POWER INTERRUPTION

brownout121
0

(NI KEVIN COLLANTES)

NAGPAABISO ang Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa power interruptions o pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente na mararanasan sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ngayong Linggo.

Batay sa advisory, sinabi ng Meralco na ang power interruptions ay nakatakdang ipatupad sa mga araw ng Setyembre 3, 4, 5 at 8, dahil  na rin nang isasagawa nilang mga maintenance works o pagkukumpuni.

Kabilang sa maaapektuhan ng power interruptions ay ang area ng Tondo, Maynila, sa pagitan ng 10 AM at 4PM ng Set. 3, dahil sa pagpapalit ng poste sa Tindalo Street.

Sa Alabang Muntinlupa City, may power interruption sa pagitan ng 9AM at 9:30AM at pagitan ng 4:30PM at 5PM, ng Set. 5, dahil sa line reconstruction works sa loob ng Westgate Center.

Sa Bagong Ilog, Pasig City ay pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente sa pagitan ng 9AM at 3PM ng Set. 9, dahil sa pagpapalit ng poste at line reconductoring works sa Sgt. L. Pascua Street.

Inaasahang maapektuhan din ang Dasmariñas City sa Cavite, na makakaranas ng brownout, sa pagitan ng 9AM at 9:30AM at pagitan ng 3PM at 3:30PM, ng Set. 5 dahil sa repair works sa loob ng Meralco-Abubot substation, gayundin ang Trece Martirez at Naic, na magkakaroon naman ng power interruptions sa pagitan ng 2AM at 8AM ng Set. 8, dahil sa maintenance works sa loob ng Meralco–TMC 2 substation at line reconstruction works sa Governor’s Drive sa Bgy. Cabuco, Trece Martirez City.

Apektado rin ang Sta. Rosa City, Laguna na magkakaroon ng pag-upgrade sa mga pasilidad sa Metroville Subdivision, Barangay Pooc, kaya’t magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente mula 11:00PM ng Set. 4 hanggang 3AM ng Set. 5.

Humihingi naman ng paumanhin ang Meralco sa perwisyong idudulot ng kanilang mga pagkukumpuni at nilinaw na ito’y kanilang isinasagawa para higit pang mapaghusay ang kanilang ipinagkakaloob na serbisyo sa kanilang mga kostumer.

 

Read More

POWER INTERRUPTION

meralco121
0

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG linggong maintenance works ang ikinasang muli ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, kaya’t asahan nang maaari itong magresulta sa pansamantalang power interruption sa mga apektadong lugar.

Batay sa inisyu ng Meralco na maintenance schedule nitong Biyernes ng gabi, lumilitaw na ang maintenance works ay isasagawa simula Hulyo 15, Lunes, at magtatagal hanggang Hulyo 21 (Linggo).

kabilang sa mga apektado ang Urdaneta, at Guadalupe Nuevo sa Makati City; Barangay Potrero, Barangay Tugatog, Barangay Catmon, at Barangay Tinajeros sa Malabon; Bagong Barrio sa Caloocan City; Sta. Cruz, Tondo, Malate at Sampaloc, sa Maynila; Barangay Maybunga sa Pasig City; at Pasay City, gayundin ang Taytay, sa Rizal; Dasmariñas City, Maragondon, Naic , Ternate, Tanza, Imus, General Trias, Carmona, at Silang,  sa Cavite; Sta. Rosa City at Biñan City, sa Laguna at Sariaya sa Quezon Province.

Anang Meralco, kabilang naman sa mga nakahanay nilang maintenance works ay instalasyon ng mga pasilidad sa Apartment Ridge Road, Barangay Urdaneta, Makati City at Meralco-Imus substation; reconductoring ng primary lines sa Orense Street sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City; upgrading of facilities sa Sanciangco Street sa Barangay Catmon, Malabon City; at maintenance works sa loob ng Meralco – Malate substation.

Mayroon rin anilang installation of facilities sa West Bank Road (Floodway) sa Barangay Maybunga, Pasig City at sa Augustine Grove Subdivision, Barangay San Agustin II, Dasmariñas City, Cavite; Preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco – Puerto Azul substation at sa Meralco – Tanza substation; line reconstruction works sa Zapote Street sa Barangay Zapote, Biñan City, Laguna; at replacement of poles sa Barangay 4, Sariaya town proper, at sa Lucky Homes Subdivision, Barangay Sampaloc Santo Cristo, Sariaya, Quezon Province.

Humihingi naman ang electric company ng paumanhin sa publiko sa abalang maaaring idulot ng kanilang maintenance works.

Paliwanag nito, isinasagawa naman nila ang maintenance works upang higit pang mapahusay ang serbisyong ipinagkakaloob nila sa kanilang mga kostumer.

 

 

Read More

MERALCO MAY POWER INTERRUPTION ULIT

meralco121
0

(NI KEVIN COLLANTES)

INIANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) na ilang lugar sa Metro Manila ang inaasahang makararanas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ngayong linggo.

Ito’y bunsod na rin nang patuloy na maintenance works na isinasagawa ng naturang electric company na ang layunin ay mapagbuti pa ang pagbibigay nila ng serbisyo sa kanilang mga kostumer.

Batay sa inilabas na maintenance schedule ng Meralco, ipatutupad ang power interruptions mula Hulyo 9 hanggang Hulyo 11 sa ilang lugar sa Pasig City, Quezon City, at  Taguig City.

Nabatid na sa Pasig City, magkakaroon ng relokasyon ng mga pasilidad sa GSIS Road sa Barangay Rosario. Pasig City simula alas-11:30 ng gabi ng Hulyo 10 hanggang ala-1:00 ng madaling araw ng Hulyo 11, at inaasahang maaapektuhan nito ang bahagi ng GSIS Road mula sa Jenny’s Avenue hanggang Manggahan West Bank Road.

Dakong alas-2:30 ng madaling araw hanggang alas-4:30 naman ng madaling araw ng Hulyo 11, inaasahang isasagawa ang reconstruction ng mga pasilidad sa Country Side Avenue sa Barangay Sta. Lucia.

Samantala, sa Quezon City, magkakaroon ng replacement o pagpapalit ng mga nabubulok na poste at line reconductoring works sa Irid Street, Barangay San Martin de Porres, sa Cubao, Quezon City mula alas-11:30 ng gabi ng Hulyo 9 hanggang 4:30 ng madaling araw ng Hulyo 10.

Sa Taguig City naman, isasaayos ang humilig na poste sa Mahogany Place Subdivision Phase 1, Barangay Bambang, na inaasahang makakaapekto sa suplay ng kuryente mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa Hulyo 11 sa bahagi ng Hermosa Street mula La Habla Street, kasama ang Monterey, Cerritos at Lomita Streets.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Meralco sa abalang maaaring idulot ng kanilang maintenance works.

 

 

Read More

4-ARAW POWER INTERRUPTION NAKA-ISKEDYUL NG MERALCO

meralco12
0

(NI KEVIN COLLANTES)

MAY apat na araw na power interruption na ipatutupad ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong linggo sa ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan at Laguna, kasunod na rin nang patuloy nilang pagsasagawa ng maintenance works.

Batay sa maintenance schedule na inisyu ng Meralco, nabatid na ipatutupad ang power interruptions mula ngayong Lunes, Hulyo 1, hanggang sa Huwebes, Hulyo 4.

Sa Metro Manila, nabatid na kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng power interruptions ay ang Barangay Wack-Wack, sa Mandaluyong; Barangay Greenhills sa San Juan; Barangay Moonwalk sa Parañaque City;  Balintawak, Quezon City; at Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa Bulacan naman, maaapektuhan ang Meycauayan at Valenzuela City, gayundin ang Norzagaray at Santa Maria habang sa Laguna ay maaapektuhan ang Liliw, Los Baños, Nagcarlan, Pila, Sta. Cruz at Calamba City.

Ilan sa mga maintenance works na isasagawa ng Meralco ay line reconductoring works, pagpapalit ng mga sira at lumang poste, pag-upgrade ng mga pasilidad na apektado ng MMDA projects; pag-install ng mga poste, preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco – Dila substation at line reconstruction works.

Ayon sa Meralco, layunin ng mga pagkukumpuni na isinasagawa nila na higit pang mapaghusay ang ipinagkakaloob nilang serbisyo sa kanilang mga kostumer.

 

Read More

1-LINGGONG POWER INTERRUPTION IKINASA NG MERALCO

meralco12
0

(NI KEVIN COLLANTES)

NAGKASANG muli ng 1-week power interruptions ang Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, na dulot pa rin ng nagpapatuloy nilang maintenance works.

Batay sa maintenance schedule na inilabas ng Meralco, nabatid na ang maintenance works ay isasagawa nila simula sa Lunes, Hunyo 24 hanggang sa Linggo, Hunyo 30, na inaasahang magdudulot ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa mga apektadong lugar.

Inaasahang maapektuhan naman ng mga naturang power interruptions ang Barangay San Lorenzo sa Makati City; Sampaloc sa Maynila; at mga Barangay ng Sto. Domingo, Barangay  Sta. Teresita Lourdes, Tatalon, Damayang Lagi, Old Balara, at San Antonio, sa Quezon City, gayundin ang Barangay North Bay Boulevard, Navotas City; at Barangay Kapasigan sa Pasig City.

May maintenance works din sa Sto. Tomas, Batangas; Calamba City, Los Baños, Liliw, Nagcarlan, Pila, Sta. Cruz, Biñan sa Laguna; at Morong, Rizal.

Kabilang naman umano sa mga isasagawa ng Meralco ay pagpapalit ng mga sira at lumang poste, line reconstruction at reconductoring works, instalasyon ng mga karagdagang lightning protection device at maintenance works sa loob ng kanilang substation.

Noong nakaraang linggo, walong araw na nagpatupad ng power interruptions ang Meralco sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil rin sa kanilang maintenance works.

Nilinaw naman ng Meralco na ang kanilang ginagawang mga pagkukumpuni ay para rin sa pagpapabuti ng kanilang serbisyong ipinagkakaloob sa mga mamamayan.

 

Read More

POWER INTERRUPTION NA NAMAN NG MERALCO

meralco121
0

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGPAPATUPAD na naman ng maintenance works ang Manila Electric Company (Meralco) sa papasok na linggo, na inaasahang magreresulta sa power interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa paabiso ng Meralco, nabatid na ang maintenance schedule ay nakatakdang isagawa sa loob ng pitong araw o mula Mayo 20, Lunes, hanggang Mayo 26, Linggo.

Ayon sa Meralco, apektado nito ang Bel-Air, Guadalupe Viejo at Poblacion sa Makati;  Sampaloc at Sta. Mesa sa Maynila; Novaliches, Baesa, Cubao sa Quezon City sa Metro Manila; gayundin ang Sto. Tomas, Batangas ; Sta. Maria, San Jose del Monte City, Bulacan; Amadeo, Silang, Tagaytay City, Maragondon, Naic, Ternate at Dasmariñas City sa Cavite; Calamba City, Los Baños at Biñan sa Laguna at Tanay sa Rizal.

Kabilang naman sa maintenance works na isasagawa ay relokasyon at upgrading ng facilities; line reconstruction works; NGCP line maintenance works; poles replacement, line reconductoring works, repair works at preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco substations.

Kaugnay nito, humihingi naman ng paumanhin ang Meralco sa mga maaapektuhan ng power interruptions.

Ipinaliwanag nito na ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ay hindi dulot ng kakulangan ng suplay ng kuryente at sa halip ay dala lamang ng kanilang mga maintenance works.

Layunin din anila nito na higit pang mapaghusay ang kanilang serbisyo sa mga kostumer.

Read More

WALANG POWER INTERRUPTION PERO DAGDAG-SINGIL NAKAAMBA

meralco1
0

(NI MAC CABREROS)

TITIMBANGIN ng Manila Electric Company (Meralco) kung itutulak ng yellow alert o pagnipis sa supply ng kuryente sa Luzon grid ang singil sa kuryente.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, hindi pa nila matantiya sa ngayon kung may epekto sa singil sa kuryente ang nasabing yellow alert na  kasalukuyang nakaamba sa Luzon.

“Sa ngayon, medyo maaga pa na sabihin kung ano ang
magiging final impact sa presyo ng kuryente ngayong Abril,” pahayag Zaldarriaga.

Nabatid ng Saksi Ngayon sa Independent Electricity Market Operator of Philippines (IEMOP) na madalas tumataas ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market kapag bumaba ang supply-demand margin o  pagnipis ng produksyong kuryente kumpara sa mataas na demand o pangangailangan ng konsyumer.

Napag-alaman na kabilang sa aspetong sisilipin para
galawin ang singil sa kuryente ang system loss,  bayaring buwis at gastos sa distribusyon.

Kaugnay nito, siniguro ng Department of Energy (DOE) na hindi hahantong sa pagkawala ng kuryente ang maliit na reserba sa Luzon grid.

“Wala po tayong nakikitang power interruption base sa supply kahit may yellow alert,” pahayag Usec Felix William Fuentebella, tagapagsalita ng DOE nitong Huwebes.

Naunang hiniling ni Terry Ridon,  ng Infrawatch PH, sa administrasyong Duterte na maglatag ng karampatang hakbang upang hindi magkaroon ng ng power at water crisis sa bansa.

Nagkaisa naman ang Meralco at DoE sa pahayag na may sapat na supply ng kuryente hanggang Mayo.

 

Read More

POWER INTERRUPTION INIANUNSIYO NG MERALCO

MERALCO-1
0

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGPAPATUPAD muli ang Manila Electric Company (Meralco) ng isang linggong pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan, ngayong unang linggo ng Abril, bunsod ng ilang nakahanay na maintenance works.

Sa paabiso ng Meralco, ang power interruption ay magsisimula ngayong Abril 1, Lunes, at magtatagal hanggang sa Abril 7, Linggo.

Nabatid na kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Sampaloc, Sta.Ana at Sta. Mesa sa Maynila; Doña Imelda sa Quezon City; Bagumbong at Camarin sa Caloocan City at Manggahan sa Pasig City.

Apektado rin ang San Ildefonso, San Miguel, Norzagaray at San Jose Del Monte City sa Bulacan;  Candaba, Pampanga; at Liliw, Nagcarlan, Pila at Sta. Cruz sa Laguna.

Kasama sa isasagawa ay line reconductoring, paglilipat ng mga pasilidad, pagpapalit ng mga sira at nabubulok na poste ng kuryente, pagretiro ng mga pasilidad na apektado ng Skyway construction, line conversion works,  at iba pang maintenance works sa loob mismo ng substations ng electric company.

Kaugnay nito, humihingi naman ng pang-unawa ang Meralco sa kanilang mga kostumer dahil na rin sa abalang dulot ng kanilang maintenance works.

Matatandaang una nang nagpatupad ng power interruptions ang Meralco sa iba’t ibang lugar noong nakaraang dalawang linggo lamang dahil rin sa maintenance works.

Una naman nang nilinaw ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na hindi kakulangan sa suplay ng kuryente ang dahilan ng mga power interruptions.

Ipinaliwanag niya na isinasaayos lamang nila ang kanilang mga pasilidad at mga linya ng kuryente para na rin sa pagbibigay ng mas maayos na serbisyo sa kanilang mga kostumer.

 

Read More

POWER INTERRUPTION NG MERALCO NGAYONG LINGGO

meralco8
0

(NI KEVIN COLLANTES)

MAKARARANAS ng panibagong serye ng power interruptions ang mga kostumer ng Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, ngayong linggo dahil na rin sa nakahanay nilang maintenance work.

Batay sa abiso ng Meralco, ang power interruption ay magsisimula ngayong Marso 25, Lunes, at magtatagal hanggang sa Marso 31, Linggo.

Ayon sa Meralco, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Maynila, Quezon City, Valenzuela City, Caloocan City, Las Pinas City, Marikina City, Taguig City, at Malabon City, gayundin ang ilang lugar sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Kabilang sa isasagawa ng Meralco ay line reconductoring, paglilipat ng mga pasilidad, pagpapalit ng mga sirang poste ng kuryente at iba pa.

Una nang nagpatupad ng power interruptions ang Meralco sa iba’t ibang lugar noong nakaraang linggo lamang dahil rin sa maintenance work.

Nilinaw naman ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na hindi kakulangan sa suplay ng kuryente ang dahilan ng mga power interruptions.

Aniya, isinasaayos lamang nila ang kanilang mga pasilidad at mga linya ng kuryente para na rin sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanilang mga kostumer.

Humihingi rin naman ang Meralco ng pang-unawa sa kanilang mga kostumer dahil sa abalang idudulot ng kanilang maintenance work.

 

Read More