MEASLES OUTBREAK BUONG BANSA NA APEKTADO

tigdas22

(NI DAHLIA ANIN) BUONG bansa na ang apektado ng meales outbreak. Sa ngayon, tatlong siyudad na lamang sa buong Pilipinas ang wala pang naitatalang kaso ng tigdas sa kanilang lugar at pinakamarami ang naitala sa Region 4 at NCR. Sa record ng DoH mahigit 13,000 na ang kaso ng tigdas sa buong bansa at mahigit 200 naman ang namatay na dahil dito. Ayon sa panayam kay Health Secretary Francisco Duque, apat na beses ang itinaas nito kumpara sa kaso ng tigdas noong nakaraang taon sa kaparehong panahon. Paulit-ulit na nanawagan…

Read More

WHO: 2.6-M BATANG PINOY PA NANGANGANIB SA TIGDAS

who16

(NI KIKO CUETO) NAGBABALA ang World Health Organization na may 2.6 milyong mga kabataang Pinoy ang nanganganib na magkaroon ng tigdas kasabay ng outbreak nito. Sinabi ni Maricel Castro, technical officer ng WHO expanded program sa immunization, ay nagsabi na base sa kanilang mga record sa mga bata, lalo na ang mga nasa edad na below 5 years old, hindi ito sumailalim sa vaccination. Sinegundahan umano ito ng records mula sa Department of Health (DoH). “Sa pag-aaral natin sa 5 taon na datos na nakalap natin sa DoH, lumalabas na…

Read More

PAGDAMI NG KASO NG DENGUE MINOMONITOR

dengue1

MINOMONITOR na rin ngayon ng Department of Health ang pagtaas ng bilang ng mga dengue sa harap ng measles outbreak sa National Capital Region at ilang lalawigan. Sinabi ng health department na kakaiba ang pagtaas ng mayroong dengue sa panahon ng summer, ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo. Kinumpirma ni Domingo na sa Central Visayas, mayroong 2,132 dengue cases ngayon taon at 18 na sa mga ito ang namatay. Dahil banned na sa bansa ang Dengvaxia dahil sa kontrobersiyang nilikha nito sa mamayan, ‘vector control’ na lamang ang posibleng proteksiyon…

Read More

ACOSTA KAY HONTIVEROS: HINDI IKAW ANG AMO KO!

risa1

(NI TERESA TAVARES) PUMALAG na si Public Attorney’s Office (PAO) Persida Rueda Acosta sa mga pagtuya at batikos na inaani bunsod ng pagbaba ng bilang ng mga bata na nagpapabakuna. Binalewala ni Acosta ang hirit ni Senador Risa Hontiveros na magbitiw na siya sa puwesto sa gitna ng pagkakaroon ng measles outbreak sa ilang rehiyon. Itinuro rin ni Health Secretary Francisco Duque si Acosta na siyang sanhi ng malubhang pinsala sa immunization program ng DOH dahil sa wala umano nitong basehan na akusasyon. Galit na sinabi ni Acosta na hindi niya amo…

Read More

DU30: KAMPANYA SA BAKUNA DOBLEHIN

bakuna 77

(NI LILIBETH JULIAN) MAHIGPIT na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DoH) na  palakasin at doblehin pa ang kampanya para sa pagbabakuna. Ang direktiba ng Pangulo ay kasunod ng ulat na nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na nagkaroon ng measles outbreak. Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, mismong ang  Pangulo na ang humihikayat sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak para maprotektahan laban sa sakit. Base sa pinakahling ulat ng DoH ay isinailalim sa measles outbreak ang National Capital Region, Cagayan Valley, Central…

Read More

PAGTAAS NG KASO NG TIGDAS NAKAAALARMA NA

tigdas1

(NI KIKO NIETO) NAGHAYAG ng pagkabahala ang isang opisyal ng San Lazaro Hospital dahil sa pagdami ng bilang ng mga may tigdas na itinatakbo sa kanilang ospital. Aabot sa 248 na kabataan at 21 na adult ang ginagamot ngayon dahil sa tigdas, sa San Lazaro Hospital. Sinabi ni San Lazaro Hospital spokesperson Dr. Ferdinand de Guzman, na noong Lunes lang, pito ang namatay, at tatlo roon ay  komplikasyon sa tigdas. Sinabi pa ni De Guzman na noong isang linggo, siyam na bata ang namatay dahil sa tigdas. Naghayag ng pagka-alarma…

Read More