ALOK NG SOLON SA NAGREKLAMO NG RAPE VS. ‘SON OF GOD’: COUNSELLING SA ‘BIKTIMA’ NI QUIBOLOY

Rep Arlene Brosas-4

HINDI lang suporta upang lumantad at maghain ng reklamo ang alok ng Gabriela Party-list sa sinomang rape victim kabilang ang dalagang nagreklamo laban kay Pastor Apollo Quiboloy, pinuno ng Kingdom of Jesus Christ.

Ayon sa grupo, kailangan ding sumailalim sa counselling ang mga biktima ng rape.

Sa panayam ng PeryodikoFilipino Inc. (PFI) kay Cong. Arlene Brosas, bilang kinatawan ng kababaihan sa mababang kapulungan ng Kongreso ay sinabi niyang buong-buo ang kanilang suporta sa laban ng biktimang itinago sa pangalang Brenda laban kay Quiboloy.

Tiniyak din ng mambabatas na tututukan nila ang kasong isinampa ni Brenda sa National Prosecution Service Office of the City Prosecutor sa

Davao City, Davao del Sur laban kay Quiboloy, self-proclaimed ‘Son of God’.

Sa reklamo ng 21-anyos na si  Brenda, naganap umano ang panggagahasa sa kanya ni Quiboloy noong Setyembre 1, 2014 sa loob ng compound ng Jose Maria College dakong ala-1 ng madaling-araw. Labing pitong taong gulang pa lamang siya noon.

Pinangakuan umano ni Quiboloy ang biktima na pag-aaralin at dadalhin sa iba’t ibang lugar kung susundin palagi ang utos ng sinasabing “Almighty Father” o “Father’s Will”.

Bukod sa sekswal na pang-aabuso, inireklamo rin ng dalaga ang limang iba pa na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Pauline Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemanes sa pang-aabusong sinapit niya habang nagsisilbing ‘fulltime miracle worker’ sa simbahan sa edad na 12-anyos.

Kasabay nito, hinikayat ni Brosas si Brenda na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang maibigay ang mga nararapat na ayuda sa kanya.

Ayon sa mambabatas, ang kagustuhang ganap na matulungan ang mga biktima ng pang-aabuso ang nagtulak sa kanila upang amyendahan ang kasalukuyang batas at lalo pa itong palawakin.

Aniya, maraming kababaihan na biktima ng pang-aabuso ang hindi lumulutang sa maraming kadahilanan.

Kabilang sa mga ito ay ang kawalan ng lakas ng loob, kilala o malaking tao ang nang-abuso, kahihiyan at marami pang iba.

“Hindi ibig sabihin na nananahimik at hindi nagrereklamo ang biktima ay hindi na rape ang nangyayari, basta labag sa kanyang kagustuhan ay maituturing itong pang-aabuso,” dagdag pa ni Brosas.

Sa kabila nito, kinakailangan aniyang lumutang ang mga biktima ng pang-aabuso para mabigyan sila ng hustisya at maipakulong ang mga may sala.

“Mas maraming biktimang lumutang ay mas malakas ang kaso laban sa mga nang-aabuso,” pahayag ni Brosas.

Kaya naman binuksan ng mambabatas ang kanilang opisina sa #25 K10th, Brgy. West Kamias, Quezon City sa lahat ng kababaihan na biktima ng pang-aabuso.

Ayon pa sa mambabatas, handa silang tumulong sa kababaihang biktima ng pang-aabuso maging ordinaryo o opisyal man ng gobyerno ang gumawa nito. Sinabi pa niya na bagamat mabigat na ang kaparusahan sa mga nang-aabuso sa kababaihan ay mas palalawakin pa nila ang sakop  ng batas para mabigyang hustisya ang mga biktima. (JOEL O. AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

GABRIELA SA ‘RAPE VICTIM’ NI QUIBOLOY: ITULOY MO ANG KASO

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINIKAYAT ng grupo ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang biktima na ginahasa umano ng pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa kinatawan ng Gabriela Women’s Party sa Kamara na si Rep. Arlene Brosas, hindi pa umano kumpleto ang detalyeng natanggap nito hinggil sa rape case na isinampa ng isang 22-anyos na babae laban kay Quiboloy.

“Nevertheless the victim should pursue the case for justice. It’s only right to speak out lalo pa sa mga cases of rape and human trafficking,” pahayag ng lider ng mga kababaihan sa Kamara.

Base sa mga report, taong 2014 kung saan 17 anyos pa lamang ang biktima ay ginahasa umano siya ni Quiboloy habang nagtatrabaho bilang miracle worker sa nasabing religious group.

Sinabi ni Brosas na karapatan ng biktima na maghanap ng katarungan na mangyayari lamang kung hindi nito iaatras ang kaso na isinampa nito sa Davao region.

Bukod kay Quiboloy ay 5 pang lider ng KJC ang kinasuhan ng biktima ng sexual abuse at forced labor na kinabibilangan nina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Pauline Canada, Ingrid Ca­nada at Sylvia Cemañes.

Dumistansya ang Palasyo sa rape case na isinampa kay Quiboloy na kilalang malapit na kaibigan at supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Please follow and like us:
Read More

DU30 NAKIRAMAY SA PAMILYA NG NI-RAPE, PINATAY NA BABY

duterte123

(NI BETH JULIAN)

IKINALUNGKOT ng Malacanang ang malagim na sinapit ng isang batang lalaki sa San Antonio, Makati City na natagpuang patay at nakitaan ng senyales ng panggagahasa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ng bata ang Malacanang partikular si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinapit nito.

Ayon kay Panelo, ito ang dahilan kung bakit nais ng Pangulo na magtuluy-tuloy lamang ang  maigting na kampanya kontra ilegal na droga.

Iginiit ni Panelo na ang nasabing uri ng krimen ay hindi titigil kung hindi tuluyang mapupuksa ang mga sindikato ng ilegal na droga.

Gayunman, hindi naman nakikita ni Panelo na mayroong pagkukulang ang mga alagad ng batas sa pagsugpo ng ilegal na droga.

Depensa ni Panelo, sadyang mahirap puksain ang operasyon ng ilegal na droga kung hindi makikipagtulungan ang mismong taumbayan.

Aminado si Panelo na marami talagang naeenganyong pumasok sa kalakalan ng ilegal na droga dahil  tawag ng pangangailangan sa salapi.

Please follow and like us:
Read More

BABAENG OFW SA SAUDI NAHAHARAP SA BITAY

saudi12

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAPELA ang isang mambabatas sa Kamara sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na agad na magreport kapag nabiktima ang mga ito ng krimen upang maiwasang mapahamak sa huli.

Ito ang payo ni ACT-OFW party-list Rep. John Bertiz III kasunod ng kaso ng isang household service worker na Pinay sa Jeddah, Saudi Arabia na posibleng maharap sa parusang kamatayan matapos mamatay ang kanyang anak.

Nabatid na ang Pinay ay ginahasa at nabuntis umano ng isang dayuhan na driver ng kanyang employer at dahil sa takot ay itinago nito ang kanyang pagbubuntis hanggang sa manganak noong Pebrero subalit namatay umano ang anak nito.

“We send our deepest condolences to our fellow OFW in Saudi Arabia after the unfortunate incident that happened to her and her new-born child,” ani Bertiz subalit nangangamba ito sa kalagayan ng Pinay na ngayon ay nakakulong na sa nasabing bansa.

Sinabi ng mambabatas sa nahaharap ngayon sa kasong immorality at infanticide ang Pinay dahil sa pagbubuntis na walang asawa at pagkamatay ng kanyang bagong silang na anak.

May parusang kamatayan sa pamamagitan ng bitay ang ganitong mga kaso sa Saudi Arabia kapag napatunayan ang kanilang pagkakasala, ayon kay Bertiz.

Dahil dito, umapela si Bertiz sa gobyerno na ibigay ang lahat ng legal assistance sa hindi pinangalanang Pinay dahil maaari umanong maibasura ang kasong infanticide kung mapatunayang ginahasa ito ng driver ng kanyang employer kaya nabuntis.

Please follow and like us:
Read More

ISANG RAPE KADA ORAS; ANTI-RAPE LAW PALALAKASIN

RAPE1

(NI BERNARD TAGUINOD)

NABABAHALA ang grupo ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa patuloy na pagdami ng mga rape case sa bansa kung saan isang babae o bata ang nagagahasa bawat 72 minuto o higit isang oras sa bansa noong nakaraang taon.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, lumalabas na 20 babae o batang babae ang biktima ng rape kada araw base umano sa crime statistice mismo ng Philippine National Police (PNP).

“Despite the Duterte regime’s unrelenting campaign against drugs and criminals, rape statistics in the Philippines remains troubling, with one Filipina raped every 72 minutes, and thousands more sexually harassed especially in public places,”  ani Brosas

Nabatid na base umano sa hawak nilang dokumento, 2,962 ang naitalang rape cases ng PNP sa unang limang buwan ng nagdaang taon o mula Enero hanggang Mayo 2018 subalit naniniwala ang lady solon na mas malaki pa ang bilang ng mga biktima ng rape dahil karamihang hindi narereport sa pulisya ang mga biktima.

Lumalabas din ng umaabot na sa 56 pulis ang nasangkot sa rape o sexual abuses, hindi lamang sa mga babae kundi sa mga bata simula noong maluklok sa kapangyarihan si Duterte noong 2016.

Isa sa mga dahilan na sinisisi ng gobyerno kung bakit maraming nagagahasang babae sa mga nakaraang taon ay dahil sa ilegal na droga kung saan ang mga suspek ay karaniwang lango sa bawal na gamot.

Gayunman, sa gitna umano ng matinding giyera kontra ilegal na droga at marami ng adik ang napapatay, patuloy pa rin umano ang pagdami ng mga biktima ng rape sa bansa kaya isinisi ng mambabatas ang bagay na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil ginagawa umano nitong biro ang rape.

Dahil dito, iginiit ni Brosas na kailangang palakasin pa ang anti-rape law sa bansa upang maresolba ang problemang ito at maligtas ang mga kababaihan sa kamay ng mga rapist.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

“RAPIST’ NG PINAY SA SAUDI ARESTADO

rape200

NASA pulisya na umano ang sinasabing nan-rape sa Pinay worker sa Saudi Arabia base sa kahilingan ng Philippine Consulate General in Jeddah, ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang suspect na kumakatawan sa recruitment agency ng biktima ay inakusahan ng rape ng Pinay.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos, sinundo umano ang biktima sa Consulate shelter matapos umanong tiyakin sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) na maililipat sa ibang employer ang biktima. Gayunman, sa halip na dalhin sa bagong amo, dinala umano ang biktima sa hotel at doon ay paulit-ulit na pinagsamantalahan.

Tinutulungan na ng Consulate General ang biktima sa pagsasampa ng kaso.

Please follow and like us:
Read More

PINAY TUMAKAS SA EMPLOYER, NI-RAPE NG ARABO

rape

(NI ROSE PULGAR)

MALUPIT ang sinapit ng isang Pinay domestic helper matapos umano itong limang beses halayin ng isang Arabo na isang kinatawan ng isang recruitment agency na nag-deploy sa kanya sa Saudi Arabia.

Pansamantalang  hindi muna binanggit ang pangalang ng biktima na limang araw pa lang nagtatrabaho bilang kasambahay nang tumakas sa kanyang amo.

Nadakip naman ng mga awtoridad ang suspect na isang Arabo  matapos itong bolahin ng biktima na sumaglit muna sila sa tanggapan ng Philippine Consulate.

Base sa salaysay ng biktima, nakatakda sana siyang ihatid ng recruitment agency sa Riyadh para ilipat ng ibang employer subalit dinala ito sa isang hotel at doon siya pinagsamantalaan ng naturang Arabo.

Napag-alaman kay Labor Attache Nasser Munder, nagsumbong ang biktima sa isa nitong kasamahan na nasa Bahay Kalinga na siya aniya ay ginahasa.

Agad naman tinuruan ng OWWA Welfare Officers Marilyn Jamero at James Mendiola ang biktima sa gagawin para mapabalik sila ng konsulado kasama ang suspect.

Pagdating sa opisina ni Munder, nagwala ang biktima habang kinompronta naman ni Munder ang naturang suspect.

Kaagad din silang nagpatawag ng security at diplomatic guard para hulihin ang suspect.

Sa ngayon ay humihingi ng tulong ang biktima sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs at OWWA hinggil sa nangyaring panggagahasa sa kanya ng Arabo.

 

Please follow and like us:
Read More