P519-M BONUS, ALLOWANCE NG PCSO OFFICIALS, KAWANI, GOODBYE NA

(NI ABBY MENDOZA)

TINIYAK ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na inihinto na, tulad ng pagtalima sa kautusan ng Commissin on Audit (CoA), ang naglalakihang bonus, allowance at personal benefits ng mga opisyal at kawani ng ahensiya na umabot sa  P519.925 million noong nakaraang taon.

Kasabay ito ng pagharap ni PCSO general manager Royina Garma at Chair Anselmo Pinili sa House Appropriations Committee kaugnay sa pondo nito para sa susunod na taon.

Sinabi ni Garma na nirerebisa na ng ahensya ang compensation package na nararapat lamang na maibigay sa mga empleyado.

Ayon kay Garma, nasa P24.6 B ang total revenue ng ahensya mula Enero hanggang Hunyo ng 2019 kung saan ang pinakamalaking kita ay nagmumula sa Small Town Lottery na nasa P12.66B o halos 52% at sumunud ang Lotto games na may P10.06B kita at ikatlo ay Keno na nasa P1.3B.

Sa kita ng STL P5.23B ay napupunta sa premyo, nasa P2.81 ang sa Documentary Stamp Taxes samantala P2.61B ang sa charity kabilamg dito ang sa Malasakit Center, calamity assistance at procurement ng medical equipment.

Kinuwestiyon ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pagpopondo ng PCSO sa Malasakit Centers, giit ni Lagman dapat i-validate ng PCSO officials ang legal basis ng paglalaan ng pondo sa Malasakit Centers lalo at nagagamit umano ito bilang partisan tool sa halip na isang medical outlet.

Pero depensa ni Garma, ang Malasakit Centers ay isang one stop shop ng iba’t ibang government agencies kabilang ang Philhealth at DSWD kaya nagbibigay ng pondo dito ang PCSO. Dito rin umano nagpupunta ang mga pasyente na lumalapit sa PCSO.

Sa ngayon ay nakabimbin sa House of Representatives ang House Bill 1140 para sa institutionalization ng Malasakit Centers sa buong bansa kung saan maaari nang direktang lumapit ang indigent patients sa center sa halip na magtungo sa concerned agencies para magpresenta ng medical bills o abstract.

Sa nasabing pagdinig, sinabi  ni Garma na 30% ng kanilang nalilikom na pondo ay ibinabayad nila sa pamahalaan bilang buwis, katunayan 22.81% o nasa P2.81B na kinita ng STL ang napunta sa pagbabayad ng buwis.

Sinabi ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na dapat pag-aralan ng PCSO kung maari na hindi na sila magbayad ng buwis upang ang lahat ng kita nito ay mailalaan sa charity, ani Pichay, isang non-profit operation at charity-based ang PCSO kaya dapat ay hindi sila nagbabayad ng buwis at ang kita na nalilikom dito ay dapat napupunta direkta na sa mga charity programs.

Dahil dito, tiniyak ni Pichay na makialam ang Kamara sa operasyon ng PCSO at maghahain ng resolusyon para bisitahin at i-rationalize ang operasyon ng PCSO.

Pinag-aaralan na ng Promotion and Selection Board ng PCSO ang regularization at promotion ng kanilang mga job-order employees.

Maging ang status ng mga empleyado ng PCSO ay hinalungkat din ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite at bilang tugon, sinabi ni Garma na kanila nang inirerekonsidera ang mga empleyadong nasa ilalim ng job order.

Aabot sa 1,679 ang empleyado ng ahensya kung saan 1,074 dito ay permanent habang 617 naman ay job order.

 

Please follow and like us:
Read More

STL BALIK-OPERASYON NA

(NI ABBY MENDOZA)

BINUKSAN na muli ng Malacanang ang operasyon ng Small Town Lottery na una na nitong ipinatigil ang operasyon noong nakaraang buwan.

Gayunman, bago muling makapag-operate ang mga STL operators ay kailangan sumunod ito sa bagong patakaran na inilatag ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO)

Sa isang Facebook live sa PCSO facebook page ay sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang pagbabalik ng STL operations ay kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte  matapos na rin ang ginawang rekomendasyon ng PCSO board.

“Pursuant to the recommendation of PCSO, the President lifted the suspension of STL. Authorized Agents Corporations (AACs) that  are compliant with the conditions of their STL agency agreement and have been remitting its guarantee minimum monthly retail receipts may now operate,” pahayag ni Garma.

Ayon kay Garma papayagan ang mga AACs na bumalik sa kanilanhg operasyon sa ilalim ng bagong kondisyon at kabilang na dito ang pagdedeposito ng cash bond na katumbas ng 3 buwan ng PCSO share sa guarateed minimum monthly retaul receipt, ang hinihinging 3 buwang cash bond ay bukod pa sa nauna nang cash bond na hiningi ng PCSO nang ang mga ito ay mag apply ng franchise.

Ikalawa sa kondisyon ay ang awtomatiko nang forfeited ang cash bond pabor sa PCSO kung hindi makakatalima ang mga AACs sa pagreremit.

Ikatlo ay kailangan na magsagawa ng written undertaking ang mga AACs na susunud ito sa mga kondisyon na inilatag ng ahensya at hindi ito maghahain ng anumang claims, monetary man o hindi at hindi ito maghahain ng anumang legal remedies sa korte gaya ng paghingi ng Temporary Restraining Order o Injunction na pipigil sa ahensya na ipatupad ang kanilang karapatan laban sa mga AACs.

Ikaapat, awtomatiko nang terminated ang kasunduan sa pagitan ng AACs at PCSO kung magkakaroon ng paglabag sa kanilang frachise agreement gayundin sa bagong kondisyon.

‘The foregoing conditions shall be applied to other AACs that may be allowed to resume operations”pahayag ni Garma.

Aniya, kailangan din na sumunod ang mga operators sa bagong  STL agency agreements at gayundin sa bagong STL implementing and regulations na kanilang nakatakdang ipalabas.

 

Please follow and like us:
Read More

BIDDING PROCESS SA GAMING OPERATIONS NASA KAMAY NG DBM, DOJ

(NI BETH JULIAN)

IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa kakayahan nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Budget and Management  acting Secretary Wendel Avisado ang pangangasiwa sa bidding process ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na iginiit na hindi itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ito sa kanyang Gabinete kung walang sapat na karanasan at kaalaman.

Una nang sinabi ng Pangulo na kanyang pag-aaralan na ilipat sa Office of the President ang pangangasiwa ng operasyon ng keno, Small Town Lottery (STL) at peryahan ng bayan dahil umano sa mga tinanggap nitong sumbong kaugnay sa katiwalian.

Nauna na ring ipinatigil ng Pangulo noong Hulyo 26 ang lahat ng gaming operations ng PCSO dahil sa umano’y katiwalian sa ahensiya pero makalipas ang apat na araw ay ipinabalik niya ang operasyon ng lotto lamang.

Noong nakaraang linggo nang iluklok ng Pangulo si Avisado sa DBM.

 

Please follow and like us:
Read More

20 PCSO PERSONNEL ISINASALANG SA PACC PROBE

pacc

(NI BETH JULIAN)

IIMBESTIGAHAN ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) ang 13 hanggang 20 opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, kabilang dito ang ilang opisyal na mayroon nang kinahaharap na dating reklamo.

Ang mga ito ay isasailalim sa lifestyle check at bubusisiin maging ang kanilang mga statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Kung may kuwestyunableng yaman o negosyo, titingnan din umano kung nakapagbabayad sila ng tamang buwis.

“We will begin atleast 13 to 20 officials na identified po namin, at meron pong mga intelligence reports po kasi kaming nakalap. Meron na po kaming mga hawak na may pending cases na po sa amin ang PCSO so this will be a separate investigation without prejudice to the current investigation that they are doing on another issues,” pahayag ni Belgica.

Inaasahang matatapos ang imbestigasyon ng PACC sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan at kaagad namang magsusumite ng rekomendasyon hinggil dito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang investigation will be dependent sa submission ng mga offices. Of course isa-subpoena naman namin yan, ng mga dokumento. At kapag nakuha na po namin ang mga  dokumento, hindi naman po marami yung 13 hanggang 20  eh, mga two to three months tapos po namin yang investigation, evaluation, pasasagutin na po namin sila,” pahayag ni Belgica.

Please follow and like us:
Read More

BALUTAN IPATATAWAG SA PCSO INVESTIGATION

balutan55

(NI BERNARD TAGUINOD)

UNA sa listahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pangalan ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Alexander Balutan sa isasagawang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa nasabing ahensya.

Ayon kay ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran, vice chairperson ng House committee on games and amusement, sinabi nito na lahat ng mga dati at kasalukuyang  opisyales ng PCSO ay tiyak na ipatatawag ng komite.

“Lahat including former officials of PCSO,” ani Taduran kaya hindi libre rito si Balutan na sinibak umano ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso sa hindi malamang kadahilanan.

Sentro umano ng imbestigasyon na alamin ang katiwalian sa PCSO na nagtulak kay Duterte na ipatigil ng ilang araw ang lotto kamakailan para malaman umano kung anong pagbabago ang dapat gawin sa nasabing ahensya.

Sa ngayon ay mayroon nang tatlong resolusyong nakahain sa Kamara para imbestigahan ang katiwalian sa PCSO at hinihintay na lamang na makumpleto umano ang miyembro ng nasabing komite para isagawa ang imbestigasyon.

PAGPARUSA SA MGA TIWALI SA PCSO HINIHINTAY NG BAYAN

Sinabi naman ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago na naghihintay ang taumbayan na panagutin ni Duterte ang mga sangkot sa sinasabi nitong tiwali sa PCSO upang maipakita ng Pangulo na seryoso siya sa kanyang kampanya laban sa katiwalian.

“Nananatiling hamon ng kabataan sa gobyerno na ipaalam sa publiko ang katotohanan sa likod ng korapsyon, hindi lamang sa PCSO. Higit sa lahat, panawagan nating panagutin ang rehimeng Duterte na pangunahing may pakana ng mga malalang korapsyon sa kaban ng bayan at pambubusabos sa buhay at kabuhayan ng mamamayan,” ani Elago.

Hangga’t hanggang salita lamang aniya si Duterte at walang mapanagot sa katiwalian sa PCSO ay hindi matatakot ang mga tiwali sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno.

Malaking dagok umano sa mga mahihirap ang biglang pagpapatigil sa operasyon ng PCSO lalo na ang mga may sakit kaya nararapat lamang aniya na panagutin ang mga tiwali dito sa lalong madaling panahon.

Please follow and like us:
Read More

‘AMBAG NG PCSO SA HEALTH CARE LAW, ‘DI KALAKIHAN’

tony lambino12

(NI BETH JULIAN)

HINDI kalakihan ang pondong maiaambag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law.

Sa katunayan, sinabi ni Finance  Assistant Secretary Tony Lambino na hindi hamak na mas malaki ang pondong manggagaling sa package 2 plus ng TRAIN Law para gamitin sa UHC.

Paliwanag ni Lambino, nasa 1.2 percent o halos P3 milyon lamang ng kabuuang P257 billion na pondong kailangan para sa UHC ang manggagaling lamang sa PCSO.

Ang package 2 plus ang siyang may malaking maiaambag para sa UHC na tinatayang nasa

P15.8 bilyon  sa unang taon ng implementasyon nito at P111.5 bilyon sa susunod na limang taon.

Ayon kay Lambino, mahalaga na maipasa ng Kongreso ang package 2 plus ng TRAIN Law o ang dagdag na buwis para sa mga produktong nakalalasing at e-cigarette.

Pangunahing layunin ng UHC program na pagandahin ang public medical facilities, makapagpatayo pa ng mas maraming ospital lalo na sa mga malalayong lugar at makakuha at makapagsanay ng mas maraming doktor at nurse.

Lalawakan na rin ang PhilHealth coverage para sa mga Fiipino at gagawing libre ang mga consultation at laboratory fees at iba pa.

 

Please follow and like us:
Read More

HOUSE INQUIRY SA PCSO ANOMALY INIHAIN SA KAMARA

congress55

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG resolusyon ang inihain na sa House of Representatives para magkaroon ng House Inquiry In Aid of Legislation kaugnay sa korapsiyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahilan ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang PCSO games noong Sabado.

Sa ngayon ay balik na ang operasyon ng lotto games matapos na rin tanggalin ni Duterte ang ban sa operasyon nito habang nananatiling suspendido pa rin ang ibang laro ng ahensya kabilang ang Peryahan ng Bayan, STL at Keno.

Sa House Resolution No 141 na inihain ni House Minority Leader Benny Abante hiniling nito na imbestigahan ang pagpapasara sa lahat ng PCSO outlets dahil sa katiwalian, partikular na pinakikilos ng mambabatas ang House Committee on Games and Amusement para silipin ang nasabing usapin.

Sinita rin ni Abante ang hindi pagsusumite ng annual report sa Kongreso tungkol sa mga aktibidad nito.

Isusulong din umano nito sa Kamara na rebyuhin at amyendahan ang PCSO charter dahil hindi umano nakapaloob dito ang korapsiyon na isa sa mga dapat na maparusahan.

Pinuna pa nito na walang expiration ang charter ng PCSO kung saan ang ilang probisyon nito ay dapat nang baguhin.

 

 

Please follow and like us:
Read More

ANOMALYA SA PCSO, PHILHEALTH IIMBESTIGAHAN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL)

NAGPAHAYAG ng kahandaan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na magpatawag ng Senate investigation sa sinasabing anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Ayon sa senador, nais nitong papanagutin ang sinumang opisyales ng nasabing mga ahensya na nagmalabis sa tungkulin at pagkaitan ng tulong ang mga mahihirap.

“Kung ano po ’yung interes ng tao, interes ng Pilipino, ’yun po ang mangunguna. Managot ang dapat managot,” sabi pa nito.

Una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa operasyon ng PCSO gaming noong Hulyo 26 dahil sa natuklasang malawakang korapsyon dito.

Habang si Senador Panfilo Lacson ang nagbulgar na dapat magpaliwanag si Health Secretary Francisco Duque III sa pagkakasangkot nito sa Philhealth transactions.

Giit ni Go wala umano itong sasantuhin sa imbestigasyon ng Senado at hindi ito mapapatinag kahit kakilala o kaibigan nito ang masangkot sa anomalya tulad ni Duque.

“Managot ang dapat managot kahit na magkasama tayo sa gobyerno at magkaibigan tayo. Kung ano lang po ang tama. ’Yan po ang pinagbibilin parati sa akin ni Pangulo noon. Do what is right,” sabi pa ni Go.

“As chairman ng Committee on Health, I’m willing to investigate kung talagang mayroong katotohanan na mayroong conflict of interest, subalit I still trust Secretary Duque, until it’s proven sufficiently na mayroon talagang ebidensiya against him,” ayon pa dito.

Pinawi naman ni Go ang pangamba ng ilang mahihirap na tao na dahil sa isinarang gaming outlets ng PCSO at Philhealth dahil  sa maaari pa rin aniya ang medical financial assistance sa mga ito.

“Bukas naman po. Wala naman pong nagsasara at hindi po magsasara ang PCSO para sa mga tulong medical,” paliwanag pa ni Go.

Hamon naman ni Lacson kay Duterte na nasa kamay na nito kung sisibakin o sususpende nito si Duque habang isinasagawa ang imbestigasyon laban dito.

“Is it not incumbent upon Secretary Duque to exercise professionalism and ethical standards by stopping all dealings of his family’s corporation with the very government agency that he heads?” ani Lacson.

Please follow and like us:
Read More

‘DI PAGKANSELA NG LOTTO OUTLET PERMIT NILINAW

lotto67

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NILINAW ni Makati City Mayor Mar-len Abigail “Abby” Binay na hindi niya kakanselahin ang business license at mayor’s permit ng lahat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaming outlets sa kanyang nasasakupan makaraang suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng lahat ng gaming operations nito.

Gayunman, sinabi ni Binay na ang lisensiya at permit ng mga lotto outlets ay hindi basta mababawi kung wala itong legal na basehan na nararapat umaksyon ukol dito.

Ibinahagi ni Binay ang pahayag tungkol dito makaraan ang kanyang pagpirma ng joint venture agreement ng Makati Subway project.

Sinabi ni Binay na mananatiling sarado ang mga lotto outlets ngunit ang pagkakansela ng kanilang mga lisensiya para mag-operate ay hindi na muna ipatutupad.

Dagdag pa ni Binay, wala kasi siyang nakikitang legal na basehan upang ipasara ang mga ito dahil meron silang mga permit at may kontrata sa PCSO.

Ayon sa mayora, kanilang inirerespeto ang direktiba ng Pangulong Duterte pero wala silang legal na basehan upang kanselahin ang mga permit ng mga lotto outlets maliban na lang kung pawalan ng halaga ng PCSO ang kanilang mga kontrata.

Matatandaan na ipinatigil noong nakaraang Biyernes ni Pangulong Duterte ang lahat ng gaming operations ng lotto na pinangangasiwaan ng PCSO dahil sa matinding korupsyon dito.

“Kung mismong ang PCSO ang susulat sa amin na mag-uutos ng pagsasara sa mga lotto outlets, doon lamang gagawa ng aksyon ang lokal na gobyerno upang kanselahin ang lisensiya ng mga ito,” pagtatapos ni Binay.

Please follow and like us:
Read More