KAMARA NASAKTAN SA ‘PORK ISSUE’ SA 2020 BUDGET

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG nasaktan ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa alegasyon na mayroon pa ring pork barrel sa niratipikahang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion.

“Attempts to label the 2020 budget pork-ridden by constantly redefining ‘pork’ is unfair and misleading,” pahayag ni House appropriation committee chair Isidro Ungab.

May hinala si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang  P83 Billion ang halaga flood control funds sa 2020 national ay pork barrel dahil hindi nakadetalye kung saan ito gagamitin.

“In compliance with the express instructions of the President, the 2020 GAB contains no pork, no last-minute insertions and no parked funds. The budget process was undertaken with utmost transparency,” ani Ungab.

Inamin ng mambabatas na nagkaroon ng pagbabago sa orihinal na General Appropriations Bill (GAB) subalit nakalinya ito sa prayoridad ng Pangulo at base na rin sa rekomendasyon ng mga Cabinet departments at government agencies.

“Both houses ratified the budget bill. The representatives of both the Senate and House agreed on the amendments to, and  final version of, the 2020 GAB at  the bicameral conference committee,” banggit pa ni Ungab.

“The Supreme Court has already declared pork barrel funds as unconstitutional and clearly deflned what constitutes pork. The 2020 budget is pork-free,” dagdag pa nito.

 

Read More

PORK BARREL SA KAMARA GAGAMITING PONDO SA 3 GOV’T PROJECTS

0

(NI NOEL ABUEL)

MAY magagamit nang pondo para sa implementasyon ng National ID, Universal Health Care at Quality Tertiary Education sa 2020.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan kabilang sa umano’y maaaring pagkuhanan ng pondo ng tatlong maituturing na ‘landmark’ na programa ng kasalukuyang administrasyon ang pork barrel at mga duplicative projects na isiningit ng ilang kongresista sa P4.1 trillion national budget.

“The National ID system needs at least P5.565 billion in 2020 to cover the registration of some 14 million Filipinos and resident aliens. But the proposed 2020 budget presently allocates only P2.4 billion under the unprogrammed fund for it. This amount covers only 6.3 million Filipinos,” pagsisiwalat ng senador.

Sinabi pa ni Lacson na isa rin sa nakikita nitong maaaring pagkuhanan ng pondo ang National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH)

“There are many items in the 2020 budget that can be realigned for the National ID. One of them is the National Greening Program of the Department of Environment and Natural Resources,” banggit pa ni Lacson.

Mahigit 100 milyong Pinoy ang makikinabang sa national ID na tinatayang ganap na maipapatupad sa loob ng apat na taon kung aayudahan ng sapat na pondo, ani Lacson.

Read More

KAMARA VS SENADO: KAMPIHAN NA SA NABUKING NA PORK BARREL

0

(NI ABBY MENDOZA)

KAMPIHAN na ang nangyayari ngayon matapos panigan ng kapwa senador si Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pamimilit ng mga kongresista na mag-sorry ito sa mali umanong akusasyon hinggil sa bilyong insertion sa sa 2020 national budget.

Kasabay nito, pinayuhan Lacson si Capiz  2nd District Rep. Fredenil Castro na uminom ng memory enhancement pills sa gitna ng kanilang bangayan kaugnay sa isyu ng pork barrel.

Sa gitna ito ng pagpapaalala ni Lacson kay Castro sa P95 billion insertions sa 2019 budget na kinalaunan ay nai-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“No pork last year? Cong. Castro should take some memory enhancement pills,” saad ni Lacson.

“He forgets that he and his co-conspirators in the House had illegally inserted P95B in the 2019 national budget which the President vetoed as recommended by the Senate,” dagdag pa ng senador.

Binanatan din ni Lacson si Cong. Mike Defensor sa panukalang bawasan ng pondo ang Senado sa kabiguang madisiplina ang senador.

“He can dream on. It takes years to consistently study and learn how the national budget works. If he will start doing it only now, his term will outlive his learning curve,” giit ni Lacson.

Hindi rin naman napigilan ang iba pang senador na magkomento sa mga patutsada ng mga kongresista laban sa Senado.

“Why will we discipline our members? I’m not aware of any violation of any of our members. We do not interfere with their internal business so i expect them not to interfere with ours,” giit ni Senate President Tito Sotto.

“I don’t want to waste my time on such inane ideas,” sagot naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Read More

PING ‘KINUYOG’ SA KAMARA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI lang sinopla kundi binakbakan pa sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Sen. Panfilo “Ping” Lacson matapos akusahan na mayroong pork barrel ang 2020 national budget na ipinasa ng mga kongresista.

Sa kanyang privilege speech nitong Miyerkoles, hindi pinaglagpas ni Capiz Rep. Fred Castro ang panibagong alegasyon ni Lacson gayong hindi pa umano nababasa ng senador ang kahit isang pahina ng General Appropriation Bill (GAB).

Ayon kay Castro, nagsakripisyo nang husto ang mga kongresista sa pagpapatibay sa national budget  “…(but) here comes the recless, irresponsible and imprudent accusation of o misguided member (of congress)…” ani Castro.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos akusahan ni Lacson ang Kamara na tinangkang bigyan ng tig-P1.5 Billion ang 22 deputy speakers at P700 million ang bawat mambabatas.

“There is no truth to this pork barrel. Everybody knows that there is no truth to this and any allegation of pork barrel as inserted in the General Appropriations bill is nothing but a concoction or imaginary, if not fictionalized,” ani Castro.

HUMINGI KA NG APOLOGY KA– SOLONS KAY LACSON

Dahil dito, sinabi ni Castro na kailangang humingi ng apology si Lacson sa mga kongresista dahil sinisiraan umano nito ang imahe ng bawat mambabatas at maging ang institusyon.

“And in order to confirm that indeed he is a soldier, Sen Lacson could be sensible enough to realize what he has done and what he has damaged this institution by extending an apology, a sincere apology to this institution and to all members of this House of Representatives,” ani Castro.

“I still respect Senator Lacson but that respect does not mean that he is exonerated from his responsibility,” ayon pa kay Castro na sinegundahan naman ni House minority leader Bievenido Abante sa kanyang iterpelasyon na dapat humingi o mag-isyu ng apology si Lacson sa Kamara.

“Senator Lacson should issue an apology to this House,” ani Abante.

Itinangi naman ni House deputy speaker Luis Raymond Villafuerte na siya ang source ni Lacson sa pork barrel issue sa  2020 national buget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion.

“I fully supported his crusade against pork in the past and continue to support him now and in the future . I however would like to emphasize and firmly deny the claim that it was my idea to add P1.5b to each deputy speaker as completely baseless and fictional,” ani Villafuerte.

Isa umano sa mga dahilan kung bakit fictional ang alegasyon ni Lacson ay ang total pork barrel na binabanggit nito na umaabot lamang sa P54 Billion gayung kung totoo ang alegasyon na nito tig-P1.5 Billion ang ibinigay sa bawat deputy speaker at tig-P700 million naman sa bawat kongresista, ay aabot ito ng P210 Billion.

“The claim and math completely out of this world . How can you even try to add that amount and even think sen Ping , the executive branch and even the public will not find out,”ayon pa kay Villafuerte.

 

Read More

LACSON KAY REP. CASTRO: IKAW ANG DAPAT MAG-SORRY 

0

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

WALANG nakikitang sapat na dahilan si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson upang humingi ng tawad sa mga kongresista dahil sa isyu ng pork.

Sa halip, bumanat pa ang senador kay Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro na nagsabing sinisira ni Lacson ang institusyon nila ng mga kongresista.

“He is the one who should apologize to the Filipino people for abusing their hard-earned tax money in all the years that he is in Congress,”   saad ni Lacson.

“His whining and howling will not deter my vigilance in performing my mandate of scrutinizing the budget measure,” dagdag ng senador.

“I was in this fight alone for a long time. Now that many like-minded colleagues in the Senate are equally committed to do the same, with more reason I should be more vigilant,” giit pa nito.

May kinalaman ang isyu sa sinasabing plano sana ng Kamara na magbigay ng P1.5 bilyong alokasyon sa bawat deputy speakers at P700 milyon sa bawat kongresista sa ilalim ng 2020 budget.

“Perhaps Senator Lacson could be sensible enough to realize what he has done and what he has damaged this institution by extending an apology, a sincere apology to this institution and to all the members of this House of Representatives,” pahayag ni Castro sa kanyang privilege speech sa Kamara.

Gayunman, sinabi ni Lacson na tiwala siya sa kanyang mga source na nagparating sa kanya sa planong malaking alokasyon.

“Sabi ko I stand by my sources. And hindi lang isang source because I make it a point na pag mayroon information na dumating sa akin, I always look for a second validating information. Kasi mahirap yung isa lang ang source,” diin ni Lacson.

 

 

Read More

P1.5B PORK BARREL PER SOLON BUBUSISIIN NA NI PING

0

(NI NOEL ABUEL)

SA KABILA ng binawi na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang sinasabing P700 milyon at P1.5 bilyon na pork barrel ng ilang kongresista ay itutuloy pa rin ng Senado ang imbestigasyon kaugnay nito.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, bubusiin pa nito ang nasabing kontrobersyl sa 2020 national budget ng Kamara kahit anong gawin ng mga kongresista dahil may hawak naman itong kopya ng National Expenditure Program (NEP).

“Yes. Madali naman ‘yan. We have also a copy of the NEP and it is easy to juxtapose, and i-matrix mo lang ‘yan makita mo saan nagbago,” sabi ni Lacson.

“Wala na, wala na ‘yung ganoong insertions. Ngayon hindi ko alam ang sinasabi ni Rep. Salceda na P100M each. ‘Yan ang hindi malinaw because they already passed the budget on third and final reading, approved na eh. So what I cannot understand is, sa legislative process kasi, pagka-pass on second reading pa lang, ibig sabihin pasok na lahat na amendments, both committee and individual amendments. This time around, approved on third reading, wala na ‘yan, bicam na dapat ‘yan. So I cannot really understand kung bakit may small group committee, which I am trying to clarify with Rep L-Ray kasi siya ang Deputy Speaker for finance,” dagdag pa nito.

Kumpiyansa rin umano ito na posibleng i-veto muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2020 budget sa oras na may malaman itong may nakasingit ng pork barrel sa national budget.

“We’re confident. Sinabi naman niya pag nakasilip ng pork he will veto,” giit ni Lacson.

Samantala, itinanggi ni Lacson na si Deputy Speaker Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte ang source nito hinggil sa umano’y 22 Deputy Speakers ang makakatanggap ng P1.5B sa 2020 budget.

“No, no, hindi, ang naging source, hindi. Ang akala niya nga, ang lumabas kasi sa news ang nakarating sa kanya, siya ang promotor. So he was trying to explain himself, na he can swear on a stack of Bibles na hindi siya ang proponent ng tinatawag na large insertions. But sabi ko anyway water under the bridge kasi ang information, which also came from the House by the way, hindi naman ito sa labas na hindi nakakaintindi ng budget,” paliwanag ni Lacson.

 

Read More

P1.6B DAGDAG BUDGET SA DEPUTY SPEAKERS, FAKE NEWS – CAYETANO

0

(NI ABBY MENDOZA)

NILINAW ni  House Speaker Alan Peter Cayetano na walang katotohanan na ang hinihinging dagdag na P1.6 bilyon ng House leadership ay para sa budget ng may 22 deputy speakers.

Sa pagdalo ni Cayetano sa kauna-unahang General Assembly ng Congresssional Spouses Foundation Inc. (CSFI) kung saan inilunsad ng foundation ang  Pinto sa Kongreso, isang art exhibit na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga programa ng CSFI  ay sinabi nito na ‘fake news’ ang lumabas na ulat dahil hindi para sa deputy speakers ang hinihinging dagdag na pondo kundi para sa ibang adhikain.

Aniya, sa 2020 budget ay P14 bilyon ang pondo ng Kamara at ang hirit pa na P1.6 bilyon ay gugugulin para  maging pro-people ang pasilidad ng Kamara , mabigyan ng budget ang Congressional Policy and Budget Research Department at pondo para sa mga idinagdag na komite gaya ng pagdaragdag sa Senior Vice Chairmen ng Committee on Appropriations at Ways and Means.

Una nang ipinahayag ni House Committee on Accounts Chairman Abraham  Tolentino na kulang ang budget ng Kamara sa susunod na taon dahil na rin sa hindi inaasahang dagdag na gastusin dala ng pagtatalaga ng maraming deputy speakers na dati ay 14 lamang subalit sa 18th Congress ay naging 22.

“The chamber was not prepared that it will have not only additional deputy speakers, but as well more committee vice chairs especially in the Appropriations and Ways and Means panels. Hindi po tayo ang nag-prepare ng budget for 2020. Binigay na po sa atin to, printed National Expenditure Program. Hindi naman na-anticipate all those increases in the different employees and offices,” ani Tolentino.

 

Read More

P100-M BAWAT KONGRESISTA; MAKABAYAN BLOC ‘NABUKULAN’

0

(NI ABBY MENDOZA)

NANINDIGAN ang Makabayan Bloc na malinaw na pork barrel pa rin na binago lang ang termino ang P100M alokasyong ibibigay sa bawat mambabatas sa ilalim ng 2020 national budget.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate,  taliwas sa pahayag ng House Leadership na lahat ng mambabatas ay tatanggap ng tig P100M alokasyo ay hindi kasama rito ang kanilang hanay.

“Bayan Muna and Makabayan bloc representatives did not avail or partake of any so-called P100 million allocation per House member for itemized projects to be included in the 2020 national budget,” paliwanag ni Zarate.

Anim na mambabatas ang miyembro ng Makabayan Bloc, 3 mula sa Bayan Muna, habang tig iisa sa Garbiela, Kabatan Partylist at ACT Teachers.

Ani Zarate kahit ano pa mang gawing paliwanag ng House Leadership na ang alokasyon ay hindi pork barrel ay wala pa rin itong pinagkaiba,illegal pa rin itong maituturing.

“Even if it is argued that it is not contrary to the 2013 Supreme Court decision outlawing lump sum allocation and post enactment intervention of congress members, this 2020 congressional entitlement is still part of the pervasive patronage system that unfortunately marks our budget process,” paliwanag ni Zarate.

Para labanan ang katiwalian at maging tunay na independent ang Kamara ay kailangang buwagin na ang pork barrel system kahit ano pang technical definition o termino ang palabasin.

“Pork barrel pa rin ang itemized allotments basta’t nakikialam ang mga kongresista sa implementasyon tulad ng pagpili ng mga benipisiyaryo at contractor,” giit nito.

Una nang inamin ni Albay Rep. Joey Salceda na tatanggap ng P100M ang mga mambabatas sa ilalim ny P4.1T 2020 budget, P70M ay mapupunta sa infrastructure projects habang P30 million ay sa soft projects gaya ng medical assistance.

Ang mga mambabatas umano ang humiling dito sa Executive Branch na syang naghanda ng budget.

Nanindigan ito na hindi pork ang nasabing pondo, kailangan umano ang ganitong projects lalo at may mga programa sa bawat distrito na kailangang pondohan.

Depensa nito, pork-free ang 2020 national budget.

 

Read More

P1.79-B ‘HANGING PORK’ NG DPWH NASILIP SA KAMARA

0

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG dati ay pina-park (parking) ang pork barrel, ngayon ay mayroon nang tinatawag na ‘hanging pork’ na nagkakahalaga umano ng P1.79 Billion  sa budget ng Department of Public Works and Highway (DPWH).

Natuklasan ito ng Mabakayan bloc sa Kamara nang busisiin ang  P533, 496,624,000 budget ng DPWH sa susunod na taon kasabay ng pagsisimula ng debate sa plenaryo sa Kamara sa P4.1 Trillion pondo ng gobyerno.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, idineklara ng DPWH na P183,859,666,000 ang regional allocation para sa mga proyektong gagawin sa susunod na taon sa mga lahat ng rehiyon sa bansa.

Gayunman, nang sumahin ang halagang inilaan sa bawat rehiyon, lumalabas na umaabot ito sa P185, 653, 922,000 o may discrepancy na P1.79 Billion.

“This P1.79 billion ‘hanging pork’ could’ve been enough to build public hospitals, schools, and decent housing for the poor. But the DBM left it without any item under DPWH at the pleasure of the agency,” ani Brosas.

Dahil dito, humihingi ng paliwanag si Brosas sa DPWH kung saan gagamitin ang sobrang P1.79 Billion at kung sino ang makikinabang sa halagang ito dahil pera ito ng taumbayan kaya karapatan nilang malaman kung saan gagamitin ang kanilang buwis.

Naniniwala rin ang mambabatas na posibleng ito rin ang dahilan kung bakit winithdraw ang House Bill (HB) 4228 o General Appropriations Bill (GAB) noong nakaraang linggo subalit matapos ang pag-uusap ng liderato ng Kamara ay binawi ang iniatras na panukala.

“As the House of Representatives moves forward to the budget plenary debates, we call on the public to be more vigilant in keepin an eye on the persistence of pork barrel funds in various forms in the national budget,” ayon pa sa mambabatas.

 

Read More