LALAKI NALIBING SA GUMUHONG LUPA 

0

DAVAO de Oro – Nalibing nang buhay ang isang lalaki makaraang matabunan nang gumuho ang lupa habang natutulog sa kanilang kusina, iniulat nitong Miyerkoles sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Abner Abejo, 37-anyos, residente ng Purok 10, Patindol, Mt. Diwata, Monkayo, Davao de Oro.

Batay sa report ng Mt. Diwata Special Sub-Police Station, dakong alas-7:00 ng umaga noong Martes nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang biktima nang biglang gumuho ang lupa at natabunan ang kusina na kinaroroonan ni Abejo.

Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng pulisya kasama ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Office at Municipality Disaster Risk Reduction Management Office ng Monkayo para iligtas ang biktima ngunit wala na itong buhay nang mahukay mula sa lupang gumuho.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (DONDON DINOY/ANNIE PINEDA)

 

Read More

1 PATAY, 6 SUGATAN SA MONTERO

crime200
0

DEAD on the spot ang isang babae habang anim ang malubhang nasugatan makaraang suruin ng isang Mitsubishi Montero  sa Sta. Cruz, Manila, nitong Martes ng hapon.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, station commander ng Manila Police District-Sta. Cruz Police Station 3, bandang 2:15 ng hapon nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Soler St. at Raon St. sa Sta. Cruz.

Nabatid sa report ng pulisya, galing sa Bataan ang driver ng puting Mitsubishi Montero (RKW-502) para umano bumili ng videoke machine sa Salonga Music Store sa lugar.

Pauwi na ang driver, kasama ang isa pa nang bigla umanong mag-wild ang silinyador ng sasakyan at sinuro ang mga tao na nagresulta sa pagkamatay ng isang biktima at ikinasugat ng anim na iba pa.

Isinugod ang mga sugatan sa dalawang magkahiwalay na ospital. (RENE CRISOSTOMO)

 

Read More

2 TANOD PATAY SA OPERATION LINIS

0

ISABELA – Dalawa ang patay habang sugatan ang pitong iba pa na pawang kabilang sa isinagawang operation linis sa Brgy. Ballacayu, San Pablo City sa lalawigang ito makaraang araruhin ng isang SUV, nitong Martes ng umaga.

Hindi umabot nang buhay sa Milagros District Hospital ang dalawang biktimang sina Ambrocio Lagundi y Cabaddu, 47,  at Rodrigo Pacion y Gamal, nasa hustong gulang, kapwa barangay tanod.

Habang sugatan naman sa insidente bandang alas-9:50 ng umaga. sina Anthony Soriano, 34; Francisco Allata; Redentor Telan; Aaron Soriano, 17; Philip Macapagal, 25, SK chairman; Jose Villaverde, 66, at Manuel Dayag, 57, pawang mga residente ng Brgy. Ballacayu sa nabanggit na lungsod.

Sa report ng San Pablo  Police Station, binabagtas ng  puting SUV Montero (AVR-1979) na minamaneho ng suspek na si Marcial Que Jr. y Alberto, 29, doctor, residente ng Brgy. District 2, Tumauini sa nasabing lalawigan, ang kahabaan ng national highway patungo sa direksyon ng timog nang mag-overtake siya sa isang motorsiklo sa Ballacayu Bridge ngunit hindi napansin ang kasalubong na sasakyan sa kabilang linya.

Tinangkang iwasan ng suspek ang kasalubong na sasakyan ngunit nawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang sa araruhin ang siyam na mga biktima na noon ay nagsasagawa ng Barangay Operation Linis sa gilid ng kalsada, at mga nakaparadang motorsiklo.

Pagkaraan ng insidente ay agad nalagutan ng hininga ang dalawang biktima habang sugatan ang pitong iba pa.

Sugatan din sa nasabing insidente ang suspek na isinugod din sa pagamutan.

Patuloy na iniimbestigahan ng San Pablo MPS ang insidente. (NICK ECHEVARRIA)

 

Read More

11 PATAY, 247 ARESTADO SA SACLEO

0

BULACAN – Umabot sa 11 drug suspects ang napatay sa magkakahiwalay na anti-drug operation habang 247 indibidwal ang inaresto kaugnay ng ikinasang weeklong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa lalawigang ito.

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police Officer-In-Charge (OIC) director, kabilang sa mga nadakip ay 111 drug personalities, 101 most wanted persons at 35 illegal gamblers mula sa 71 police operations sa iba’t ibang bayan sa Bulacan.

Kinilala ni Cajipe ang mga napaslang sa drug operations makaraang manlaban sa mga operatiba, na sina Jay-Ar Borromeo, alyas Liit, alyas Jr., Jhodie Maglalang, alyas Roy, alyas Jr Villanueva, Alfonza Javier, Arnoli Omoso, Jerry Janoras, Win Love Fogata at Jose Ragsag.

Kabuuang pitong caliber .38 revolver, tatlong improvised shotguns, isang pen gun, mga bala, 336 heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu, 20 plastic sachet ng dried marijuana leaves ang nakuha sa mga napatay at nadakip na mga suspek.

Nabatid na pawang nanlaban ang mga napatay na drug suspect sa buy-bust operation sa buong lalawigang nabanggit, ayon kay Cajipe. (ELOISA SILVERIO)

 

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA TANDEM

0

PATAY noon din ang isang 33-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang kasama matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Valenzuela city, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief, P/Col. Carlito Flores ang biktimang si Eduardo Berangberang ng #8 Narcisa St., Brgy. Canumay East habang inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center ang kasama nitong si Ranny Cainday sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay homicide investigator P/SSgt. Regor Germedia, tinatahak ng mga biktima ang Dulalia Street sa Brgy. Lingunan patungo sa Lawang Bato flyover bandang alas-10:30 ng umaga sakay ng isang gray na Suzuki Ciaz (NCI 8086) na minamaneho ni Cainday, nang pagbabarilin sila ng hindi kilalang mga suspek.

Makaraan ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksiyon.

Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad para sa posibleng pagkakakilanlan at pagdakip sa mga suspek habang inaalam ang posibleng motibo sa krimen. (FRANCIS SORIANO)

 

Read More

BUY AND SALE TRADER TODAS SA AMBUSH

0

MAGUINDANAO – Patay ang isang buy and sale trader makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, iniulat nitong Biyernes sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Efren Saydoquis, 51, may asawa, negosyante at residente ng Sitio Bolo, Brgy. Pandan South Upi, Maguindanao.

Batay sa report ng Maguindanao Police Provincial Office, sakay ang biktima sa kanyang minamanehong multicab galing sakahan at pauwi sa kanilang bahay nang tambangan ng hindi kilalang armadong kalalakihan.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksyon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agarang pagdakip sa kanila. (ANNIE PINEDA)

 

Read More

TEACHER WANNABE PATAY SA ROAD MISHAP

0

NORTH COTABATO – Patay on the spot ang isang 22-anyos binata na nag-a-apply sa pagkaguro matapos na mabangga ng isang SUV sa Barangay Poblacion 5 sa bayan ng Midsayap sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Rod Pederick “Arjay” Dillera Hervas,  residente ng Barangay Poblacion 5 ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi pagkagaling ng biktima sa isang lamayan kasama ng mga kaibigan.

Habang naglalakad umano ang grupo nang magpasya silang umihi sa gilid ng daan.

Ngunit bigla umanong sumulpot ang isang Ford Everest na minamaneho ng anak ng isang municipal kagawad sa bayan ng Libungan at nabangga ang biktima.

Nakaladkad pa siya ng ilang metro dahilan upang masugatan at magkabali-bali ang mga buto sa katawan.

Nadamay sa naturang insidente ang isang traysikad at isang Nissan Navara pick up.

Samantala, ang driver ng nakabundol na sasakyan ay sugatan din at ngayon ay nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Handa namang panagutan ng suspek ang danyos sa nasabing insidente at nangakong sasagutin ang lahat ng mga gastusin hinggil dito. (BONG PAULO)

 

Read More

MAG-INA,1 PANG BATA PATAY SA TRUCK

0

LAGUNA – Kaunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang mag-ina at ng isa pang bata matapos na masagasaan ng isang humaharurot na truck habang naglalakad sa gilid ng highway sa   Manila east road, Barangay Sulib, Pangil, Laguna nitong Huwebes ng madaling araw.

Hindi umabot nang buhay sa ospital ang mga biktimang sina Elma Tonel Garcia, 25; anak na si Athena Eljey Tonel Garcia, 5, at ang 7-anyos na si Carl Justine Montegrande Macuñal.

Sugatan din sina Gretchen Barrera Tonel, 29, at ang nanay ni Carl Justine na si Giselle Montegrande Macuñal, 25-anyos.

Habang nakakulong na ang driver ng Isuzu truck na kinilalang si Mark Saldo Sagorio, 29, residente ng Valenzuela City.

Ang mga biktimang pawang mga residente ng Brgy. Sulib, ay naglalakad pauwi sa kani-kanilang bahay galing sa isang handaan nang mangyari ang insidente dakong ala-1:15 ng madaling araw.

Ayon sa driver, nabulaga siya sa mga biktima matapos na mag-cut sa unahan ang nag-overtake sa kanya na isang pang truck.

Umiwas umano siya sa kanan at hindi napansin ang limang biktimang naglalakad.

Madilim umano ang lugar at malabo rin ang kanyang windshield dahil sa umuulan at sira ang kanyang wiper.

Humihingi siya ng tawad sa pamilya ng mga biktima at binigyang-diin na hindi niya sinasadya ang insidente.

Nakakulong na ang suspek sa Pangil police station locked-up cell at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at multiple physical injuries.

Samantala, nilalapatan ng lunas ang dalawang sugatan sa isang ospital sa Sta. Cruz, Laguna. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

PAGPATAY NG TANDEM, DROGA TULOY PA RIN; PNP BINIRA SA PROMOSYON NG NCRPO CHIEF

0

MAKARAANG mamatay ng isang 8-anyos na batang lalaki sa ambush sa Maynila nitong Lunes at nabaril ang dalawang bata sa isa ring ambush nitong Martes, itinaaas pa rin ng bagong talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Archie Francisco Gamboa, ang ranggo ni Brigadier General Debold Sinas sa major general.

Si Sinas ay ipinuwesto ni Gamboa bilang “acting director” ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Oktubre ng nakalipas na taon, makaraang iangat si Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa pagiging hepe ng PNP-Directorial Staff (ikaapat sa pinakamataas na opisyal ng PNP).

Ilang araw ang nakalipas, itinalaga si Eleazar bilang hepe ng PNP for Operations makaraang ipuwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gamboa bilang chief PNP.

Nitong Martes sa Camp Rafael Crame sa Quezon City, pormal at opisyal na ikinabit ni Gamboa sa balikat ni Sinas ang ikalawang estrelya ng huli upang siya ay maging Major General Debold Sinas.

Itinuloy ni Gamboa pagtataas ng ranggo kay Sinas bilang “major general” isang araw matapos ang pagkamatay ng 8-anyos na si Rhonjay Furio nitong Lunes sa San Andres, Manila.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), agad namatay si Furio nang tamaan ng ligaw na bala mula sa dalawang suspek na bumaril kay Barangay Kagawad Roberto Cudal malapit sa kanto ng Onyx at Estrada Streets sa Sta. Ana, Manila.

Pinaulanan ng bala si Cudal ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo. Sugatan sa insidente si Cudal.

Ayon sa ulat, namatay si Cudal nitong Enero 29 habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Ang isa pang nabaril na si Romeo Nicolas habang katabi ni Cudal, ay idineklarang maayos na ang kalagayan.

Batay sa imbestigasyon ng MPD, si Cudal ang target ng mga suspek na pinaniniwalaang “hired killers”.

Iniimbestigahan pa ang nasabing kaso hanggang ngayon.

Noon namang Martes, araw ng opisyal na pagdedeklarang major general na si NCRPO Director Sinas, ay dalawang bata na naman ang nadamay sa ambush sa Gen. Santos Avenue, Brgy. Upper Bicutan sa Lungsod ng Taguig.

Sa imbestigasyon ng pulisya ng Taguig, ang 5-anyos na si Crystal Zhang at ang ate nitong 12-anyos na si Hazel Zhang ay tinamaan din ng ligaw na bala nang pagbabarilin ng apat na mga suspek hanggang mamatay ang mga Chinese na sina Ninjie Zhang, alyas “Kauyu” at ang Filipino na kinilala lamang sa pangalang “Noel.”

Kumaripas ang apat na mga suspek na nakasakay sa dalawang motorsiklo  matapos isagawa ang pagpatay sa kanilang target.

Isinugod naman sa Taguig Pateros District Hospital ang mga batang nabaril.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis-Taguig ang nasabing krimen.

Marami ang nagpahayag ng todong pagkadismaya na naging major general si NCRPO Director Sinas sa kabila ng magkasunod na ambush na ikinadamay ng mga bata.

Ayon sa ilang mapagkakatiwalaan source, si Sinas ay batid sa PNP na ‘bataan’ ni Gamboa. (NELSON S. BADILLA)

GIYERA KONTRA DROGA, ANTI-CRIMINALITY: 5 PATAY SA QC, 2 SA MAYNILA

ILLEGAL DRUGS-2LIMA ang patay sa Quezon City habang dalawa sa lungsod ng Maynila sa ikinasang giyera kontra droga at anti-criminality operation ng mga awtoridad.

Sa Quezon City, tatlong lalaking inakusahang mga holdaper ang napatay ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon.

Batay sa ulat, bago ang engkuwentro ay hinoldap ng hindi kilalang mga suspek ang dalawang call center agent sa Obrero St., Barangay Bagumbayan pasado alas-dos ng madaling araw nitong Biyernes.

Agad namang nakapagsumbong ang mga biktima sa pulisya na nagkasa ng anti-criminality operation sa lugar.

Nang matiyempuhan ang mga suspek ay nakipaghabulan ang mga pulis hanggang sa makarating sa isang eskinita sa nabanggit na lugar kung saan nangyari ang palitan ng putok.

Napatay ang tatlong holdaper at nakuha ng mga pulis ang .45 at .38 kalibreng baril.

Patay rin ang dalawang lalaki na sinasabing nasa drug watchlist ng Drug Enforcement Group ng Quezon City Police District (QCPD) matapos makipagbarilan sa drug bust operation dakong alas-3:00 ng madaling araw nitong Biyernes.

Ayon sa report ng Police Station 6, unang nagpaputok ng baril ang hindi pinangalanang mga suspek makaraang mapag-alamang pulis ang katransaksyon sa bahagi ng Barangay Bagong Silangan.

Gumanti ng putok ang mga pulis  naging dahilan ng agarang pagkamatay ng mga suspek.

Samantala, dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang napatay sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa Sta. Cruz, Manila.

Sa ikinasang buy-bust operation sa Manila North Cemetery ay napatay ng mga pulis ang hinihinalang drug pusher na kinilalang si Benedict Galang, tinatayang 25-anyos at naninirahan sa #1801 Antonio Rivera St., Tondo.

Sa isa pang operasyon sa Sta. Cruz, Manila nitong Biyernes ng madaling araw, isa pang umano’y drug pusher ang napatay nang manlaban sa mga awtoridad.

Kinilala ang napatay sa buy-bust operation na si Leoric Salao, alyas “Jolot”,  naninirahan sa #1100 Rizal Avenue St., Sta. Cruz. (JG TUMBADO/RENE CRISOSTOMO)

SUPPLIER NG DROGA NALAMBAT SA PASIG

ARESTADO ang isang 20-anyos na high value target (HVT) at hinihinalang supplier ng ilegal na baril at droga habang nakatakas ang kanyang kasabwat, sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa Pasig City, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jam-Jam Julian, 20, residente ng Lanzones St., Sitio Kangkungan, Napico, Brgy. Manggahan sa nasabing lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang P200,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Nakatakas naman ang kasabwat nitong si Edison Bolista, nasa hustong gulang, ng No. 67 Acacia St. sa parehong barangay, sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng EPD-District Special Operations Unit.

Ang pagkakadakip kay Julian ay resulta ng ilang linggong surveillance operation ng DSOU base sa natanggap na impormasyon na sangkot ang dalawang suspek sa bentahan ng ilegal na baril at shabu.

Nang magpositibo sa surveillance operation, agad nagkasa ng buy-bust operation ang hepe ng DSOU na si P/Major Darwin Guerrero, pasado alas-10:00 ng gabi sa bahay nang nakatakas na si Bolista, matapos magkasundo sa bibilihing armas mula sa mga suspek.

Aarestuhin na sana ng pulis na nagpanggap na buyer, si Julian matapos nitong iabot ang nabiling .38 caliber ngunit nakatunog ang suspek kaya tumakbo sa kanilang bahay para kunin ang kanyang baril ngunit nadakip makaraan ang habulan.

Mabilis namang tumakas si Bolista nang mapansin ang kaguluhan, sa pamamagitan ng pagdaan sa bubungan ng kanyang bahay.

Sa paghahalughog, nakumpiska ang mga awtoridad ng isa pang .9mm caliber at bala, P200,000  halaga ng shabu at mga pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P12,000.

Nabatid na si Julian ay kalalabas lamang mula sa kulungan makaraang magpiyansa sa kasong robbery sa Pasig City at may nakapending pang kaso na physical injuries. (NICK ECHEVARRIA)

 LALAKING NABITIN SA PANONOOD NG PORNOR NANAPAK MATAPOS SITAHIN NG PARAK

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang electrician dahil sa pananapak sa isang parak na nanita sa kanyang panonood ng porno habang nasa loob ng computer shop sa Caloocan City, kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si  Aldrin Bangayan, 30, ng #1126 Lirio St., Bo. San Jose, Brgy. 187 Tala, habang ang biktima ay kinilalang si P/Cpl. Tayron Guilot ng Manila Police District (MPD), siyang may-ari at nagbabantay ng computer shop sa #1129 Lirio St., Tala sa nabangit na lungsod.

Ayon sa ulat,  isang customer ang nagsumbong umano kay Guilot hinggil sa panonood ng porno ng suspek sa computer shop.

Agad pinuntahan ng biktima ang suspek ngunit laking gulat niya nang makitang kagat-labi at nakapikit ang mga mata ni Bangayan habang pagpaparaos sa sarili dakong alas-11:50 ng gabi.

Dahil dito, nagpakilalang pulis ang biktima at sinaway ang suspek. Gayunman, nagalit ang suspek dahil sa pagkabitin kaya sinapak ang pulis hanggang sa sila ay magpambuno.

Pagkaraan ay inaresto ng pulis ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

Ang suspek ay nahaharap sa patong-patong na kasong direct assault, disobedience and resistance at paglabag sa PD 969 o kilala bilang Immoral doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows sa piskalya ng Caloocan City. (FRANCIS SORIANO)

Read More