TRAVEL BAN ‘DI BABAWIIN MALAKANYANG DEDMA SA ‘GANTI’ NG TAIWAN

DEDMA lang ang Malakanyang sa banta ng Taiwan na babawiin nito ang visa free entry sa mga Pinoy dahil sa travel ban na ipinataw ng gobyerno. Ang katwiran ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ay ordinaryo lamang ang visa at madali lang naman kumuha nito. Ang prayoridad aniya kasi ng Pangulo sa ngayon ay ang kapakanan ng kalusugan at kaligtasan ng mga Filipino. “Alam mo, ang sabi ni Presidente, maselan ang problema ng kalusugan ng ating mga kababayan, iyon ang kanyang primary consideration – iyong safety, kaya nagkaroon ng travel ban. Sinasabi niya, bigyan ninyo ako…

Read More