GOWN NI KIM CHIU, PINAGLARUAN SA MGA VIRAL MEMES

SADYANG  malikot ang isip ng mga Pinoy. Ang mala-mermaid na gown ni Kim Chiu na sinuot niya sa 2019 ABS-CBN Ball nitong weekend ay pinaglaruan sa mga nakatatawang memes sa social media. Nag-viral agad ang compilation ng mga funny memes. Naging payong, shawarma, table napkins, paper airplane, rocket, atbp. ang naturang gown na dinisenyo ni Benj Leguiab na naging controversial din noong June ng kasalukuyang taon dahil sa gown niya para sa national costume ng isang beauty contestant. 113

Read More