Itong huling mga linggo, marahil nabasa o narinig natin ang isyu sa mga imbestigasyon at pronouncements ng matataas na pinuno ng pamahalaan gaya ng ilang senador at mismong pangulo tungkol sa ilang pamantasan ng estado, partikular ang Polytechnic University of the Philippines (PUP). Nariyang bansagan itong recruitment site ng New People’s Army (NPA). Pinigilan din ang pagbibigay sana rito ng national university status dahil may kailangan pa itong patunayan pagdating sa ranking at performance kumpara sa iba pang pamantasan ng gobyerno (SUCs). Para sa mga taong gaya ko na kahit…
Read MoreTag: Psychtalk
ANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(HULING BAHAGI) Masalimuot nga marahil pero baka naman pwedeng pasimplehin ang pananaw sa walang kamatayang usapin sa bigas. Una, alam natin na ito ang staple food ng karamihang Filipino. Hindi man gaanong mahalaga ito para sa ilang sector na may kakayahang pumili kung ano ang mas karapat-dapat na ilaman sa sikmura nilang ‘di naman kumakalam, para sa walang gaanong karapatang pumili, ang bigas ay buhay na nila. At alam natin na ang mas nakararami na ito na kadalasan ay nasa laylayan ng lipunan ay sila rin ang mas nangangailangan ng…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Ikapitong bahagi) Sinasabi na ang usapin sa bigas ay tumutukoy sa isyu ng kakulangan nito. Ibig sabihin, hindi natutugunan ang pangangailangang konsumo ng mga mamamayang Filipino ng butil na ito. Masalimuot at mapagdedebatehan ang puntong ito. Sabi ng ilan, wala namang kakulangan dahil may supply naman, ‘yun nga lang ang halaga ng mga ito ay sobrang mataas at hindi na kinakaya ng mga nasa laylayan ng lipunan. Kaya nga’t naglabas ng variety na mura noong mga unang panahon. Pero kahit ang mumurahing variety na ito ay nakitang kinakapos pa rin.…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Ikaanim na bahagi) Hindi matapus-tapos ang usapin natin sa kontrobersiya na puting butil sa bigas. Sa iba, ito’y kaibigan. Sa iba, ito nama’y parang kaaway. Para sa mga naghihikahos, ito ang laging sentro ng hain sa hapag. Mawala na ang iba, huwag lang ito. Masarap ang ulam ng Filipino, mula sa pinakapayak hanggang sa mga pinakamagarbo basta may kanin. Oo, sa maraming Filipino, walang saysay at hindi maaaprubahan ang lasa o sarap ng isang putahe hanggang hindi ito naisasama sa mainit at magandang pagkakaluto na sinaing. Ngunit para sa ilang…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Ikalimang bahagi) Sadyang maraming pwedeng itahi sa usapin ng bigas. Ito ay dahil isa ito sa pinakamasasalimuot na usapin sa panahon natin. Kung ang isang bagay ay masalimuot ay dahil marami pang ibang usapin ang nakakabit dito. At marami ring interes na madalas ay magkakasalungat ang nakapaloob dito. Kaya’t mahabang diskusyon ito kung tutuusin. Kung ikakabit ito sa mundo ng politika sa ating bansa, masasabing ilan na ring politiko ang sumadsad ang karera dahil sa bigas. Literal na usapin ito ng buhay at kamatayan ng maraming Filipinong nasa laylayan. At…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(ikaapat na bahagi) Para sa mga Juan at Juana na nasa laylayan ng lipunan, mahalaga ang bigas. Ang pagkakaroon nito o kawalan nito ang sukatan nang nakakaagapay pa sa kahirapan o ang ganap na karukhaan. Kasi nga naman, kung may naisasaing ka pa, may maihahain pa sa hapag kahit isang bandehadong kanin, may pagsasaluhan pa ang mag-anak na kapos. Madali na lang gawan ng paraan ang ipapares dito: asin, toyo, mantika, o sitsirya–mairaraos ang isang kainan. Pihado nang may pantawid-gutom, at magkakaroon ng patuloy na lakas ang katawan kahit paano…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Ikatlong bahagi) Ang pinakamatingkad na nagpapakita ng ‘di pagkakapantay-pantay sa lipunang Filipino ay ang bigas at pagtatanim ng palay mismo. Kung may sarili kang taniman ng bigas, mapalad ka kahit ‘di man ito gaano kalaki. Kahit paano, mayroon kang sariling pagkukunan ng supply ng pamilya sa buong taon. Bongga siyempre kung mas malawak ang taniman dahil bukod sa may pantugon na sa sariling konsumo, mayroon pang matitirang pambenta para sa ibang pangagailangan. Ang kawawa ay yaong walang sariling mga taniman at nakikisaka lamang sa mga mayroon na ayaw nang mag-abala…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Ikalawang bahagi) “Magtanim ay ‘di biro, maghapong nakayuko. ‘Di naman makatayo, ‘di naman makaupo…” Paunang linya ‘yan sa mga unang kantang itinuro sa amin noong ako’y nag-aaral sa mababang paaralan sa isang probinsya sa Norte. Para sa isang bata gaya ko noon, hindi ko gaanong mawari ang ibig sabihin ng kanta tungkol sa pagiging mahirap ng gawaing pagtatanim ng palay. Dahil ‘di ko naman direktang naranasan ito, bagkus ay nanonood lang ako sa mga may edad na babae sa pagbubunot ng mga punla (bunobon sa aming dialect) at mga lalaki…
Read MoreANG MASALIMUOT NA USAPIN SA BIGAS
(Unang bahagi) Wala na yatang panahong hindi mainit o masalimuot ang talakayan pagdating sa usapin ng bigas mula nang ako’y magkamuwang, lalo na itong huling dalawang dekada. Minsan, nariyan ang kakulangan ng bigas, sobrang taas ng presyo, habang lalabas na may nabubulok na tone-toneladang bigas sa imbakan ng isang ahensiya ng pamahalaan. May mga panahon ding parang blockbuster na pelikula ang bigas na pinipilahan ng mga tao sa iba’t ibang tindaan sa maraming bahagi ng bansa. Sa mahabang panahon, nakasentro ang mga usapin sa mataas na halaga, at madalas ay…
Read More