4 KADETE NG PNPA KINASUHAN SA HAZING

0

(NI ROSS CORTEZ)

PORMAL nang sinampahan ng kaso ang apat na kadete ng Phil National Police Academy, Camp Mariano Castaneda sa Silang Cavite, na sangkot sa hazing noong Oktubre batay sa inihaing reklamo ng 19-anyos na si Cadet 4th Class John Rafael Desiderio

Ayon sa pahayag ni Police Major Resty Soriano, hepe ng Silang Municipal Police Station, sinampahan nila ng kasong paglabag sa Section 2 (a) ng Republic Act 11053 o mas bilang Anti Hazing Law, ang mga suspek na sina Cdt. 3rd class Jovan Sernat, Cdt. 2nd class CLARENCE CABUCOS, Cdt. 3rd class Arron Dahryl Villanueva at Cdt. 3rd class Paul Birusng, sa sala ni Assistant Provincial Prosecutor Emmanuel Rivera  sa Office of the Provincial Prosecutor, Imus City, Cavite

Kasalukuyan umanong nasa restrictive custody ngayon ng PNPA ang apat na kadeteng suspek habang naghihintay sa proseso ng kasong isinampa kahapon laban sa kanila

Ang PNPA umano ang hahawak sa kasong Administratibo ng mga suspek, habang may kaugnayan naman sa kasong kriminal (hazing) ang isinampang reklamo ng  Silang MPS

Magugunitang nag-ugat ang kaso, matapos magkaroon ng internal bleeding ang biktima na may kaugnayan sa ginawa ng apat na suspek sa kanya.

 

Read More

5 KADETE SA PNPA HAZING MASISIBAK

0

(NI AMIHAN SABILLO)

HINDI malayong mapatalsik nang tuluyan sa Philippine National Police Academy ang limang kadete na sangkot umano sa pambubog sa kapwa nila kadete.

Ito ang Inihayag ni  PNPA spokesperson Police Lieutenant Colonel Byron Allatog, nang alamin ang itinatakbo ng imbestigasyon sa limang kadete na upperclassmen ng biktimang si Cadet 4th  Class John Desiderio.

Sinabi pa nito na sa loob ng 20-araw ay inaasahang lalabas ang resolusyon sa kaso at mayroong posibilidad na ang limang kadete ay masibak sa PNPA, depende sa magiging ‘appreciation’ ng summary hearing officer.

Isiniwalat din nito na maliban umano sa kasong administratibo, inihahanda na rin ang kasong kriminal para sa limang kadete habang hinihintay pa ang resulta ng medico-legal report ni Desiderio.

Sa ngayon, nanatiling naka-isolate ang mga kadete habang patuloy naman nagpapagaling si Desiderio.

Noong nakaraang buwan ay isinugod sa ospital si Desiderio matapos dumaing ng pananakit ng tyan dahil sa pisikal na pang aabuso.

Read More

HAZING SA PNPA MAIIWASAN NA

albayalde
0

(NI AMIHAN SABILLO)

OPTIMISTIKO si National Police Chief Police General Oscar Albayalde na maiiwasan na ang hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA) na ngayon ay nasa ilalim na ng pamamahala ng Philippine National Police (PNP) .

Ito ang inihayag ni Albayalde pagkatapos pormal na i-turn over Lunes ng umaga sa PNP ang PNPA mula sa Philippine Public Safety Colleges.

Sinabi pa ng hepe ng pulisya na ngayong May direktang control ang PNP, magiging mas mahigpit na sa mga pribilehiyo at parusa sa mga kadeteng gumagawa ng labag sa batas.

Pero, aminado si Albayalde na nakaranas siya ng hazing noong panahon niya sa PMA, ang hazing umano ay ipinagbabawal na ngayon ng batas, kaya kailangan magbago ang kultura ng mga kadete.

Paalala ng PNP Chief, ang mga kadete sa PNPA ang mga future leaders ng PNP na magpapatupad ng batas, kaya kailangang matuto silang sumunod dito.

Ang huling insidente ng hazing sa PNPA noong Oktubre 6 ng nakaraang taon ay nagresulta sa pagkakasibak ng tatlong  kadete matapos pilitin ng mga ito ang dalawang nakababatang kadete na mag-oral sex habang pinapanood nila.

 

Read More

PNPA ISINAILALIM NA SA PNP

pnpa12
0

(NI BETH JULIAN)

GANAP  nang batas ang itinutulak na ilagay sa ilalim ng pamamahala ng PNP ang PNPA.

Ito ay matapos nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11279 na nag-uutos na ilipat na sa PNP ang PNPA mula sa dating pamamalakad ng Philippine Public Safety College.

Kasama rin sa inilipat sa pangangalaga ng PNP ang National Police Training Institute.

Layon ng batas na makamit ang mas mataas na batas ng pagiging epektibo na police force.

Ang PNPA ay direktang mapasasailalim ng administrative at operational supervision at control ng PNP chief.

Nakasaad din sa nasabing batas na pamumunuan ang PNPA ng isang director na may ranggong Police Major General at aasistehan ng one star rank official o ng isang Brigidier General habang required din sa batas ang isang Brigidier General na magsilbi ding Dean of Academics at Commandant.

Kaugnay nito, inoobliga ang Chief PNP na magsumite ng revised table of organization at staffing pattern ng PNPA, 120 araw matapos ang effectivity ng RA 11279.

Ang PNPA ang tinaguriang premier institution na humuhubog ng mga magiging pinuno at mangunguna sa Pambansang Pulisya kabilang na ang  chief PNP.

Read More