12 PRIORITY MEASURES NI DU30 TARGET MAIPASA SA AUG.

MARTIN12

(NI ABBY MENDOZA)

TARGET ng House Leadership na maipasa “in record time” ang mga priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, 26 ang priority measures na binanggit ni Duterte sa kanyang  State-of-the-Nation Address (SONA) at ito ang prayoridad ng Kamara.

“In compliance with the Speaker’s directive to hit the ground running, I met House Secretariat officials involved in the committee and plenary deliberations of bills already filed. We discussed ways on how to expedite the approval of pending legislative measures from the committee level to plenary,” pahayag ni Romualdez.

Unang 12 measures ang target ng Kamara at binigyang katiyakan ni Romualdez na sa unang Linggo ng buwan ng Agosto ay maisasalang na ito sa House Plenary deliberations at maaring bago matapos ang buwan ng Agosto o sa unang Linggo ng Setyembre ay maipasa na dito.

Kasama rito ang National Land Act; Department of Disaster Resilience; Coconut Levy Fund; TRABAHO bill; Alcohol taxes; Property valuation; Capital Income Tax; Mandatory ROTC para sa Grades 11 at 12; Government rightsizing bill; Energizing Micro, Small and Medium Enterprises; National Transport Act at  Nuclear Regulatory Commission.

“These measures are expected to face easy sailing in the committee deliberations as these were already approved by the House of Representatives in the 17th Congress,”dagdag pa ni Romualdez.

Paliwanag ni Romualdez na alinsunod sa  Section 48 ng House rules kapag naipasa na sa Third and final reading ang isang panukala ay nangangailangan na lamang ito ng 1 committee hearing at maaari nang isalang sa botohan.

Sa mga nabanggit ay tanging ang National Transport Act at  Nuclear Regulatory Commission ang hindi nabanggit sa 2019 SONA subalit kasama umano ito sa 2018 priority measures ng administrasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

730 RESO TINABLA NI GMA

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD)

TINABLA ni out-going House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang may 730 resolution na inihain ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang iba’t ibang isyu ng lipunan.

Ito ang nabatid kay Albay Rep. Joey Salceda, subalit epektibo umano ang ginawa ni Arroyo dahil naharap ng mga ito ang mga priority bills ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Salceda, umaabot sa 744 ang resolution na inihain sa Kamara noong 17th Congress para mag-imbestiga sa iba’t ibang isyung panlipunan ang mga kaukulang Committee.

Umaabot  lamang sa 14 aniya ang binigyan ni Arroyo ng go signal na magkaroon ng imbestigasyon kaya 730 ang tinabla ng dating Pangulo habang siya ang namumuno sa Kapulungan.

“We had 744 resolutions for inquiry in aid of legislation, ilan lang pinatulan doon, 14. So we virtually had a suspension, a moratorium on inquiries so we can focus on legislation rather than investigation,” ani Salceda.

Dahil dito, nagkaroon aniya ng sapat na panahon ang mga committee sa Kamara na maipasa ang mga panukalang batas na pawang nasa priority list ng Malacanang.

“Legislation during her time was very efficient. She removed all obstacles in the process of legislation which is a lot of inquiries. 744 inquiries, e di naubos oras namin. She removed that,” dagdag ng kongresista.

Dahil dito, sa loob lamang ng halos isang taon, naipasa ang panukalang batas na kinabibilangan ng  Organic law for the Bangsamoro Autonomous Region, Coconut Farmers & Industry Development Act, Rice Tariffication Act, Enhanced Universal Healthcare Act, Tax Amnesty Program, Revision of Constitution, National Land Use Act, Creation of Department of Disaster Resilience, End of Endo/Contractualization Act, TRAIN 2 – Trabaho Bill, Fiscal Regime for the Mining Industry, Excise Tax on Tobacco Products, Real Property Valuation and Assessment, Traffic Crisis Act, Reform in Capital Income and Financial Taxes;  Excise Tax Rates on Alcohol, Lowering of Age of Criminal Liability, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), Foreign Investments Act, Retail Trade Liberalization Amendments at  Public Service Act.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGTUTOK SA PRIORITY BILLS TINIYAK NI DU30

duterte senado

(NI BETH  JULIAN)

KUMPIYANSA ang Malacanang na mas matututukan ngayon ng mga senador ang pagtalakay sa mga nakabimbing panukalang batas na isinusulong ng administrasyong Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo makaraang pumasok sa top 12 ang mayorya ng mga senatoriables na inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Panelo, kung dati ay laging gahol sa panahon ang mga senador  para talakayin ang mga priority bill ng administrasyon, ngayon ay malaki na ang tsansa na agad itong mabibigyan pansin ng mga mambabatas.

Giit pa ni Panelo, inilatag na ni Duterte ang lahat ng programa ng gobyerno na nais nitong ipalabas kaya’t hindi na aniya magiging mahirap para sa mga bago at dati nang nakaupong senador.

Batay sa official unofficial tally ng Comelec, pawang mga kaalyadong kandidatong senador ni Duterte ang namayagpag sa Senado kung saan walo sa 12 slot ang nasungkit ng mga pro Duterte habang apat naman ay mga independent candidate.

 

Please follow and like us:
Read More