng mga magulang partikular na ang mga nanay at mga may-ari ng carinderia ang big-time LPG hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis dahil apektado sa kanilang pagba-budget sa unang araw ng 2020.

Read More

DEPEKTIBONG LPG AALISIN SA MERKADO

0

(NI NOEL ABUEL)

DAHILsa kabi-kabilang sunog na sanhi ng mga depektibong liquified petroleum gas (LPG) na ibinebentang ilegal sa mga pamilihan, iminungkahi ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng isang National Policy at Regulatory Framework para sa lokal na industriya.

Inihain ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, ang Senate Bill No. 1188 o An Act Providing for the National Energy Policy and Regulatory Framework for the Philippine LPG Industry.

Layunin ng batas na palakasin at i-streamline ang mga batas at regulasyon na nakasasakop sa lokal na industriya ng LPG.

“Itong panukalang batas na ito ay hindi lamang magsusulong ng reporma sa industriya ng LPG sa bansa, bagkus, ito rin ay naglalayong matugunan ang iba pang problema na may kinalaman sa seguridad, kaligtasan, kalusugan at pangkalikasan. Layunin din natin na tiyakin ang kapakanan ng ating mga kababayan,” ani Gatchalian.

Base aniya sa datos ng Department of Energy (DOE), 53% o 49,174,460 na mga Pinoy noong 2011 ang gumagamit ng LPG para sa pang araw-araw na pangangailangan.

Sa pagtatala ng DOE, tumaas ng 10.4% taun-taon ang pagbili o consumption ng LPG mula 2007 hanggang 2017.

Sa panukala ni Gatchalian, inaatasan ang DOE na manguna sa pagpapatupad ng batas, kabilang na ang pag-reregulate, pag-supervise, at pagbabantay sa lahat ng kasama sa LPG Industry. Binibigyang pangil ng batas na ito ang DOE para isulong ang striktong pagsunod sa pamantayan ng kalidad at kaligtasan na nakasaad sa Philippine National Standards o PNS.

Nakasaad pa sa nasabing panukala na ang lahat ng LPG players na kumuha ng license to operate mula sa DOE bago makapagsimula ng kanilang operasyon.

Ang naturang lisensya na ibibigay ng DOE ay magtatagal ng tatlong taon. Nakasaad din sa batas na kabilang sa sinasabing illegal acts ang hoarding, underfilling, illegal refilling, at pag-operate ng walang karampatang lisensya.

Sinuman ang lumabag sa batas ay magmumulta mula P5,000 hanggang P10 milyon depende sa nilabag na gawain. Maaari ring mabawi ang lisensiya, ma-impound ang produktong LPG at makulong ang mga hindi susunod sa batas.

 

Read More

LPG MAY DAGDAG-PRESYO BUKAS

0

(NI ROSE PULGAR)

BUKAS, (Disyembre 1), ay may dagdag na presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ipinatupad ang ilang kumpanya ng langis sa bansa.

Pinangunahan ng Petron Corporation ang pagpapatupad ng pagtaas ng P0.25 kada kilo sa presyo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.75  na dagdag presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito na epektibo mamayang alas- 12:01 ng hatinggabi (Disyembre 1).

Bukod dito, tinaasan din ang kanilang Xtend Auto-LPG ng P0.15 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi.

Aasahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya langis tulad ng Solane sa kaparehong dagdag-presyo sa LPG at Auto-LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing unang araw ng buwan, ang may paggalaw sa presyo ng LPG pinatutupad ng mga kumpanyang langis sa bansa.

Read More

LPG SA BUTANE CANISTER DELIKADO — DOE

0

(NI ROSE PULGAR)

NANAWAGAN ang pamunuan ng Department of Energy (DOE) sa mga negosyante na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pag-recycle ng mga ‘single-use butane canister’ na iligal na sinasalinan ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) dahil sa panganib sa publiko.

Ang panawagan ng DOE ito ay bunsod ng pagkakasakote  kamakailan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Iloilo at Iloilo Provincial Police Office (IPPO) sa dalawang tao sa isang checkpoint at masabat ang kontrabando nila na 1,055 butane canisters na nilamanan ng LPG.

Sinampahan ang mga suspect ng kasong paglabag sa Batas Pambansa 33 o mas kilala bilang;  “An Act Defining And Penalizing Certain Prohibiting Acts Inimical To The Public Interest And National Security Involving Petroleum And/Or Petroleum Products, Prescribing Penalties Therefor And For Other Purposes”.

Iginiit ng DOE na ang mga butane canister ay pang-isahang gamit lamang at hindi akma na paglagyan ng ‘high-pressured LPG’.

Nitong nakaraang Oktubre 30,  isang ‘public hearing’ ang ginawa ng Iloilo Sangguniang Panlalawigan (ISP) para sa pagbuo ng ordinansa sa pagkontrol sa industriya ng LPG at pagsawata sa mga iligal na negosyante sa probinsya.

“The Department is closely working with LGUs and other law enforcement agencies to strengthen the DOE’s campaign against unsafe practices. The safety of our people would always remain paramount, especially given the danger to human life posed by the illegal sale of petroleum products,” ayon kay DOE Secretary Alfonso Cusi.

 

Read More

DAGDAG-PRESYO SA LPG HINDI MAKATUWIRAN – SEN. MARCOS

0

(Ni NOEL ABUEL)

Pinaiimbestigahan ni Senador Imee Marcos sa Department of Energy (DOE) ang malalaking kumpanya ng langis kung ano ang naging batayan ng mga ito sa ginawang napakalaking dagdag presyo ng LPG.

Tahasang binatikos ni Marcos ang mga kumpanya na nagbebenta ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) matapos na itaas nito ang kanilang presyo at magbunga ng napakataas na halaga ng LPG sa mga pamilihan o merkado.

Sinabi ng senador na halos aabot sa P55 ang dagdag-presyo ng bawat 11 kilong tangke ng LPG matapos na ideklara ang P5 taas presyo sa bawat kilo nito.

At noong nakalipas na Oktubre 1, nagsimula nang ‘sumirit’ sa mga pamilihan ang presyo ng LPG.

“Sobra naman ang ginawang price increase ng mga kumpanyan ng LPG.  Napakataas! Makakayanan pa ba ‘yan ng isang simpleng pamilya? Ano pa ang matitira sa mga mamimili kung ganyan naman kamahal ang LPG!” galit na pahayag ni Marcos.

“Huwag nilang idahilan ang pagbomba sa mga oil facility sa Saudi Arabia dahil sa malinaw na humupa na ang tensyon sa Middle East.  Maawa naman sila sa mga maliliit na mamimili.  Tumaas na nga ang presyo ng mga bilihin, ngayon LPG naman, ano ba yan!” pahayag ni Marcos.

Idinagdag pa ng senador na delikadong gamitin ang ilang tangke ng LPG na ipinagbibili sa merkado dahil sa bulok at mahinang klase ang mga ito na kalimitan ay pinipinturahan na lamang para magmukhang bago.

“Kung minsan kulang din ang timbang ng LPG na ipinagbibili, dapat kasi 11 kilos, pero pag tinimbang  mo aabot lang sa 9 kilos o 10 kilos,” pagbubunyag ni Marcos.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng Solane ay umaabot na sa P700; ang presyo ng Gasul ay P682;  presyo ng Regasco, P669; M-Gas, P690 at Total P690. Inaasahang sa mga susunod na araw, tataas din ang presyo ng ilang brand ng LPG sa mga pamilihan.

Read More

TAAS-PRESYO SA OIL PRODUCTS; ROLLBACK SA LPG

oil price hike12
0

(NI ROSE PULGAR)

SA pangatlong pagkakataon, muli na naman nagpatupad ng big time oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga (Hulyo 2).

Pinangunahan ng kumpanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines, Seaoil, Petron Corporation at Petro Gazz ang pagpapatupad ng dagdag-presyo na P1.20 kada litro ng gasolina, P1.00 kada litro sa kerosene habang P0.95 naman  kada litro sa  diesel na epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpapatupad ng oil price hike sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kumpanya ng langis sa bansa kabilang na ang mga malalaking kumpanya sa kahalintulad na presyo.

Ang ipinatupad na dagdag-presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Habang magandang balita naman sa mga ina ng tahanan matapos magpatupad ng big time rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) at auto LPG.

Sa anunsyo ng Petron Corporation at Phoenix LPG Philippines nasa P3.40 ang bawas kada kilo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P37.40 na tapyas sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG na epektibo kaninang umaga (Hulyo1).

Bukod pa rito, may bawas na P1.90 kada litro sa auto lpg na karamihan sa ginagamit ng mga namamasadang taxi.

Ang patuloy na pagsirit ng nasabing produktong petrolyo ay bunsod nang sunud-sunod na kaguluhan sa ibang bansa.

 

Read More

SINGIL SA KURYENTE TATAAS

meralco12
0

(NI MAC CABREROS)

TIYAK na maghihigpit ng sinturon ang publiko sa susunod na mga araw.

Ito ay dahil sa nakaambang  pagtaas ng singil sa kuryente.

Sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, hindi mapipigilan na galawin ng power industry players ang kanilang rates bunsod ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market
dahil sa pagnipis sa supply ng kuryente bunsod na rin ng mababang produksyon ng mga planta.

Hindi pa mataya ng mga distribution utilities kung magkano ang kanilang ipapatong sa kanilang rates.

Nauna nang ginalaw ng Manila Electric Company ang kanilang rate nitong
Abril sa  P0.0633 kada kilowatt hour na dagdag sa monthly bill mula P10.4961 kada kilowatthour noong Pebrero.

Nakapagdulot ng paggalaw sa generation charge ang pagtaas ng presyo sa
Wholesale Electricity Spot Market at paghina ng piso sa palitan kumpara dolyar, banggit Meralco.

“From P5.5973 per kWh last month, generation charge for April slightly
went up to P5.6322 per kWh, an increase of P0.0349 per kWh,” pahayag
power distributor.

Nagpabigat sa kabuuang electricity rate ang transmission charge at bayarin gaya ng buwis, ayon pa Meralco.
Nabatid na nasa yellow alert pa rin ang Luzon Grid.

Kasabay nito, pinayuhan Mr. Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang publiko ng gumawa ng karampatang hakbang upang mapaliit ang konsumo ng kuryente ngayong summer.

Kabilang sa mga tips ang paggamit ng low consuming na bombilya at appliances at i-off kapag hindi gagamitin; paggamit ng power board o strip para sa isahang pagbukas at pag-off sa mga electrical devices at appliances.

Nauna nang naiulat na tiyak bibigat ang pasaning krus ng kababayan sa susunod na mga araw dahil nakaumang ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa nakalap na impormasyon ng Saksi Ngayon, maglalaro sa 70 sentimos hanggang  85 sentimos kada litro ang itataas sa diesel at gasolina.

Sa taya ng Department of Energy nasa P41.94 hanggang P46.25 ang kada litro ng diesel habang ang gasolina ay P53 hanggang P59.96.

Madalas ginagalaw ng mga oil companies ang presyo ng kanilang panindang produktong petrolyo kada Martes ng bawat linggo.

May dahilan din na hihingi ng dagdag na sahod ang mga manggagawa ngayong Labor Day (Mayo 1) dahil inaasahan ding bibigat ang presyo ng liquefied petroleum gas o LPG.

Tinaya ng oil industry players na  madaragdagan ng P.50 sentimos hanggang P1 ang kada kilo o P5.50 hanggang P11 ang kada tangke ng LPG.

Bunsod ito ng pagmahal sa contract price sa World market bunga ng pagsadsad ng piso sa palitan sa dolyar na nasa P52.0536 kada $1 nitong Abril 27.

 

Read More

BAWAS PRESYO SA LPG NGAYONG DISYEMBRE

0

Magandang balita para sa bawat pamilyang Filipino ang inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na mababawasan ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Disyembre.

Ang tanya ay nasa P5 kada kilo ng LPG o P55 ang ibabawas mula sa kasalukuyang presyo.

Sa kasalukuyan, pumapalo sa higit P600 hanggang mahigit P800 ang halaga ng LPG (depende sa tatak nito), ayon sa DOE.

Hindi kalakihan ang P55, ngunit malaking bagay na ito para sa mga ordinaryong tao. Nakatutu-long na ito sa kanila, lalo pa’t ngayong Disyembre ay inaasahan nang walang tigil na tataas ang presyo ng mga bilihin.

Sa inisyal na impormasyon, inaasahang iaanunsiyo ng Eastern Petroleum Corp. ang pagbabawas ng presyo ng kanilang LPG bukas ng 6:00 a.m.

Inaasahan namang susunod ang iba pang kumpanya.

Ang nasabing bawas-presyo ay ikalawa na mula ngayong Nobyembre.

Ayon sa DOE, ang presyo ng LPG sa bansa ay nakatali sa presyong itinakda ng Saudi Aramco.

Ang Saudi Aramco na pag-aari ng pamahalaan ng Saudi Arabia ay siyang nagdidikta ng presyo ng LPG pata sa buong mundo kada buwan.

Ngayong Nobyembre, inanunsiyo ng Saudi Aramco na ang presyo ai $540 bawat metric ton (MT) mula sa $655 kada MT noong Oktubre.

Read More