2 SWIMMING INSTRUCTORS SA PMA PINASISIBAK SA SERBISYO

0

(NI AMIHAN SABILLO)

TAPOS na ang imbestigasyon ng pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) hinggil sa pagkalunod at pagkamatay ni Cadet 4CL Mario Telan, Jr.

Ayon sa PMA, nakitaan nila ng kapabayaan ang dalawang civilian instructors na sina Robert Bete at Antonio Catalan sa pagkamatay ni Telan.

Dahil ditto, inirekomenda ng PMA na matanggal sa serbisyo si Bete at Catalan at mapatawan ng penalties.

Maliban dito ay pinapa-forfeit din ang retirement benefits nito, papatawan pa ng perpetual disqualification from holding public office at pagbabawalan din na kumuha ng civil service examinations.

Ang ipinataw na mga parusa ay base sa Rule 10, Section 46 of Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service.

Samantala, tinitingnan na rin ang parusa para sa dalawang 4th class cadet marchers na responsable sa pag-account ng kanilang mga kaklase bago at pagkatapos ng swimming gayundin ang pinuno ng Sports and Physical Development Unit.

Nananatili namang suspendido ang swimming classes ng mga kadete sa lahat ng antas hanggang sa may mailatag na safety measures.

Tinitingnan naman ngayon ng PMA na magtalaga mula sa Philippine Navy Special Operations Group para maging bahagi ng water-borne training activities ng mga kadete.

 

Read More

TIGIL-RECRUITMENT SA PMA KINONTRA NG AFP

0

(NI AMIHAN SABILLO)

HINDI makatutulong sa Armed Forces ang panawagan ni AKO BICOL Rep. Alfredo Garbin na ipahinto ang recruitment sa mga bagong kadete ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay AFP Chief of Staff (COS) Lt. Gen. Noel Clement, kapag itinigil ang recruitment, maapektuhan nito ang kinubukasan ng AFP.

Sa PMA umano kumukuha ng bagong sundalo at opisyal na kapalit ng mga magreretiro at mga nasasawi sa digmaan. Ayon kay Clement “PMA produces the biggest bulk of the junior officers that we have. If we stop the recruitment at PMA, our future projections and our replacement for those who retired and for our casualties will be affected.”

Bagama’t hindi perpekto ang organisasyon, marami na umano ang nabago  at hindi nito kailanman ipinag-utos ang hazing o pagmamaltrato sa kapwa.

Bagama’t aminado ang AFP na may nangyayari pa ring hazing kaya naman nais nilang kumuha ng third party mula sa labas ng akademya upang maglatag ng mga rekomendasyon sa reporma o pagbabago sa PMA.

Read More

7 PMA CADET KINASUHAN NG MURDER SA DORMITORIO HAZING

0

PITONG kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang kinasuhan ng murder, hazing sa pagkamatay ni cadet Darwin Dormitorio.

Isinampa ng pamilya Dormitorio ang kaso kay Baguio City Prosecutor Erwin Sagsago, nitong Martes.

Kabilang sa kinasuhan sina PMA Cadets 3rd Class Shalimar Imperial, Felix Lumbag Jr., John Vincent Manalo, Julius Carlo Tadena and Rey David John Volante, Cadet 2nd Class Christian Zacarias, at Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao.

Kasama ring kinasuhan sina tactical officers Maj. Rex Bolo and Capt. Jeffrey Batistiana, at mga doctor na sina Col. Cesar Candelaria, Capt. Apple Apostol at Maj. Ofelia Beloy.

Pinagpaplanuhan din ng pamilya Dormitorio kung isasama sina dating commandant of cadets Brig. Gen. Bartolome Bacarro sa kakasuhan pa.

Si Dormitorio, 20, ay namatay noong Setyembre 18 matapos ang pagpapahirap ng kanyang upperclassmen.

Dalawang beses itong naospital bago namatay dahil sa hazing.

Read More

PHYSICAL EXAM RESULTS NG PMA CADETS:  ILAN MAY BAKAS NG HAZING

0

(NI AMIHAN SABILLO)

ILAN pang mga kadete ng PMA ang natagpuang may indikasyon ng ‘maltreatment’.

Ito ang ibinunyag ni PMA Commandant of Cadets Bgen Romeo Brawner, matapos makumpleto ang physical examination ng mga kadete.

Pero, hindi naman ibinunyag ni Brawner ang bilang ng mga kadeteng nakitaan ng mga pasa sa katawan, pero tiniyak ng opisyal na nasa ligtas na kalagayan ang lahat ng mga kadete.

Matatandaan na ipinag-utos ni  Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagsasailalim sa medical exam ng lahat ng mga plebo kasunod ng pagkammatay ni Cdt 4cl Darwin Dormitorio at pagkakaospital ng tatlong iba pa dahil sa  ‘maltreatment’.

Ayon kay Brawner, nakausap na rin nila ang mga kadeteng nakitaan ng ebidensya ng pananakit at itinuro ng mga ito ang mga upperclassmen na responsable.

Hindi rin binanggit ni Brawner kung ilan pang upperclassmen, bukod sa mga kasalukuyan nang nasa stockade dahil sa pagkamatay ni Dormitorio ang natukoy nila, pero sinabi ng opisyal na inilagay na rin nila sa holding area ang mga ito.

Tiniyak naman ni Brawner na mabibigyan ng “due process at sasailalim sa kaukulang imbestigasyon ang mga upperclassmen na responsable sa mga panibagong kaso ng  ‘maltreatment’  sa PMA.

BAGONG PMA SUPT. UMUPO NA

Umupo na bilang bagong Superintendent ng Philippine Military Academy si Rear Admiral Cusi.

Si Cusi ang pumalit kay Lt Gen Ronnie Evangelista, makaraang magbitiw sa puwesto matapos ang pagkamatay ni Dormitorio habang nasa akademya.

Isinagawa ang change of command ceremony sa Fort Gregorio De Pilar sa Baguio City kahapon na dinaluhan mismo ni AFP  Chief of Staff Lt Gen Noel Clement

Si Cusi ay miyembro ng PMA’s Sinagtala Class of 1986 na dating vice commander ng  Philippine Navy, matatandaang sa pagbitiw sa  pwesto ni Evangelista nagbitiw rin sa kanyang posisyon si Brig Gen Bartolome Bacarrom, bilang PMA Commandant of Cadets.

Ipinalit kay Bacarro si Brig Gen Romeo Brawner na dating nakatalaga sa 103rd infantry Brigade bilang commander, Ang pagbitiw  ng dalawa sa pwesto ay sa harap ng patuloy na imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay sa hazing ni Dormitorio na ayon sa PNP ay planado ang pagpapahirap at pagpatay sa kadete.

Samantala, nagpasalanat naman si Lt Gen Evangelista kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at dating AFP Chief of staff Gen Benjamin Madrigal sa pagtatalaga sa kanya sa pwesto, Inisa isa nito ang mga programa sa PMA na nakakatulong para sa mga kadete para mahubog bilang mga susunod na lider ng AFP.

Sinabi pa ni Evangelista na naging ang mga pagbabago sa pasilidad ng akademya, ang pagkakatalaga nya sa PMA ay ang pinakamagandang panahon sa kanya para pagsilbilhan ang PMA.

Sinabi naman ni PMA Supt Allan Cusi, na hindi nya  nakalilimutan ang payo ng kanyang ina noong sya ay tactical officer ng PMA Cadet Corps noong taong 1994.

Importante, ayon kay Cusi, ay ang Character Development kasabay ng pagpapaunlad intellectually, dapat na maging huwaran ang bawat kadete Kaya panahon na umano na palitan ang culture na entitlement ng pagiging mapagkumbaba.

Read More

IKA-7 SUSPEK SA DORMITORIO HAZING, TUKOY NA

0

(NI JG TUMBADO)

NATUKOY na rin ng Baguio City Police Office (BCPO) ang pagkakakilanlan ng ika-pitong suspek sa hazing at pagpatay kay Philippine Military Academy Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Ayon kay Baguio City chief of police Colonel Allen Rae Co, inihahanda na nila ang mga kasong paglabag sa Anti-Hazing Law at murder laban sa suspek.

Sinabi ni Co na ang huling suspek ay hindi sangkot sa pananakit kay Dormitorio noong Setyembre 17 ngunit kasama sa mga naunang insidente ng hazing sa kadete.

Una nang nakaranas ng pangmamaltrato si Dormitorio mula sa kanyang upperclassmen na ikinasawi nito noong Setyembre 18.

Naospital pa muna si Dormitorio noong Agosto 20 hanggang 27 matapos ireklamo ang pananakit ng tiyan at dibdib.

Read More

NAIWALANG COMBAT BOOTS DAHILAN NG HAZING NI DORMITORIO

0

(NI AMIHAN SABILLO)

NAIWALA umano ang combat boots si 4th Class Cadet Darwin Dormitorio kaya minaltrato at napatay ng kanyang kapwa mga kadete sa Philippine Military Academy(PMA).

Ito ang lumabas sa imbestigasyon na isinagawa ni Baguio City Chief of Police Police Col. Allen Rae, sinabi na ipinatago ni Cadet Axl Rey Sanupao ang  kanyang combat boots kay Dormitorio pero naiwala ito ng kadete.

Naging sanhi umano ito kung bakit minaltrato nina 3rd Class Cadet Shalimar Imperial, at 3rd Class Cadet Felix Lumbag si Dormitorio dahilan ng pagkamatay nito.

Una nang kinumpirma ni PNP Cordillera  Administrative Region Regional Director Brig Gen Epharim Israel Dickson na tatlong beses nabugbog sa PMA Si Dormitorio.

Ang pinakahuling insidente ng pagmamaltrato kay Dormitorio, ayon kay Col. Rae, ay nitong Sept 17.

Sa imbestigasyon, natukoy ng PNP na kamay at paa lang umano ang ginamit sa pambubogbog.

Inihahanda pa lamang ng PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti Hazing law laban sa mga kadeteng may direktang partisipasyon sa pangmamaltrato kay Dormitorio dahilan ng pagkamatay nito.

Read More

PMA CHIEF NAGBITIW SA GITNA NG HAZING PROBE

0

(NI AMIHAN SABILLO)

DAHIL sa ‘command responsibility’, bumaba sa tungkulin si Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lieutenant General Ronnie Evangelista ngayong Martes, kasunod ng pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Inihayag ni Evangelista ang kanyang pagbibitiw sa harap ni Commandant of Cadets Brigadier General Bartolome Vicente Bacarrro, sa agarang press conference sa Fort del Pilar sa Baguio City.

“Tapos na ang mga administrative and criminal case gayundin ang prosecution procedures. The last act that this great military institution demands is for the leadership to take responsibility over what happened. In the military tradition of command responsibility, it is now the proper time for me, as the head of the institution, along with the Commandant of Cadets, to relinquish our respective positions,” sabi ni Evangelista.

Nagtapos noong 1986 sa PMA, kasama si Evangelista sa Special Forces ng Army at dating namuno sa Special Operations Command ng armed forces. Bilang battalion commander, nanguna rin si Evangelista sa counter-terrorist Light Reaction Brigade na nagsagawa ng operasyon sa Mindanao.

4 KADETE SIBAK DIN

Pinangalanan na ng Philippine Military Academy (PMA) ang pangalan ng mga kadeteng sangkot sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio

Tanggal bilang mga kadete sina Cdt 3rd Class Shalimar Imperial at Cdt 3rd Class Felix Lumbag dahil sila’y may direktang partisipasyon sa pagkamatay ni Dormitorio, habang si Cadet 1st Class Axl Rey Sanupao dahil pagkunsinte nito sa ginawang pangmamaltrato nila Imperial at Lumbag kay Dormitorio habang si Cadet 2nd Class Nickoel Termil naman ay tatanggalin dahil sa Command Responsibility.

Habang papatawan naman ng suspensyon ang Platoon Leader na si Cadet 1st  Class Irvin Sayud at ang Commanding Officer na si Cadet 1st Class Elbert Lucas habang paparusahan dahil sa Class 1 Offense ang Floor Inspector na si Cadet 1st Class Christian Correa

Matatandaan na una ng Squad Leader na si Maj. Rex Bolo at ang Tactical Officer na si Capt. Jeffrey Batistiana at sabit din sa kaso ang Commanding Officer ng PMA Station Hospital na si Col. Cesar Candelaria at Attending Physician na si Cap. Fort Apostol.

Inihayag naman ni Lt/Gen. Ronnie Evangelista na dahil naisampa na ang mga kasong kriminal at administratibo sa mga suspek sa ginawang hazing kay 4th class Darwin Dormitorio kaya’t minabuti niyang maghain na ng resignation

Pagbibitiw sa pwesto ni PMA Supt. Ronnie Evangelista at PMA Commandant of Cadets Brig. Gen Bartolome Bacarro, tinangggap na ng pamunuan ng AFP

PAGBITIW NI EVANGELISTA TANGGAP NG AFP

Tinanggap na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Ang pagbibitiw sa pwesto ng dalawang  mataas na opisyal ng Philippine Military Academy.

kinumpirma ni AFP Spokesman Marine BGen Edgard Arevalo na tinanggap na ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal ang resignation paper ni PMA Supt. Lt Gen Ronnie Evangelista at PMA Commandant of Cadets  na si Brig Gen Bartolome Bacarro.

Sinabi ni Arevalo, nagbitiw ang dalawa  para bigyang daan ang patas na imbestigasyon dahil naisampa na ang mga kasong kriminal at administratibo sa mga suspek sa ginawang hazing kay 4th class Darwin Dormitorio.

Sa ngayon, wala pang napapangalanang papalit para sa nabakanteng posisyon ng dalawa.

Read More

‘DI LANG 3 ANG SANGKOT SA HAZING– PAMILYA DORMITORIO

0

(NI KIKO CUETO)

HINDI kumbinsido ang pamilya ng napatay sa hazing na si Darwin Dormitorio na tatlo lang ang sangkot sa pagkamatay nito sa loob ng Philippine Military Academy (PMA).

“Kami ng tatay ko, hindi kami convinced na ‘yung tatlo lang ang may hand dito,” sabi ng kapatid ni Darwin na si Dexter sa panayam sa DZBB.

“Definitely siguro may iba pang involved na mga kadete, hindi lang namin ma-conclude. Sa amin lang parang ang hirap paniwalaan, dalawang tao tsaka isang senior magagawa talaga ‘yun?” dagdag nito.

Kwento ni Dexter, na siyang nagsisilbing tagapagsalita ng pamilya, nakita nila ng personal ang mga suspek.

Hindi man nagsalita ng sorry, naniniwala si Dexter na nagsisisi ang mga suspek.

“Medyo may remorse sa mukha nila,” sinabi nito, sabay pag-amin na siya at ang kanyang ama na PMA graduate, ay hindi sinugod ang mga suspek.

“Tinignan lang namin sila ng tatay ko. Sabi ng tatay ko, balita ko hindi kayo na-haze dati. Hindi kayo marunong mag-haze, ano? Nakayuko lang sila,” sinabi ni Dexter na sinabi umano ng tatay nila.

Sinabi rin ni Dexter na sinabi ng kanilang ama kay Darwin na may kakaharapin siya na paghihirap bilang PMA cadet.

“Aware na aware naman yung kapatid ko kasi pinrangka siya ng tatay ko na ganito yung nangyayari diyan sa loob,” sinabi nito.

Pero inamin ni Dexter na hindi nila inakala na mangyayari ang araw-araw na pambubugbog.

“Hindi lang po napaghandan at di namin na-foresee eh yung araw-araw na mabubugbog siya,” sinabi nito.

Sinabi ni Dexter na ang 20-taong gulang niyang kapatid ay kinuryente rin , base sa autopsy findings.

 

 

Read More

LIFE SENTENCE SA PMA CADETS SA HAZING, ISINUSULONG

ping lacson 12
0

(NI NOEL ABUEL)

NAHAHARAP sa parusang habambuhay na pagkabilanggo ang mga kadete ng Philippine Military Acedemy (PMA) na isinasangkot sa pagmakamatay ng isang kadete dahil sa hazing.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan isa nang capital punishment ang hazing na isang heinous crime at hindi na iba sa kasalukuyan dahil sa marami na aniyang batas na naipasa at ang pinakahuli rito ay ang Atio Castillo hazing case.

“Hazing is as old as discipline itself because weapon yang ginagamit. Over time dapat meron nang ibang naging creative na ang kadete dahil with the passing of time, marami nang mga batas na naipasa ang latest ang amendment dahil sa Atio Castillo hazing case. So ‘yung mga kadete involved, they never learn because iba na ang situation. During our time, when you are caught hazing, ang punishment is dismissal or suspension. Meaning, you get turned back and join the class following or succeeding the class. But now it’s different, it carries capital punishment,” paliwanag nito.

“Kaya while it is tragic that 4th Class Cadet Dormitorio is now dead because of hazing, I cannot feel but pity those who are involved in the hazing of 4th Class Cadet Dormitorio simply because hindi na lang administrative ang sanctions na haharapin nila, kundi they face a potential imprisonment of 40 years. And these people, the upper class cadets, are now at the prime of their lives, so mga early 20s or not even 20-year-olds. But then they face the possibility of spending the rest of their lives in prison,” dagdag pa nito.

Giit pa ni Lacson na ang hazing ay bahagi ng disciplinary mechanism subalit dahil sa pagbabago ng panahon ay dapat na nakapag-adjust na ang mga kadete na hindi na ito dapat pang mangyari pa.

“Sabi ko nga, ang hazing is part of the disciplinary mechanism. But times have changed and the cadets should be able to innovate. Dapat sila they go with the flow, hindi na pwede ang hazing and they should avoid physical contacts. Because may exception naman sa amendment sa hazing law na ginawa namin, ang military and police training may exceptions doon. If you require your trainees to undergo some physical exercises, di kasama ‘yan as long as it is within the guidelines ng SND or Napolcom. Pero physical contact is really a violation of the hazing law,” ayon pa kay Lacson.

 

Read More