PALASYO WALA PANG DESISYON SA HOLIDAY TRUCE VS NPA

npa26
0

(NI CHRISTIAN  DALE)

WALA  pang opisyal na posisyon ang Malakanyang hinggil sa posibilidad na pagpapatupad o hindi ng holiday ceasefire sa NPA.

Ayon kay Presidential  spokesperson Salvador Panelo, kanya itong ikokonsulta kay Pangulong Rodrigo Duterte na siyang may pinal na desisyon sa pagdedeklara o hindi ng holiday truce sa rebeldeng grupo.

Una rito ay kapwa nagpahayag sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at DILG Secretary Eduardo Ano na magsusumite ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte upang huwag magdeklara ng suspension of military operation o SOMO kontra NPA.

Ito’y dahil na rin aniya sa ang mga sundalo lang ang tumatalima sa ceasefire na habang gumagapang naman, ani Lorenzana, ang

mga rebelde sa mga barangay para magpalakas ng kanilang puwersa

Sa kanyang panig, sinabi ni Local Government Secretary Año na sa halip na ceasefire ay mas mabuting ibigay na lang ang lahat ng oportunidad sa mga rebelde na makapag-balik loob upang maging produktibong mamamayan at makapagsimula ng panibagong buhay.

 

Read More

TRABAHO SA GOV’T OFFICES SINUSPINDE NG PALASYO

malacanang
0

(NI CHRISTIAN  DALE)

OPISYAL nang sinuspinde ng Malakanyang kanina  ang pasok sa mga government offices at klase sa public at private schools sa lahat ng antas sa  Metro Manila.

Epektibo ang nasabing suspension ng alas-12 ng tanghali kanina, Disyembre 3.

Nakasaad sa Memorandum Circular No. 73, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinagbatayan ng Malakanyang ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at bunsod na rin ng patuloy na pagsama ng lagay ng panahon na dala ni bagyong Tisoy.

Iyon nga lamang, ang mga ahensiyang may kinalaman sa pagbibigay ng  pangunahin at health services, preparedness/response sa mga  disasters at kalamidad ay magpapatuloy sa kanilang operasyon at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.

Samantala, ang suspension naman ng trabaho sa mga  pribadong kompanya at tanggapan ay ipinauubaya na ng Malakanyang sa diskresyon ng namumuno rito.

 

Read More

PALASYO NAG-IIMBESTIGA NA SA KAPALPAKAN SA SEA GAMES

0

SINABI ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na tahimik ang ginagawang imbestigasyon sa kapalpakan o anomalya sa isinasagawang SEA Games sa bansa.

Kasabay nito, naniniwala ang Palasyo na hindi makaaapekto sa ginagawang Southeast Asian Games ang imbestigasyon ng Office of the President sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Ayon kay Panelo, discrete investigation o tahimik lamang ang OP sa pagbusisi kung may anomalya o iregularidad na ginawa ang Phisgoc.

Sinabi pa ni Panelo na hindi naman ibubunyag sa publiko ang imbestigasyon.

Tiniyak ni Panelo na mananagot ang sinuman kapag napatunayan na may nangyaring kapabayaan.

Read More

EO SA MURANG GAMOT HIHILINGIN NG DOH SA PALASYO

gamot
0

MAGSUSUMITE si Health Secretary Francisco Duque III sa Office of the President ng rekomendasyon para ibaba ang presyo ng mga gamot.

Sa isang forum, sinabi ni Duque na kailangang maibaba ang napakamahal na presyo ng mga gamot upang mapakinabangan ng mahihirap.

Ang presyo ay maibababa nang mahigit sa kalahati sakaling ayunan at lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order.

Ibinunyag ni Duque na ang presyo ng mga gamot sa bansa ay halos 70 porsiyentong mataas kumpara sa ibang bansa.

Ang mga gamot sa pangunahing sakit tulad ng hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal diseases, at major cancers ay hiniling nang ibaba mula pa noong Setyembre.

 

Read More

PALASYO DEADMA SA ‘WARNING SHOT’ NG CHINA, INALMAHAN

wps22
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

KINUWESTIYON Kinuwestiyon ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tila pananahimik ng Palasyo ng Malacanang sa warning shot ng China sa eroplano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea.

Hindi nagustuhan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang hindi pagsasalita ng Malacanang sa nasabing isyu gayong mainit na mainit ang mga ito sa mga progresibong grupo.

“Sinakop na nga ang teritoryo natin at nagpaputok pa laban sa AFP tapos ay hindi man lang kumikibo ang administrasyong Duterte,” pahayag ni Zarate.

Una rito, sinabi ni Maj. Gen. Reuben Basiao, deputy chief of staff for Intelligence ng AFP sa security briefing sa Kamara nakaranas ang mga ito ng warning flares mula sa mga artificial islands na inokupahan ng China habang nagsasagawa ang mga ito ng maritime patrol.

Naniniwala si Basiao na ang ipinutok na flares ng China ay para palayuin ang mga ito sa pinag-aagawang teritoryo bagay na hindi nagustuhan ni Zarate dahil nanahimik ang Palasyo ng Malacanang dito.

Dahil dito, iginiit ng mambabatas sa AFP na ituon ang pansin sa pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea na unti-unting sinasakop ng China imbes na pag-initan ang mga progresibong grupo.

“Instead of raiding the offices of progressives and bombing peasant communities, the Armed Forces of the Philippines  should concentrate its forces and efforts in guarding and patrolling the West Philippine Seas,” ani Zarate.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa nararanasang harassment umano ng mga ito sa AFP katulad ng pagre-raid at pagtatanim umano ng ebidensya sa kanilang mga tanggapan.

“It seems that the AFP is only good in planting evidence against activists but apparently becoming inutile against defending our sovereignty,” dagdag pa ng mambabatas.

 

Read More

PALASYO: MOCHA ‘DI SAKOP NG 1-YEAR BAN

0

(NI CHRISTIAN DALE)

PINANINDIGAN ng Malakanyang na hindi sakop ng one year ban ang mga party list nominees para mabigyan ng posisyon sa gobyerno.

Ginamit ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang Comelec resolution sa pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang deputy administrator ng Overseas Workers’ Welfare Administration si dating Presidential Communication Operations Office Undersecretary Mocha Uson.

“Per COMELEC RESOLUTION, party  list nominees are not covered  by the one year ban,” ayon  kay Sec. Panelo.

Pinalitan ni Uson ang nagbitiw na opisyal ng OWWA na si Arnel Ignacio. Nilagdaan ng Pangulo ang appointment ni Uson noong September 23 su­balit kahapon lamang inilabas ang kopya.

Magugunitang hindi rin pinalad manalo ang partylist group ni Uson na AA Kasosyo nitong nakaraang eleksyon kung saan siya ay nominee.

Hindi umano sakop ng 1 year ban si Uson dahil partylist group ang tinakbuhan nito at hindi bilang indibidwal na kandidato sa nakaraang 2019 elections.

Kaya nga, walang nakikitang hadlang ang Comelec sa panibagong posisyon sa gobyerno ni Uson.

Sinabi ni  Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi applicable sa mga natalong kandidato na naging nominee ng isang partylist group ang one year appointment ban sa posisyon sa gobyerno.

Inihayag din ni Comelec Education and Information Division Dir. Atty. Frances Arabe na mayroong naunang ruling ang Comelec  En banc na nagsasabing hindi saklaw ng appointment ban ang mga nominees ng partylist.

Maging si Senate President Vicente Sotto ay walang nakikitang problema sa pagtalaga kay Mocha Uson bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Ayon kay Sotto, hindi naman umano saklaw ng batas na tungkol sa one-year ban ang lahat ng mga kumandidato sa eleksiyon noong nakalipas na buwan ng Mayo 2019 kaya’t puwede umanong italaga si Uson sa nasabing posisyon.

“Hindi covered ang party-list, hindi sila kandidato, ang kandidato yung party-list nila,” sabi ni Sotto sa panayam ng mga reporter ngayong Lunes, Setyembre 30.

Pabor naman si Sotto sa pagtalaga kay Uson sa OWWA dahil marami umano itong mga follower na overseas Filipino worker (OFWs) na siyang pinaglilingkuran ng ahensiya.

“Ok yun, because she has great following from the OFW, baka makatulong,” sambit pa ni Sotto.

Iyon nga lamang, para kay  Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, sakop pa ng one-year ban sa political appointment si Uson na malinaw na nakasaad sa Section 6 ng Article 9B ng 1987 Constitution.

Sa batas aniya ay bawal italaga sa gobyerno ang kandidatong natalo sa eleksyon sa loob ng isang taon.

Idiniin ni Gaite na iligal ang pagkakatalaga kay Uson sa OWWA at hindi dapat ipatupad.

 

Read More

P4.1-T BUDGET ISUSUMITE NA SA KAMARA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

ISUSUMITE na bukas, Martes, ng Department of Budget and Management (DBM), ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang napag-alaman sa tanggapan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez ukol sa kopya ng national budget na pormal nang isusumite ni DBM acting Secretary Wendel Avisado sa mga ito.

Karaniwang isinusumite ng DBM ang kanilang proposed budget ilang araw pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa ikatlong Lunes ng Hulyo kaya itinuturing na delayed na ang ikaapat na national budget ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunpaman, sinabi ni Cayetano na agad nilang ipapasa ang pambansang pondo kung saan target ng mga ito na maipasa ito sa ikalawang pagbasa sa Oktubre 5 hanggang Oktubre 7.

“Our target is to immediately pass the national budget without delays.

Our target is efficiency, quality and yet faster,” ayon kay Cayetano upang masiguro na maging batas ito bago matapos ang kasalukuyang taon.

Sinabi naman ni Romualdez na lahat ng mga vice chairman ng House committee on appropriations na pinamumunuan ni Davao City Rep. Isidro Ungab ay sabay-sabay na magsasagawa ng pagdinig sa pondo ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“The timely passage of the national budget and other priority  measures will further propel the country’s economic growth. If we can sustain this, we might go to greater heights never seen before,” ani Romualdez.

 

Read More

PALASYO TIKOM SA PAG-ALIS NG TRO VS KASO NI NOYNOY

noynoy23
0

(NI BETH JULIAN)

IWAS ang Malacanang sa pag-alis ng Korte Suprema sa Temporary Restraining Order (TRO) sa mga kasong graft at usurpation of authority laban kay dating pangulong Noynoy Aquino.

Ang kaso ay may kinalaman sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police–Special Action Force sa Mamasapano encounter noong January 25, 2015.

Giit ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, hindi nanghihimasok ang Malacanang sa trabaho ng Korte dahil may umiiral na independence sa pagitan ng magkakahiwalay na sangay ng gobyerno na kinabibilangan ng ehekutibo, lehislatura at hudikatura.

Read More

MEDICAL ASSISTANCE NG PCSO IPINASA SA PAGCOR, PALASYO

palace5
0

(NI BETH JULIAN)

MAY iba pang paraan para makakuha ng tulong medikal ang mga nangangailanga Filipino.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, handa ring magbigay ng medical assistance ang Pagcor gayundin ang mismong tanggapan ng Pangulo.

Sinabi ni Panelo na sa ngayon, hangga’t gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa umano’t talamak na katiwalian sa PCSO at mananatiling sarado ang gaming operations nito sa gaming schemes tulad ng lotto at STL, peryahan ng bayan at Keno at iba pang pinagkukunan ng PCSO ng itutulong sa mga Fiilipino na nangangailangan.

Makikipag-ugnayan naman ang PCSO sa SSS para alamin ang mga tulong na maaaring ibigay ahensya sa mga mangagawang apektado ng lotto at iba pang laro ng PCSO.

Maaaring kumuha ng unemployment assistance ang mga kasapi ng SSS na nawalan ng trabaho at kailangan kumuha lamang certification para makakuha ng nasabing  benepisyo ar kapag naaprubahan, dalawang buwang financial assistance ang pwedeng ibigay sa kanila.

 

Read More