START STRONG PORT OF NAIA

BOC-NAIA-3

BAGAMAN malaki ang naging epekto ng pag-alburuto ng Bulkang Taal sa Bureau of Customs (BoC), tiniyak ng mga opisyal ng Port of Ninoy Aquino International Airport na lalo pa nilang palalakasin ang kanilang koleksyon para sa taong 2020.

Kaya naman sa kanilang pagpupulong, naging slogan ng BOC-NAIA ang “Start Strong Port of NAIA.”

Upang maging maayos ang palakad sa nasabing tanggapan, pinangunahan ni Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan ang orientasyon ng mga bagong personnel kabilang ang tatlong abogado at 47 security guards kung saan tinalakay at binigyang diin ang kahalagahan ng mandato ng revenue collection, border protection at government service.

“I am proud of all the achievements we all did last year  and let us all look forward to an even more impressive and remarkable achievements this 2020,” ayon kay Talusan.

Bilang tugon naman sa mga usaping nilinaw sa kanila ni Talusan, nangako naman ang mga dati at bagong empleyado na mas paghuhusayin pa nila ang kanilang trabaho sa pamamagitan nang pagprotekta sa bansa laban sa mga ilegal na kargamento nan ais mapalusot sa pambansang paliparan.

Matatanadaang noong 2019, naipagmalaki ang magandang performance ng Port of NAIA kung saan nakapagtala sila ng 61 drug seizure dahil sa hardworking team, nakapagligtas ng 3, 084 wildlife species, nakakumpiska ng 42,000 kilos ng karneng hinihinalang apektado ng African Swine Flu.

Nakakumpiska rin ang nasabing puerto ng dalawang eroplano , 10 imported pistol at 97 firearms parts at smuggled  na bala. (Joel O. Amongo)

Read More

FLIGHT SA NAIA SINUSPINDE MUNA

ashfall-NAIA

SINUSPINDE na pansamantala ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga biyahe ng eroplano sa NAIA dulot ng kumakapal na ashfall mula sa pagsabog ng Bulkang Taal.

Samantala, umakyat na sa libong residente ang inilikas malapit sa nag-aalburutong bulkan.

Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), agad tumalima ang mga residente na nasa danger zone nang abisuhan sila para lumikas. DAVE MEDINA

Read More

KARNE, PRUTAS NASABAT SA NAIA-BOC

BOC-NAIA-3

(NI FROILAN MORALLOS)

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang aabot sa 21.2 kilos ng karne galing sa tatlong bansa, na kinabibilangan ng China, Malaysia at Vietnam.

Nakuha sa mga pasahero ang mga chicken feet sa loob ng kanilang mga bagahe na nadiskubreng walang mga import pernit.

Bukod sa mga karne na-intercept din ang 8.2 kilos ng prutas at mga gulay na sinasabing galing sa bansang China .

Agad naman ilinipat ang mga naturang confiscated items sa Bureau of Animal Industry  (BAI).

 

Read More

P141-M SHABU NASABAT SA NAIA

SHABU-NAIA

MULING nakaiskor ang Bureau of Customs nang masabat ang panibagong kontrabando ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P141 milyon noong Miyerkoles sa loob ng FeDex warehouse sa Pasay City.

Sa report na natanggap ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero mula kay Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) District Collector Carmelita Talusan, nadiskubre ang mga pinaghihinalaang shabu na idineklarang speakers na galing sa United States of America matapos itong isailalim sa physical examination ng mga BOC personnel.

Tumambad sa pinagsanib na elemento ng BOC, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga kontrabando na ilegal na droga o shabu na umaabot sa 20.8 kilos na may street value na P141,440,000.

Dinala sa tanggapan ng PDEA ang mga nakumpiskang droga para sa pagsusuri habang nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to Customs Mo­dernization Tariff Act ang importer ng nasabing kontrabando.

Ayon kay Guerrero, tuluy-tuloy ang gagawin nilang pagbabantay sa mga paliparan at daungan na kanilang mandato upang walang makalusot na mga kontrabando.   (JOEL AMONGO)

Read More

PANAWAGANG IBALIK SA MIA ANG NAIA LUMALAWAK

naia15

(NI KIKO CUETO)

LUMOBO ang panawagan para ibalik ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa orihinal nitong pangalan na Manila International Airport.

Sa online petition na sinimulan noong Enero 18 na BringBack MIA, ay may target na 7,500 na pirma.

Sa ngayon ay mayroon ng itong 6,000 pirma.

Naka-address ang nasabing petisyon kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa “Members of Congress.”

Nais nitong ipawalang bisa ang Republic Act 6639 na naisabatas noong November 27, 1987 na nagpalit sa MIA sa pangalan nitong NAIA.

“(The change of name) was done well in advance of the 10-year prescription period for naming public sites after dead personalities. The height of a self-serving motive to uplift one’s image for political perpetuity, brainwashing and indoctrination,” sinabi sa petisyon.

Nais din ng petisyon na malayo ang international airport mula sa tinatawag nilang “scandalous performance in recent years that earned for NAIA a reputation as the world’s worst airport,” kung saan binanggit nito ang mga ‘laglag-bala’ modus.

Mas mainam umano at mas bagay na sa mga dayuhan na maalala ang Manila International Airport na may magandang history sa pangalan.

May katulad na petisyon na inihain si Roy Domingo noong isang buwan, kung saan nakakuha na ng 17,000 na pirma.

Si Domingo, tubong Cagayan de Oro City, ay gumawa ng petisyon na naka-address kina Pangulong Duterte at sa Kongreso, lalo na kina Senador Richard Gordon, Miguel Zubiri at Manny Pacquiao.

May nauna na ring petisyon sa Kongreso na inihain noong Marso na nangangailangan lang ng 500 na pirma pero nasa 435 na ito.

 

Read More

NAIA SARADO HANGGANG MAMAYANG ALAS-11 NG GABI

NAIA-8

(NI FROILAN MORALLOS)

PANSAMANTALANG ipinasara ng Manila International Airport Authority (MIAA), sa pakikipatulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) , ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa bagyong Tisoy.

Nagsimula ang closure ng NAIA mula 11:00 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi ng Disyembre 3.

Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal apektado ang tinatayang aabot sa 480 international at domestic flight .

Kaugnay nito, pinapayuhan ni GM Monreal ang mga pasahero na huwag muna magpunta sa airport habang sarado pa ang paliparan.

Ang naging hakbang ng MIAA ay batay sa weather forecast ng Pagasa na dadaan ang  bagyong Tisoy sa Metro Manila, upang makaiwas sa hindi inaasahan aksidente  na maaring mangyari sa mga pasahero.

Read More

PAYO SA OFWs: ‘WAG MAG-UWI NG MEAT PRODUCTS

(NI ABBY MENDOZA)

NGAYONG malapit na ang Kapakuhan kung saan maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang inaasahang uuwi ng bansa, umapela ang Departmet of Agriculrure (DA) na iwasan nang mag-uwi ng meat products mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ayon ay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, mas mahigpit na monitoring ang kanilang gagawin sa mga airport para tiyakin na walang makalulusot na mga meat products dahil posibleng kumpiskahin lamang ito pagbaba nila ng eroplano. “Huwag na silang magbitbit. Makukumpiska lang sa mga airport at seaport, especially if dumaan sila sa Hong Kong and China,” ayon kay Reyes.

Samantala, kung ang mga OFWs naman ay galing sa mga bansang hindi apektado ng ASF ay kailangan pa rin nila na magpakita ng sertipikasyon na ASF-free ang kanilang dalang meat products.

 

Read More

BI FULL ALERT SA UNDAS

immigration 12

(NI FROILAN MORALLOS)

INALERTO ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga tauhan sa lahat ng terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang lugar sa bansa bilang antisipasyon sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan na uuwi sa kani-kanilang mga probensiya sa Undas .

Ito, ayon kay Commisssioner Jaime Morente, ay upang mabantayan ang kilos ng mga masasamang element na nago-operate sa mga paliparan, at isabay ang kanilang mga biktima sa karamihan ng pasahero na aalis palabas ng bansa.

Partikular na ang maaring gagawin ng international human smuggling syndicates na gamitin ang Manila bilang transit point.
Kasabay din  na inalerto ni Morente ang mga immigration officer na naka-assign sa NAIA para maging aktibo at hindi malusutan ng mga miyembro ng sindikato na maaring magsamantala sa panahon na ito.

Ayon kay Morente, ipatupad ang tamang proseso , at higpitan ang mga out going, at mga incoming na mga pasahero  lalo na sa mga departure area ng airport , dagdag pa ni Morente.

Kaagapay ng mga immigration officers sa pagbabantay ay ang mga peronnel ng border control ang intelligence unit (BCIU) sapagkat dito nakasalalay ang gagawin  intelligence at counter intelligence duties at pag-aresto ng mga pugante at mga kriminal.

Inaasahan ng Bureau of immigration (BI) ang malaking volume ng pasahero na darating at palabas ng bansa bago dumating ang all Saints Day at All Souls Day.

Nabatid noong nakalipas na dalawang taon 2017 at 2018 ay tumaas ang volume ng mga pasahero sa 6.3% , at anila sa ngayon inaasahan na maaring umabot pa ito sa 10% ang mga pasahero na magbabakasyon sa labas ng bansa , upang samantalahin ang mahabang bakasyon.

 

Read More

LIBU-LIBONG PASAHERONG PA-HONGKONG STRANDED SA NAIA

hk100

(NI FROILAN MORALLOS)

LIBU-LIBONG pasahero papuntang Hongkong ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport [NAIA] terminals 2 and 3 makaraang magkansela ang  Cebu Pacific (CEB) at Philippine Airlines [PAL] ng kanilang mga flights Manila-Hong Kong – Manila flights dahil sa kaguluhan sa Hong Kong, nitong Lunes.

Ayon kay Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta-Lagamon nagkansela sila sa kanilang flight patungong Hongkong matapos mag-advice ang Hong Kong Airport Authority na maapektuhan ang kanilang mga flight dahil pansamantalang pagsara ng airport sa Hongkong

Dagdag pa ni Lagamaon na maaring tumagal ang pagka-delay sa kanilang flight pa Hongkong dahil kulang sila ng manpower, maging ang kanilang flight Manila-Hongkong – Manila, Clark, Cebu at  Iloilo ay apektado na rin.

Kaugnay nito pinapayuhan ni Logarta ang lahat ng mga pasaherong naapektuhan  lalo na ang mga naka book sa Agust 5, 6 and 7, 2019. na magpa rebook ng panibagong petsa , o kaya mag refund, at ipinagbibigay alam ng pamunuan ng Cebu Pacific na wala silang ipapataw na mga charges sa bawat pasahero.

Samantala, nagkansela rin ng 15 flights ang Philippine Airlines (PAL) patungong Hongkong dahil na rin sa ongoing protest na siyang dahilan sa pansamantalng paghinto ng Hongkong airport operations.

Ang mga kanseladong flight ng Philippine Airlines (PAL) ay ang  PR 306 Manila – Hong Kong,  PR 307 Hong Kong – Manila, PR 318 Manila – Hong Kong, at  PR 319 Hong Kong – Manila.

Nasa 11 naman ang mga cancelled flights ng Cathay Pacific (CX) Hong Kong-Manila flights., ito ay kinabibilangan ng,  CX907/906, CX919/918, CX903/902,    CX935/934,  CX912 Manila-Hong Kong,  CX939 Hong Kong-Manila at CX 976 Manila-Hong Kong.

Ayon sa pamunuan ng PAL ang mga apektadong mga pasahero ay maaring ma-accommodated sa mga vailable flight bukas ng umaga , at ang ibang pasahero ay mayroon option maari mag-rebook  / refund sa loob ng 30 araw.

 

Read More