P1-B PEKENG SIGARILYO NAKUMPISKA NG BOC

PEKENG SIGARILYO-3

UMABOT sa P1 bilyon ang halaga ng mga pekeng cigarilyo ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC_ Enforcement and Security Services (BOC-ESS) habang nasa 20 Chinese ang naaresto sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega sa Nueva Ecija noong Sabado.

Armado ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng BOC-ESS ang target na bodegang pagawaan ng pekeng sigarilyo.

Kasama ng nasabing tanggapan ng BOC ang Cabiao Municipal Police Station, Criminal Investigation and Detection Group Region 3, Regional Mobile Force Battalion Region 3 at opisyales ng barangay nang salakayin ang bodega na nakumpiskahan ng 3 kahon ng pekeng stamp ng Bureau of Internal Revenue (BIR), iba’t ibang makina sa paggawa ng sigarilyo at filter, isang mixer, isang dryer at mga kagamitan sa paggawa ng pekeng sigarilyo.

Maliban sa 20 Chinese na pawang empleyado ng pagawaan, may 100 empleyadong PInoy ang inaresto ng mga awtoridad.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbentaryo ng mga nasabat na produkto ang BOC-ESS upang maihanda ang kaukulang kaso laban sa mga sangkot sa paglabag sa batas na may kaugnayan sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (Joel Amongo)

Read More

5 TSINO,1 PINOY INARESTO NG BOC, CIIS AT PCG

ARRESTED-17

Limang Chinese  na sangkot sa pagpuslit ng mga pekeng sigarilyo ang nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Enforcement & Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Bureau’s Action Team Against Smugglers, Philippine Coast Guard- Special Operation Group at Customs Examiners sa Valenzuela City noong Hun­yo 25, 2019.

Nakilala ang mga suspek na sina Kevin Tan, Alex Chan, James Sy, Tin Fu, isang alyas Tonyo at kasamang Pinoy na nakilalang si Michael Jamora.

Nauna rito, nakatanggap ang mga awtoridad ng derogatory information na isang warehouse sa Valenzuela City ang sangkot sa pagpuslit ng pekeng sigaril­yo labels/packagings.

Ang pack labels at carton labels o kilala sa tawag na “hinge lid blanks” ay i­neksamin ng mga kinatawan mula sa PMFTC Inc. at dito nakumpirma na peke ang nasabing mga sigarilyo na  kung saan ginamit na characteristics ang original/genuine Fortune, Mark at Jackpot hinge lid blanks.

Dahil dito, inaresto ang limang Chinese at kinum­piska sa kanila ang mga kagamitang ginagamit sa paggawa ng pekeng si­garilyo. (Jomar Operario)

Read More

PEKENG SIGARILYO AT PARAPHERNALIA NASABAT NG BOC-ESS

PEKENG SIGARILYO-1

(Ni JO CALIM)

AAbot sa halagang P160 milyon pekeng sigarilyo at paraphernalia ang nasabat ng Bureau of Customs-Enforcement and Security Service (BOC-ESS) sa Bulacan kamakailan.

Napag-alaman na ang nasabing mga pekeng si­garilyo ay nakaimbak umano sa loob ng isang warehouse sa Bulacan dahilan upang kumpiskahan ito ng BOC-ESS noong nakaraang Hun­yo 13 gayundin ang mga makina na ginagamit sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo.

Nauna rito, inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention (WSD)  ang nasabing mga kargamento bilang paglabag sa Section 1113 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala sa tawag na  Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

May kaugnayan pa rin ito sa Section 1401, at ng RA 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.

Ang sunud-sunod na pagkakasabat ng mga pekeng sigarilyo at iba pang paraphernalia ay resulta na rin sa  lalong pinaigting  na kampanya ng Customs laban sa mga ilegal na kargamento.

Nauna nang may nakumpiskang mga makinang  ginagamit sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo mula sa  Quezon City.

Read More