APPOINTMENT NI PIÑOL TINANGGAP NA NI MURAD

pinol22

(NI BONG PAULO)

TINANGGAP ni BARMM interim chief Al Hajj Ebrahim Murad ang appointment ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority (MinDA).

Sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay matapos ang kanilang pulong ni Murad.

Sa ngayon, ayon sa Presidente, inaayos na lamang nila ni Murad ang paglilipat ni Piñol.

Naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Piñol dahil sa Mindano ito ipinanganak at lumaki, naging magsasaka at naging gubernador din ng North Cotabato.

Sinabi naman ni Murad na welcome sa kanila ang pagtatalaga kay Piñol basta sa paraan lamang na itinakda ng Pangulo ang magiging papel nito bilang extension ng kanyang supervisory work ni Duterte.

Samantala, magandang balita para sa 80 mga opisyal at mga mangagagawa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao  (BARMM) dahil matatanggap na nila ang kanilang suweldo.

Isa kasi ito sa mga tinalakay nina Pangulong Duterte at BARMM interim chief minister Al Haj Murad Ibrahim sa kanilang pulong sa Malacañang kagabi.

Kabilang sa ilalabas na pondo ng gobyerno ang P59-69 million para sa kabuuang anim na buwang sahod ng mga taga-BARMM.

Nabatid na naantala ang pagpapasahod sa mga opisyal ng BARMM mula nang magsimula silang magtrabaho nitong Pebrero ngayong taon.

Ito’y dahil hindi pa kasali sa naipasang 2019 national budget ang pondo para rito at ang pina-iikot lamang nilang budget ay mula sa natirang pondo ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Please follow and like us:
Read More

COTABATO BOMBING DELAYING TACTIC SA PEACE PROCESS

murad

MALAKI ang paniniwala ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na posibleng may kinalaman sa usapang pangkapayaan ang ginawang pagpapasabog sa Cotabato City.

Ito upang mabalam ang nilulutong peace process sa Bangsamoro region.

Ginawa ni MILF chair Al Haj Ebrahim Murad ang pahayag matapos ang pagpapasabog sa Cotabato City na kumitil ng dalawang buhay at ikinasugat ng 34 na iba pa, ilang oras bago ang pagsalubong ng Bagong Taon .

Ani Murad, nakapagtataka na ginawa ang pag-atake ilang linggo bago maganap ang plebesito para sa Bangsamoro Organil Law (BOL).

Aniya, sa mga nakalipas na panahon, ginawa na ang mga katulad na insidente upang mabalam ang peace process sa rehiyon.

Hindi aniya maging balakid ang naturang pag-atake upang muling ihinto ang peace process at sa halip ay dapat ituloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaan upang tuluyan nang magkaroon ng kapayapaan sa Bangsamoro region.

Hiling ni Murad sa mga otoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon tungkol sa insidente.

Samantala, kinilala ang mga nasawi na sina Mariam Wahab Kali, 31-anyos at Jonathan Toribiano na residente ng North Upi, Maguindanao.

Kaugnay nito, sinabi ng MILF Chair na hindi aniya sila papayag na gamitin ninuman ang pag-atake upang maka-ungos sa kanilang sariling interes o political agenda sa pamamagitan ng paglalabas ng premature conclusions tungkol sa motibo nito.

Hinimok pa ni Murad ang mga residente ng Cotabato na magkaisa upang magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan ang kanilang lugar sa pamamagitan ng tuluyang pagpasa ng BOL.(Bong Paulo)

Please follow and like us:
Read More