APPOINTMENT NI PIÑOL TINANGGAP NA NI MURAD

pinol22

(NI BONG PAULO)

TINANGGAP ni BARMM interim chief Al Hajj Ebrahim Murad ang appointment ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority (MinDA).

Sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay matapos ang kanilang pulong ni Murad.

Sa ngayon, ayon sa Presidente, inaayos na lamang nila ni Murad ang paglilipat ni Piñol.

Naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Piñol dahil sa Mindano ito ipinanganak at lumaki, naging magsasaka at naging gubernador din ng North Cotabato.

Sinabi naman ni Murad na welcome sa kanila ang pagtatalaga kay Piñol basta sa paraan lamang na itinakda ng Pangulo ang magiging papel nito bilang extension ng kanyang supervisory work ni Duterte.

Samantala, magandang balita para sa 80 mga opisyal at mga mangagagawa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao  (BARMM) dahil matatanggap na nila ang kanilang suweldo.

Isa kasi ito sa mga tinalakay nina Pangulong Duterte at BARMM interim chief minister Al Haj Murad Ibrahim sa kanilang pulong sa Malacañang kagabi.

Kabilang sa ilalabas na pondo ng gobyerno ang P59-69 million para sa kabuuang anim na buwang sahod ng mga taga-BARMM.

Nabatid na naantala ang pagpapasahod sa mga opisyal ng BARMM mula nang magsimula silang magtrabaho nitong Pebrero ngayong taon.

Ito’y dahil hindi pa kasali sa naipasang 2019 national budget ang pondo para rito at ang pina-iikot lamang nilang budget ay mula sa natirang pondo ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Please follow and like us:
Read More

PAG-UPO NI PINOL SA MINDA DEPENDE KAY MURAD

MURAD EBRAHIM12

(NI CHRISTIAN DALE)

DEPENDE sa magiging desisyon ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim ang posibleng pag-upo ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority(MinDA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang dahilan kaya inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Huwebes ng gabi na kakausapin niya muna si Ebrahim bago iupo si Piñol.

Kailangan aniyang makuha muna ang pulso ng BARMM dahil mahalagang may kumpiyansa at tiwala ang mga ito sa opisyal na tutulong sa pagpapaangat sa Mindanao.

“Kausapin muna ng Presidente si Murad, kasi baka naman hindi pumayag, eh kung hindi pumayag, ‘di hindi naman siya siyempre aalis,” ayon kay Sec. Panelo.

Aniya, bahagyang bumagal ang isinusulong na mga programa sa Mindanao matapos pumanaw ang dating pinuno ng MinDA na si Datu Abul Khayr Dangcal Alonto.

Kamakailan ay nagsumite na ng kanyang courtesy resignation si Piñol kay Pangulong Duterte noong Huwebes at hinihintay na lamang na magkausap ang Presidente at si Murad para magsimula ang kalihim sa bagong trabaho.

Please follow and like us:
Read More

WALANG AFRICAN SWINE FEVER SA PINAS – DA

dasec12

(NI JEDI PIA REYES)

TINIYAK ni Agriculture Secretary Manny Pinol na walang nakalusot na ano mang karne ng baboy na mayroong African Swine Fever (ASF)  at ligtas ang bansa sa nasabing virus.

Ayon sa kalihim, naging mahigpit ang pagpasok ng mga produktong baboy sa Pilipinas simula nang pumutok ang problema.

Gayunman, sinabi ng Kalihim na kailangan pa ring tutukan ang posibleng pagpasok ng virus sa pamamagitan ng pag-aangkat ng baboy at processed pork products.

Nauna nang ipinagbawal ang pag-aangkat ng baboy mula sa Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.

Hihilingin naman ni Pinol kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng pondo para sa pagbili ng mga x-ray machine na gagamitin sa pagsuri ng meat products mula sa ibang bansa.

Sinabi ni Pinol na gagamitin ang mga x-ray machine sa iba’t-ibang paliparan para matiyak na walang makalulusot na mga produktong kontaminado ng ASF.

Hinimok naman ng Kalihim ang mga local hog raiser na samantalahin ang pagkakataon para makabenta ng mas maraming produkto.

Dapat aniyang mag-alaga pa ng maraming baboy para makabenta sa harap ng krisis sa importasyon ng suplay nito.

Kinakailangan din umano na mas paramihin ang pananim para maipakain sa mga alagang baboy.

Please follow and like us:
Read More

RICE INDUSTRY PAPATAYIN NI DIOKNO; DA PUMALAG

bigas

(NI BERNARD TAGUINOD)

IGINIIT ni  Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na maituturing na death trap ang suhestiyon ni Budget Secretary Benjamin Diokno na iwanan na ng mga magsasaka ang pagtatanim ng palay at sa halip ay mga high value crops gaya ng abaca, cacao, cassava, coffee, oil palm at rubber ang itanim.

Ayon kay Pinol hindi maaring iasa na lahat sa importasyon ang pangangailangan ng bansa sa bigas.

“It is as certain as the sun will rise tomorrow that 10 years from now, Vietnam, Thailand, Cambodia, Myanmar, Pakistan and India will no longer be able to export the same volume of rice that they ship out today. They have to feed their growing population as well.The policy to just rely on imported rice and ask our rice farmers to diversify to other crops is a death trap.

Papatayin din umano ang rice industry kung susundin ng gobyerno ang kagustuhan ni Diokno.

“It is a shortsighted view which will kill the rice industry and drive away farmers from the rice fields,” paliwanag ni Pinol.

Katwiran ni  Diokno sa halip na bigas ay mga crops na malaki ang potensyal sa export market ang syang tutukan na itanim ng mga magsasaka.

Please follow and like us:
Read More