UNANG KASO KINUMPIRMA NG DOH; PINAS NAPASOK NA NG 2019 N-COV

KINUMPIRMA ng Department of Health na positibong may kaso na ng 2019 novel coronavirus sa bansa. Sa press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, isang 28- anyos na babaeng Chinese mula sa Wuhan, China ang kumpirmadong may dala ng virus sa bansa na dumating sa Maynila noong Enero 21 mula sa Hong Kong. Ang pasyente, na nagpa-check up noong Enero 25 matapos makaranas ng pag-ubo, ay nilalapatan ng lunas sa isang pampublikong pagamutan. Nakumpirma na positibong infected ng N-CoV ang babaeng Chinese matapos maisagawa ang laboratory test sa…

Read More

LRT1, LRT2 MAGKASUNOD NA NAGKAABERYA

(NI KEVIN COLLANTES) MAGKASUNOD na dumanas ng aberya ang Light Rail Transit Line 1 at Line 2 (LRT-1 at LRT-2) kahapon ng umaga sanhi upang maglimita ng biyahe ang LRT-1 at magsuspinde naman ng biyahe ang LRT-2. Dakong alas-7:09 ng umaga nang ianunsiyo ng LRT-1 sa kanilang Twitter account na magpapatupad sila ng limitadong biyahe mula Monumento hanggang  Baclaran Stations lamang at pabalik, dahil sa nararanasan umanong mechanical issue sa Roosevelt Station. Tiniyak naman nito na inaaksiyunan na nila ang problema at pinayuhan ang kanilang mga pasahero na gumawa na…

Read More

POLL MATERIALS BAWAL SA LRT, MRT

mrt20

(NI HARVEY PEREZ) BAWAL ang mga kandidato na tatakbo sa midterm elections sa Mayo 13 na magpaskil ng mga campaign materials sa mga pasilidad ng Light Rail Transit (LRT) at maging sa iba pang government transport facilities . Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign materials sa mga government-run infrastructure, gaya ng LRT at Metro Rail Transit Line 2. Nabatid na si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagpahayag na bawal gamitin ang mga government resources sa pangangampanya. Ayon kay Jimenez, makikipag-ugnayan…

Read More

DOTr SUMAGOT SA ‘BASHERS’ NG MRT, LRT

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) HUMIHINGI ang pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) ng pang-unawa at kooperasyon mula sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at LRT, hinggil sa ipinatutupad nilang pagbabawal sa pagdadala ng bottled water at iba pang likido sa mga tren. Ipinaliwanag ni DOTr Communications Director Goddess Hope Libiran na ang kanilang paghihigpit ay para rin naman sa kaligtasan ng lahat ng mga pasahero, kaya’t humihingi sila ng pang-unawa sa mga ito. Ayon kay Libiran, hindi na baleng maghigpit sila…

Read More