REP. DUTERTE ‘DI TANGGAP NA SPEAKER — SUAREZ 

rep duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD)

DAHIL lahat ng mga congressmen ay kuwalipikadong maging Speaker, lumutang ang pangalan ni Presidential son at Davao first district Congressman-elect Paolo Duterte sa nasabing posisyon.

Gayunman, sinabi ni House Minority leader Danilo Suarez sa press briefing nitong Lunes, na matatanggap ng publiko kapag naging Speaker ang batang Duterte dahil Presidente ang kanyang ama.

“I don’t know Congressman Duterte. I’ve heard of him to be a good vice mayor (ng Davao). Anyway nasa bloodline yan, Duterte ang bloodline niya so maayos yun.

Pero I really doubt if the people will accept, ang Presidente ay si Pangulong Duterte at ang Speaker anak mo….medyo marami nang magtataas ang kilay na mga tao,” ani  Suarez.

“Too bad na na-tiyempuhan ni Congressman Duterte na Presidente ang tatay niya. Siguro kung hindi Presidente ang Pangulong Digong,” dagdag pa ng mambabatas.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil hindi pa nagkakasundo ang mga kaalyado ni Duterte na kandidato sa pagka-speaker ng Kamara sa 18th congress kung sino sa kanila ang uupo.

Kabilang sa mga naghahangad na pamunuan ang Kamara ay sina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Alan Velasco at Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano kasama umano si dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Sumali na rin umano sa karera si Senator at Antique Representativ-elect Loren Legarda na tulad ng mga nabanggit na congressmen ay pawang mga malalapit kay Pangulong Duterte.

Pinayuhan ni Suarez ang mga ito na mag-usap na lamang ang mga ito at kung sino ang may malaking suporta ay siyang uupong Speaker sa 18th Congress.

 

Please follow and like us:
Read More

MINORITY BLOC SA KALUSUGAN NI DU30 : MAY AGIMAT YAN!

suarez12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI nababahala ang minority bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte bagkus ay sinabing umaarte lamang umano ang Pangulo.

Sa mediar briefing nitong Lunes, hindi naniniwala si House minority leader Danilo Suarez na may iniindang malalang sakit si Duterte bagkus ay umaarte lamang umano ito.

“Arte lang yun, may agimat yun,” pahayag ni Suarez matapos mapansin ng publiko ang hindi maayos na paglakas ni Duterte  sa graduation ng Philippine Military Academy (PMA) noong Linggo.

Napansin din ng mga tao na hindi nagtatagal sa pagtayo si Duterte kaya ang Class Valedictorian at ang Goat of the Class ang inabutan nito ng diploma sa nasabing seremonya.

Ayon kay Suarez, wala umanong bisyo si Duterte dahil matagal na umano itong tumigil sa paninigarilyo at hindi rin umiinom ito ng alak kaya wala umanong dapat ipag-alala ang publiko sa kanyang kalusugan.

Naniniwala ang mambabatas na matatapos ni Duterte ang kanyang termino hanggang 2022 kung saan idinagdag nito na “….and we should pray that he remains healthy.”

Sinabi ng mambabatas na kailangan ng bansa si Duterte lalo na sa kampanya laban sa ilegal na droga dahil malaki pa umano ang problema dito ng bansa.

“With the dymanic leader like him, palagay ko kung hindi sila nanalo noong 2016 palagay ko narco state na tayo ngayon. Alam niyo naman kung gaano kalalim ang involvement ng drugs sa law enforcement. Even in judiciary nandun na sila,” ani Suarez.

 

Please follow and like us:
Read More

MINORITY BLOC SA SENADO DAPAT MANATILI – PALASYO

senate

(NI BETH JULIAN)

UPANG manatili ang pagkakaroon ng check and balance, hindi pinaplano ng Malacanang na hikayatin ang oposisyon sa Senado na umanib sa majority bloc.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mas makabubuting manatili ang oposisyon sa kabilang bakod para maging mas buhay ang demokrasya.

“Kung mananatili ang set-up ng Senado na mayroong oposisyon mas mainam para may check and balance ang lahat ng aksiyon,” wika ni Panelo.

Nananatiling miyembro ng minority bloc sa kasalukuyan sina Senators Riza Hontiveros, Leila de Lima, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan at Ralph Recto.

Sa katatapos na halalan, mayorya sa mga kaalyadong senador ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pumasok sa 12 pwesto sa Senado.

 

Please follow and like us:
Read More