EXECUTIVES NG HERMES, PINAGKAMAY NI HEART

0

rey pumaloy(REY PUMALOY)

HANGGANG sa Paris at sa mga sosyalan hindi pa rin nakakalimutan ni Heart Evangelista na i-promote ang Filipino culture sa ibang lahi.

Suot man ng Kapuso star at “StarStruck” judge ang iba’t ibang mamahaling brand, nananatili pa ring Pinay ang puso nito.

Kamakailan lang habang nasa Paris Fashion Week ang actress-fashionista, ipinakilala nito sa mga kaibigang celebrities ang isa sa tradition ng mga Filipino, ang “boodle fight” kung saan sabay-sabay na kakain ang lahat ng nakalatag na iba’t ibang putahe.

Hindi simpleng kainan ang ipinagawa ni Heart sa kanyang mga kaibigan, kundi binigyan niya ng instruction ang mga itong kumain nang gamit ang kanilang mga kamay.

Nasa larawan ang executive ng Hermes na si Michael Coste, ang isang kilalang singer sa Paris na si Nico, at isang kapwa Filipino na tinuruan niyang magluto ng boodle fight foods at mag-set up nito.

Hindi talaga pumayag si Heart na hindi gamitin ng mga Parisian friends nito ang kanilang mga kamay sa pagkain.

Nagtagumpay naman si Heart sa kanyang “project” at na-enjoy nilang lahat ang masarap na pagkain, kwentuhan at halakhakan.

Nakakaloka lang isipin na habang nagkakamay sina Heart at ang mga Parisian friends nito, suot-suot nila ang mamahaling brands.

DEREK RAMSAY, NAPAMURA SA DUBAI

Napamura si Derek Ramsay sa thrill na naramdaman sa “paglipad” nito sa ere ng Dubai habang nakatali lang siya sa isang kable.

Hindi napigilan ni Derek ang makapagsalita ng “Putahhh!” nang magsimula na siyang “lumipad.”

Sinubukan ni Derek na maranasan ang tinaguriang pinakamataas na zipline sa buong mundo sa Dubai na higit sa 170 meters above ground at tumatakbo ng 80 kms/hour.

Nakaposte sa Instagram wall ni Derek ang naturang video. Sandali lang ang kaba na naramdaman ni Derek, at napalitan na agad ito nang kasiyahan habang “lumilipad” siya na mala-Superhero.

Mahilig si Derek sa mga extreme sports, kaya bale wala lang sa kanya ang ganitong adventure.

Nasa Dubai si Derek para sa isang celebrity basketball game na pinamumunuan ni Sen. Manny Pacquiao.

GWEN, MAKAKAHATI SI SAM SA SEMERAD CABIN

Hindi nagkamali si Gwen Zamora na ibigay ang sarili niya sa basketbolistang si David Semerad at bigyan ito ng anak, dahil pinatutunayan naman ng athlete na mahal nito ang aktres at ang kanilang baby.

Sa katunayan, iniaalay ni David ang ipinapagawa nitong bahay para kay Gwen at sa baby nila.

Nakaposte sa Instagram wall ni Gwen ang pagbisita nila nina David at ng baby nila sa ipinapagawang bahay.

Nagpasalamat si Gwen at nag-comment ng “I Love You”, sa importansyang ipinaparamdam sa kanila ni David.

Pero hindi solo ni David ang property dahil katuwang niya rito ang kambal na si Anthony.

May hashtag itong “The Semerad Cabin,” nagpapahiwatig na joint property ito ng twins. Present din sa pagbisita si Anthony at ang syota niyang si Sam Pinto.

Kung mauuwi sa kasalan ang relasyon nina Sam at Anthony, makakahati ni Gwen sa cabin si Sam.

 

Read More

PALASYO NAGPAABOT NG PANALANGIN SA FRANCE   

notre12
0

(NI BETH JULIAN)

LUNGKOT at pagkabahala ang naging reaksyon ng Malacanang sa pagkasunog ng Notre-Dame Cathedral sa Paris, France Lunes ng madaling araw sa oras sa Pilipinas.

Kasabay nito, nag alay naman ng panalangin ang Pilipinas sa mga taga-France para sa patuloy na pagkakaisa sa buong mundo dahil sa napakalungkot na pangyayaring ito.

“We wish the French nation all the best as they undertake efforts to rebuild this great monument in Paris restored to its majestic sight,” ayon kay Panelo.

Sumisimbulo ang Notre Dame Cathedral, isang architectural treasure at mayroong ilang makasaysayang artifacts at  pinanatiling buhay ng French novelist na si Victor Hugo sa pamamagitan ng isa sa kanyang nobela.

“Their sojourn there left beautiful memories engraved in their hearts and recorded in photographs. Pain and sorrow were felt by the millions upon hearing the catastrophic fire of the Notre Dame place of worship,” pahayag ni Panelo. Base sa inisyal na ulat, sumiklab ang sunog bandang alas-5:00 ng hapon sa France at posibleng may kaugnayan sa isinasagawang renovation sa lugar kung saan ang itaas na bahagi ng cathedral ay ginagawa sa halagang €6 million o $6.8 million.

Sa mga larawan sa social media ay makikita ang malakas na apoy at usok na nagmumula sa tuktok ng Notre Dame.

 

Read More