30% NG MAGMA HINDI LALABAS SA BITAK – PHIVOLCS

Phivolcs Director Renato Solidum-2
0

AABOT pa rin sa tatlumpung (30) porsiyento ang posibilidad na magkaroon ng malaking at mapanganib na pagsabog ang Bulkang Taal sa Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sinabi ni PHIVOLCS Undersecretary Renato Solidum Jr., mayroong namo-monitor na bagong magma sa ilalim ng main crater ng bulkan bagaman wala ng usok at bumababa na rin ang mga naitalang volcanic quakes.

Ani Solidum, kahit 30-porsiyento na lang ang tinatawag na probability nang pagsabog, mataas pa rin ang antas ng bantang ito lalo na sa mga nasa loob ng 14 kilometer radius danger zone.

Subalit ipinahayag ni Solidum na pupuwedeng tumaas ang posibilidad nang pagsabog ng Bulkang Taal anumang oras.

“Nagbabago ‘yan… ito pong condition ng volcano can change lalong-lalo na po ang magma na galing sa ilalim na bago ay dumating na sa ibabaw,” paliwanag pa ni Solidum.

Inihayag pa ni Solidum na ngayong gumalaw na ang magma at hindi pa naibubuga, maraming senaryo ang maaaring mangyari.

“Pwede siyang tumuloy, magkaroon ng pagsabog na malakas—delikado sa mga tao. Pwede rin siyang tumigil na at sana ganoon na, hindi na masyadong problema,” ani Solidum.

“Pero sa history ng Taal Volcano, hindi pa rin nagtatapos ‘yung kaniyang istorya kasi minsan may mga pagitan ng buwan o taon ang pagitan ng mga eruption. Lalong lalo na, nandito na ‘yung magma na nagre-supply. Mabuti sana kung walang nagre-supply, madaling sabihin na okay na,” dagdag nito.

Samantala, pinawi ni Solidum ang pangamba na lalabas ang magma sa mga bitak o fissure na epekto ng mga pagyanig sa bulkan at sinabing ang focus ng aktibidad ay ang Taal Volcano Island.

Idiniin pa ng opisyal ng Phivolcs na huwag maniwala sa kumakalat sa social media na nagdudulot lang ng pangamba sa mga tao. (JG TUMBADO)

Read More

PHIVOLCS GIGISAHIN

PHIVOLCS-2
0

PREROGATIVE at pribilehiyo ng isang mambabatas ang hilingin nito na imbestigahan ang isang usapin ‘in aid of legislation”.

Tugon ito ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa panawagan ni Cavite Representative Elpidio Barzaga na imbestigahan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil hindi umano naipabatid sa publiko ang napipintong pagsabog ng bulkang Taal.

Na kay Cong. Barzaga na aniya kung itutuloy nga ito na imbestigahan ang Phivolcs dahil hindi naman maaawat ng Malakanyang ang sinoman na gawin ang gusto nila sabing “that is their call”.

Sinabi ni Cong. Barzaga na Marso 2019 pa lamang ay nakataas na sa alert level 1 ang status ng bulkan ngunit hindi man lang naabisuhan ang mga kalapit na lugar gaya ng Cavite, Laguna at Batangas.

Iginiit din ng mambabatas na walang news bulletin o SMS alert ang Phivolcs at maging ibang ahensya ng gobyerno kaugnay sa lagay ng bulkan kung kaya’t marami pang tao at turista ang nag-akyatan sa Taal.

Samantala, pinasisiyasat din ni Barzaga ang pagpayag na tumira ang mga tao sa 14-kilometer danger zone na delikado para sa maraming residente.

Sa kabilang dako, pinuri naman ni Sec. Panelo si Phivolcs Director Renato Solidum dahil sa malinaw at magaling na pagpapaliwanag nito dahilan upang hindi naman makitaan na nagkaroon ng butas ang institusyon gaya ng sinasabi ng kongresista. (CHRISTIAN  DALE)

Read More

‘WAG MAGING KAMPANTE SA PANANAHIMIK NG TAAL – PHIVOLCS

PHIVOLCS
0

ITO ang babala kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mamamayan kaugnay sa  pananahimik ng Bulkang Taal.

Inihayag ng Philvocs na nagpakita ng bahagyang pagkalma ang nag-aalborotong Bulkang Taal ngunit nanatiling mataas ang posibilidad ng isang malakas na pagsabog kaya nagbabala ang nasabing tanggapan na huwag munang magpabalik ang evacuees.

“We are analyzing what this seeming calm of the volcano means,” ani Maria Antonia Bornas, chief science research specialist ng Phivolcs.

Samantala, patuloy na pinag-aaralan ng Philvocs ang mga pahiwatig sa likod nang pagkatuyo ng tubig sa lawa.

Isa sa nakikitang dahilan ng ahensiya na maaring patuloy pa rin ang pagtaas ng magma na siya ring dahilan ng maraming bitak na nadidiskubre sa mga bayan na nasa paligid ng Taal Lake.

“Lull in activity at Taal could both point to waning activity or a resting phase before a fresh cycle of explosive activity,” babala pa ng Phivolcs.

“The lull is either a good or a bad thing. Kasi kung derederetso ‘yan, good ‘yan. Pwede tayo mag-stand down,” ayon pa sa opisyal.

“Pero kung medyo mahaba ‘yan at ito ay resting phase lang sa bulkan para pumasok sa bagong cycle ng explosive activity, napakahirap sa ating mga kababayan n’yan,” pahayag pa ni Bornas.

Nababahala ang nasabing ahensiya sa paggiit ng mga residente na makabalik na sa kanilang mga bahay dahil sa nararamdamang pananahimik ng bulkan.

Bagama’t aminado ang Philvocs na pinag-aaralan din nila kung kailangang ibaba na ang alert level.

Mariing nilinaw ni Phivolcs Director Renato Solidum, hindi maaring pagbasehan ang nakikitang pananahimik ng bulkan o ihambing ang pagiging kalmado sa bunganga ng bulkan sa nagaganap na aktibidad sa ilalim nito.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang isinasagawang ground validation ng mga tauhan ng Phivolcs sa Pansipit River at ilang bahagi ng Taal Volcano na nakitaan nang pagbaba ng level ng tubig, habang may ibang area na tuluyang natuyo.

Ayon kay Solidum, sa pamamagitan ng pagsusuri, masasabi umano nila kung anong maaaring maging epekto nito.

Kasabay nang pagkatuyo ng crater at ilog, dumami pa ang bitak sa paligid ng bulkan.

Kaya naman, sinabi ni Bornas, na manatiling alerto ang publiko dahil nakaamba pa rin ang panganib. (JESSE KABEL)

Read More

5.4 LINDOL YUMANIG SA DAVAO ORIENTAL

0

NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang southern province ng Davao Oriental, madaling araw ng Lunes kung saan inaasahan ang aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang maramdaman ang pagyanig 72 kilometers southeast ng Governor Generoso town, ayon pa sa Phivolcs.

May lalim na 50 kilometers, ang lindol ay naramdaman na ‘parang may nagdaan na mga truck’, ayon kay Governor Generoso.

Habang inaasahan ang aftershocks, hindi naman ito makalilikha ng pinsala.

Noong Disyembre, niyanig ng 6.9 magnitude quake ang katabing Davao del Sur na ikinasawi ng 11 katao at nakasira sa may 14,000 kabahayan.

Read More

4.6 MAGNITUDE LINDOL YUMANIG SA MAGSAYSAY, DAVAO DEL SUR

earthquake12
0

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG 4.6 magnitude quake ang tumama sa bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur, dalawang araw matapos ang 6.9 magnitude na pagyanig sa kalapit na bayan na Matanao, Davao del Sur kung saan 7 ang nasawi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs), alas 2:07 ng hapon naramdaman ang lindol na may lalim na 21 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

May kalakasan ang naramdamang lindol kung saan naitala ang Intensity 5 sa Hagonoy, Davao del Sur; Intensity 4 sa Davao City at Intensity 3 sa Kidapawan City.

Wala namang inaasahang pinsala at walang aftershocks sa nasabing pagyanig.

Ang nasabing lindol ay hindi umano konektado sa naganap na 6.9 magnitude quake bagkus ay hiwalay ito.

 

Read More

450 AFTERSCHOCKS NAITALA SA DAVAO DEL SUR

0

(NI ABBY MENDOZA)

NASA 450 aftershocks na ang naitala sa Mindanao matapos ang 6.9 magnitude quake na tumama sa Matanao, Davao del Sur at marami pang aftershocks ang maaaring maramdaman sa loob ng susunod na tatlong  araw subalit mas magiging mahina na ito.

Ayon sa Philippine Institute Volcanology and Seismology (Phivolcs) maliban sa aftershocks ay kanilang pinag iingat ang mga residente sa posible pang dagdag na pinsala dahil sa nakakaramdam pa rin ng bahagyag malalakas na aftershocks.

Inaalam pa ng Phivolcs kung magkadugtong ang nangyaring lindol noong Oktubre at ang huling pagyanig, sa inisyal na report ng ahensya, ang 6.9 quake ay sanhi ng  Tangbulan Fault, Digos Fault at Makilala-Malungon Fault.

Sinabi ni Phivolcs Senior Science Research Specialist Dr. Rommel Grutas na ang gumalaw na Tangbulan Fault  ay may kapasidad na hanggang 7.2 magnitude quake kaya hindi na nakapagtataka na may kalakasan ang naganap na pagyanig.

 

Read More

PHIVOLCS NAGLAGAY NG SEISMIC INSTRUMENT SA DAVAO DEL SUR, MT. APO

0

(NI DONDON DINOY)

STA. CRUZ, Davao del Sur –Isang seismic instrument ang inilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) sa lugar upang ma-monitor ang pagalaw ng lupa.

Ang earthquake monitoring equipment ay inilibing sa compound ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) upang tingnan ang paggalaw ng lupa sa Davao del Sur at mga karatig na lugar.

Inabisuhan din ng PhiVolcs ang mga residente na manatili muna sa mga open space dahil posibleng marami pang mararanasan ng mga aftershocks sa Mindanao.

May lalim na isang kilometro ang kinalagyan ng instrument at isa itong solar-powered na siyang mag-monitor sa pagalaw ng lupa lalo pa at nakita ng PhiVolcs na may mga fault line sa Brgy. Inawayan at Darong sa nasabing lugar.

Sinabi rin ng PhiVolcs na isa pang seismic instrument ang kanilang inilagay sa Mt. Apo bagama’t nilinaw nito na walang dapat ikabahala ang publiko.

Dagdag ng seismic weather bureau, na tinitingnan na rin nila kung hindi nakaaapekto sa Mt. Apo ang sunud-sunod na malalakas na lindol lalo pa at kinikonsidera ito na ito na isang potential active volcano.

Ngunit hindi pa masabi ng mga eksperto kung ano ang dahilan ng mga lindol sa Mindanao kaya paalala nila sa publiko na mag-ingat dahil posibleng hanggang sa buwan ng Disyembre pa mararanasan ang mga pagyanig.

 

Read More

APP PARA MALAMAN ANG LAKI NG TSUNAMI, INILUNSAD NG PHIVOLCS

0

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG website application na nagbibigay impormasyon sa tsunami risk ang inilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang GeoAnalyticsPH ay isang app na isinagawa ng GeoRisk Philippines, isang website na nagbibigay ng summary reports sa tsunami exposure sa mga barangay, municipalities at mga probinsiya.

Ang GeoAnalyticsPH ay maaring makita sa  https://geoanalytics.www.georisk.gov.ph/

Ayon kay Mabelline Cahulogan, ng GeoRisk Philippines, ipinakikita ng app ang populasyon na tatamaan ng tsunami gayundin kung gaano kalaki ang parating na tsunami.

“The website application aims to be the central source of information for accurate and efficient hazard and risk assessment helping the local and national governments in disaster management,” ayon kay Cahulogan.

Makatutulong umano ang nasabing app lalo sa gobyerno para matukoy kung ano ang kailangang gawin sa harap na rin ng banta ng tsunami.

 

Read More

TEMPLATE NG MATIBAY NA BAHAY VS LINDOL, HILING SA LGUs, DPWH

0

(NI ABBY MENDOZA)

HINIMOK ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) Director Renato Solidum ang Local Government Units(LGUs) at Departnent of Public Works and Highways (DPWH) na gumawa ng mga template na maaaring gayahin ng mga nagpapagawa ng bahay para masiguro na kakayanin ng itatayong bahay ang malalakas na lindol.

Ayon kay Solidum, mahal ang serbisyo ng mga engineer kaya kalimitan, ang mga nagtitipid ay hindi na kumukuha ng engineers sa kanilang pagpapagawa ng bahay kaya ang resulta ay hindi nakasusunodsa Building Code.

Ani Solidum, kung nakasunod lamang sa itinatakda ng Building Code ang mga ipinatayong mga bahay ay kakayanin nito kahit ang Intensity 8 subalit nakalulungkot na maraming bahay kahit bagong gawa pa lamang ang nasisira sa lindol gaya ng nangyari sa 3 magkakasunod na pagyanig sa Mindanao na 36,000 structures ang nasira.

“Many residents cannot afford to pay engineers to ensure that their homes follow the Building code. Baka naman puwede na ang local government pati mga professional engineering society at DPWH, gumawa ng mga disenyo ng mga ordinaryong bahay na mapagpipilian ng ating mga kababayan, na may kasamang listahan ng mga materyales. Para sa mga di maka-afford ng engineers, gagayahin na lang nila iyong design na iyon at masgurado po tayong magiging mas matibay,” paliwanag ni Solidum.

Hindi umano maiiwasan ang lindol kaya para mabawasan ang pagkasira ng mga bahay ay dapat na gawin itong matibay at malaki ang maitutulong ng gobyerno para maisagawa ito.

Kaugnay nito, muling inulit ng Phivolcs na walang nakaka-predict kung kailan at anong oras may magaganap na lindol.

Ang paglililinaw ay ginawa ng Phivolcs kasunud na rin ng naglalabasan sa social media na magaganap na ang pinangangambahang The Big One kasunod ng nangyaring magkakasunud na lindol sa Mindanao.

 

Read More