MOCHA WALANG DELICADEZA – GABRIELA

0

(NI ABBY MENDOZA)

“WALANG delikadeza si Mocha!”

Ito ang inihayag ni Gabriela Partylist Rep Arlene Brosas matapos umanong tanggapin ni Mocha Uson ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong posisyon gayong nasa batas ang isang taon na pag-ban sa mga talunang politiko na umupo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Kasabay nito, suportado ni Brosas ang pagbabawal sa pagtatalaga sa gobyerno ng mga talunang partylist nominees isang taon matapos ang eleksyon.

Ayon kay Brosas dapat sakop ng ban hindi lamang ang mga political candidates kundi maging mga partylist nominees.

Tinuran nito ang kaso ni dating PCOO Asst Secretary Mocha Uson na itinalaga agad bilang Deputy Executive Director Overseas Workers Welfare Administration gayong first nominee ito ng  AA-Kasosyo Partylist na hindi nakalusot noong 2017 midterm election.

Aniya sa kaso ni Uson ay malinaw na ginamit ang kapangyarihan ng ehekutibo para sa pamumulitika at naging daan pa ito para makapasok sa pamahalaan ang mga indibidwal na sumisipsip at tumatalima sa kagustuhan ng presidente.

Ani Brosas wala ding delicadeza si Uson nang agad na humingi at tinangap ang posisyon sa OWWA kahit wala pang 1 taon.

Una nang sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na kanyang ipanunukala na isama sa 1 year ban ang mga natalong nominees sa partylist groups at hindi lamang sakop ang mga political candidates.

“Unsuccessful party list nominees should be treated like other losing candidates who are covered by a yearlong ban on being appointed to political office. They should not be a favored class because they are not a protected class,” nauna nang pahayag ni Guanzon.

 

Read More

PAG-BAN SA TALUNANG PARTYLIST NOMINEES OK SA KAMARA

mocha11234
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

SINUPORTAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala sa Commission on Election (Comelec) na isama ang mga talunang nominees ng mga party-list group, sa pagbabawalan ma-appoint sa gobyerno sa loob ng isang taon pagkatapos ng halalan.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, pinag-aaralan na nila ang paghahain ng panukala para hindi na maulit ang kaso ni Mocha Uson na inaappoint sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kahit talunan ang kaniyang partidong AAKasyoso party-list noong Mayo.

“We will support the proposals to ban losing party-list nominees from being appointed to government office for a period of one year,” ani Brosas.

Si Uson ay first nominee ng nasabing party-list group subalit nabigo ang mga ito na nakakuha ng sapat na boto kaya hindi nakaupo ang kontobersyal na opisyal na dating lider ng Mocha girls at Undersecretary ng Presidential Communication Operation Office (PCOO).

Wala pang limang  buwan pagkatapos ng eleksyon ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Uson sa OWWA na pinalagan ng mamamayan.

“This is obviously imprudent and utterly lacking in delicadeza,” ani Brosas sa appointment ni Uson na kasama agad sa official visit ni Duterte sa Russia.

Ayon sa mambabatas, hindi lamang ang mga first nonimees kundi ang second at third nominees ang kailangang iban sa gobyerno sa loob ng isang taon kapag natalo ang kanilang partido.

 

Read More

PALASYO: MOCHA ‘DI SAKOP NG 1-YEAR BAN

0

(NI CHRISTIAN DALE)

PINANINDIGAN ng Malakanyang na hindi sakop ng one year ban ang mga party list nominees para mabigyan ng posisyon sa gobyerno.

Ginamit ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang Comelec resolution sa pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang deputy administrator ng Overseas Workers’ Welfare Administration si dating Presidential Communication Operations Office Undersecretary Mocha Uson.

“Per COMELEC RESOLUTION, party  list nominees are not covered  by the one year ban,” ayon  kay Sec. Panelo.

Pinalitan ni Uson ang nagbitiw na opisyal ng OWWA na si Arnel Ignacio. Nilagdaan ng Pangulo ang appointment ni Uson noong September 23 su­balit kahapon lamang inilabas ang kopya.

Magugunitang hindi rin pinalad manalo ang partylist group ni Uson na AA Kasosyo nitong nakaraang eleksyon kung saan siya ay nominee.

Hindi umano sakop ng 1 year ban si Uson dahil partylist group ang tinakbuhan nito at hindi bilang indibidwal na kandidato sa nakaraang 2019 elections.

Kaya nga, walang nakikitang hadlang ang Comelec sa panibagong posisyon sa gobyerno ni Uson.

Sinabi ni  Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi applicable sa mga natalong kandidato na naging nominee ng isang partylist group ang one year appointment ban sa posisyon sa gobyerno.

Inihayag din ni Comelec Education and Information Division Dir. Atty. Frances Arabe na mayroong naunang ruling ang Comelec  En banc na nagsasabing hindi saklaw ng appointment ban ang mga nominees ng partylist.

Maging si Senate President Vicente Sotto ay walang nakikitang problema sa pagtalaga kay Mocha Uson bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Ayon kay Sotto, hindi naman umano saklaw ng batas na tungkol sa one-year ban ang lahat ng mga kumandidato sa eleksiyon noong nakalipas na buwan ng Mayo 2019 kaya’t puwede umanong italaga si Uson sa nasabing posisyon.

“Hindi covered ang party-list, hindi sila kandidato, ang kandidato yung party-list nila,” sabi ni Sotto sa panayam ng mga reporter ngayong Lunes, Setyembre 30.

Pabor naman si Sotto sa pagtalaga kay Uson sa OWWA dahil marami umano itong mga follower na overseas Filipino worker (OFWs) na siyang pinaglilingkuran ng ahensiya.

“Ok yun, because she has great following from the OFW, baka makatulong,” sambit pa ni Sotto.

Iyon nga lamang, para kay  Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, sakop pa ng one-year ban sa political appointment si Uson na malinaw na nakasaad sa Section 6 ng Article 9B ng 1987 Constitution.

Sa batas aniya ay bawal italaga sa gobyerno ang kandidatong natalo sa eleksyon sa loob ng isang taon.

Idiniin ni Gaite na iligal ang pagkakatalaga kay Uson sa OWWA at hindi dapat ipatupad.

 

Read More

MOCHA COVERED NG 1-YEAR APPOINTMENT BAN — GAITE

0

(NI ABBY MENDOZA)

MALI na italaga ng Malacanang si Mocha Uson sa bagong posisyon dahil sakop pa ito ng appointment ban.

Ito ang pagsita ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite matapos italaga ngayong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte si Uson bilang Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay Gaite, malinaw na nakasaad sa Section 6 Article 9 ng 1897 Constitution na walang kandidato na natalo ang maaaring ipuwesto sa anumang government position isang taon matapos ang eleksyon.

Ganito rin umano ang nakasaad sa Local Government Code, partikular sa Section 94.

Sakop umano ng ban si Uson kahit pa man partylist nominee ang itinakbo nito noong 2019 midterm election.

“This Constitutional prohibition is applicable to party-list nominees and Mocha Uson being the first nominee of AA KASOSYO Partylist, and who participated in the 2019 Party-list elections, is covered by the 1-year ban. So her appointment as the Deputy Administrator of Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) is illegal and should not be enforced,” giit ni Gaite.

Umaasa ang mambabatas na susundin ng Malacanang ang nakasaad sa batas ukol sa appointment ban at hindi pauupuin si Uson.

 

Read More