BAGYONG RAMON PA-EXIT NA, BAGYONG SARAH NASA PAR

BAGYONG USMAN-2
0

(NI ABBY MENDOZA)

SA loob ng 24-oras ay dalawang bagyo ang patuloy na magpapaulan sa Northern Luzon matapos pumasok na rin ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagong bagyong Sarah.

Sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA), humina na ang bagyong Ramon matapos itong maglandfall sa Cagayan.

Huling namataan ang Bagyong Ramon  sa may Roxas, Isabela, taglay ang hangin na 55 kph at pagbugso na 90 kph at  kumikilos sa bilis na 20 kph.

Mas hihina pa ang bagyong Ramon at  posibleng maging isang Low Pressure Area na lamang sa loob ng 24-oras at lalabas na ng bansa.

Umiiral na lang ang  Signal No 1 sa  Batanes, Cagayan, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur, kanlurang bahagi ng Isabela (Quezon, Mallig, Quirino, Roxas, San Manuel, Burgos, Aurora, Reina Mercedes, Luna, Cabatuan, San Mateo, Cauayan, Ramon, Alicia, Angadanan, San Isidro, Santiago at Cordon), Mountain Province, Benguet, Ifugao, La Union at Pangasinan

Samantala, ang bagyong  Sarah ay isa nang tropical storm.

Namataan ito sa  layong 640 km silangan ng Casiguran, Aurora,  may lakas ng hanging 65 kph; bugso na 80 kph at kumikilos ng 20 kph.

Dahil sa inaasahang pagtama sa lupa ng bagyong Sarah ay itinaas na sa signal No 1  ang silangang bahagi ng Cagayan at  hilagang-silangang bahagi ng Isabela.

 

Read More

‘RAMON’ NAKAPAGTALA NG SIGNAL NO 3 SA ILANG LALAWIGAN

BAGYONG USMAN-2
0

(NI ABBY MENDOZA)

ISINAILALIM na sa signal no 3 ang Northern Portion ng Cagayan dahil sa inaasahang paglandfall ng bagyong ‘Ramon’.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 Northern portion ng Cagayan, Signal no.2 naman sa Batanes, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur at  nakataas ang signal no 1 sa Mountain Province, Benguet, Ifugao La Union, at  Pangasinan.

Ang bagyo ay huling namataan sa Calayan, Cagayan, taglay ang 120 kph na lakas ng hangin at bugso na 75kph.

Martes ng gabi ito inaasahang tatama sa Babuyan Island.

Ayon kay weather specialist Raymond Ordinario, sa pag-landfall ng bagyo sa Cagayan ay hihina ito at tatahakin ang direksyon patungong Dagupan City at sa araw ng Huwebes ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kaugnay nito, nasa loob na ng bansa ang

binabantayang Low Pressure Area. Namataan ito sa layong 930 km ng Guiuan, Eastern Samar.

Inaasahang magiging bagyo ito sa loob ng 24 oras at tatawagin itong bagyong Sarah, ang ikatlong bagyo nitong buwan ng Nobyembre.

 

Read More

ILANG LALAWIGAN SIGNAL NO. 2 KAY ‘RAMON’

ulan55
0

(NI ABBY MENDOZA)

KASUNOD ng inaasahang landfall ng bagyong Ramon, ilang lugar ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 2 ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, napanatili ng bagyong Ramon ang lakas nito.

Itinaas na ang Storm Signal No 2 sa Cagayan, Northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga at Northern portion ng Ilocos Norte.

Ayon sa PAGASA ang mga nasa signal No 2 ay makakaranas ng lakas ng hangin na aabot sa 61kph hanggang 120kph sa loob ng 24 oras.

Nasa Signal No 1 naman ang nalalabing lugar sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mountain province, Ifugao, Northern Aurora at nalalabing bahagi ng Isabela.

Sa monitoring ng Pagasa, ang sentro ng bagyo ay namataan 160 km sa silangan hilagang-silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph, bugso na 105kph at kumikilos sa bilis na 10kph.

Nagbabala ang Pagasa sa mga daraanan ng bagyo na maging alerto dahil lalakas pa ang bagyong Ramon habang papalapit ang pagtama sa lupa.

Sa araw ng Miyerkoles lalabas ng bansa ang bagyong Ramon.

Nakataas din ang gale warning signal at ipinagbabawal ang paglalayag sa seaboards sa mga lugar na nasa ilalim ng storm warning signal gayundin sa Southern Luzon.

Samantala, sinabi ng Pagasa na isa pang sama ng panahon ang papasok sa PAR sa loob ng 24 oras,huli itong namataan 1,605 km sa silangan ng silangang-Visayas.

 

 

Read More

BAGYONG ‘RAMON’ BUMAGAL; 1 PA NAKAABANG

0

(NI JEDI PIA REYES)

NAPANATILI ng bagyong Ramon ang lakas nito habang mabagal na kumikilos patungong Cagayan area.

Batay sa huling severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga tatama sa kalupaan ang bagyo sa dulong bahagi ng Cagayan province.

Inaasahang babayuhin ng bagyong Ramon ang Northern Luzon sa Martes bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkoles. Ibinabala ng PAGASA ang mga pag-ulan simula sa Linggo hanggang Lunes.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 420 kilometro ng Silangan-Hilagang Silangan ng Casiguran, Aurora. Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 75 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana

Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca); Silangang bahagi ng Isabela (Maconacon

Divilacan, Palanan at Dinapigue); Hilagang Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan).

Samantala, patuloy namang binabantayan ang bagyong nasa labas pa ng PAR na may international name na Fengshen gayundin ang Northeast Monsoon o hanging Amihan.

 

 

 

Read More

LIBU-LIBONG PASAHERO STRANDED KAY ‘RAMON’

BAGYONG USMAN-2
0

(NI DAHLIA S. ANIN)

UMAABOT na sa mahigit 3,000 pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Bicol region dahil sa Bagyong ‘Ramon’.

Sa pagtatala ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa 3, 406 pasahero stranded sa Albay, (Tabaco Port-325, Pio Duran Port-153), Camarines Sur (Pasacao Port-30), Catanduanes (Virac Port-6, San Andres Port-1), Sorsogon (Bulan Port-16, Matnog Port-1237, Pilar Port-68), Northern Samar at Western Samar (Dapdap Port-143, Port of Balwarteco-704, Port of San Isidro-77, Port of Sta. Clara-646).

Suspendido rin ang operasyon ng mga rolling cargo vessels at motorbanca dahil sa sama ng panahon.

Mahigpit na ipinatutupad ng Philippine Coast Guard ang mga hakbangin na kailangan upang masigurong ligtas ang mga pasaherong maglalayag sa karagatan.

 

Read More

7 LALAWIGAN NASA SIGNAL NO 1; ‘RAMON’ LUMAKAS PA

BAGYONG USMAN-2
0

(NI ABBY MENDOZA)

MAS lumakas pa ang bagyong Ramon na isa nang tropical storm kung saan pitong  lalawigan ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 1.

Nasa ilalim ng tropical storm warning signal No 1 ang Eastern Samar, Northern Samar, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon.

Ang bagyo ay huling namataan sa Catarman Northern Samar, taglay nito ang lakas ng hangin na 55 km/h at bugso na 70kph.

Asahan umano na magiging maulan sa nasabing lugar kaya ibinabala ng PAGASA na maaaring magkaroon ng landslides at pagbaha.

Ayon kay PAGASA Weather Division Chief Esperanca Cayanan, Bicol Region at Eastern Visayas ang madaraanan ng bagyo kaya ngayon pa lamang ay dapat na maghanda ang mga local government units at mga residente sa posibleng paglikas kung kinakailangan.

“‘Yun pong mga lugar na basa pa ‘yung kanilang kabundukan, matataas pa ‘yung mga tubig sa kanilang ilog at sa kanilang mga reservoir, ay kailangan po talagang tutukan. Dahil ‘yung ulan na nakikita po natin, hindi man ito tuloy-tuloy na malakas, pero may pagbugso…. Maaring umuulan pala doon sa bundok at ito ay magdudulot ng pagbaha doon sa kapatagan…so kailangan po natin magbantay, maging handa,” pahayag ni Cayanan.

Nakataas din ang gale warning na nagbabawal sa paglalayag sa  mga maliliit na sasakyang pandagat kabilang sa Batanes, Cagayan, Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur,Isabela, Aurora at Camarines Provinces.

Kung hindi magbabago ng direksyon ang bagyo ay inaasahang sa araw ng Sabado ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility.

 

Read More

SA LOOB NG 48-ORAS, ‘RAMON’ LALAKAS PA

rain
0

(NI ABBY MENDOZA)

TULUYAN nang naging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa Virac, Catanduanes at pinangalanan itong bagyong  Ramon, ang ika 18 bagyo na pumasok sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo ay huling namataan 835km Silangan ng Virac, Catanduanes at 685 km Silangan ng Borongan City sa Eastern Samar.

Kumikilos ito sa bilis na 10kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 77kph.

Lalakas at magiging tropical storm ang bagyo sa loob ng 48-oras kung saan unang isasailalim sa Signal No 1 ang lalawigan ng Samar.

Itinaas din ng Pagasa ang gale warning signal sa eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.

Inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan ang Bicol, Romblon,

Marinduque at Quezon gayundin ang Isabela, Quirino, Aurora, Polilo Island, Camarines Norte at mahina pero tuloy tuloy na pag-uulan sa Aklan, Capiz, Romblon at Marinduque.

 

Read More